Sunday, February 15, 2009

SEPT 22, 1892, JUAN LUNA KILLED HIS WIFE PAZ AND MOTHER-IN-LAW








">ALAY SA MGA OFWS SAAN MANG LUPALOP SA DAIGDIG

Ang bantog na Pinoy at pintor Juan Luna, kumatha ng SPOLIARIUM,
nakaisip ng bagong likha noong 22 Setyembre 1892....

Ang anak ni Donya Juliana, si Trinidad Pardo de Tavera,
tinaguriang isang "Brain of the Nation"
masugid sa programang Amerikanisason ng buong bansa

Napuna ni Marcelo del Pilar at tumuring na si Pardo ay
"isa roon sa mga kinakargahan pa lamang ang berso ay bali na
ang daliri sa pagtatakip ng tainga"--

Ay, naku, bilangin mo kung ilang daliri ang bali-bali
at baka mahigit sa siyam na milyong daliring bali-bali

Nilason si Juan Luna sa Hong Kong
Itanong mo sa multo ni Paz Luna, gumagala sa EDSA
sa mga lansangang sa Makati sa megamall
sa imburnal ng iyong kaluluwa

--E. SAN JUAN, Jr.

No comments: