Saturday, February 22, 2014

PANITIKAN AT IDEOLOHIYA

PANITIKAN, IDEOLOHIYA, REBOLUSYON:
Edukasyon at Pedagohiya sa Bisa ng nobelang DESAPARECIDOS ni Lualhati Bautista

ni E. San Juan, Jr.






1.  Sa unang malas, umaayaw na o natatabangan ang marami sa pagkasulyap sa salitang "ideolohiya." Ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi bagay sa okasyong itong pagsunod sa binagong K-12 curriculum. Kung inyong nabasa ang Batas at Memo ni Dir. Licuanan, nais daw hasain ang estudyante sa kritikal at malikhaing pag-iisip upang itransporma ang sarili at kapaligiran. Naku, bigating layunin ito. Idiniin din na kailangan daw iakma o iayon ang turo't aralin sa global istandard.

2. Isa sa required reading sa mga kolehiyo sa Europa & mga bansa sa Aprika at Amerika ang The German Ideology nina Marx at Engels. Tiyak na alam ng lahat na bawal ang komunistang lathalai't usapan sa mga klasrum, laluna sa panahon ng "Cold War." Tapos na ito sa buong mundo, pero patuloy pa rin tayo sa mentalidad ng pagbabawal. Kung sa bagay, ngayon ang panahon ng "total surveillance," & hanggang ngayon, ang premyadong pelikulang "Orapronobis" ni Lino Brocka ay hindi pinahihintulutang maipalabas sa publiko.

Sa ano't anuman, ang "ideolohiya" ay salitang laganap na sa iba't ibang sangay ng aralin sa humanidades at siyensiyang sosyal. Hindi na dapat pagtalunan kung bakit mahalagang siyasatin ang kaugnayan nito sa pagtuturo. Halimbawa na nga ang inyong pagtaka o pagkamangha, kung nangyari nga, sa paglitaw nito sa programa.

3. Isa pang halimbawa: Malimit nating pasalamatan ang mga burokratang upisyal sa pagtustos sa pagpupulong tulad nito. Sa katunayan, ang dapat pasalamatan ay mga manggagawa, magbubukid at empleyadong tulad ninyo na siyang yumayari ng kayamanan ng bansa. Ang lakas-paggawa ng karaniwang mamamayan ang nagbubuwis ng halaga upang mangyari ang miting na ito, kaya sa kanila ang pasasalamat natin--hindi sa mga politiko at kanilang "pork-barrel" na nakaw sa pagod ng mga anak-pawis, bukal ng anumang kabihasnan.

4.  Sa gayon, ang ideolohiya ay hindi lamang pumapatnubay na ideya o paniniwala kundi kilos, gawi, praktika. Ito'y mga institusyong siyang gumagawa ng sabjek sa bawat indibidwal. Ang sabjek ang siyang aktor na kinikilala, nagpapasiya, kumikilos, may pananagutan.

Makikita sa relasyon ng titser at estudyante: "Hoy, makinig kayo!" giit ng guro. Awtoridad ang titser, kinatawan ng Estado at siyang nagdedeposito ng kaalaman sa basyong utak ng mga kabataan. Ito ang "banking method" ng edukasyon na tinuligsa ni Paulo Freire. Galing ito sa mahabang karanasan natin sa disiplinang pedagohikal ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano. 

Sa pagsakop ng ekonomiyang nakaangkla sa "exchange value" ng trabaho, wikang Ingles ang instrumento sa paghulma ng sabjek ng malayang pamilihan--ipagbili ang lakas-paggawa kung may bibili.  Bagamat ang hangarin ng makabagong sistema ay indibidwal na may nagsasariling katwiran ("autonomous rational mind," naisaad ni Immanuel Kant), kaiba ang resulta: ginagawang masunuring sabjek ang indibidwal sa posisyon niya sa istruktura ng lipunan.

5. Ang lipunan ay katumbas sa ugnayan o relasyon ng mga sabjek. Hindi ito kumpol lamang ng hiwa-hiwalay na inbidwal. Bawat identidad/kaakuhan--halimbawa, sabjek bilang awtor, mambabasa, guro, atbp.--ay nabubuo lamang sa loob ng ugnayang panlipunan. Samakatuwid, ang sabjek ay produkto ng pagkilala, pagtawag, interpelasyon ng diskurso, praktika, institusyon.

Hindi kaakuhan/identidad ng awtor ang pinagmumulan ng kahulugan ng akda. Iyon ay bunga ng diskurso, ng tekstong binubuo ng magkasalungatang puwersang nagsusulong sa kasayaysan.  Ang indibidwal ay ginagawang sabjek ng wika sa diskursong gamit ng mga institusyong ideolohikal. Makapangyarihan ang asignatura sa panitikang Filipino sa paglalantad ng sitwasyon kung saan ang wikang Ingles ay dominante pa rin, tanda ng poder ng modernisadong oligarkiya, na bunyag nga sa paggamit ng "mother tongue" sa unang baytang ng iskwela. Pahiwatig na sa kompitensiya ng wika, nananaig pa rin ang poder ng bangko't korporasyong global ng U.S., Europa, Hapon, at sirkulo ng industriyalisadong bansa.  Ang poder ay naisakatawan sa wikang Ingles, o sa mga "englishes," na bumubuhay sa gahum o hegemonya nito sa buong daigdig.

Sa pamamagitan ng mga institusyon at operasyong praktikal nito, kinikilalang sabjek ang sinuman upang makaganap ng takdang tungkulin sa isang tiyak na lugar sa kasaysayan ng lipunan. Gayundin ang awtor: batay sa institusyonalisadong praktika, ang identidad ng awtor at gawa niya ay nakasalig sa pagtawag at pagkilala sa kanya ng namamayaning pananaw--ang normatibong paniniwalang operasyonal sa gawi, batas, atbp. kung saan nakasandig ang kapangyarihan ng dominanteng uri sa hinating lipunan.

6.  Walang sitwasyon na permanente sa kasaysayan. Lapatan natin ng historikal na panimbang ang pabago-bagong pagtingin sa awtor at akdang itinuturo natin.

Namihasa tayong ipalagay na ang isang akda ay bunga ng henyo o talino ng awtor. Iba noong sinaunang panahon: ang awtor ng epiko, korido, pasyon, atbp. ay kabilang sa pangkat na naglilingkod sa lider ng tribu, ng simbahan o aristokrasya (tulad ni Balagtas). Ginagabayan sila ng kombensiyon, determinadong kodigo, at panuntunang institusyonal.

Nag-iba ito paglipas ng Renaissance; tuluyang humiwalay ang artisano't naging negosyante ng kanyang dunong sa sinumang bibili nito. Malaya na siya sa malas, pero alipin naman ng pamilihan. Ganito pa rin ang sitwasyon ng awtor  o sinumang intelektwal (guro, peryodista, atbp) na walang pag-aari ng kailangang kagamitan upang mabuhay.

