Thursday, April 03, 2014

SINING AT PANITIKAN SA HARAP NG SINDAK AT PANGANIB

SINING AT PANITIKAN NGAYON  SA GILID NG BANGIN


-- ni E. SAN JUAN, Jr.


[Panayam sa Taboan 2014 Philippine Writers Festival, Pebrero 25, 2014, Subic Freeport Zone, Zambales]



      Kung sa anong dahilan, inatasan akong ilarawan ang situwasyon ng literatura--mas tumpak, ng awtor-- sa bingit o gilid...Ngunit bakit natulak dito? Hindi maihihiwalay ang gilid sa gitna; kapwa pook ng relasyon o ugnayan.

    May saysay pa ang mag-usisa kung ano ang diyalektikang proseso nito, ang pinagmulan at kahihitnan. Paano babansagan ang bawat hati ng panahon upang makatiyak sa ating pinanggalingan at patutunguhan? Nasaan tayo sa temporalisasyon ng kasaysayan?

     Siyasatin natin ang mapa ng panahunan. Tanggap ng lahat na pagkatapos ng krisis noong 1970, minarkahan ng pagkatalo ng U.S. sa IndoTsina, nagbago ang mundo sa pag-urong ng Unyon Sobyet sa antas ng "booty capitalism." Sumunod ang Tsina at Biyetnam, ngayo'y mahigpit na kasangkot sa pandaigdigang ikot ng akumulasyon ng tubo.

    Pumasok tayo sa panibagong yugto pagkaraan ng 9/11, ang pagwasak sa Twin Towers, New York; at paglunsad ng digmaan laban sa tinaguriang "teroristang" Al-Qaeda sa Iraq, Afghanistan, Pakistan, Yemen. Nasa bingit tayo ng giyera laban sa Rusya at Tsina, sa gitna ng away sa Syria, sa dagat Tsina, kasangkot ang Spratley at mga isla sa pagitan ng Hapon at South Korea.

     Samantala, maalingasngas ang usapin ng NSA surveillance, ng isyung nuklear ng Iran, pagpaslang ng sibilyan sa pamamagitan ng drone, atbp. Talagang tumitingkad ang krisis ng kalikasan, sampu ng paglusaw ng yelo sa Timog at Hilaga. Penomenal ang Yolanda, baha, lindol, bagyo sa Mindanao, at iba pang sintomas ng epekto ng kabihasnang pinaiinog ng exchange-value, salapi, tubo. Tanda ba ito ng bagong epoka, o pag-uulit lamang ng nauna at walang progresyon.

    Para kay Martin Heidegger, repetisyon ng tradisyon at mito ng lahi ang dulo ng pagpapasiyang umiral sa harap ng takdang kamatayan. Para kay Walter Benjamin, ang kasukdulan ng panahon ay pagputol sa repetisyon--sa opresyon at kahirapan--sa katuparan ng Ngayon, pagpapalaya sa pwersang sinupil o sinugpo sa araw-araw upang maligtas ang lahat.

Pagsabog ng Imperyo

     Isang tugon sa giyerang pinamunuan ng USA ang riff ng yumaong Amiri Baraka, "Someone Blew Up Amerika"  Kung may cybercrime law, tiyak na hinuli na ang makata. Matinding binatikos si Baraka, ngunit hindi natinag ito. Malago't matatag na ang tradisyon ng rebelyon ng grupong ito mula pa itinda ang nahuling katawan ng mga Aprikano sa pamilihan ng mga negosyante ng mga esklabos, ang simula ng kapitalismong global.
Ang barikada ng pagtatanggol ng karapatang magpahayag ay binabalikat ng mga manunulat sa larangang sinakop--Palestina, Iraq, Afghanistan, Libya, Yemen--at bansang patuloy na pinagnanakawan ng likas-yaman, tulad ng Pilipinas, Mexico, Columbia, at maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika.

     Nakapagitna ang taumbayan dito, hindi nasa gilid, bagamat ang sining/panitikan na may ambisyong tumiwalag sa gulo't kagipitan ng karaniwang tao ay naging luxury item. "Tubo ko'y sa sariling pagod," sabat ni Balagtas. At karamihan sa may mapanlikhang kakayahan ay napilitan o malugod na sumanib sa korporasyon at burokratang institusyong kumalinga't gumamit sa kanila.

    Sa gayon, nireplika ang sinaunang tungkulin ng mang-aawit ng tribung purihin ang hari at pagsilbihan ang makapangyarihang dinastiya o angkan.

    Lumang tugtugin na ito buhat ng ihudyat nina Flaubert at Baudelaire ang pagkabagot at pagkasuka nila sa kamyerdahan ng kanilang burgesyang lipunan. Posible lang iyon sa artisanong may kasarinlan sanhi sa pag-unlad ng pamilihan. Iyon ang ugat ng modernismong kilusan na di umano'y hinalinhan ng postmodernista't postkolonyalistang pananaw sa huling dekada ng siglo 20. May sariling pinagkukunan na ba ang postmodernistang artista? Sino ang awdiyens niya, paano siya nabubuhay?

Bagong Panahon, Bagong Moda?

      Sa umpisa ng bagong milenyo, postmodernistang pastiche at pinaghalong genre/sangkap pa ba ang gawi? Hindi ba nagbago na ang pangitain, hilig, panlasa ng publiko sa matinding dekonstruksion at demistipikasyon nina Marx, Freud, Nietzsche? At pantay-pantay ba lahat ng tendensiya sa sining?

    Sa tingin ko--tema ng pagsisikap ng avant-garde programa ng suryalismo, sitwasyonista, konseptualista, atbp.--ay talakayin ang problema: paano matatamo ang liberasyon ng pang-araw-araw na buhay, ang ordinaryong karanasan, sa komodipikasyon nito, sa isang banda, at sa pag-uulit-ulit nito upang manatili ang paghahari ng ilang nagmamay-ari. Paano mabubuwag ang bakod na humahati sa sining at lipunan, sa artista at karaniwang mamamayan?

        Bumalik tayo sa ilan temang nakakawing sa problemang napasadahan na.  Saan man mauwi ang kabihasnan, sa barbarismo o sosyalismo (ayon kay Rosa Luxemburg), kuro-kuro ng iba, magpapatuloy ang panitikan hanggang may wika o diskurso, kahit wala nang awtor. Di ba laos na ang awtor, ayon kina Barthes at Foucault, ngunit nariyan pa rin ang ecriture, sulatin, senyas/tanda o marka.

    Sa bisa ng artikulasyon ng mga senyas nabubuo ang kahulugan, ang diyalogo ng awtor at mambabasa. Marahil, ang opinyong ito ay ebidensiya ng sakit ng optimistikong utak at pesimistikong damdamin.

     Totoo ngang malubha ang lagay ng kalikasan ngayon, lubhang napinsala ng mapanirang sistema ng kapitalismong industriyal mula pa isilang ito noong 16 dantaon. Ginahasa ang kalikasan sa walang humpay na pagmimina at inalipin ng mga konkistador ang mga katutubo upang hakutin ang likas-yaman sa mga kolonya't gawing kapital sa akumulasyon ng tubong walang lohika o katwiran kundi kasakiman sa kapangyarihan. Kaya nga, mariing kinundena ni Dante sa Divina Commedia ang mga usurero at mga negosyante ng mapagkunwari o mandarayang gawa.

     Isinangla nga ni Doktor Faustus ang kaluluwa upang maging diyos habang hinahabol ang magayumang kariktan ni Helena, ang ideyal ng kagandahan.

       Sumunod ba ang artista, ang manunulat, sa landas na hinawan ni Doktor Faustus at nagkamal ng dunong at dangal sa kanyang panitik? Sinubaybayan ni Thomas Mann ang papel na ginampanan ng manunulat bilang nabighaning alagad ng pasistang lakas sa Europa noong krisis ng imperyalismo noong dekada 20-30 ng nakaraang siglo.

    Sa kabilang dako, inihayag naman ni James Joyce ang radikal na vocation ng artista bilang tagapanday ng konsiyensiya't budhi ng kanyang lahi. Si Joyce ay tubo sa Irlanda, kolonya ng Inglatera, na may mahaba't mayamang tradisyon ng himagsikan laban sa mananakop.

    Naisusog na ilang historyador na ang panitikang Ingles, English Literature, ay imbensiyon ng mga kolonisadong sabjek tulad nina Joyce, Yeats, Shaw, O'Casey, Beckett, at iba pang nakaluklok sa gilid ng imperyo.

Sindak at Balisa sa Modernistang Klima

     Sa imperyalistang bansa, ang perspektiba nina Mann, Andre Gide, Malraux, at nina TS Eliot, Ezra Pound, Virginia Woolf, atbp ang namayani. Samantalang sa bayang sinakop, ang prinsipyong tumututol at gumagala ni Joyce at Kafka ang nakanaig, simbolikong pagsalungat sa alyenasyon at mabangis na digmaang nagparusa sa daigdig noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Sumunod sa kanilang yapak ang postkolonyalistang manununulat tulad nina Gabriel Garcia Marquez, Chinua Achebe, Salman Rushdie, Wole Soyinka, atbp.
     Palasak nang itanong sa mga akademikong kumbersasyon: Lumipas na ba ang krisis ng modernismong estetika sa tagumpay ng Estados Unidos at mga kaalyado sa WW2 at nahalinhan na ba ng postmodernismong pananaw, estilo at paraan ng pagkilatis at pagpapahalaga sa sining?

    Ano ang hinaharap ng makabagong awtor sa panahon ng kapitalismong global, na inuugitan ng neoliberalismong ideolohiya, sa gitna ng giyera laban sa terorismong tutol sa hegemonya ng Kanlurang bansa? Nasa bingit ba ng kung anong sakuna o kapansanan ang manunulat?

      Bukod sa lugar, anong yugto o antas ng panahon ng kasaysayan ang lagay natin? Ito ang pinakaimportanteng paksang dapat pag-aralan at saliksikin upang matuklasan kung ano ang kinabukasan ng literatura, partikular sa Pilipinas bilang neokolonyal na pormasyong natatangi sa Asyang maunlad at industriyalisado. Pwede ring magkibit-balikat at sabihing walang mapapala sa ganitong pagmumuni, mabuti pang sumulat ayon sa dikta ng puso at hilig ng sensibilidad. Ok lang....

Krisis ng Imahinasyon

    Ating balik-tanawin ang predikamento ng mga awtor sa ating kasaysayan. Noong panahon ng krisis ng kapitalismong monopolyo noong dekada 1930-40, nahati ang pulutong ng petiburgis na intelihensiya sa dalawa: ang taga-suporta ng "art for art's sake," sina Jose Garcia Villa, A.E. Litiatco, atbp, laban sa progresibong grupo nina Salvador Lopez, Federico Mangahas, Arturo Rotor, at Teodoro Agoncillo. Ang dibisyong ito ay repleksiyon lamang ng paghahanay ng iba't ibang saray ng lipunan sa ilalim ng kolonyalistang rehimeng Komonwelt.

    Sa kabuuan, ang manunulat sa wikang bernakular ay kapanalig ng mga progresibong lakas ng anak-pawis at intelihensiyang nakaugat sa masa. Hanggang ngayon, ang wika ay larangan ng pagtatagisan ng samut-saring sektor sa lipunan.

      Nakaayon ang situwasyon ng awtor sa institusyonal na aparatong pang-ideolohiya: lathalaing pangmadla, iskwelahan, burokrasya, atbp.  Bagamat sunuran lamang ang rehimeng Quezon at mga oligarko sa utos ng Amerikanong amo, populista at makabayan ang dating ng kanilang mobiisasyon. Sinupil ni Quezon ang mga komunista.

    Ngunit nang lumaking panganib ang pasismo sa Europa at Hapon, napilitang humingi ng tulong si Quezon sa mga organisadong lakas ng manggagawa't magbubukid. Napilitang itaguyod o kaya'y akitin ang mga kasapi ng Philippine Writers League na nakikiramay sa pakikibaka ng mga anak-pawis. Sa paglalagom, hindi Doktor Faustus kundi Stephen Dedalus, o kaya mga karakter nina Turgenev at Gorki ang prototipo ng mga awtor noon.

      Kung sa bagay, sumasalamin lamang ito sa matibay na pagsanib ng intelektwal (ilustrado) sa mobilisasyon ng taumbayan, tulad ng inasal nina Rizal, Del Pilar at mga Propagandista, hanggang kina Lope K Santos, Faustino Aguilar, Jose Corazon de Jesus, at Benigno Ramos. Samakatwid, kung nakabungad sa krisis, nakasandal o nakasalig ang kapalaran ng awtor sa kalagayan ng madlang tumatangkilik sa kanyang akda.

    Sanhi sa di-pantay at masalimuot na pagsulong ng ekonomiyang pampulitika, sa aking palagay, hindi malalim o maselan ang agwat ng awtor sa mga institusyong publiko na naglilingkod sa madla--liban na lamang sa mga akademikong milieu nina Villa, Arcellana, atbp. Gayunpaman, salungat din ang estetikong pormalismo nina Villa at mga kapanalig sa instrumentalismong kultura ng korporasyon at materyalistikong konsumerismo ng metropole.

Ilugar ang Panahon at Sukatin

     Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos lahat ng manunulat ay kalahok sa pakikibaka laban sa pananakop ng mga tropang Hapon. Noong liberasyon, ang dalawang arketipo ng awtor ay kinatawan nina Amado Hernandez, peryodista at unyonista, at Alejandro Abadilla, huwaran ng indibidwalistikong manlilikha ngunit partisano ng wikang pambansa.

    Batay sa karanasan ni Abadilla sa Amerika noong dekada 20 at sa bukod-tanging okupasyon niyang maliit na negosyante, humiwalay si AGA sa kalakarang pakikisangkot at tumambuli ng kanyang personal na pagtingin sa tradisyong itinuring na makaluma, konserbatibo, de-kahon o nahuhuli sa takbo ng panahon.  Ito ang padron ng avant-garde: gawing bago ang akda, tumalikod sa nakaugalian, baklasin ang lumang regulasyon at panuntunan, gibain ang bakurang humihiwalay sa sining at madla. 

    Ang temporalisasyon ng kasaysayan ay pag-uulit ng nakaraang karanasan. Ngunit sino ang sumusukat o tumitimbang sa agos ng panahon at paano ito nababansagan na makaluma o makabago?  Makatatakas ba tayo sa rutang siklikal? Makaiiwas ba tayo sa bingit o gilid sa ibang konseptuwalisasyon ng makabago, ng modernidad, ng kontemporaneo?

     Ito ang dapat talakaying maigi--ang temporalisasyon ng historya at uri ng modernidad na nadalumat at isinakatuparang isatitik o isatinig--upang maipaliwanag ang kinabukasan ng awtor sa gitna ng krisis ng buong lipunan.

    At ang krisis na ito ay di pansamantala lamang kundi permanente, batay sa buod ng sistemang kapitalista: ang walang hintong pagbabago ng paraan o mekanismo ng produksiyon, ang walang tigil na pagsulong ng imbensiyon ng mga gamit sa produksiyon, ng teknolohiya, at mga produktong ipinagbibili sa pamilihang pandaigdig. Ito ang saligan ng modernidad, ng mabilis na pag-iiba at transpormasyon ng mga bagay-bagay at kapaligiran.

Pagpasok sa Kosmos ng Cyberspace

      Dumating na tayo sa epokang digital at mabilisang komunikasyon. Sa yugtong ito ng kapitalismong nakasalig sa teknolohiya ng kompyuter at dagling impormasyon, nasaan ang posisyon ng awtor? Kahit man tumutol sina Arundati Roy o Harold Pinter sa imperyalistang karahasan sa Iraq, Afghanistan, Yemen, o sa bilangguan sa Abu Ghraib at Guantanamo, ginawa na bang instrumento lamang ang salita, wika, diskurso, sa program ng World Bank/IMF at WTO? Saan nakapuwesto ang awtor sa malalang krisis ng neoliberalismong mapang-usig?

    Isang tugon sa bagong yugto ng kasaysayan, ang paglaganap ng kompyuterisadong komunikasyon at digital text-based environment, ang WEB, ay yaong conceptual writing nina Kenneth Goldsmith, atbp. Nagmula ito sa conceptual art nina Sol Lewitt, Joseph Kosuth, Robert Smithson, Andy Warhol, atbp noong dekada 1960-70, na taglay ang mahabang genealogy buhat kina Mallarme, Stein, Marcel Duchamp, Beckett, Burroughs, John Cage, OULIPO, atbp. (Sangguniin ang antolohiya nina Craig Dworking & K. Goldsmith, AGAINST EXPRESSION, Northwestern U Press, 2013 at kritika ni Marjorie Perloff at POETRY magazine sa Internet).

    Ang susing argumento ni Goldsmith, hango sa manifesto ni Sol Lewitt, ay ito: Pinagaan at pinahusay ng digital networking sa broadband ang paraan ng pagkopya at pag-angkin /paghalaw (appropriation; detournement), pagputol at pagdikit. Sa iba, plagiarism ito, pagnakaw ng gawa ng iba. Pahayag ni Goldsmith (p. xix). Dagdag pa niya: "The idea becomes a machine that makes the text." Ang konsepto ang gumagabay sa pagbuo ng produkto. Ipinatapon o binasura na ang subjectivity ng awtor, kaakibat ang paniwala na ang likhang-sining ay ekspresyon ng diwa, imahinasyon o ispiritu ng artista.

          Nakasentro ang konseptuwal na gawa sa konteksto /sitwasyon at proseso. Isinaisantabi ang mga lumang kategorya ng genre, dekorum sa estilo, pati na rin ang pagkakaiba ng medium o instrumento sa pagpapahayag (pinta, salita, musika, galaw at iba pang senyas/tanda). Mahalagang layon nito ang pagbuwag sa pribadong pag-aari sa sining bilang komoditi at pagsira sa bakurang humahati sa ekslusibong larangan ng sining at ordinaryong daigdig ng karaniwang pamumuhay.

    Ipinagpapatuloy ng panitikang konseptuwal ang mithiin ng avantgarde mula pa sa pagsilang ng modernidad sa kasukdulang antas ng kapitalismong industriyal noong ika-19 dantaon.

    Maraming uri ng panulat konseptuwal at kahibangang tangkaing ilagom ang barayti nito sa sipat ni Goldsmith. Marami ring teoryang nagpapaliwanag sa iba't ibang pagsubok sa ilalim ng bandilang konseptuwal at postkonseptuwal.  Sa aking palagay, nailagom na ito ni Walter Benjamin sa kanyang sanaysay, "Art in the Age of Mechanical Reproduction." Panukala ni Benjamin na sa pag-unlad ng teknolohiya, ng mga kagamitan sa paglalathala, brodkasting at komunikasyon, nalusaw ang "aura" ng sining at na-democratize ang dating pribilehiyong sanktwaryo ng sining.

    Gayunpaman, alam ng lahat kung paano madaling nakolonisa muli ito. Naging selebriti sina Warhol at mga "high priests" ng Abstract Expressionism, Pop Art, Minimalist Art, at pati na rin ng Conceptual Art. Nabigo ang adhikaing ikinabit ni Benjamin sa suryalismong avantgarde, laluna ang mga eksperimental na pagsubok sa potograpiya at pelikula.

Eksperimentasyon at Pakikipagsapalaran

    Sa tingin ko, hangarin nina Goldsmith, Vanessa Place at iba pang praktisyoner ng panulat konseptuwal ang labanan ang alyenasyon at anomieng dulot ng buhos ng impormasyon, teksto, diskurso. Nais nilang ipaibabaw ang kanilang intuisyon, isip, o galing intelektuwal upang masugpo ang baha't pagsambulat ng wika at iba pang senyas sa Web na pinapatnubayan ng interes ng korporasyon at akumulasyon ng tubo o kapital.

    Walang kontrol sila roon, ngunit itinuring nila na pwedeng maikontrol nila ito sa deklarasyong ang konsepto o iskemang sumungaw sa ulirat ang siyang ugat/bukal ng kahulugan, katuturan, halaga, ng kanilang niyaring diskurso/produkto. Ito ba'y ilusyon o pantasya lamang?

    Tila nakalimutan nila ang isang payo ni Benjamin sa kanyang akdang "The Author as Producer." Upang makahulagpos sa diktadurya ng tekstong inuugitan ng kapangyarihan ng salapi, kailangang sunggaban ng mga manunulat ang gamitan sa produksiyon--imprenta, kompyuter, software, atbp.--upang magamit ang mga ito sa kalayaan at kabutihan ng lahat ng tao, hindi lamang iilan.

Hamon ng Kinabukasan

    Ngunit sa halip na gawin ito, pinababayaan ng mga artistang konseptuwal ang patuloy na paghahari ng korporasyong siyang nagdidikta ng Web at Internet, sampu ng gobyernong may kontrol ng mabisang teknolohiya. Nagkasya na lamang silang ipagbunyi't itanghal ang birtud o galing ng kanilang utak/kamalayan.  Hanggang ngayon, ang matinding hamon ni Benjamin ay naghihintay pa ng karampatang kasagutan.--###

Sunday, March 09, 2014

MAKABAYANG PANITIKAN, REBOLUSYONARYONG SINING

MAKABAYANG PANITIKAN, REBOLUSYONARYONG SINING
--ni E San Juan,Jr.



Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang halaga ng makabayang panulat sa panahon ng globalisasyon, panahon din ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta.

Panahon din ito ng paglantad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patuloy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interbensyong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito.

Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na talakayin natin sa Open Forum, sa pagpapalitang-kuro.

1.  Bagamat kunwaring may kasarinlang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyerno sa poder militar ng US, at sa mapagpasiyang kapangyarihan nito sa WB /IMF, WTO, G-7, UN, at konsortiya ng mga bangko't nagpapautang na mga ahensiya.

2.  Sa pandaigdigang situwasyong ito, nakalukob tayo sa panahon ng malubhang krisis ng kapitalismong pampinansiyal. Ebidensiya ang pagbagsak ng Wall Street, pangalawa sa nakaraang siglo, noong 2008. Mas maselan ito kaysa noong 1929. Napipinto pa raw ang isang mas mapanira't katastropikong pagbulusok sa hinaharap.

3. Bagamat ibang porma't paraan ang akumulasyon ng kapital, ng tubo, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon, sa tulong ng kompyuter at Internet, at konsumerismong namamalas na pangunahing aktibidad sa lipunan---laluna sa mga siyudad sa atin na siksikan na ang malls, trapik, gusaling "call centers," atbp--nakasentro pa rin ang sistemang global sa pagkamal ng nagmamay-ari sa surplus-value na nagmumula sa di-binayarang trabaho ng karamihan. Kasama na ang "service workers," OFW--mahit 12 milyong Pilipino sa Saudi, Hong Kong, at saanmang lupalop. Sa kanilang remitans nakasandig ang ekonomya ng bansa.

Sa ibang salita, ang tubo o kapital ng uring kumukontrol sa malalaking gamit/paraan ng produksiyon, ay hinuhugot pa rin sa lakas-paggawa ng mayorya, ang mga anakpawis, magbubukid, at mga propesyonal na bumubuo sa panggitnang saray, ang petiburgesya.

4.  Ang pinakaimportanteng katangian ng kapitalismo, ayon kay Marx, na siyang birtud na nagtutulak sa tinaguriang "modernization" at "development," at humuhubog ng kultura, lifestyle, at araw-araw na pamumuhay at ito: walang tigil na transpormasyon ng modo ng produksiyon, walang patid na pagbabago ng kagamitan at proseso ng produksiyon ng lahat ng bagay, at reproduksiyon ng relasyong panlipunan/ugnayan ng mga tao.  Ang rebolusyong ito ng "mode of production" na kailangan sa kompitensiya ng iba't ibang paksyon o grupo ng burgesya,  ang saligan ng modernidad sa estilo ng buhay, ng kultura. Sintomas ng pagbabago ay masisilip at makakapa sa dalumat ng ideolohiya.

5.  Ang panitikan ay isang porma ng ideolohiya, tulad ng relihiyon, politika, palaruan/palakasan, mass midya, atbp. Ang namamayaning ideolohiya saanmang lipunan ay instrumento ng naghaharing uri, sa atin ang oligarko, pyudal na maylupa, komprador-burokrata, na kumokontrol sa Estado, hukuman, at sandatahang puwersa nito.

Gayunpaman, sa panitikan bilang ideolohiyang tanghalan o teatro naisisiwalat ang tunggalian ng mga uri, ang iba't ibang hugis, anyo, at proseso ng mga kontradiksiyon sa lipunan. Ang dating at bisa ng literatura ay nakasalig sa malikhaing paghawak at paggamit sa wika.
Sa tawag nito ginagawang sabjek ang indibidwal na nagtataglay ng kamalayang magpasiya't kumilos. Nagkakamalay tayo sa loob ng teksto/diskurso, tumatalab ito sa ating interpretasyon at pagtatasa.

6. Sapagkat sa ordinaryong karanasan, ang tunay na pagtatagisan ng mga uri at sektor sa lipunan ay nakatago o natatabingan ng petisismo sa komoditi--ang buong mundo ng salapi, negosyo, pagpapalitan ng binili-ipinagbili--sampu ng mistipikasyon ng realidad dulot ng relihiyon, pyudal na gawi't paniniwala (demokrasya raw tayo)--katungkulan ng mapagpalayang awtor ang wasakin ang tabing na nagtatago sa katotohanan: ang paghahati ng lipunan sa ilang mayamang nagsasamantala, at karamihang aping binubusabos. Pagwasak ng mga ilusyon at kababalaghang pumapalamuti sa mandaraya't  mapanlinlang na burgesyang orden.