Noong ika-19 siglo, umaklas ang mga artista laban sa burgesyang orden ng kapitalismong industriyal. Batay sa romantikong pananaw, ang awtentikong galing ng manunulat ay tiwalag sa burgesyang lipunan at indibidwalistikong pamantayan nito. Itinuring na doon nagmumula ang kahulugan at katuturan ng akda.  Kalaunan, pinatingkad ito ng ideolohiya ng sistemang kapitalismo, bagamat ang normatibong mapang-angkin ay tinuligsa nina Flaubert, Zola, Dostoevsky, Gorki, Dreiser, Hemingway, atbp.

Ang rebelyon nina Villa, Abadilla, Amado Hernanez, at mga modernistang sumunod ay sintomas ng krisis ng sitwasyon ng petiburgesyang intelektwal sa neokolonyang predikamentong tumitingkad at lumalala ngayon.

7. Sa pagsipat at pagkilatis ng diskurso, mapapansin na impluwensiyal pa rin ang klasikong pamantayan nina  Regalado, Balmaseda, Panganiban: ang "dulce et utile" ni Horace pinatining ng romantikong ideyalismo.  Nitong dekada 70 at 80 pumasok ang formalismo, feminismo, istrakturalismo't iba pang tatak postmodernistang perspektibo, sa neoliberalismong bandila ng "end of ideology" o tandisang tagumpay ng kapitalismo pagbulusok ng Unyon Sobyet at alternatibong radikal.

Tatlong lapit ang resulta. Una, ang didaktikong motibasyon: birtud ng literatura ang pumukaw ng diwa o damdamin at magbigay ng aral na mapapakinabangan. Masisinag ang utilitaryanismong ugit sa dokumentong nabanggit. Pangalawa, ang empirisistikong hilig na sa reyalistikong pamamaraan nailalahad ng akda ang katotohanan, tiwalag sa anumang paniniwalang moral o etikal ng awtor. Pangatlo, aliw ang dulot ng ayos o porma ng sining; kariktan o kagandahan ang mahalagang katangian nito para sa esklusibo't sopistikadong sensibilidad.

Matatarok na sintomas ito ng kontradiksiyon ng mga grupo sa lipunan: ang awtoridad ng mga naghaharing uring may mala-pyudal na pangitain, laban sa komprador-burokratang saray na tutok sa pamantayang global at siyentipikong pamantayan. May panggitnang oryentasyon din.

Ngunit hinahanap pa, dili kaya'y hinihitay pa, ang pagtinging sumasalungat ng mga nakararami, ang interpretasyong nagsisiwalat ng pagtatagisan ng samutsaring sektor ng lipunan at pagkakabuhol ng mga ito. Sa madaling salita, ang katotohanan ng kasalukuyan sitwasyon at kalakaran ng tunggalian ng mga uri.

8. Batay sa kuro-kurong naisaad, atupagin natin ang pangunahing tanong: Sa tawag ng nobela ni Bautista, anong sabjek ang nabubuo mula sa karanasan ng pagbasa? Upang matugon ito, marahil dapat usisain muna ang ating sitwasyon at kinalalagyan. Anong kondisyon ng ating lipunan sa ngayon?  Bilang guro at estudyante, saan tayo nakapwesto sa kasalukuyang krisis ng kapitalismong global at alitang rehiyonal?  Ano ang tungkulin natin sa institusyong inutusan ng Estado na hubugin ang isip at damdamin ng kabataan? Para sa anong layon o adhikain?

9. Ang literaturang itinuturo ay isang sangay ng kabihasnan na kagamitan sa paghulma ng isip at kilos ayon sa dominanteng pangitain ng namumunong uri. Anong pangitain ang gumagana't nanaig? 

Indibidwalismong makapamilya o makauri ang istandard, hinaluan ng ilang demokratikong islogan. Inatasan ang guro upang itanim sa utak at puso ang indibidwalismong makasarili kaagapay ng pagsunod sa batas. Hindi bulgar na pangungurakot sapagkat may kaunting aral tungkol sa pakikipagkapwa-tao at pagtulong o pagdamay sa di-kamag-anak, at pagmamahal sa bansa.  Sa tradisyonal na ugali, idinidiin ng guro ang aral o ulirang halimbawang mahuhugot sa tula, kuwento, nobela, dula na magsisilbing gabay sa araw-araw na pamumuhay.

10.  Sa ganitong pagtingin, ang guro ay gumaganap ng papel ng isang awtoridad, tulad ng pulis o pari. Masunuring estudyante, hindi nagtatanong—ito ba ang hangad natin? Hindi ba kabaligtaran iyon ng nais natin: isang responsableng taong may sariling pangangatwiran? Paano maitatanim at mapapaunlad ang kakayahang mag-isip nang walang alalay, ang maging taong taglay ang kasarinlan at rasong independiyente (autonomous reason) na ideal ng demokrasyang orden, hindi diktadurya o pasistang sosyedad?

11. Ang panitikan ay produkto ng mga kontradiksiyong sosyal at siya ring nagpapaulit-ulit nito.  Hindi nasa tinig ng diwa o guniguni ang kahulugan ng akda, kundi nasa pag-antig o pagpukaw ng saloobing nakatugma sa polarisasyon ng mga tauhan at pangyayari. Ang akda ay hindi ekspresyon ng nangungulilang diwa o malay kundi artikulasyon ng senyas o salitang taglay ang magulo't maligalig na ugnayan ng bawat tao sa lipunan.

Sa retorika ng teksto at pagbabalangkas ng naratibo, nakalilikha ng posisyon para sa mga sabjek na kumakatawan sa sistemang nabibiyak, tigib ng nakabibighaning katangian. Ang matingkad na karanasan o reyalidad ay bunga ng diskurso na humuhudyat o tumatawag sa atin upang makisangkot o lumahok sa tunggalian ng mga lakas.

Bumungad sa dalumat ang interogasyon o interpelasyon ng akda. Saan tayo lalagay? Saan tayo papanig, saan makikisanib?

12. Paano susuriin ang ideolohiyang hugis o banghay ng nobela ni Bautista?  Sa biglang sipat, mahihinuha na iyon ay nakasalig sa makatotohanang dating at epekto ng tila-realistikong detalye ng paglalarawan, laluna ang eksena ng tortyur, ng maramdaming pagtatalik nina Ana at Roy, atbp. Hindi kailangang magduda na peke o eksaherasyon ang mga pangyayari. Matalas at masinop ang paglalarawan ng malagim na karanasan na nakasentro sa mga rebolusyonaryong Ana, Roy, Karla, Jingki, at kanilang pamilya. Ano ang hinihiling sa atin? Ano ang demanda ng nasubaybayang eksena't pangyayari?

Nakaaantig ang pagsisiwalat ng matinding kahirapan ng mga aktibista, ng mabangis na kalupitan ng mga sundalo ng diktaturya, ng matinding galit at kalungkutang sinapit ng mga protagonista. Taglay ng akda ang makasaysayang kakintalang mahirap iwaglit sa kolektibong gunita.

13.  Ating ungkatin ang ideolohiya ng teksto sa makinarya ng paghahanay ng mga insidente: Paano nalutas ang problemang gumulo sa buhay ng mga tauhan? Paano nairesolba ang mga kontradiksiyong prinsipal (diktadurya versus demokratikong masa at representatibong partido nito) sa pamamagitan ng imahinaryong paraan, sa pantasya o nais-kaganapan (wish-fulfillment)?