7. Paglimiin ang adhikain ng makabayang awtor: sikapin niyang ibunyag ang katotohanan ng neokolonya, ang patuloy na pagsunod ng oligarkong namumuno sa utos ng US at pagpapailalalim ng kapakanan ng taumbayan sa interes ng korporasyong global.

8.  Ang wika ng panitikan ay madugong larangan din ng paglalaban ng mga uri, ng burgesyang gamit ang Ingles bilang sandatang ideolohikal sa pagsuhay sa buong istruktura ng palsipikadong soberanya at walang hustisyang demokrasya.

Araw-araw, sa TV, Internet, pelikula, at iba pang midya, ang wikang ginagamit--na nakakabit sa mga imahen, dramatikong eksena, performance art, awit, at komplikadong salik ng pelikula, ang wika ang makapangyarihang umuugit ng mensahe na siyang nagtutulak sa ating kumilos, magsalita't gumanap ng isang tiyak na papel sa lipunan, partikular na ang maging konsumer at masunuring mamamayan. Mapang-akit at mapang-gayuma ang nangingibabaw na kakintalan, ang impresyon ng kapaligirin, na nakasaplot sa katotohanan-- kailangang hubarin ang balat-kayo, ang saplot ng pagkukunwari't panlilinlang ng burgesyang ideolohiya.

9.  Ang halimbawa ng AGOS SA DISYERTO ay isang katibayan na ang malikhai't mahusay na artikulasyon ng konsepto sa wikang umaabot sa nakararaming mambabasa--ang wikang sinasalita ng taumbayan--ang siyang mabisang kagamitan sa pagpukaw ng mapanuring kamalayan, ng mapagmalasakit na damdamin, upang makatulong sa edukasyon ng nakararami at mobilisasyon sa mga kolektibong proyektong makapagsusulong at makapagpapabuti sa pulubing kalagayan ng nakararami.

10.  Sa panahon ng globalisasyon, sa mas mabilis at mabilisang pagbabagu-bago ng lahat ng bagay, sa disyerto ng mall at mga "Global City" na itinatayo sa guho ng mga tahanan ng maralitang taga-lunsod at sa bukid na inagaw sa mga magsasaka, kailangan ang mapangahas at subersibong panulat upang tuklasin ang katotohanan at itanghal ito sa panunuri't pagkilatis, pagtimbang at pagpapahalaga, ng taumbayan. 

Mapanghamong tawag ito na hinihingi ng sitwasyon, isang pagkakataon kung saan ang diskurso ng manunulat, kritiko't guro ay makapagsisilbi sa tunay na ugat at bukal ng kanilang imahinasyon, ang simpleng araw-araw na buhay ng masang yumayari ng kayamanan ng lipunan, ang proletaryo't magsasaka ng bayang naghihimagsik.

Mabuhay ang masang lumalaban!--2/22/2014--ESJ###

Saturday, March 08, 2014

MODERNIDAD & GLOBALISASYON /Modernity & Globalization

MODERNIDAD AT GLOBALISASYON: Diyalektika ng Panahon at Lugar

ni E. San Juan, Jr.

Prologo

    Tila kabalintunaan ang nangyayari ngayon.  Singkahulugan ng modernidad ang katwiran at pagkamakatao, sagisag ng pagsulong ng kabihasnan.  Sa malas, batay sa krisis sa Ukraine, Syria, patuloy na digmaan sa Afghanistan, Mindanao, at hidwaan tungkol sa China Sea, umuurong na tayo mula sa modernidad tungo sa barbaridad, mula globalisasyon tungo sa kumprontasyon ng mga makasariling bansang nagpipilit ng kanilang natatanging etnisidad na namumukod sa iba.  Kabaligtaran nga.

    Ibungad natin ang problemang bumabagabag sa atin: Anong uri ng modernidad ang taglay ng Pilipinas? Kaugnay nito, paano mapapalaya ang potensyal ng ordinaryong araw-araw na buhay ng bawat mamamayan?
   
    Isang anekdotang may masusing pahiwatig ang ibabahagi ko muna. Kamakailan, sa isang workshop ng mga manunulat sa TABOAN 2014 (pagtitipon ng mga manunulat sa Subic Free Port, Zambales) tungkol sa pagsasalin, naitanong ko sa panel: "Pare-pareho ba o magkakapantay ang lahat ng wika na magagamit sa pagsasalin?" Di umano, isang inosenteng tanong. Tugon sa akin ng dalawang kasali roon: "Oo, pare-pareho, walang wikang nakahihigit sa iba. "Ibig sabihin, Ingles, Cebuano, Pranses, Intsik, Ruso, Aleman, lahat iyan ay magkakapantay-pantay...

    Saan ba tayo nakatira? Anong petsa ba, saang lugar? Nakakalito nga. Tingnan ninyo: bagamat ang Subic ay isinauli na sa Filipinas, patuloy pa rin ang paggamit noon ng Kano sa taun-taong Balikatan Exercises, pati Clark at iba pang base sa buong sangkapuluan. Gayunpaman, una munang pinagkaabalahan ng mga nagpupulong ang PX goods at aliwang karaoke sa Olongapo, hindi ang VFA at patuloy na interbensiyon ng US sa ating soberanya. Kaya patas ba ang neokolonya at bansang nagdidikta ng kondisyon ng VFA (Visiting Forces Agreement) sa gobyerno ni Presidente Aquino?

    Himayin natin ang sitwasyon. Sa perspektiba ng lingguwistika, tama, bawat wika ay nagsisilbing sapat sa pangangailangan ng grupong gumagamit nito. O sa layon ng partikular na pagsasalin. Ngunit ang wika, anumang senyas na may kargadang kahulugan, ay hindi nakalutang sa himpapawid o sa pantasiya; nakaugat ito sa espasyong may tiyak na lugar at panahon. Sa globalisasyon ng mundo sa ilalim ng IMF/WB at mga higanteng korporasyon, walang pasubaling global Ingles ang namamayani. Hindi lengguwaheng Intsik, Ruso, Hapon, Pranses, Aleman, Espanyol, o Filipino.... Bakit nagkaganito?

Punto de Vista sa Pagsasaliksik

    Dalawang mungkahi.  Una, palagay ko'y hindi natin masasagot iyong tanong kung hindi susundin ang ilang gabay o paalala.

    Una, ilagay sa konkretong konteksto ng kasaysayan ng lipunan ang wika o anumang usaping pangkultura.  Pangalawa, hindi uubra ang indibidwalistikong pananaw (methological individualism) kung nais natin ang malawakang kontekstuwalisasyon at praktikang paghuhusga. Bakit? Sapagkat ang lipunan ay hindi koleksiyon ng hiwa-hiwalay na atomistikong indibidwal. Binubuo ito ng artikulasyon ng ugnayang panlipunan na may kasaysayan, may lumipas at kinabukasan.

    Sa madaling salita, kontekstuwalisasyon sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan at pagtutok sa proseso ng panlipunang relasyon ang dalawang bagay na dapat idiin sa ating pag-aaral ng modernidad. Kung hindi, arbitraryong hatol ng metapisikang pag-iisip ang maghahari.
   


Pagtugis sa  Kasalukuyan

    Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang sitwasyon ng Filipinas, ang katayuan ng lipunan at kultura nito, sa panahon ng globalisasyon. Panahon din ito ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta. Bagamat global ang pananaw, isang sipat na bumabagtas sa bakuran ng mga bansa, lokal pa rin ang pokus ng analitikong pagsusuri ng ispesipikong buklod ng mga pangyayari at tauhan. Nakaangkla sa praktikang dalumat ng mga kolektibong lakas.

    Panahon din ito ng paglantad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patuloy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interbensyong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito. Nakapanig pa rin ang Filipinas sa Global South, nakapailalim pa rin sa mga industriyalisado't mayamang bansa.

    Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na talakayin natin sa pagpapalitang-kuro hinggil sa usapin ng suliranin ng modernidad.

        Nasaan tayo sa hirarkiyang internasyonal? Bagamat kunwaring may kasarinlang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyerno sa poder militar ng US, at sa mapagpasiyang kapangyarihan nito sa WB /IMF, WTO, G-7, UN, at konsortiya ng mga bangko't nagpapautang na mga ahensiya.

    Sa pandaigdigang situwasyong ito, nakalukob tayo sa panahon ng malubhang krisis ng kapitalismong pampinansiyal. Ebidensiya ang pagbagsak ng Wall Street, pangalawa sa nakaraang siglo, noong 2008. Mas maselan ito kaysa noong 1929. Napipinto pa raw ang isang mas mapanira't katastropikong pagbulusok sa hinaharap na makapagbabago sa kultura't ideolohiyang pumapatnubay sa kasalukuyang modernidad. Dito nakalakip ang modernidad ng lahat ng bansa.

 Akumulasyong Walang Ginagalang

     Maingay ang konsumerismong namamalas na pangunahing aktibidad sa lipunan---laluna sa mga siyudad sa atin na siksikan na ang malls, trapik, gusaling "call centers--kaya tila nakalimutan na ang basehan nito. Paglago ng tubo ang siyang lohika pa rin ng lipunan.

    Bagamat iba't ibang porma't paraan ang akumulasyon ng kapital, ng tubo, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon, sa tulong ng kompyuter at Internet, nakasentro pa rin ang sistemang global sa pagkamal ng kapitalista sa surplus-value na nagmumula sa di-binayarang trabaho ng karamihan. Iyon ang bukal ng tubo/profit. Kasama na rito ang "service workers," OFW--mahigit 12 milyong Pilipinong empleyado sa Saudi, Hong Kong, at saanmang lupalop, pati sa mga barkong nagdadala ng langis at mga produktong ipinagbibili (kabilang na ang armas, bomba, tear gas, atbp).

    Sa patuloy na lumalaking remitans nakasandig ang ekonomya ng bansa--dagdag ang "call centers" at iba pang "business outsourcing." Walang matibay o malusog na produksiyon ng makina, ng malaking kagamitan sa industriya, sa atin kundi mga mall, ispekulasyon sa real estate, at "service industry" ng turismo, atbp.

    Sa ibang salita, ang tubo o kapital ng uring kumukontrol sa malalaking gamit/paraan ng produksiyon, ay hinuhugot pa rin sa lakas-paggawa ng mayorya, ang mga anakpawis, magbubukid, at mga propesyonal na bumubuo sa panggitnang saray, ang petiburgesya. Dito nakasalalay ang modernidad ng ordeng internasyonal.

Buod ng Modernidad

      Ang pinakaimportanteng katangian ng kapitalismo, ayon kay Marx, na siyang birtud na nagtutulak sa tinaguriang "modernization" at "development," at humuhubog ng kultura, lifestyle, at araw-araw na pamumuhay ay walang iba kundi ito: walang tigil na transpormasyon ng modo ng produksiyon, walang patid na pagbabago ng kagamitan at proseso ng produksiyon ng lahat ng bagay, at reproduksiyon ng relasyong panlipunan/ugnayan ng mga tao.  Nakasalalay dito ang pagsulong ng lipunan, ang paghahati ng panahon.

    Sa maikling salita: "Everything solid melts into air...." proklamasyon ng Communist Manifesto. Pangkalahatang pagbabago, pag-iiba.

    Nais kong salungguhitan ang katotohanang naipaliwanag na nina Marx, Engels, at sinaunang pantas tulad nina David Ricardo, Saint-Simon, at iba pa. Materyalistikong diyalektika ang nagsisiwalat sa rebolusyong nagpapasulong sa kasaysayan ng mundo. Ang rebolusyong ito ng "mode of production" (na umuugit sa kompitensiya ng iba't ibang paksyon o grupo ng burgesya) ang saligan ng modernidad sa estilo ng buhay, ng kultura, ng sensibilidad at mentalidad ng bawat lipunan.

    Sintomas ng pagbabago ay masisilip at makakapa sa larangan ng ideolohiya--relihiyon, pulitika, sining, mass midya, atbp.--kung saan nakikita, nararamdaman, natutuklasan ang pagtatagisan ng ibat ibang pwersa sa lipunan sa bawat yugto ng kasaysayan. Ang modernidad ng globalisasyon ay nagkakatawan sa tekstura't istraktura ng ideolohiya.

Metamorphosis ng Kapaligiran

    Bumalik tayo sa tema ng lugar at panahon. Pwedeng ituring na alam natin kung nasaan tayo. Kung di ninyo alam, konsultahin ang GPS, o inyong cellphone. Kung sa bagay, nagtatalo pa rin ang mga akademiko hinggil sa diyalektika ng "place" (lugar) at "space" (espasyo) sa isyu ng globalisasyon. Dahil nga sa kompyuterisasyon, nakompress ang espasyo--ayon kay David Harvey sa kanyang librong The Condition of Postmodernity--kaya panahon, bilis ng pagkitid ng espasyo, dagliang transaksyon--ang makatuturang problemang kinakaharap natin ngayon, ang "politics of time."