14. Pansinin na ang suliranin ng kontradiksiyon ng oligarkong pangkat suportado ng imperyalistang Estados Unidos at mga partisano ng demokrasyang pambansa ay naipaloob sa isang kompromisong antas. Ibig sabihin, naisalin iyon sa kuwadro ng problema ng inang nawalan ng anak at sakunang naranasan ng mga aktibistang pinahirapan.

Sa sakripisyo ni Karla, sa kanyang pagmamalasakit, na bunga ng pangingibang-bayan (paglipat sa Canada) at pagkalinga ng pamilya, nakuhang ipagtapat sa anak ang katotohanan ng nakalipas. Sumunod naman si Malaya sa paniniwalang ang pagka-ina (maternidad) ay biyolohikal, hindi sosyal; at pagtanggap sa kanya ni Ana bilang simbolo ng kanyang pagsisikap at gantimpala sa pagmamahal sa sarili.

Sa kasukdulan, umabot sa pagkakakilanlan at pagbabalik ng kaginhawahan, bagama't ironikal ang alingawngaw sa dulo. Na wari baga'y may kutob na walang tunay na pagbabagong naganap, may kutob na nasayang ang pawis at dugong ibinuhos ng mga nakipagsapalaran, at bumabalik muli ang sinugpong nakalipas. Ano ba talaga ang kanilang mithiin? Ang katarungan ba'y nakasalalay sa hatol ng hukuman sa Estados Unidos, hindi sa Filipinas? Tila malabo pagdating natin sa dulo.

15.  Sa panig ni Roy naman, ang interogasyon ng Komiteng nagsisiyasat tungkol sa mga biktima ng martial-law kaugnay ng kasong ilalapit sa korte sa U.S., ay nagsilbing katarsis upang maibilad niya ang nasugpong yugto ng kanyang buhay, laluna ang pagkitil ng buhay ni Jingki ayon sa atas ng partido, na paghihiganti sa pagkasawi ng buong pamilya niya. Sa tulong ng mga abogadong Filipino at Amerikano, ang katarungan ay natamo, nagkaisa muli ang ina't anak, at nakamit ni Lorie ang kabatiran tungkol sa madugo't lihim na talambuhay ng kanyang magulang. Narekober ang nakalipas, nabuo ang totalidad ng kasaysayan, umabot tayo sa masayang wakas, bagama't may babala na baka maulit muli ang diktadurya sa proklamasyon ni Arroyo sa huling pahina.

16.  Samakatwid, ang tunay na problemang hinarap ng nobela ay nalutas sa imahinaryong paraan, sa paglilipat nito sa isang lunan o palapag na madaling maaayos ang lahat sa paraang pagtawag sa tradisyonal na paniniwala, sukatan o prehuwisyong bumubuo sa lumang kaayusan na siyang pinagmulan ng krisis na sinuong ng mga karakter sa nobela.

Nabuo ang sabjek sa pagtuklas na gumagana pa rin ang tradisyonal na moralidad na batayan ng kilos, isip at damdamin ng tipikal na tauhan sa nobela: pamilya batay sa awtoridad ng magulang, sindak ng militar laban sa rebeldeng pangkat na dapat katakutan, atbp.

Matingkad ang paglalarawan sa problema ng mga anak at magulang, ngunit tila pansamantala lamang ang yugtong iyon, limitado sa ilang tauhan, hindi saklaw ang buong bansa. Lumilitaw na ang diktadurya ay tila anomalya lamang, at ang krisis ay pansamantalang emerhensiya. Ganoon din ang kalabisan ng mga kaliwang puwersa na siyang nagpakilos sa mga aktibista, ngunit hindi sumaklolo o tumulong sa kanilang kahirapan.

Sa namamayagpag na "culture of impunity," tila patuloy ang predikamento ng mga ina. Testigo ang ina ni Jonas Burgos, ang mga magulang nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, at marami pang iba. Baka maging "desaparecidos" ang buong bansa sa paglabas ng migranteng contract-workers--mahigit 10 milyon na--pati likas-yaman, mga islang lulubog o mawawasak sa bagsik ng napipinsalang kalikasan ng planeta.

Ang pagkawala ng anak ay mistulang sagisag sa pagkawala ng soberanya, kalayaan, integridad ng bansa.
Simbolo kaya ng resureksiyon o muling pagsilang ang pagbabalik ng anak? Sino ang sabjek ng kinabukasang ipinahihiwatig ng pagbuo muli ng pamilya?

17.  Kung hindi kayo sang-ayon sa metakomentaryong nailahad, patunay iyon na nangingibabaw pa rin ang tradisyonal na paraan ng pagsusuri't pagpapahalaga sa literatura. Kung nabagabag man kayo, tumalab kahit paano ang proposisyong nailatag dito, maaaring simulang baguhin ang modo ng pagturing sa panitikan bilang repleksiyon ng tinatanggap na realidad o kaya'y ekspresyon ng kaluluwa ng salamangkero ng wika. Simula ring maghuhunos ang pagkilala sa estudyante at guro bilang mga sabjek ng naghaharing paradigma o kwadro ng pagkilatis at pagpapahalaga. Sa gayo'y pwedeng mag-umpisa ang kumbersasyon ng mga komunidad sa impetus ng diyalektikal at materyalismong pagsusuring naibalangkas dito.

16.  Sa paglagom, maitanong: taglay ba ng lahat ng akda o diskurso ang hugis ng ideolohiyang nahimay rito? Kung ganoon, walang dapat alalahanin. Walang panganib ang magbasa ng diskursong nag-uulat ng nakaririmarim na mga tagpo, ng mga nakasisindak na pangyayari. Sandaling nagimbal ang kalooban ng mambabasa.

Sa pag-igkas ng imbestigasyon hinggil sa mga biktima ng diktadurya, sa pag-inog ng mga insidente, maidadala lahat ng mga masalimuot na kontradiksiyon sa isang lugar na madaling maipapaliwanag ang lahat, at saka maiuugnay sa mapayapa't makabuluhang paraan ang mga nagtutunggaling puwersa upang sa gayon maisauli ang dating status quo at mapatahimik ang lahat. Kung tutuusin, walang dapat ikabahala sa masinop na pag-aaral ng nobelang puno ng madugo't marahas na tagpo.

17.  Sa Kanlurang arkibo ng araling kultural, ang genre ng modernong nobela ay nakatuon sa pakikipagsapalaran ng naligaw na kaluluwa sa mundong walang diyos. Ang bayani ay masikhay na naghahanap ng kahulugan o katuturan sa buhay, biktima ng alyenasyon sa daigdig ng komoditi at ipinagbibiling bagay sa mega-mall saanman, napapaligiran ng walang tigil na sigalot, terorismo, digmaan ng mga uri't sari-saring lakas ng nagbubuhat sa gunita ng nakalipas at takot sa malagim na hinaharap.

Sa Filipinas, ang nobela ay nakaugat sa krisis ng pyudal at patriyarkal na orden. Naitampok sa pagsasalaysay ng buhay nina Ana at Roy ang predikamento ng pamilyang nabuwag at mga kabataang napahamak sa pakikibaka sa ngalan ng kalayaan at hustisya, sa kalakaran ng krisis ng neokolonyal na rehimen, kung saan natuklasan ng mambabasa ang tunay na pagkatao ng mga sabjek sa proseso ng pagtataguyod ng rebolusyonaryong balak.