    Ginawang larangan ng pagsukat at pagtimbang ang bawat bahagi ng kasaysayan, ang pagkilala sa bahagdan ng kasaysayan. Paano babansagan ang bawat hati ng panahon upang makatiyak sa ating pinanggalingan at patutunguhan? Nasaan tayo sa temporalisasyon ng kasaysayan? Bakit importante na nasa unahan tayo at hindi sa huli? Paano ang pagkilala sa huli at una? Ano ang bentaha nito, ano ang implikasyon?

       Siyasatin natin ang mapa ng panahunan. Tanggap ng lahat na pagkatapos ng krisis noong 1970, minarkahan ng pagkatalo ng U.S. sa IndoTsina, nagbago ang mundo sa pag-urong ng Unyon Sobyet sa antas ng "booty capitalism." Sumunod ang Tsina at Biyetnam, ngayo'y mahigpit na kasangkot sa pandaigdigang ikot ng akumulasyon ng tubo. Pumasok tayo sa panibagong yugto pagkaraan ng 9/11; at paglunsad ng digmaan laban sa tinaguriang "teroristang" extremists--giyera sa Syria, Palestina-Israel, at laban sa Iran ukol sa langis, petroleo, na pangunahing enerhiya pa rin sa pabrika.

    Sa ngayon, nasa bingit tayo ng giyera laban sa Rusya at Tsina--sintomas lahat ito na patuloy na kompetisyon ng mga paksyon ng kapitalismong global hinggil sa pamilihan ng komoditi, kung saan ipagbibili ang yaring produkto, at kung saan kukuha ng hilaw na materyales sa produksiyon. Sa kontekstong ito, mabilis ang pagbabago ng kagamitan sa produksiyon at pagsasakatuparan sa paghango ng tubo/profit. Mabilis din ang buhos at agos ng penomenang kaakibat nito sa anyo ng kultura ng araw-araw na kabuhayan.

Digmaan sa Arena ng Kultura

     Samantala, maalingasngas ang usapin ng NSA (National Security Administration ng U.S.), espiya o surveillance, tortyur, at kagyat na asasinasyon o pagpaslang ng sibilyan sa pamamagitan ng drone, atbp. Talagang tumitingkad ang krisis ng kalikasan, sampu ng paglusaw ng Artika at Antartika. Penomenal ang Yolanda, baha, lindol, bagyo sa Mindanao, at iba pang sintomas ng epekto ng kabihasnang pinaiinog ng exchange-value, salapi, tubo.

    Tanda ba ito ng bagong epoka, o pag-uulit lamang ng nauna at walang progresyong pag-inog na kasaysayan?

    Walang tigil na pag-uulit ng araw-araw na buhay o pagbabago--alin ang ating oryentasyon? Saan tumutungo ang takbo ng panahon, ang gulong ng kasaysayan? Para sa konserbatibong modernista (tulad ni Martin Heidegger), repetisyon ng tradisyon at mito ng lahi ang dulo ng pagpapasiyang umiral sa harap ng takdang kamatayan. Ito ang solusyon sa eksistensiyalistang kilabot. Ang mito ng Volk ay siyang kalutasan sa angst ng tiyak na pagsapit ng itinakdang kamatayan. Nalutas ang indibidwal na kapalaran sa mistipikasyon ng dugo't lupa ng Volk. Ito ang doktrina ng Nazi sa Alemanya noong nakaraang siglo.

       Maraming kategorya rin ng transpormasyong titigil sa repetisyon ng araw-araw na buhay.  Para sa radikal na modernista (tulad ni Walter Benjamin), ang kasukdulan ng panahon ay pagputol sa repetisyon--sa opresyon at kahirapan--sa katuparan ng Ngayon, pagpapalaya sa pwersang sinupil o sinugpo sa araw-araw upang maligtas ang lahat. Rebolusyong radikal ang kailangan.

    Maraming paraan ng liberasyon ng araw-araw na buhay, na makikita sa avant-garde na kilusan ng suryalismo, futurismo, situwasyonismo, sining konseptuwal, atbp. Kaalinsabay nito ang mga rebolusyonaryong proyektong pampulitika ng mga anarkista, sindikalista, at sosyalistang nilagom nina Marx, Lenin, Gramsci, Luxemburg, Mao, atbp.

Karnabal  ng Pakikipagsapalaran

          Anong yugto ng kasaysayan tayo ngayon? Saang dako ng proseso ng modernidad (hindi modernisasyon) nakahinto ang bansang Pilipinas?

    Ang temporalisasyon ng kasaysayan ay pag-uulit ng nakaraang karanasan. Ngunit sino ang sumusukat o tumitimbang sa agos ng panahon at paano ito natatarok na makaluma o makabago? Makatatakas ba tayo sa rutang siklikal na krisis ng kapitalismo o imperyalismo? Makaiiwas ba tayo sa kalamidad sa pagbuo ng ibang hugis o uri ng makabago, ng modernidad, ng kontemporaneo nang hindi pinapalitan ang lohika ng kapitalismo?

    Bihag pa rin tayo ng indibidwalistikong pananaw, ng "methodological individualism" ng burgesyang sosyolohiya at sikolohiya. Suhetibismo't relatibismong kabatiran ang resulta. Nakakulong pa rin tayo sa atomistikong pagtingin, tiwalag sa konkretong konteksto ng kasaysayan. Nakatago pa rin ang tunay na kawalan ng katarungan sa alyenasyong namamayani sanhi sa reipikasyon ng ugnayang panlipunan. Ang ugnayan ng bawat tao ay nilalason o nilalambungan ng petisismo ng komoditi, ang pagsamba sa salapi, tubo, mga produktong mas mahalaga pa kaysa buhay ng mga taong yumari o lumikha nito.

    Ang mga problemang ito ang dapat talakaying maigi--ang temporalisasyon ng historya at uri ng modernidad sa araw-araw na kabuhayan--upang maipaliwanag ang kinabukasan ng bansa sa gitna ng krisis ng kapitalismong global. At upang mapalaya ang nasugpo't nasisikil na enerhiya ng taumbayan, ang kinabukasan ng diwa't budhi ng bawat nilalang.

    Maidagdag pa na ang krisis na ito ay di pansamantala lamang kundi permanente, batay sa mabangis na rasyonalidad ng sistemang kapitalista: ang walang hintong pagbabago ng paraan o mekanismo ng produksiyon, ang walang tigil na pagsulong ng imbensiyon ng mga gamit sa produksiyon, ng teknolohiya, at mga produktong ipinagbibili sa pamilihang pandaigdig. Naidiin ko na: ito ang saligan ng modernidad, ng mabilis na pag-iiba at transpormasyon ng mga bagay-bagay at kapaligiran, hanggang sa epokang digital at mabilisang komunikasyon. Kalakip nito ang susi ng modernidad at globalisasyong sumisira sa kalikasan at pinagmumulan ng giyera at pagdurusa ng nakararami.

Alyenasyon at Reipikasyon

    Sa lipunang pinatatakbo ng tubo, salapi at komoditi ang namamagitan sa bawat tao. Alyenasyon ang bunga nito. Reipikasyon o pagtiwalag sa maramdaming buhay ang resulta nito. Kontrolado ng komoditi ang lahat, ginawang bagay na walang buhay ang tao, sinipsip ng mga bampira ang dugo ng bawat nilalang.

    Sapagkat sa ordinaryong karanasan, ang tunay na pagtatagisan ng mga uri at sektor sa lipunan ay nakatago o natatabingan ng petisismo sa komoditi--ang buong mundo ng salapi, negosyo, pagpapalitan ng binili-ipinagbili--sampu ng mistipikasyon ng reyalidad dulot ng relihiyong institusyonal, pyudal na gawi't paniniwala (halimbawa, ang doxa na demokrasya raw ang sistemang pampulitika natin)--katungkulan ng mapagpalayang kritiko/intelektwal pampubliko ang wasakin ang tabing na nagtatago sa katotohanan: ang paghahati ng lipunan sa ilang mayamang nagsasamantala at karamihang aping binubusabos. Ibunyag ang pagtatagisan sa likod ng tinaguriang normalidad ng pagkakaisa o natural na pamumuhay araw-araw.

    Nasaan tayo ngayon? Ano ang dapat gawin? Sa harap ng mistipikasyon ng komersiyanteng kultura at araw-araw na komodipikasyon ng karanasan, dapat sikapin ng makabayang intelektwal ang pagbubunyag sa katotohanan ng neokolonya, ang patuloy na pagsunod ng oligarkong namumuno sa utos ng USA (sa tulong ng mga kakutsabang elite) at pagpapailalalim ng kapakanan ng taumbayan sa interes ng tubo ng korporasyong global. Pagwasak ng mga ilusyon at kababalaghang pumapalamuti sa mandaraya't  mapanlinlang na burgesyang orden ang dapat adhikain ng mapagpalayang sensibilidad at mapanuring kamalayan.

Sa Wika Nakataya ang Katubusan

       Maibalik ko ang usapan sa wika o lengguwaheng sinasalita at isinusulat.

    Ang wika ng kumbersasyon, midya, paaralan, kultura, atbp., ay madugong larangan din ng pagtatagisan ng mga uri, ng burgesyang gamit ang Ingles--o baryasyon nito na mga "englishes'-- bilang sandatang ideolohikal sa pagsuhay sa buong sistema ng palsipikadong soberanya at walang hustisyang demokrasya. Sa gusto o ayaw mo, wika ay sandata o kagamitan sa ideolohiyang pagtatagisan ng mga uri. Samakatwid, pinipili ka ng wika upang magpasiya laban sa interes ng iyong kolektibo o magsumikap itaguyod ang kapakanan nito.

    Paglimiin natin ang nangyayari sa milieu na lunang sosyo-politikal na ating ginagalawan. Araw-araw, sa TV, Internet, pelikula, radyo, at iba pang midya, ang wikang ginagamit--na nakakabit sa mga imahen, dramatikong eksena, performance art, awit, at komplikadong salik ng pelikula-- ang wika ay siyang sangkap na makapangyarihang umuugit ng mensahe na siyang nagtutulak sa ating kumilos, magsalita't gumanap ng isang tiyak na papel sa lipunan, partikular na ang maging konsumer at masunuring mamamayan. Isang subalternong alagad ng imperyo.

    Mapang-akit at mapang-gayuma ang nangingibabaw na kakintalan, ang kagyat na impresyon ng kapaligirin, na nakasaplot sa katotohanan. Nakabubulag ito at nakaliligaw. Upang makaligtas sa alyenasyon at reipikasyong nabanggit ko na, kailangang hubarin ang balat-kayo, ang saplot ng pagkukunwari't panlilinlang ng burgesyang ideolohiya.

    Kung pesimistiko ang utak, sikaping maging optimistiko ang pagnanais, payo ni Antonio Gramsci.  May dahilan kung bakit masigla ang pagnanais bagamat maulap ang kabatiran.  Hindi malagim ang lahat ng sulok ng larangan ng kultura. Ang halimbawa ng mga kritikong sumusulat sa PINOY WEEKLY o BULATLAT, mga progresibong midya, at mga kapanalig sa iba pang midya at diskurso ay isang katibayan na ang malikhai't mahusay na artikulasyon ng konsepto ng katwiran at katarungan sa wikang umaabot sa nakararaming mambabasa--ang wikang sinasalita ng taumbayan--ay siyang mabisang kagamitan sa pagpukaw ng mapanuring kamalayan, ng mapagmalasakit na damdamin.




Kahinugan ng Panahon

    Ibaling natin ang kamalayan sa ngayon. Ang kumbersasyon natin sa hapong ito ay isang paraan upang makatulong sa edukasyon ng nakararami at mobilisasyon sa mga kolektibong proyektong makapagsusulong at makapagpapabuti sa sawing kalagayan ng nakararami. Hanggang may nakikinig at handang kumilos salungat sa indibidwalismong naghahari, may pag-asa pa ang ating bayan.

         Ang kontradiksiyon ng modernidad ay nagbubunga ng kanyang kalutasan. Sa panahon ng globalisasyon, sa mas mabilis at mabilisang pagbabagu-bago ng lahat ng bagay, sa disyerto ng mall at mga "Global City" na itinatayo sa guho ng mga tahanan ng maralitang taga-lunsod at sa bukid na inagaw sa mga magsasaka, kailangan ang mapangahas at subersibong panulat upang tuklasin ang katotohanan at itanghal ito sa panunuri't pagkilatis, pagtimbang at pagpapahalaga, ng taumbayan. 

    Mapanghamong tawag ito na hinihingi ng sitwasyon, isang pagkakataon kung saan ang diskurso ng manunulat, kritiko't guro ay makapagsisilbi sa pagpapalaya't pag-unlad sa tunay na ugat at bukal ng kanilang imahinasyon, ang simpleng araw-araw na buhay ng masang yumayari ng kayamanan ng lipunan, ang proletaryo't magsasaka ng bayang naghihimagsik. 