Makapagtuturo kaya ito ng mabuting halimbawa upang ang sabjek na imbensiyon ng diskurso, resulta ng wika ng likhang-sining, ay maitransporma sa mapagpalayang direksiyon?  Magagamit kaya ang pormang ideolohikal ng literaturang pinaparangalan ngayon sa makatao't progresibong layunin?  Tiyak na ito'y isang kolektibong proyekto na dumudulog sa lahat at humahamon sa ating budhi, puso, katapangan at katapatan.###
______

[Ang unang borador ng papel na ito ay binasa bilang panayam sa Ateneo University, 14 Pebrero 2014]

Tuesday, February 18, 2014

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN

NEWS RELEASE--
E. SAN JUAN JR. PUBLISHES 5th BOOK OF POEMS IN FILIPINO

   
U.S.-based Filipino scholar E. San Juan, Jr., emeritus professor of English, Comparative Literature and Ethnic Studies, has just published his fifth book of poems in Filipino, Bukas Luwalhating Kay Ganda, sponsored by the Philippines Cultural Studies Center and is available from amazon.com and also createspace.com.

His forthcoming collection, KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN, an expanded version of this book, is due this January 2014 from the University of the Philippines Press.  His previous collections include Alay sa Paglikha ng Bukang-liwayway (Ateneo U Press),  Sapagkat Iniibig Kita (U.P. Press), Sutrang Kayumanggi and Mahal Magpakailanman (LuLu.com), and Ulikba at iba pang tula (UST Publishing House).

San Juan was recently a fellow of the Harry Ransom Center, University of Austin, Texas. Previously he was a fellow of the W.E.B. Institute, Harvard University, for which he  completed a monograph on “African American Internationalism and Solidarity with the Philippine Revolution.”  A part of the research has been published in Socialism and Democracy, July 2010, and in the e-journal Cultural Logic.

Born in Sta. Cruz, Manila, Philippines, San Juan received his A.B. , magna cum laude, from the University of the Philippines, and his A.M. and Ph.D. from Harvard University. He was president of the U.P. Writers Club in 1957-58.  He also taught at U.P. from 1959-60, 1966-67, and 1987-88 (as Fulbright professor); in Ateneo University, and also at Centro Escolar University.  He was visiting professor at Brooklyn College; Wesleyan University; Leuven University, Belgium; Trento University, Italy; Tamkang University and National Tsing Hua University, Taiwan.

His recent books are Rizal in Our Time (revised edition; Anvil); Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo U Press); In the Wake of Terror (Lexington), Critique and Social Transformation (Mellen); From Globalization to National Liberation (U.P. Press), US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave), and Critical Interventions (Lambert).  Currently San Juan is preparing an anthology of his critical essays in Filipino as a sequel to Himagsik (published in 2004 by De La Salle U Press) and a ground-breaking commentary on an important historical document, hitherto unpublished, Benjamin Appel’s “Manila Diary,” together with a critique of Appel’s novel on the Philippines, Fortress in the Rice.--##


Contact:  PHILIPPINES CULTURAL STUDIES CENTER <philcsc@gmail.com>  117 Davis Road, Storrs, CT 06268, USA  <philcsc@gmail.com>

Friday, January 31, 2014

LUALHATI BAUTISTA'S DESAPARECIDOS, ANDRES BONIFACIO, ETC.

HISTORY, LITERATURE, AND THE POLITICS OF TIME
[UP VISAYAS TALK Feb 4, 2014]

by E. SAN JUAN, Jr.



1. Any process of reflection on the situation of Filipinos and Philippine society today, post-9/11 and in the midst of intense U.S. surveillance of the world as part of its global war on extremist terrorism, requires sustained historical consciousness. This involves critical self-reflection if we want to intervene in changing our social situation and our everyday lives.

"Historical" implies the passage of time through events from one mode of social relations to another, the past undergoing transformation to produce the next stage of social development, the future.   "Consciousness" implies not just individual self-reflection but a grasp of the milieu and its collective self-awareness, the mentality of the epoch, as well as its manifold determinations.

2. The Yolanda catastrophe disclosed the stage we are in: an entrenchment of the neocolonial formation begun in 1946. We witnessed again not only endemic corruption and ineptitude, but more starkly the intervention of foreign actors, in particular, the United States navy and airforce, which offered a pretext for allowing large-scale, more permanent deployment of US forces throughout the country. This in addition to the drone/Special Forces operations already going on in Mindanao, Sulu, and other regions. The protest over pork-barrel thievery is a symptom of growing popular discontent--not enough, however, to spark nationwide insurrection.

3. Part of the symptom of increased deterioration of the neocolonial setup is the impact of the public exposure--on top of other local protests in various regions. esp those affected by mining, demolition of homes,etc.  Everyone knows that this has been going on since the US colonial administration parcelled out the bureaucracy and the ideological state apparatus--courts, legislature, military--to the local elite with landlord and comprador roots. This was part of the pacification campaign from 1899 to the Cold War period.

Bourgeois sociologists call this the client-patron relationship, part of the old structures of interdependency. The US cultivated this and institutionalized it in the Quezon Commonwealth regime; it worsened during the Cold War era, systematized by the Marcos dictatorship, and vulgarized in the Estrada and Arroyo regimes.

4. Except for a few stories and novels in the vernacular, literary artists have not thoroughly diagnosed the corruption endemic to a neocolonial, dependent system. One outstanding example is Stevan Javellana's WITHOUT SEEING THE DAWN. Of course, the classic works of Lope K Santos, Arguilla, Amado V. Hernandez may be cited as allegorical and realist testimonies to the historical contradictions of the period from the early years of US colonial rule to the fifties.

Aside from state censorship and persecution of subversive writers, the use of English and the class-affiliation of the intelligentsia served to reinforce the ideological hegemony of the imperial power in the sphere of culture. Even the most popular vernacular poet of the twenties and thirties of the last century, Jose Corazon de Jesus, who wrote in accessible Tagalog and attacked racist Americans, could not fully escape the individualist conformism of his vocation. He was more effective as a journalistic recorder of folk beliefs and hypnotic entertainer of the plebeian crowd.

5. Our literature in English remains confined to clever imitations and at best genteel parodies of the latest vogue celebrated by US taste-makers and fashion arbiters. The major writer who dared to wrestle with the crises of the collective psyche, more precisely the ordeals of activists, during the Marcos dictatorship and after is Lualhati Bautista, also famous for the films DEKADA 70 & BATA BATA PAANO KA GINAWA? Bautista is a self-declared feminist writer in Filipino who tries  to cater to the taste of the bakya crowd and the high-brow aficionados of the Filipino commercial cinema. But her virtuosity seems not to have registered deeply to make her name instantly recognizable as that of Manny Pacquiao or Nora Aunor, star of the recent film THY WOMB.

6.  Before I offer a few comments on Bautista's latest novel, DESAPARECIDOS, I want to say something about the 150th anniversary of Andres Bonifacio's birth celebrated last year.

7. After World War II, I was seven years old and entered the Andres Bonifacio Elementary School near Blumentritt, Sta Cruz, Manila. I knew more about the 13 martyrs of Cavite than about the Supremo because I acted in a skit about one of them. Later I knew more about Jose Abad Santos when I entered a school named after him.

During grade school and high school, I had only rudimentary notions of Bonifacio's role in the 1896 revolution. Only in college, after being exposed to Agoncillo's Revolt of the Masses, did I acquire a fuller understanding of Bonifacio's importance, albeit a somewhat distorted version due to the prejudiced optic of such commentators as Agoncillo himself, Zaide, Nick Joaquin, etc. It is only through the brave efforts of our kasamas in the national-democratic movement that we can now appreciate Bonifacio's decisive intervention in that epic of revolt against Spanish colonial domination, an ongoing narrative beginning from Soliman and Dagohoy up to Silang, Apolinario de la Cruz, Burgos, to Rizal, Jaena, Del Pilar, and the Katipunan.

8.  From a historical-materialist perspective, Bonifacio is less an individual than an embodiment of collective forces
that were stirred up by the Propagandists, mainly by Rizal's novels and his failed Liga. The Katipunan is not just a collection of disgruntled individuals but an organized assemblage of conscious minds mobilized for directed, planned action. It laid the ground for constructing the counterhegemonic vision of future national-democratic struggles: the Sakdalista, Huk, NPA/NDF, etc.

9. Unlike the hero-worshipping habits imposed by aristocratic Spain and the utilitarian U.S., the ideology of the Katipunan emphasized cooperation, mutual aid, and the welfare of the community. National solidarity, not individualism. The revolution initiated by Bonifacio's Katipunan contradicted the cacique mentality of the Aguinaldo circle, petty holding proprietors, titled ilustrados, the Westernized intelligentsia.  While Bonifacio and his circle were themselves products of the European Enlightenment, specifically the radical philosophes, they also functioned as organic intellectuals of the workers and peasants. Not the pasyon but the habitus of Indyo artisans and urban workers (Manila then was a collection of neighborhoods) shaped their everyday conduct, a life-form whose virtue inhered in spontaneous feelings, rituals of sharing, emotive gestures and clandestine agitation rather than detached inquiry.

10.  All the writings of Bonifacio, as well as the documents of the Katipunan, testify to a massive endeavor to educate workers and peasants in order to raise their political consciousness, not to enhance their talent to promote their individual status or family fortunes. This applied also to the writings of Rizal, Mabini, and others. But Bonifacio used the vernacular and appealed to the organic sensibility of people engaged in daily work and collective struggle against a violent predatory system.

In sum, the narrative of Philippine modernity based on the rational autonomy of each individual talent harnessed for the common good begins with Bonifacio and the Katipunan. Incredulity toward this master-narrative can only sustain the abuses of dynastic warlord families, proprietors of semi-feudal estates, as well as their comprador-bureaucratic networks in government. Consumerist individualism and lumpen criminality are morbid byproducts of this interregnum between the old dying system and the new one still convulsed by birth pangs.

11.  We have not yet achieved full sovereign autonomy, given our dependence on US dictates (military, economic, etc.) and IMF/WB and WTO mandates. With over ten million OFWs, the economy depends vitally on the unstable global market hiring migrant labor. Call centers and outsourcing businesses immediately suffer any slight adjustment in global stock exchanges.

Lacking any master-plan for industrialization, food sufficiency, ecological health and sustainable development, our country remains an immiserated appendage of global finance-capital. And if it were not for the remittance of billions of dollars to pay the foreign debt and support the consumerist lifestyles of both the rich and the families of OFWs, we would be like Haiti, a virtual US colony. But an economy based on commodification and export of millions of brown bodies is precariously mortgaged on the cycles of global capitalism, afflicted with periodic calamities and ongoing wars and worsening destruction of the planet's ecosystem.

12.  Bonifacio's dream of national autonomy, popular sovereignty, and prosperity remains suspended in the sporadic struggles of numerous groups around the country--farmers, indigenous Lumad communities, women, students, OFWs abroad, etc. The moment of systemic breakdown depends on the convergence of all these separate insurrections, movements variably contingent on or affected by the international alignment of blocs of regional forces.

Bonifacio's execution by the Aguinaldo clique reminds us that unless class divisions, and their attendant  ideology of narrow class or familial interests (both of which are maintained by US hegemony) are overcome, we cannot progress as an independent nation and a people with dignity and singular identity. This unity is something to be theorized in consonance with practical organized movements.

13. Bonifacio is being resurrected everyday in the numerous efforts of our countrymen to oppose imperialist diktat and the subserviency to their imperialist patrons of our politicians, compradors, and landlords--the oligarchic elite-- whose lives have been molded to maintain a violent system whose grant of "impunity" for torturers and killers is a clear sign of its moral and political bankruptcy.

14. This climate of "impunity" for those responsible for atrocities and barbaric excesses during the long night of the Marcos dictatorship is the theme of Bautista's novel DESAPARECIDOS. The title itself, derived from the Latin American nightmare of repression of insurgents by military dictators supported by the CIA (as in Guatemala, El Salvador, Argentina, Chile, etc.), betokens the continuing repression of civil liberties and the fascist violence used to impose it. It also symbolizes the vanished, erased or extinguished parts of our memory and consciousness without which we cannot claim responsibility for our actions, or freedom to create our own destiny.

15. Foremost among the disappeared in Panay are Luisa Dominado and Nilo Arado. They were followed by Jonas Burgos, Sherley Cadapan, Karen Empeno, and dozens more. What happened? Can a body just disappear in a society whose laws, whose constitution, presumably seek to guarantee the life and liberty of everyone? Who are the agents of making bodies disappear as if by magic or uncanny and bizarre means? And when bodies surface as corpses, cadavers with stigmata of State coercion (euphemistically called "extra-economic compulsions"), are there risks for anyone who can identify them?

16.  Bautista's novel is both an expressive and communicative act. Expression becomes possible only when communication succeeds (always in contentious or conflicted degrees), enabling the reader to translate ideas/feelings into action. To ask what the novel communicates is to ask how the individual reader is interpellated to become a subject capable of action premised on a certain view of life, a configuration of lived experience, and sense of an intelligible future.  We also want to interrogate whether the project of interpellation--making readers not only conscious of their historical situation but also aware of their potential in transforming their world--successful or not. If not, why not?

17.  I propose three theses for exploration and discussion: First, this novel attempts to make sense of the terrible disruption of lives, of institutions and traditional beliefs, inflicted by the Marcos dictatorship through the ordeals of two families--three if we include the parents of Jingki, the assasinated traitor to the NPA. Were all those sacrifices worth the cause? Was that period of emergency meaningful, valuable, or necessary? 

Second, the attempt to make whole broken bodies, destroyed lives, employs the plight of a mother searching for her lost child, exposing in the process the conflict between political commitment and personal (maternal) need, and the disjunction between devotion to a future-oriented revolutionary ideal and the imperative of immediate or punctual satisfaction of family togetherness and organic harmony among blood kins. Is the conflict resolved, thus allowing for the invention of a different or alternative future? What notion of the future is produced by a reading of this novel?