[Talk at the College of Mass Comm, University of the Philippines,March 5, 2014] ###

Saturday, February 22, 2014

PANITIKAN AT IDEOLOHIYA

PANITIKAN, IDEOLOHIYA, REBOLUSYON:
Edukasyon at Pedagohiya sa Bisa ng nobelang DESAPARECIDOS ni Lualhati Bautista

ni E. San Juan, Jr.






1.  Sa unang malas, umaayaw na o natatabangan ang marami sa pagkasulyap sa salitang "ideolohiya." Ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi bagay sa okasyong itong pagsunod sa binagong K-12 curriculum. Kung inyong nabasa ang Batas at Memo ni Dir. Licuanan, nais daw hasain ang estudyante sa kritikal at malikhaing pag-iisip upang itransporma ang sarili at kapaligiran. Naku, bigating layunin ito. Idiniin din na kailangan daw iakma o iayon ang turo't aralin sa global istandard.

2. Isa sa required reading sa mga kolehiyo sa Europa & mga bansa sa Aprika at Amerika ang The German Ideology nina Marx at Engels. Tiyak na alam ng lahat na bawal ang komunistang lathalai't usapan sa mga klasrum, laluna sa panahon ng "Cold War." Tapos na ito sa buong mundo, pero patuloy pa rin tayo sa mentalidad ng pagbabawal. Kung sa bagay, ngayon ang panahon ng "total surveillance," & hanggang ngayon, ang premyadong pelikulang "Orapronobis" ni Lino Brocka ay hindi pinahihintulutang maipalabas sa publiko.

Sa ano't anuman, ang "ideolohiya" ay salitang laganap na sa iba't ibang sangay ng aralin sa humanidades at siyensiyang sosyal. Hindi na dapat pagtalunan kung bakit mahalagang siyasatin ang kaugnayan nito sa pagtuturo. Halimbawa na nga ang inyong pagtaka o pagkamangha, kung nangyari nga, sa paglitaw nito sa programa.

3. Isa pang halimbawa: Malimit nating pasalamatan ang mga burokratang upisyal sa pagtustos sa pagpupulong tulad nito. Sa katunayan, ang dapat pasalamatan ay mga manggagawa, magbubukid at empleyadong tulad ninyo na siyang yumayari ng kayamanan ng bansa. Ang lakas-paggawa ng karaniwang mamamayan ang nagbubuwis ng halaga upang mangyari ang miting na ito, kaya sa kanila ang pasasalamat natin--hindi sa mga politiko at kanilang "pork-barrel" na nakaw sa pagod ng mga anak-pawis, bukal ng anumang kabihasnan.

4.  Sa gayon, ang ideolohiya ay hindi lamang pumapatnubay na ideya o paniniwala kundi kilos, gawi, praktika. Ito'y mga institusyong siyang gumagawa ng sabjek sa bawat indibidwal. Ang sabjek ang siyang aktor na kinikilala, nagpapasiya, kumikilos, may pananagutan.

Makikita sa relasyon ng titser at estudyante: "Hoy, makinig kayo!" giit ng guro. Awtoridad ang titser, kinatawan ng Estado at siyang nagdedeposito ng kaalaman sa basyong utak ng mga kabataan. Ito ang "banking method" ng edukasyon na tinuligsa ni Paulo Freire. Galing ito sa mahabang karanasan natin sa disiplinang pedagohikal ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano. 

Sa pagsakop ng ekonomiyang nakaangkla sa "exchange value" ng trabaho, wikang Ingles ang instrumento sa paghulma ng sabjek ng malayang pamilihan--ipagbili ang lakas-paggawa kung may bibili.  Bagamat ang hangarin ng makabagong sistema ay indibidwal na may nagsasariling katwiran ("autonomous rational mind," naisaad ni Immanuel Kant), kaiba ang resulta: ginagawang masunuring sabjek ang indibidwal sa posisyon niya sa istruktura ng lipunan.

5. Ang lipunan ay katumbas sa ugnayan o relasyon ng mga sabjek. Hindi ito kumpol lamang ng hiwa-hiwalay na inbidwal. Bawat identidad/kaakuhan--halimbawa, sabjek bilang awtor, mambabasa, guro, atbp.--ay nabubuo lamang sa loob ng ugnayang panlipunan. Samakatuwid, ang sabjek ay produkto ng pagkilala, pagtawag, interpelasyon ng diskurso, praktika, institusyon.

Hindi kaakuhan/identidad ng awtor ang pinagmumulan ng kahulugan ng akda. Iyon ay bunga ng diskurso, ng tekstong binubuo ng magkasalungatang puwersang nagsusulong sa kasayaysan.  Ang indibidwal ay ginagawang sabjek ng wika sa diskursong gamit ng mga institusyong ideolohikal. Makapangyarihan ang asignatura sa panitikang Filipino sa paglalantad ng sitwasyon kung saan ang wikang Ingles ay dominante pa rin, tanda ng poder ng modernisadong oligarkiya, na bunyag nga sa paggamit ng "mother tongue" sa unang baytang ng iskwela. Pahiwatig na sa kompitensiya ng wika, nananaig pa rin ang poder ng bangko't korporasyong global ng U.S., Europa, Hapon, at sirkulo ng industriyalisadong bansa.  Ang poder ay naisakatawan sa wikang Ingles, o sa mga "englishes," na bumubuhay sa gahum o hegemonya nito sa buong daigdig.

Sa pamamagitan ng mga institusyon at operasyong praktikal nito, kinikilalang sabjek ang sinuman upang makaganap ng takdang tungkulin sa isang tiyak na lugar sa kasaysayan ng lipunan. Gayundin ang awtor: batay sa institusyonalisadong praktika, ang identidad ng awtor at gawa niya ay nakasalig sa pagtawag at pagkilala sa kanya ng namamayaning pananaw--ang normatibong paniniwalang operasyonal sa gawi, batas, atbp. kung saan nakasandig ang kapangyarihan ng dominanteng uri sa hinating lipunan.

6.  Walang sitwasyon na permanente sa kasaysayan. Lapatan natin ng historikal na panimbang ang pabago-bagong pagtingin sa awtor at akdang itinuturo natin.

Namihasa tayong ipalagay na ang isang akda ay bunga ng henyo o talino ng awtor. Iba noong sinaunang panahon: ang awtor ng epiko, korido, pasyon, atbp. ay kabilang sa pangkat na naglilingkod sa lider ng tribu, ng simbahan o aristokrasya (tulad ni Balagtas). Ginagabayan sila ng kombensiyon, determinadong kodigo, at panuntunang institusyonal.

Nag-iba ito paglipas ng Renaissance; tuluyang humiwalay ang artisano't naging negosyante ng kanyang dunong sa sinumang bibili nito. Malaya na siya sa malas, pero alipin naman ng pamilihan. Ganito pa rin ang sitwasyon ng awtor  o sinumang intelektwal (guro, peryodista, atbp) na walang pag-aari ng kailangang kagamitan upang mabuhay.

Noong ika-19 siglo, umaklas ang mga artista laban sa burgesyang orden ng kapitalismong industriyal. Batay sa romantikong pananaw, ang awtentikong galing ng manunulat ay tiwalag sa burgesyang lipunan at indibidwalistikong pamantayan nito. Itinuring na doon nagmumula ang kahulugan at katuturan ng akda.  Kalaunan, pinatingkad ito ng ideolohiya ng sistemang kapitalismo, bagamat ang normatibong mapang-angkin ay tinuligsa nina Flaubert, Zola, Dostoevsky, Gorki, Dreiser, Hemingway, atbp.

Ang rebelyon nina Villa, Abadilla, Amado Hernanez, at mga modernistang sumunod ay sintomas ng krisis ng sitwasyon ng petiburgesyang intelektwal sa neokolonyang predikamentong tumitingkad at lumalala ngayon.

7. Sa pagsipat at pagkilatis ng diskurso, mapapansin na impluwensiyal pa rin ang klasikong pamantayan nina  Regalado, Balmaseda, Panganiban: ang "dulce et utile" ni Horace pinatining ng romantikong ideyalismo.  Nitong dekada 70 at 80 pumasok ang formalismo, feminismo, istrakturalismo't iba pang tatak postmodernistang perspektibo, sa neoliberalismong bandila ng "end of ideology" o tandisang tagumpay ng kapitalismo pagbulusok ng Unyon Sobyet at alternatibong radikal.

Tatlong lapit ang resulta. Una, ang didaktikong motibasyon: birtud ng literatura ang pumukaw ng diwa o damdamin at magbigay ng aral na mapapakinabangan. Masisinag ang utilitaryanismong ugit sa dokumentong nabanggit. Pangalawa, ang empirisistikong hilig na sa reyalistikong pamamaraan nailalahad ng akda ang katotohanan, tiwalag sa anumang paniniwalang moral o etikal ng awtor. Pangatlo, aliw ang dulot ng ayos o porma ng sining; kariktan o kagandahan ang mahalagang katangian nito para sa esklusibo't sopistikadong sensibilidad.

Matatarok na sintomas ito ng kontradiksiyon ng mga grupo sa lipunan: ang awtoridad ng mga naghaharing uring may mala-pyudal na pangitain, laban sa komprador-burokratang saray na tutok sa pamantayang global at siyentipikong pamantayan. May panggitnang oryentasyon din.

Ngunit hinahanap pa, dili kaya'y hinihitay pa, ang pagtinging sumasalungat ng mga nakararami, ang interpretasyong nagsisiwalat ng pagtatagisan ng samutsaring sektor ng lipunan at pagkakabuhol ng mga ito. Sa madaling salita, ang katotohanan ng kasalukuyan sitwasyon at kalakaran ng tunggalian ng mga uri.

8. Batay sa kuro-kurong naisaad, atupagin natin ang pangunahing tanong: Sa tawag ng nobela ni Bautista, anong sabjek ang nabubuo mula sa karanasan ng pagbasa? Upang matugon ito, marahil dapat usisain muna ang ating sitwasyon at kinalalagyan. Anong kondisyon ng ating lipunan sa ngayon?  Bilang guro at estudyante, saan tayo nakapwesto sa kasalukuyang krisis ng kapitalismong global at alitang rehiyonal?  Ano ang tungkulin natin sa institusyong inutusan ng Estado na hubugin ang isip at damdamin ng kabataan? Para sa anong layon o adhikain?

9. Ang literaturang itinuturo ay isang sangay ng kabihasnan na kagamitan sa paghulma ng isip at kilos ayon sa dominanteng pangitain ng namumunong uri. Anong pangitain ang gumagana't nanaig? 

Indibidwalismong makapamilya o makauri ang istandard, hinaluan ng ilang demokratikong islogan. Inatasan ang guro upang itanim sa utak at puso ang indibidwalismong makasarili kaagapay ng pagsunod sa batas. Hindi bulgar na pangungurakot sapagkat may kaunting aral tungkol sa pakikipagkapwa-tao at pagtulong o pagdamay sa di-kamag-anak, at pagmamahal sa bansa.  Sa tradisyonal na ugali, idinidiin ng guro ang aral o ulirang halimbawang mahuhugot sa tula, kuwento, nobela, dula na magsisilbing gabay sa araw-araw na pamumuhay.

10.  Sa ganitong pagtingin, ang guro ay gumaganap ng papel ng isang awtoridad, tulad ng pulis o pari. Masunuring estudyante, hindi nagtatanong—ito ba ang hangad natin? Hindi ba kabaligtaran iyon ng nais natin: isang responsableng taong may sariling pangangatwiran? Paano maitatanim at mapapaunlad ang kakayahang mag-isip nang walang alalay, ang maging taong taglay ang kasarinlan at rasong independiyente (autonomous reason) na ideal ng demokrasyang orden, hindi diktadurya o pasistang sosyedad?

11. Ang panitikan ay produkto ng mga kontradiksiyong sosyal at siya ring nagpapaulit-ulit nito.  Hindi nasa tinig ng diwa o guniguni ang kahulugan ng akda, kundi nasa pag-antig o pagpukaw ng saloobing nakatugma sa polarisasyon ng mga tauhan at pangyayari. Ang akda ay hindi ekspresyon ng nangungulilang diwa o malay kundi artikulasyon ng senyas o salitang taglay ang magulo't maligalig na ugnayan ng bawat tao sa lipunan.

Sa retorika ng teksto at pagbabalangkas ng naratibo, nakalilikha ng posisyon para sa mga sabjek na kumakatawan sa sistemang nabibiyak, tigib ng nakabibighaning katangian. Ang matingkad na karanasan o reyalidad ay bunga ng diskurso na humuhudyat o tumatawag sa atin upang makisangkot o lumahok sa tunggalian ng mga lakas.