Third, the argument for revolutionary justice--the revenge of the deaths of others by the sacrifice of Jingki--appears as a wager that a future life free from such raw justice can arise. Absent a providential or transcendent law/god, can humans with their natural vulnerabilities and resources establish a regime honoring each individual member? Again, can the future be born from a spoiled damaged past and guilt-ridden present? Are possibilities offered by the plot of restored child and confessed deed?

18. The plot unfolds the interaction of multiple times. The themes of separation and reunion, distance and intimacy, unravel in the interplay among three zones or layers of experienced temporality: a) time lost/frozen (for Anna fixated on finding her daughter consigned to a lost comrade Karla), b) time present (Roy remembering the burning of his family in front of an NGO group trying to reconstitute the historic truth/authenticity of what happened, and finally confessing his role as party agent of revenge), and (c) time future (duration as continuity), personified by the two daughters: Karla who wants to know/learn about her past, her mother's homeland; and Lorena whose everyday recording of what is occurring to her parents, etc., registers the symptoms of rupture and displacements, the asynchrony between past and present, thus rendering the future problematic, at best, and amenable to speculative extrapolation.

19. The novel resolves the fixations of Ana and Roy with the return of Karla from Canada, and the confession of Malaya to Ana about her origin. Moved by Ana's obsession, Karla (whose spatial removal and marriage fills up the lost time wasted during the Marcos years) renounces her claim to Malaya. Malaya in turn reaffirms the biological mother Ana, though she does not reject Karla. Roy finally confesses that he killed Jingki, Karla's husband, on orders of the party, thus partly purging himself of guilt. One can speculate that revenge on a former comrade Jingki compensates for Roy's fury and sense of futility or helplessness in leaning of the killing of his parents and sister.

But it can be argued that the reunion of mother and daughter does not fully provide an answer to the lost meaning or import of the anti-imperialist struggle in the lives of these protagonists. The summary of chronological history in between the 9th and 10th chapter, entitled "Once upon a fairy tale..." attests to the problem broached by the politics of time and the disaggregation of space in an unevenly developed, ideologically conjunctural formation.

20. Surely the return of the lost daughter and the vindication of Ana's persistent effort to find Karla, as well as the retribution inflicted on Jinky for betraying his comrades, do not appease our uneasiness. The narrative voice indicates as much, asking: Was all that enormous sacrifice worth it when the ghost of the past reappears in Arroyo's Marcos-like authoritarianism?

We assert the proposition that biology, nature as found/received condition, is no answer to the failure of individuals to honor their personal responsibilities, much less their political commitments. We are not absolutely determined by our environment or our heritages which are all subject to contingencies and mutability. But to whom is the individual responsible?

21. Karla's role is exemplary: she sacrifices her own daughter in order to protect and save her comrade's child, thus valorizing community over biology. She also proves that though the struggle separates bodies and destroys families, they also open up the space for new forms of belonging, solidarity, and fellowship opposed to alienation and capitalist reification.

Her absence from the scene of carnage and torture allows the passage of time to nourish the seeds of past time (Malaya) and the potential for a new beginning in the conjunction of the two sisters. Her exiled body functions as the positive side to the negativity of disappeared and mutilated bodies, thus allowing the opening for new action, for a future of a new form of society to emerge. 

It is in this horizon of expectation that this narration of negation, disavowals and disappeareds produces the realm of possibilities for collective intervention, and therefore the realization of social agency for the victims, all those denied recognition, the disappeared and violated and dispossessed.

22.  Fragments of the historical totality of twenty years (comprising the martial law years plus the early disappointing years of the Cory Aquino regime) remain suspended in a narrative replete with moments of intense dramatic confrontations. Lived existential time generates a pressure that prevents clear judgment and discourages any fair evaluation of each person's role in the events of torture, abduction, and killing. But historical or spatial distance (between Malaya and Lorena, for instance) does not guarantee justice and elucidation of moral or ethical ambiguities, either.

23. So the final question we face is: what does the novel's interpellation seek to elicit from us? Validating the harmonious reconciliation of Karla and Ana, of Karla and Roy, and the resolution of contradictions between the party and its members who are critical and deviant? Can the recovered daughter Malaya symbolize the future for the split psyche of the mother being healed by their embrace? Consider this: "Nang ibaba ni Ana ang kamay niya ay hindi para yakapin si Malaya kundi para yakapin ang sarili... Hanggang sa si Malaya ang yumakap sa kanya, niyakap siya nang mahigpit, buong higpit, na parang sa yakap na iyon ay sinisikap ibalik ang dalawampu't isang taon" (p. 220).

24. In Hegel's philosophy, the dialectic of lord and slave climaxes the process of drawing the lessons of the struggle for recognition. The lesson is the knowledge of historical time, the investigated logic of the process of history. Here the dialectic of time past and time present culminates in mother-daughter embrace, a fusion of blood-streams: nature overcomes history, dissolves memory and the narrative of differential moments into a cosmological continuum. The almost mythical rhythm of maternal/biological annuls the question about the future and with it the possibility of historical agency.

25. The question of agency (faced by Roy in the chapter before the last) involves speculations or anticipations of the future. This is tied also to the theme of violence against women, specifically targeting the body, sexuality (rape, mutilation of genitals, etc.) Ultimately, the chief task of this narrative and other structural projects of plotting (by Filipino writers) is to answer what is the meaning or sense of human actions in history. Put more concretely, what is the purpose or import of Filipino intervention in history, particularly the shaping of the present/future of the nation?

26. Resolving the problem of agency, as well as the meaning of revolutionary action, via affirmation of nature (by identifying the lost child, though Nonong's cadaver is never publicly identified, despite the father's torture and sacrifice of his life) is a false and misleading solution. Or it postpones the moment of choice, letting traditional authorities and conventions make the decisions.

Despite the melodramatic reunion of mother and dauther, as well as the bonding between Malaya and Lorie (an allegorical linkage of past and future by the existential present), Bautista suggests an ironical ending in the final two pages about Arroyo's Proclamation 1017 evoking memories of Marcos' martial-law declaration. There is a double irony here because the return of the past, even in mock or pantomime version, mimics the return of biology and blood-kinship, Nature.

27. The invocation of Nature returns us to the archaic and feudal stages of the pasyon and mythic rituals. A future shaped by human agency disappears. With it history either vanishes, or becomes the existential present, where "everything solid melts into air."
We plunge into the narcosis of commodity-fetishism, the deceptive flux and changeability of fashion--the paradisal mirage of global capitalism and its consumerist hallucinations which have seduced us, so ubiquitous in gigantic malls that proliferate in MetroManila, Iloilo, and everywhere. The instant of pleasure or excitement becomes paramount, consumption of ideas or sensations becomes the means for the realization of utopian bliss. The narrative of events and experiences becomes superfluous.

28.  Bautista's novel reminds us that our bodies can be "disappeared" not just by fascist violence, courtesy of the neocolonial state and US panopticon, but also by the inertia of quasi-feudal habits, by the subterranean reflexes of our physical constitutions. If we allow these forces to operate, the "disappeared" will haunt us forever, as they did for our protagonists Ana and Roy, as well as for Karla, Malaya, Lorie and all the victims and victors of this oppressive and brutal system.

The choice is ours: the owl of Minerva (the critical genius) will not fly out into this night of terror unless the vampires and ghouls of the past are challenged and the survivors with their memories intact assert their presence in time and at all times. This is the time of appearance, not disappearance, for Filipinos

29. Finally, this narrative of loss and recovery, inflected with ironic undertones and allegorical resonance, affords a moment for grasping the totality of the Philippine formation at a conjunctural moment: the neocolonial crisis of the Marcos dictatorship. Totalization enables the synthesis of past sacrifices to link present ordeals with visions of the future, expectations of new life-forms.

We as readers might be able to respond to the interpellation of ourselves as potential agents who can identify murdered activists, assassinated traitors, lost or disappeared citizens, who are all part of our own larger selves, vestiges of our own childhood and symbolic tokens of what we desire to become. 

As Bautista herself declared after the Feb 1986 revolt: "Panahon na na lumikha ng alternatibong papel ng babae bilang isang tauhan, lala na't kasama rin naman ang babae sa pagsusulong ng lipunan...sa tunay at ganap na kalayaan" ("Ang Manunulat bilang Babae at ang Babae bilang Manunulat,"  Tinig-Titik 2, 2nd issue, 1986-87, p. 6).

Various possibilities are open. If we want, a reflexive understanding of this novel can help us disentangle the barbaric from the civilized elements in the intricate, complex web of our national history--from the aborted insurrection of the Katipunan to the aborted uprisings of the Sakdalistas and Huks to the failed People Power Revolt of 1986, and so on. It can help us understand the ironies of political movements and the tragedies of the past as necessary turning-points in our emergence as a people/nation with its rightful place in the nultifaceted, dissonant, messy evolution of world-history.--2/1/2014

Wednesday, January 01, 2014

MENDIOLA MASAKER -- Parangal sa mga Nasawi


MENDIOLA MASAKER:  Labintatlong Katawang Bumabangon


--ni E. SAN JUAN, Jr.



LEOPOLDO  ALONZO

[22 Enero 1987: demonstrasyon ng mahigit 20,000 pesante't manggagawa
    sa harap ng  Malakanyang]

Ang kaisipan ay tandisang pagtutol sa kung anong katalahagan ang nakatambad sa harap natin...

Lupang makulimlim      di maabot-tanaw
ADELFA  ARIBE

[13 ang napatay,  105 ang nasugatan, nang paputukan sila ng pulis at militar ng rehimeng Cory Aquino]

Ang malalim na pagkabatid ay sumisibol sa pagpapakilala na ang mga nangyayari o mga  nadarama ay tumataliwas sa mga ideang ipinapataw ng rason o katuwiran.

Unti-unting nagkakahugis        labintatlong aninong naglalagalag

DANILO  ARJONA

[Wala kahit isa sa mga pumatay ang inaresto't ipiniit, o nilitis sa hukuman]

Magsimula tayo sa pagsalungat sa mga nangyayari, sa katalagahan.

Saksi sa pinaslang ay walumpung mamamayang sugatan

  DIONISIO  BAUTISTA

[Nobyembre 16, 2004: pitong mangagawang umaklas ang binaril ng militar at pulis sa isang piket sa Hacienda Luisita.  Utos iyon ng dating pangulong Gloria Arroyo, kasabwat ng angkang Cojuangco-Aquino]

Ang mga pangyayari sa ating karanasan ay mga baytang lamang ng isang
proseso o kalakaran na nagtatambal ng diwa at bagay, kamalayan at realidad

  ROBERTO  CAYLAO

[Oktubre 27, 2005: Nagpulong ang mga upisyal ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union sa Barangay Mapalacsiao. Pinag-usapan kung ano ang gagawin pagkatapas paslangin ang kanilang presidente, si Ricardo Ramos, 47 anos.]

Ano ang kamalayang lumilikha ng nadaramang daigdig?

Humihirit ang punglo    sumisingasing ang hininga ng kaluluwang nalugmok

 VICENTE  CAMPOMANES

[22 Enero 1987--araw ng kasuklam-suklam na krimen....]

Sa idealistang pananaw, tawag sa kamalayan  ay Kaisipan, Rason, Espiritu--mga katawagang tumutukoy sa diwa ng tao sa  iba't ibang anyo ng pakikipag-ugnayan sa buhay.

Katawan nina Ricardo Ramos at mga kasamang bumabagtas sa dagat ng mga kontinente ng Aprika, Asya, Norte at Timog Amerika...
.       
RONILO  DUMANICO

[22 Enero  1987: araw ng kahapon, ngayon at lumipas...]

Ang kaunlaran ngayon ay nasusukat sa bilang.  Nahahadlangan ang  pagsulong mula sa kabilangan (kantidad) tungo sa kaurian (kalidad)---tungo sa paglitaw  ng mga bagong uri ng kabuhayan at bayong ayos ng katwiran at kalayaan.

Sigwa't kidlat ng diwang napiit, ngayo'y nakaigpaw

 DANTE  EVANGELIO

[22 Enero 1987    Sumpa o dasal?]

 Sa kabuuan ng pag-uugnay ng diwa at kapaligiran, ng kamalayan at pangyayari, matatanto ang katotohanan.

Butil-butil na pawis at luhang dumadaloy
    ang bumubuhos na "demokratikong tsunaming" tinukoy ni Ka Crispin Beltran nang ipabilanggo siya ng "reyna ng kadiliman"

 ANGELITO  GUTIERREZ

[22 Enero  1987      Dasal o sumpa?]

Ang lahat ng bagay ay nagkakatawan sa taong nagsisikap maunawaan ito at ng taong gumagawa.

Payo mo'y mas mabuting magsindi ng kandila sa halip na isumpa
                        ang nakapanghihilakbot na dilim--
Itanong natin sa naksubsob na bangkay sa sinusong lupa

 RODRIGO  GRAMPAN

[22 Enero  1987       Dasal at sumpa kapwa?]

Ang lahat ng bagay ay siyang nagsasalin ng nakalipas sa panig ng kasalukuyan.

Mungkahi mo'y magparaya, patawarin ang nagbubulag-bulagan '
                           o nabubulagan--mga sundalong sinuhulan o binayaran--
Itanong natin kina Alice Omengan Claver  at Rafael Markus Bangit--
                Sinikap nilang ilawan ang landas ng mga naliligaw....


BERNABE  LAQUINDANUM

[22 Enero  1987    Sumpa muna bago dasal?]

Samakatwid, lahat ng bagay ay nag-aari ng kamalayan sa buong balangkas at kalamnan nito.

Panukala mong humagilap ng batong kiskisan upang
                makalikha ng titis na siyang magpapaliyab sa parang...

SONNY  BOY  PEREZ

[22 Enero  1987   Kailan pa ang pananagutan?  ang hustisya?]

Hanggang ngayon, walang pang tunay na paghahati ng lupaing binuwisan ng dugo ng mga magsasaka sa Hacienda....

Mula ngayon, ang lahat ng kaisipang hindi saksi sa kamalayan ng radikal na kabalintunaan ng lahat ng umiiral na porma ng buhay ay isang kaisipang sahol at mapanlinlang.  Sa harap ng mga kontradiksiyon, tumututol ang kaisipan sa ngalan ng katotohanan.