Bumungad sa dalumat ang interogasyon o interpelasyon ng akda. Saan tayo lalagay? Saan tayo papanig, saan makikisanib?

12. Paano susuriin ang ideolohiyang hugis o banghay ng nobela ni Bautista?  Sa biglang sipat, mahihinuha na iyon ay nakasalig sa makatotohanang dating at epekto ng tila-realistikong detalye ng paglalarawan, laluna ang eksena ng tortyur, ng maramdaming pagtatalik nina Ana at Roy, atbp. Hindi kailangang magduda na peke o eksaherasyon ang mga pangyayari. Matalas at masinop ang paglalarawan ng malagim na karanasan na nakasentro sa mga rebolusyonaryong Ana, Roy, Karla, Jingki, at kanilang pamilya. Ano ang hinihiling sa atin? Ano ang demanda ng nasubaybayang eksena't pangyayari?

Nakaaantig ang pagsisiwalat ng matinding kahirapan ng mga aktibista, ng mabangis na kalupitan ng mga sundalo ng diktaturya, ng matinding galit at kalungkutang sinapit ng mga protagonista. Taglay ng akda ang makasaysayang kakintalang mahirap iwaglit sa kolektibong gunita.

13.  Ating ungkatin ang ideolohiya ng teksto sa makinarya ng paghahanay ng mga insidente: Paano nalutas ang problemang gumulo sa buhay ng mga tauhan? Paano nairesolba ang mga kontradiksiyong prinsipal (diktadurya versus demokratikong masa at representatibong partido nito) sa pamamagitan ng imahinaryong paraan, sa pantasya o nais-kaganapan (wish-fulfillment)?

14. Pansinin na ang suliranin ng kontradiksiyon ng oligarkong pangkat suportado ng imperyalistang Estados Unidos at mga partisano ng demokrasyang pambansa ay naipaloob sa isang kompromisong antas. Ibig sabihin, naisalin iyon sa kuwadro ng problema ng inang nawalan ng anak at sakunang naranasan ng mga aktibistang pinahirapan.

Sa sakripisyo ni Karla, sa kanyang pagmamalasakit, na bunga ng pangingibang-bayan (paglipat sa Canada) at pagkalinga ng pamilya, nakuhang ipagtapat sa anak ang katotohanan ng nakalipas. Sumunod naman si Malaya sa paniniwalang ang pagka-ina (maternidad) ay biyolohikal, hindi sosyal; at pagtanggap sa kanya ni Ana bilang simbolo ng kanyang pagsisikap at gantimpala sa pagmamahal sa sarili.

Sa kasukdulan, umabot sa pagkakakilanlan at pagbabalik ng kaginhawahan, bagama't ironikal ang alingawngaw sa dulo. Na wari baga'y may kutob na walang tunay na pagbabagong naganap, may kutob na nasayang ang pawis at dugong ibinuhos ng mga nakipagsapalaran, at bumabalik muli ang sinugpong nakalipas. Ano ba talaga ang kanilang mithiin? Ang katarungan ba'y nakasalalay sa hatol ng hukuman sa Estados Unidos, hindi sa Filipinas? Tila malabo pagdating natin sa dulo.

15.  Sa panig ni Roy naman, ang interogasyon ng Komiteng nagsisiyasat tungkol sa mga biktima ng martial-law kaugnay ng kasong ilalapit sa korte sa U.S., ay nagsilbing katarsis upang maibilad niya ang nasugpong yugto ng kanyang buhay, laluna ang pagkitil ng buhay ni Jingki ayon sa atas ng partido, na paghihiganti sa pagkasawi ng buong pamilya niya. Sa tulong ng mga abogadong Filipino at Amerikano, ang katarungan ay natamo, nagkaisa muli ang ina't anak, at nakamit ni Lorie ang kabatiran tungkol sa madugo't lihim na talambuhay ng kanyang magulang. Narekober ang nakalipas, nabuo ang totalidad ng kasaysayan, umabot tayo sa masayang wakas, bagama't may babala na baka maulit muli ang diktadurya sa proklamasyon ni Arroyo sa huling pahina.

16.  Samakatwid, ang tunay na problemang hinarap ng nobela ay nalutas sa imahinaryong paraan, sa paglilipat nito sa isang lunan o palapag na madaling maaayos ang lahat sa paraang pagtawag sa tradisyonal na paniniwala, sukatan o prehuwisyong bumubuo sa lumang kaayusan na siyang pinagmulan ng krisis na sinuong ng mga karakter sa nobela.

Nabuo ang sabjek sa pagtuklas na gumagana pa rin ang tradisyonal na moralidad na batayan ng kilos, isip at damdamin ng tipikal na tauhan sa nobela: pamilya batay sa awtoridad ng magulang, sindak ng militar laban sa rebeldeng pangkat na dapat katakutan, atbp.

Matingkad ang paglalarawan sa problema ng mga anak at magulang, ngunit tila pansamantala lamang ang yugtong iyon, limitado sa ilang tauhan, hindi saklaw ang buong bansa. Lumilitaw na ang diktadurya ay tila anomalya lamang, at ang krisis ay pansamantalang emerhensiya. Ganoon din ang kalabisan ng mga kaliwang puwersa na siyang nagpakilos sa mga aktibista, ngunit hindi sumaklolo o tumulong sa kanilang kahirapan.

Sa namamayagpag na "culture of impunity," tila patuloy ang predikamento ng mga ina. Testigo ang ina ni Jonas Burgos, ang mga magulang nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, at marami pang iba. Baka maging "desaparecidos" ang buong bansa sa paglabas ng migranteng contract-workers--mahigit 10 milyon na--pati likas-yaman, mga islang lulubog o mawawasak sa bagsik ng napipinsalang kalikasan ng planeta.

Ang pagkawala ng anak ay mistulang sagisag sa pagkawala ng soberanya, kalayaan, integridad ng bansa.
Simbolo kaya ng resureksiyon o muling pagsilang ang pagbabalik ng anak? Sino ang sabjek ng kinabukasang ipinahihiwatig ng pagbuo muli ng pamilya?

17.  Kung hindi kayo sang-ayon sa metakomentaryong nailahad, patunay iyon na nangingibabaw pa rin ang tradisyonal na paraan ng pagsusuri't pagpapahalaga sa literatura. Kung nabagabag man kayo, tumalab kahit paano ang proposisyong nailatag dito, maaaring simulang baguhin ang modo ng pagturing sa panitikan bilang repleksiyon ng tinatanggap na realidad o kaya'y ekspresyon ng kaluluwa ng salamangkero ng wika. Simula ring maghuhunos ang pagkilala sa estudyante at guro bilang mga sabjek ng naghaharing paradigma o kwadro ng pagkilatis at pagpapahalaga. Sa gayo'y pwedeng mag-umpisa ang kumbersasyon ng mga komunidad sa impetus ng diyalektikal at materyalismong pagsusuring naibalangkas dito.

16.  Sa paglagom, maitanong: taglay ba ng lahat ng akda o diskurso ang hugis ng ideolohiyang nahimay rito? Kung ganoon, walang dapat alalahanin. Walang panganib ang magbasa ng diskursong nag-uulat ng nakaririmarim na mga tagpo, ng mga nakasisindak na pangyayari. Sandaling nagimbal ang kalooban ng mambabasa.

Sa pag-igkas ng imbestigasyon hinggil sa mga biktima ng diktadurya, sa pag-inog ng mga insidente, maidadala lahat ng mga masalimuot na kontradiksiyon sa isang lugar na madaling maipapaliwanag ang lahat, at saka maiuugnay sa mapayapa't makabuluhang paraan ang mga nagtutunggaling puwersa upang sa gayon maisauli ang dating status quo at mapatahimik ang lahat. Kung tutuusin, walang dapat ikabahala sa masinop na pag-aaral ng nobelang puno ng madugo't marahas na tagpo.

17.  Sa Kanlurang arkibo ng araling kultural, ang genre ng modernong nobela ay nakatuon sa pakikipagsapalaran ng naligaw na kaluluwa sa mundong walang diyos. Ang bayani ay masikhay na naghahanap ng kahulugan o katuturan sa buhay, biktima ng alyenasyon sa daigdig ng komoditi at ipinagbibiling bagay sa mega-mall saanman, napapaligiran ng walang tigil na sigalot, terorismo, digmaan ng mga uri't sari-saring lakas ng nagbubuhat sa gunita ng nakalipas at takot sa malagim na hinaharap.

Sa Filipinas, ang nobela ay nakaugat sa krisis ng pyudal at patriyarkal na orden. Naitampok sa pagsasalaysay ng buhay nina Ana at Roy ang predikamento ng pamilyang nabuwag at mga kabataang napahamak sa pakikibaka sa ngalan ng kalayaan at hustisya, sa kalakaran ng krisis ng neokolonyal na rehimen, kung saan natuklasan ng mambabasa ang tunay na pagkatao ng mga sabjek sa proseso ng pagtataguyod ng rebolusyonaryong balak.

Makapagtuturo kaya ito ng mabuting halimbawa upang ang sabjek na imbensiyon ng diskurso, resulta ng wika ng likhang-sining, ay maitransporma sa mapagpalayang direksiyon?  Magagamit kaya ang pormang ideolohikal ng literaturang pinaparangalan ngayon sa makatao't progresibong layunin?  Tiyak na ito'y isang kolektibong proyekto na dumudulog sa lahat at humahamon sa ating budhi, puso, katapangan at katapatan.###
______

[Ang unang borador ng papel na ito ay binasa bilang panayam sa Ateneo University, 14 Pebrero 2014]

Tuesday, February 18, 2014

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN

NEWS RELEASE--
E. SAN JUAN JR. PUBLISHES 5th BOOK OF POEMS IN FILIPINO

   
U.S.-based Filipino scholar E. San Juan, Jr., emeritus professor of English, Comparative Literature and Ethnic Studies, has just published his fifth book of poems in Filipino, Bukas Luwalhating Kay Ganda, sponsored by the Philippines Cultural Studies Center and is available from amazon.com and also createspace.com.

His forthcoming collection, KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN, an expanded version of this book, is due this January 2014 from the University of the Philippines Press.  His previous collections include Alay sa Paglikha ng Bukang-liwayway (Ateneo U Press),  Sapagkat Iniibig Kita (U.P. Press), Sutrang Kayumanggi and Mahal Magpakailanman (LuLu.com), and Ulikba at iba pang tula (UST Publishing House).

San Juan was recently a fellow of the Harry Ransom Center, University of Austin, Texas. Previously he was a fellow of the W.E.B. Institute, Harvard University, for which he  completed a monograph on “African American Internationalism and Solidarity with the Philippine Revolution.”  A part of the research has been published in Socialism and Democracy, July 2010, and in the e-journal Cultural Logic.

Born in Sta. Cruz, Manila, Philippines, San Juan received his A.B. , magna cum laude, from the University of the Philippines, and his A.M. and Ph.D. from Harvard University. He was president of the U.P. Writers Club in 1957-58.  He also taught at U.P. from 1959-60, 1966-67, and 1987-88 (as Fulbright professor); in Ateneo University, and also at Centro Escolar University.  He was visiting professor at Brooklyn College; Wesleyan University; Leuven University, Belgium; Trento University, Italy; Tamkang University and National Tsing Hua University, Taiwan.

His recent books are Rizal in Our Time (revised edition; Anvil); Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo U Press); In the Wake of Terror (Lexington), Critique and Social Transformation (Mellen); From Globalization to National Liberation (U.P. Press), US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave), and Critical Interventions (Lambert).  Currently San Juan is preparing an anthology of his critical essays in Filipino as a sequel to Himagsik (published in 2004 by De La Salle U Press) and a ground-breaking commentary on an important historical document, hitherto unpublished, Benjamin Appel’s “Manila Diary,” together with a critique of Appel’s novel on the Philippines, Fortress in the Rice.--##


Contact:  PHILIPPINES CULTURAL STUDIES CENTER <philcsc@gmail.com>  117 Davis Road, Storrs, CT 06268, USA  <philcsc@gmail.com>

Friday, January 31, 2014

LUALHATI BAUTISTA'S DESAPARECIDOS, ANDRES BONIFACIO, ETC.

HISTORY, LITERATURE, AND THE POLITICS OF TIME
[UP VISAYAS TALK Feb 4, 2014]

by E. SAN JUAN, Jr.



1. Any process of reflection on the situation of Filipinos and Philippine society today, post-9/11 and in the midst of intense U.S. surveillance of the world as part of its global war on extremist terrorism, requires sustained historical consciousness. This involves critical self-reflection if we want to intervene in changing our social situation and our everyday lives.

"Historical" implies the passage of time through events from one mode of social relations to another, the past undergoing transformation to produce the next stage of social development, the future.   "Consciousness" implies not just individual self-reflection but a grasp of the milieu and its collective self-awareness, the mentality of the epoch, as well as its manifold determinations.

2. The Yolanda catastrophe disclosed the stage we are in: an entrenchment of the neocolonial formation begun in 1946. We witnessed again not only endemic corruption and ineptitude, but more starkly the intervention of foreign actors, in particular, the United States navy and airforce, which offered a pretext for allowing large-scale, more permanent deployment of US forces throughout the country. This in addition to the drone/Special Forces operations already going on in Mindanao, Sulu, and other regions. The protest over pork-barrel thievery is a symptom of growing popular discontent--not enough, however, to spark nationwide insurrection.

3. Part of the symptom of increased deterioration of the neocolonial setup is the impact of the public exposure--on top of other local protests in various regions. esp those affected by mining, demolition of homes,etc.  Everyone knows that this has been going on since the US colonial administration parcelled out the bureaucracy and the ideological state apparatus--courts, legislature, military--to the local elite with landlord and comprador roots. This was part of the pacification campaign from 1899 to the Cold War period.

Bourgeois sociologists call this the client-patron relationship, part of the old structures of interdependency. The US cultivated this and institutionalized it in the Quezon Commonwealth regime; it worsened during the Cold War era, systematized by the Marcos dictatorship, and vulgarized in the Estrada and Arroyo regimes.

4. Except for a few stories and novels in the vernacular, literary artists have not thoroughly diagnosed the corruption endemic to a neocolonial, dependent system. One outstanding example is Stevan Javellana's WITHOUT SEEING THE DAWN. Of course, the classic works of Lope K Santos, Arguilla, Amado V. Hernandez may be cited as allegorical and realist testimonies to the historical contradictions of the period from the early years of US colonial rule to the fifties.

Aside from state censorship and persecution of subversive writers, the use of English and the class-affiliation of the intelligentsia served to reinforce the ideological hegemony of the imperial power in the sphere of culture. Even the most popular vernacular poet of the twenties and thirties of the last century, Jose Corazon de Jesus, who wrote in accessible Tagalog and attacked racist Americans, could not fully escape the individualist conformism of his vocation. He was more effective as a journalistic recorder of folk beliefs and hypnotic entertainer of the plebeian crowd.

5. Our literature in English remains confined to clever imitations and at best genteel parodies of the latest vogue celebrated by US taste-makers and fashion arbiters. The major writer who dared to wrestle with the crises of the collective psyche, more precisely the ordeals of activists, during the Marcos dictatorship and after is Lualhati Bautista, also famous for the films DEKADA 70 & BATA BATA PAANO KA GINAWA? Bautista is a self-declared feminist writer in Filipino who tries  to cater to the taste of the bakya crowd and the high-brow aficionados of the Filipino commercial cinema. But her virtuosity seems not to have registered deeply to make her name instantly recognizable as that of Manny Pacquiao or Nora Aunor, star of the recent film THY WOMB.

6.  Before I offer a few comments on Bautista's latest novel, DESAPARECIDOS, I want to say something about the 150th anniversary of Andres Bonifacio's birth celebrated last year.

7. After World War II, I was seven years old and entered the Andres Bonifacio Elementary School near Blumentritt, Sta Cruz, Manila. I knew more about the 13 martyrs of Cavite than about the Supremo because I acted in a skit about one of them. Later I knew more about Jose Abad Santos when I entered a school named after him.

During grade school and high school, I had only rudimentary notions of Bonifacio's role in the 1896 revolution. Only in college, after being exposed to Agoncillo's Revolt of the Masses, did I acquire a fuller understanding of Bonifacio's importance, albeit a somewhat distorted version due to the prejudiced optic of such commentators as Agoncillo himself, Zaide, Nick Joaquin, etc. It is only through the brave efforts of our kasamas in the national-democratic movement that we can now appreciate Bonifacio's decisive intervention in that epic of revolt against Spanish colonial domination, an ongoing narrative beginning from Soliman and Dagohoy up to Silang, Apolinario de la Cruz, Burgos, to Rizal, Jaena, Del Pilar, and the Katipunan.

8.  From a historical-materialist perspective, Bonifacio is less an individual than an embodiment of collective forces
that were stirred up by the Propagandists, mainly by Rizal's novels and his failed Liga. The Katipunan is not just a collection of disgruntled individuals but an organized assemblage of conscious minds mobilized for directed, planned action. It laid the ground for constructing the counterhegemonic vision of future national-democratic struggles: the Sakdalista, Huk, NPA/NDF, etc.

9. Unlike the hero-worshipping habits imposed by aristocratic Spain and the utilitarian U.S., the ideology of the Katipunan emphasized cooperation, mutual aid, and the welfare of the community. National solidarity, not individualism. The revolution initiated by Bonifacio's Katipunan contradicted the cacique mentality of the Aguinaldo circle, petty holding proprietors, titled ilustrados, the Westernized intelligentsia.  While Bonifacio and his circle were themselves products of the European Enlightenment, specifically the radical philosophes, they also functioned as organic intellectuals of the workers and peasants. Not the pasyon but the habitus of Indyo artisans and urban workers (Manila then was a collection of neighborhoods) shaped their everyday conduct, a life-form whose virtue inhered in spontaneous feelings, rituals of sharing, emotive gestures and clandestine agitation rather than detached inquiry.

10.  All the writings of Bonifacio, as well as the documents of the Katipunan, testify to a massive endeavor to educate workers and peasants in order to raise their political consciousness, not to enhance their talent to promote their individual status or family fortunes. This applied also to the writings of Rizal, Mabini, and others. But Bonifacio used the vernacular and appealed to the organic sensibility of people engaged in daily work and collective struggle against a violent predatory system.

In sum, the narrative of Philippine modernity based on the rational autonomy of each individual talent harnessed for the common good begins with Bonifacio and the Katipunan. Incredulity toward this master-narrative can only sustain the abuses of dynastic warlord families, proprietors of semi-feudal estates, as well as their comprador-bureaucratic networks in government. Consumerist individualism and lumpen criminality are morbid byproducts of this interregnum between the old dying system and the new one still convulsed by birth pangs.

11.  We have not yet achieved full sovereign autonomy, given our dependence on US dictates (military, economic, etc.) and IMF/WB and WTO mandates. With over ten million OFWs, the economy depends vitally on the unstable global market hiring migrant labor. Call centers and outsourcing businesses immediately suffer any slight adjustment in global stock exchanges.

Lacking any master-plan for industrialization, food sufficiency, ecological health and sustainable development, our country remains an immiserated appendage of global finance-capital. And if it were not for the remittance of billions of dollars to pay the foreign debt and support the consumerist lifestyles of both the rich and the families of OFWs, we would be like Haiti, a virtual US colony. But an economy based on commodification and export of millions of brown bodies is precariously mortgaged on the cycles of global capitalism, afflicted with periodic calamities and ongoing wars and worsening destruction of the planet's ecosystem.

12.  Bonifacio's dream of national autonomy, popular sovereignty, and prosperity remains suspended in the sporadic struggles of numerous groups around the country--farmers, indigenous Lumad communities, women, students, OFWs abroad, etc. The moment of systemic breakdown depends on the convergence of all these separate insurrections, movements variably contingent on or affected by the international alignment of blocs of regional forces.

Bonifacio's execution by the Aguinaldo clique reminds us that unless class divisions, and their attendant  ideology of narrow class or familial interests (both of which are maintained by US hegemony) are overcome, we cannot progress as an independent nation and a people with dignity and singular identity. This unity is something to be theorized in consonance with practical organized movements.

13. Bonifacio is being resurrected everyday in the numerous efforts of our countrymen to oppose imperialist diktat and the subserviency to their imperialist patrons of our politicians, compradors, and landlords--the oligarchic elite-- whose lives have been molded to maintain a violent system whose grant of "impunity" for torturers and killers is a clear sign of its moral and political bankruptcy.

14. This climate of "impunity" for those responsible for atrocities and barbaric excesses during the long night of the Marcos dictatorship is the theme of Bautista's novel DESAPARECIDOS. The title itself, derived from the Latin American nightmare of repression of insurgents by military dictators supported by the CIA (as in Guatemala, El Salvador, Argentina, Chile, etc.), betokens the continuing repression of civil liberties and the fascist violence used to impose it. It also symbolizes the vanished, erased or extinguished parts of our memory and consciousness without which we cannot claim responsibility for our actions, or freedom to create our own destiny.

15. Foremost among the disappeared in Panay are Luisa Dominado and Nilo Arado. They were followed by Jonas Burgos, Sherley Cadapan, Karen Empeno, and dozens more. What happened? Can a body just disappear in a society whose laws, whose constitution, presumably seek to guarantee the life and liberty of everyone? Who are the agents of making bodies disappear as if by magic or uncanny and bizarre means? And when bodies surface as corpses, cadavers with stigmata of State coercion (euphemistically called "extra-economic compulsions"), are there risks for anyone who can identify them?

16.  Bautista's novel is both an expressive and communicative act. Expression becomes possible only when communication succeeds (always in contentious or conflicted degrees), enabling the reader to translate ideas/feelings into action. To ask what the novel communicates is to ask how the individual reader is interpellated to become a subject capable of action premised on a certain view of life, a configuration of lived experience, and sense of an intelligible future.  We also want to interrogate whether the project of interpellation--making readers not only conscious of their historical situation but also aware of their potential in transforming their world--successful or not. If not, why not?

17.  I propose three theses for exploration and discussion: First, this novel attempts to make sense of the terrible disruption of lives, of institutions and traditional beliefs, inflicted by the Marcos dictatorship through the ordeals of two families--three if we include the parents of Jingki, the assasinated traitor to the NPA. Were all those sacrifices worth the cause? Was that period of emergency meaningful, valuable, or necessary? 

Second, the attempt to make whole broken bodies, destroyed lives, employs the plight of a mother searching for her lost child, exposing in the process the conflict between political commitment and personal (maternal) need, and the disjunction between devotion to a future-oriented revolutionary ideal and the imperative of immediate or punctual satisfaction of family togetherness and organic harmony among blood kins. Is the conflict resolved, thus allowing for the invention of a different or alternative future? What notion of the future is produced by a reading of this novel?

Third, the argument for revolutionary justice--the revenge of the deaths of others by the sacrifice of Jingki--appears as a wager that a future life free from such raw justice can arise. Absent a providential or transcendent law/god, can humans with their natural vulnerabilities and resources establish a regime honoring each individual member? Again, can the future be born from a spoiled damaged past and guilt-ridden present? Are possibilities offered by the plot of restored child and confessed deed?

18. The plot unfolds the interaction of multiple times. The themes of separation and reunion, distance and intimacy, unravel in the interplay among three zones or layers of experienced temporality: a) time lost/frozen (for Anna fixated on finding her daughter consigned to a lost comrade Karla), b) time present (Roy remembering the burning of his family in front of an NGO group trying to reconstitute the historic truth/authenticity of what happened, and finally confessing his role as party agent of revenge), and (c) time future (duration as continuity), personified by the two daughters: Karla who wants to know/learn about her past, her mother's homeland; and Lorena whose everyday recording of what is occurring to her parents, etc., registers the symptoms of rupture and displacements, the asynchrony between past and present, thus rendering the future problematic, at best, and amenable to speculative extrapolation.

19. The novel resolves the fixations of Ana and Roy with the return of Karla from Canada, and the confession of Malaya to Ana about her origin. Moved by Ana's obsession, Karla (whose spatial removal and marriage fills up the lost time wasted during the Marcos years) renounces her claim to Malaya. Malaya in turn reaffirms the biological mother Ana, though she does not reject Karla. Roy finally confesses that he killed Jingki, Karla's husband, on orders of the party, thus partly purging himself of guilt. One can speculate that revenge on a former comrade Jingki compensates for Roy's fury and sense of futility or helplessness in leaning of the killing of his parents and sister.

But it can be argued that the reunion of mother and daughter does not fully provide an answer to the lost meaning or import of the anti-imperialist struggle in the lives of these protagonists. The summary of chronological history in between the 9th and 10th chapter, entitled "Once upon a fairy tale..." attests to the problem broached by the politics of time and the disaggregation of space in an unevenly developed, ideologically conjunctural formation.

20. Surely the return of the lost daughter and the vindication of Ana's persistent effort to find Karla, as well as the retribution inflicted on Jinky for betraying his comrades, do not appease our uneasiness. The narrative voice indicates as much, asking: Was all that enormous sacrifice worth it when the ghost of the past reappears in Arroyo's Marcos-like authoritarianism?

We assert the proposition that biology, nature as found/received condition, is no answer to the failure of individuals to honor their personal responsibilities, much less their political commitments. We are not absolutely determined by our environment or our heritages which are all subject to contingencies and mutability. But to whom is the individual responsible?

21. Karla's role is exemplary: she sacrifices her own daughter in order to protect and save her comrade's child, thus valorizing community over biology. She also proves that though the struggle separates bodies and destroys families, they also open up the space for new forms of belonging, solidarity, and fellowship opposed to alienation and capitalist reification.

Her absence from the scene of carnage and torture allows the passage of time to nourish the seeds of past time (Malaya) and the potential for a new beginning in the conjunction of the two sisters. Her exiled body functions as the positive side to the negativity of disappeared and mutilated bodies, thus allowing the opening for new action, for a future of a new form of society to emerge. 

It is in this horizon of expectation that this narration of negation, disavowals and disappeareds produces the realm of possibilities for collective intervention, and therefore the realization of social agency for the victims, all those denied recognition, the disappeared and violated and dispossessed.

22.  Fragments of the historical totality of twenty years (comprising the martial law years plus the early disappointing years of the Cory Aquino regime) remain suspended in a narrative replete with moments of intense dramatic confrontations. Lived existential time generates a pressure that prevents clear judgment and discourages any fair evaluation of each person's role in the events of torture, abduction, and killing. But historical or spatial distance (between Malaya and Lorena, for instance) does not guarantee justice and elucidation of moral or ethical ambiguities, either.

23. So the final question we face is: what does the novel's interpellation seek to elicit from us? Validating the harmonious reconciliation of Karla and Ana, of Karla and Roy, and the resolution of contradictions between the party and its members who are critical and deviant? Can the recovered daughter Malaya symbolize the future for the split psyche of the mother being healed by their embrace? Consider this: "Nang ibaba ni Ana ang kamay niya ay hindi para yakapin si Malaya kundi para yakapin ang sarili... Hanggang sa si Malaya ang yumakap sa kanya, niyakap siya nang mahigpit, buong higpit, na parang sa yakap na iyon ay sinisikap ibalik ang dalawampu't isang taon" (p. 220).

24. In Hegel's philosophy, the dialectic of lord and slave climaxes the process of drawing the lessons of the struggle for recognition. The lesson is the knowledge of historical time, the investigated logic of the process of history. Here the dialectic of time past and time present culminates in mother-daughter embrace, a fusion of blood-streams: nature overcomes history, dissolves memory and the narrative of differential moments into a cosmological continuum. The almost mythical rhythm of maternal/biological annuls the question about the future and with it the possibility of historical agency.

25. The question of agency (faced by Roy in the chapter before the last) involves speculations or anticipations of the future. This is tied also to the theme of violence against women, specifically targeting the body, sexuality (rape, mutilation of genitals, etc.) Ultimately, the chief task of this narrative and other structural projects of plotting (by Filipino writers) is to answer what is the meaning or sense of human actions in history. Put more concretely, what is the purpose or import of Filipino intervention in history, particularly the shaping of the present/future of the nation?

26. Resolving the problem of agency, as well as the meaning of revolutionary action, via affirmation of nature (by identifying the lost child, though Nonong's cadaver is never publicly identified, despite the father's torture and sacrifice of his life) is a false and misleading solution. Or it postpones the moment of choice, letting traditional authorities and conventions make the decisions.

Despite the melodramatic reunion of mother and dauther, as well as the bonding between Malaya and Lorie (an allegorical linkage of past and future by the existential present), Bautista suggests an ironical ending in the final two pages about Arroyo's Proclamation 1017 evoking memories of Marcos' martial-law declaration. There is a double irony here because the return of the past, even in mock or pantomime version, mimics the return of biology and blood-kinship, Nature.

27. The invocation of Nature returns us to the archaic and feudal stages of the pasyon and mythic rituals. A future shaped by human agency disappears. With it history either vanishes, or becomes the existential present, where "everything solid melts into air."
We plunge into the narcosis of commodity-fetishism, the deceptive flux and changeability of fashion--the paradisal mirage of global capitalism and its consumerist hallucinations which have seduced us, so ubiquitous in gigantic malls that proliferate in MetroManila, Iloilo, and everywhere. The instant of pleasure or excitement becomes paramount, consumption of ideas or sensations becomes the means for the realization of utopian bliss. The narrative of events and experiences becomes superfluous.

28.  Bautista's novel reminds us that our bodies can be "disappeared" not just by fascist violence, courtesy of the neocolonial state and US panopticon, but also by the inertia of quasi-feudal habits, by the subterranean reflexes of our physical constitutions. If we allow these forces to operate, the "disappeared" will haunt us forever, as they did for our protagonists Ana and Roy, as well as for Karla, Malaya, Lorie and all the victims and victors of this oppressive and brutal system.

The choice is ours: the owl of Minerva (the critical genius) will not fly out into this night of terror unless the vampires and ghouls of the past are challenged and the survivors with their memories intact assert their presence in time and at all times. This is the time of appearance, not disappearance, for Filipinos

29. Finally, this narrative of loss and recovery, inflected with ironic undertones and allegorical resonance, affords a moment for grasping the totality of the Philippine formation at a conjunctural moment: the neocolonial crisis of the Marcos dictatorship. Totalization enables the synthesis of past sacrifices to link present ordeals with visions of the future, expectations of new life-forms.

We as readers might be able to respond to the interpellation of ourselves as potential agents who can identify murdered activists, assassinated traitors, lost or disappeared citizens, who are all part of our own larger selves, vestiges of our own childhood and symbolic tokens of what we desire to become. 

As Bautista herself declared after the Feb 1986 revolt: "Panahon na na lumikha ng alternatibong papel ng babae bilang isang tauhan, lala na't kasama rin naman ang babae sa pagsusulong ng lipunan...sa tunay at ganap na kalayaan" ("Ang Manunulat bilang Babae at ang Babae bilang Manunulat,"  Tinig-Titik 2, 2nd issue, 1986-87, p. 6).

Various possibilities are open. If we want, a reflexive understanding of this novel can help us disentangle the barbaric from the civilized elements in the intricate, complex web of our national history--from the aborted insurrection of the Katipunan to the aborted uprisings of the Sakdalistas and Huks to the failed People Power Revolt of 1986, and so on. It can help us understand the ironies of political movements and the tragedies of the past as necessary turning-points in our emergence as a people/nation with its rightful place in the nultifaceted, dissonant, messy evolution of world-history.--2/1/2014

Wednesday, January 01, 2014

MENDIOLA MASAKER -- Parangal sa mga Nasawi


MENDIOLA MASAKER:  Labintatlong Katawang Bumabangon


--ni E. SAN JUAN, Jr.



LEOPOLDO  ALONZO

[22 Enero 1987: demonstrasyon ng mahigit 20,000 pesante't manggagawa
    sa harap ng  Malakanyang]

Ang kaisipan ay tandisang pagtutol sa kung anong katalahagan ang nakatambad sa harap natin...

Lupang makulimlim      di maabot-tanaw
ADELFA  ARIBE

[13 ang napatay,  105 ang nasugatan, nang paputukan sila ng pulis at militar ng rehimeng Cory Aquino]

Ang malalim na pagkabatid ay sumisibol sa pagpapakilala na ang mga nangyayari o mga  nadarama ay tumataliwas sa mga ideang ipinapataw ng rason o katuwiran.

Unti-unting nagkakahugis        labintatlong aninong naglalagalag

DANILO  ARJONA

[Wala kahit isa sa mga pumatay ang inaresto't ipiniit, o nilitis sa hukuman]

Magsimula tayo sa pagsalungat sa mga nangyayari, sa katalagahan.

Saksi sa pinaslang ay walumpung mamamayang sugatan

  DIONISIO  BAUTISTA

[Nobyembre 16, 2004: pitong mangagawang umaklas ang binaril ng militar at pulis sa isang piket sa Hacienda Luisita.  Utos iyon ng dating pangulong Gloria Arroyo, kasabwat ng angkang Cojuangco-Aquino]

Ang mga pangyayari sa ating karanasan ay mga baytang lamang ng isang
proseso o kalakaran na nagtatambal ng diwa at bagay, kamalayan at realidad

  ROBERTO  CAYLAO

[Oktubre 27, 2005: Nagpulong ang mga upisyal ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union sa Barangay Mapalacsiao. Pinag-usapan kung ano ang gagawin pagkatapas paslangin ang kanilang presidente, si Ricardo Ramos, 47 anos.]

Ano ang kamalayang lumilikha ng nadaramang daigdig?

Humihirit ang punglo    sumisingasing ang hininga ng kaluluwang nalugmok

 VICENTE  CAMPOMANES

[22 Enero 1987--araw ng kasuklam-suklam na krimen....]

Sa idealistang pananaw, tawag sa kamalayan  ay Kaisipan, Rason, Espiritu--mga katawagang tumutukoy sa diwa ng tao sa  iba't ibang anyo ng pakikipag-ugnayan sa buhay.

Katawan nina Ricardo Ramos at mga kasamang bumabagtas sa dagat ng mga kontinente ng Aprika, Asya, Norte at Timog Amerika...
.       
RONILO  DUMANICO

[22 Enero  1987: araw ng kahapon, ngayon at lumipas...]

Ang kaunlaran ngayon ay nasusukat sa bilang.  Nahahadlangan ang  pagsulong mula sa kabilangan (kantidad) tungo sa kaurian (kalidad)---tungo sa paglitaw  ng mga bagong uri ng kabuhayan at bayong ayos ng katwiran at kalayaan.

Sigwa't kidlat ng diwang napiit, ngayo'y nakaigpaw

 DANTE  EVANGELIO

[22 Enero 1987    Sumpa o dasal?]

 Sa kabuuan ng pag-uugnay ng diwa at kapaligiran, ng kamalayan at pangyayari, matatanto ang katotohanan.

Butil-butil na pawis at luhang dumadaloy
    ang bumubuhos na "demokratikong tsunaming" tinukoy ni Ka Crispin Beltran nang ipabilanggo siya ng "reyna ng kadiliman"

 ANGELITO  GUTIERREZ

[22 Enero  1987      Dasal o sumpa?]

Ang lahat ng bagay ay nagkakatawan sa taong nagsisikap maunawaan ito at ng taong gumagawa.

Payo mo'y mas mabuting magsindi ng kandila sa halip na isumpa
                        ang nakapanghihilakbot na dilim--
Itanong natin sa naksubsob na bangkay sa sinusong lupa

 RODRIGO  GRAMPAN

[22 Enero  1987       Dasal at sumpa kapwa?]

Ang lahat ng bagay ay siyang nagsasalin ng nakalipas sa panig ng kasalukuyan.

Mungkahi mo'y magparaya, patawarin ang nagbubulag-bulagan '
                           o nabubulagan--mga sundalong sinuhulan o binayaran--
Itanong natin kina Alice Omengan Claver  at Rafael Markus Bangit--
                Sinikap nilang ilawan ang landas ng mga naliligaw....


BERNABE  LAQUINDANUM

[22 Enero  1987    Sumpa muna bago dasal?]

Samakatwid, lahat ng bagay ay nag-aari ng kamalayan sa buong balangkas at kalamnan nito.

Panukala mong humagilap ng batong kiskisan upang
                makalikha ng titis na siyang magpapaliyab sa parang...

SONNY  BOY  PEREZ

[22 Enero  1987   Kailan pa ang pananagutan?  ang hustisya?]

Hanggang ngayon, walang pang tunay na paghahati ng lupaing binuwisan ng dugo ng mga magsasaka sa Hacienda....

Mula ngayon, ang lahat ng kaisipang hindi saksi sa kamalayan ng radikal na kabalintunaan ng lahat ng umiiral na porma ng buhay ay isang kaisipang sahol at mapanlinlang.  Sa harap ng mga kontradiksiyon, tumututol ang kaisipan sa ngalan ng katotohanan.

Itanong natin sa mga nasawi kung anong titis  anong kislap
    ang inagaw sa paghagilap ng katarungan
                    apoy sa lambong ng bayang biyaya'y  lagim


ROBERTO  YUMUL

[22 Enero  1987  Kailan pa?]

Negasyon o pagtutol ay siyang pinakasaligang kategorya ng diyalektika.

Sinong ipagdarasal sa tanglaw ng kandilang naupos ang mitsa?

Mungkahi ni Ricardo Ramos na mas mabuting isumpa ang mga kriminal
            sa halip na magsindi ng ilandaang kandila sa harap ng altar

Payo ni Eden Marcellana na mas mabuting isumpa
    ang kabuktutang naghahari
                 at ipukol ang batong kiskisan sa mga salarin
    upang mahuli ang nakasisilaw na ngiti nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan,
             titis na inihagis sa pangil ng kadiliman--

Oo, mabuting magsindi ng kandila at isumpa ang kadiliman

Sa gayo'y maaaninaw natin ang galit sa sumabog na matang nakamulagat
    ng mga nasawi sa Mendiola--apoy na tutupok sa isinumpang kabuktutan.

Abot-tanaw na
            tumatagos sa karimlan ang hirit-ganti

Unti-unting abot-tanaw na natin
                            ng liwanag ng sumabog na utak
    at dugong dumanak sa larangan ng digmaan
           
        sa Mendiola,  sa bawat ika-22 ng mga Enerong walang salang darating....