Itanong natin sa mga nasawi kung anong titis  anong kislap
    ang inagaw sa paghagilap ng katarungan
                    apoy sa lambong ng bayang biyaya'y  lagim


ROBERTO  YUMUL

[22 Enero  1987  Kailan pa?]

Negasyon o pagtutol ay siyang pinakasaligang kategorya ng diyalektika.

Sinong ipagdarasal sa tanglaw ng kandilang naupos ang mitsa?

Mungkahi ni Ricardo Ramos na mas mabuting isumpa ang mga kriminal
            sa halip na magsindi ng ilandaang kandila sa harap ng altar

Payo ni Eden Marcellana na mas mabuting isumpa
    ang kabuktutang naghahari
                 at ipukol ang batong kiskisan sa mga salarin
    upang mahuli ang nakasisilaw na ngiti nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan,
             titis na inihagis sa pangil ng kadiliman--

Oo, mabuting magsindi ng kandila at isumpa ang kadiliman

Sa gayo'y maaaninaw natin ang galit sa sumabog na matang nakamulagat
    ng mga nasawi sa Mendiola--apoy na tutupok sa isinumpang kabuktutan.

Abot-tanaw na
            tumatagos sa karimlan ang hirit-ganti

Unti-unting abot-tanaw na natin
                            ng liwanag ng sumabog na utak
    at dugong dumanak sa larangan ng digmaan
           
        sa Mendiola,  sa bawat ika-22 ng mga Enerong walang salang darating....

Thursday, December 05, 2013

INTRODUKSIYON SA KALIPUNAN NG MGA TULA, KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN--E, SAN JUAN, Jr.


INTRODUKSIYON sa KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN (U.P. Press, 2014)
ni E. SAN JUAN, Jr.



    Mahigit 15 taon na pagkabagsak ng Unyon Sobyet at ang pangarap ng alternatibong kaayusang panlipunan--binansagang sosyalismo/komunismo na di angkop na inangkin ng USSR ngunit ginawang sagisag ng pagsulong ng Tsina ni Mao. Sa bagong milenyo, neoliberalismo ang nagtagumpay laban sa sosyal-demokratikong hanay pagkaraan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig.
    Bagamat nahumaling na ang mga intelektuwal sa Hilagang Global sa "Washington Consensus" na itinuring na wakas ng kasaysayan, di umano (ayon kay Fukuyama at mga ideologo ng IMF/World Bank/WTO), sumiklab naman ang pundamentalismong Islam, markado ng Setyembre 9/11 at giyera sa Iraq at Afghanistan ngayon. Umabot ito sa Mindanao at Sulu ng Abu Sayyaf, na siyang apolohiya sa interbensiyon ng US Special Forces at drones. Tulad ng pundamentalismong Kristiyano, bunga ito ng malubha't matinding krisis ng kapitalismong pandaigdigan. Samut-saring apokaliptikong kuro-kuro ang namamayani sanhi sa walang mahinuhang ipapalit sa kapitalismong kaayusan, liban na lamang sa pagsira't pagpanaw ng buhay sa planeta sa bisa ng ekolohiyang sakuna.  Kung totoo ito, ano ang kahulugan at implikasyon nito sa larangan ng diwa, kaisipan at banghay ng damdamin?
     Sa postmodernong yugtong ito, nagkalat ang mga labi ng dekonstruksiyon at post-istrakturalistang haka-haka (Derrida, Foucault, Lyotard, Deleuze) na bumuntot sa turo nina Heidegger at Nietzsche. Isang libingan ito na walang kuwago ni Minerbang nagliliwaliw. Wala ring maasahan ang inaliping taumbayan kina Negri at Frankfurt Critical Theory, o sa mga alagad ni Lacan (Zizek). Hanggang ngayon, pinupulot pa nina Badiou, Ranciere, Jameson, Eagleton, atbp., ang mga pamana ng 1968, ng Situwasiyonismo at nina Lukacs, Gramsci, Luxemburg, Benjamin, Lefebvre, Brecht, C,L.R. James, Fanon, at iba pang militanteng pantas. Sa paniwala ko, hanggang ang lakas-paggawa ang susi sa tubo ng kapital, wala pa ring kapalit sina Marx-Engels (puna ni Sartre noon pang nakalipas na dantaon)--ang historiko-materyalismong pananaw ang susi sa alyenasyon, komodipikasyon at imperyalismong patuloy na nagpapasasa sa pawis ng sangkatauan. 
    Ngunit may kaibahan: ang lumpong proletaryado ng industriyalisadong bansa ay hindi na nangungunang ahensiya sa pagbabago. Pumalit doon ang mga inaapi't inaaliping bansa, mga talagang dinuhagi't sinupil na nilalang sa bawat sulok ng planeta, laluna ang mga katutubo, mga taong makulay ang balat. Kasangkot na rito ang Pilipinas, ang nakararaming pesante o magbubukid, lumad, kababaihan, manggagawa, panggitnang uri, atbp. Ang unibersal na katangian ng tao, ang Negatibong Lakas na motor sa pag-inog ng kontradiksiyon, ay lumipat na sa subalternong masa ng mga kolonisado't sinisikil na bansa't masang nakararami sa buong planeta.

Oryentasyon ng Paghahanap

    Sa ganitong kalagayan, ano ang tungkulin at pananagutan ng manunulat sa mahaba't matinding krisis ng bansa? Paano maisasagip ang naghihingalong katawan ng sambayanan? Paano madudulutan ng ibayong sigla ang lupasay na body politic sa kasalukuyang ligalig at kagipitan? Sa ibang salita, paano tayo makaaahon mula sa kinasadlakang neokolonyang malagim tungo sa tunay na historya ng lahi? Kay Teodoro Agoncillo, ang kasaysayan natin ay nagsimula lamang noong 1872--kalimutan na ba sina Dagohoy, Gabriela Silang at Apolinario de la Cruz?  Ngunit alam ng lahat, pinatay si Andres Bonifacio ng ilustradong uri (kadugo ng kasalukuyang oligarkong naghahari) at ipinagkanulo sina Sakay hanggang Sakdalista at Huk ng mga kakutsaba ng imperyalismong Amerikano. Wala pa tayo sa taal at dalisay na umpisa ng kasaysayan natin, samakatwid.
    Ang modernidad natin ay di pa nailuluwal, kaipala'y nabansot o naudlot sa pagtubo, bagamat maraming kasama ang nangahas tumula na sa cyberspace. Dapat dagling susugan na ang sitwasyong ito'y hindi usaping pang-teknolohiya lamang, manapa'y karamay dito ang konstelasyon ng mga saloobin at ugaling nakabase sa ekonomiyang pampulitika. Alyenadong gawain pa rin ang problema. Ang tradisyon ng kolonyalismo, ang pananalig sa pasyon at pananampalataya, ay sintomas lamang. Ang lumang istrukturang mapanlupig, mga bulok na institusyong kolonyal, ay di pa nabubuwag ng Kaliwanagan (Enlightenment), sapagkat ang ekonomiya ay piyudal kaakibat ng petiburgesya't komprador na patakarang nagwasak na sa matandang balangkas ng pamilya at pamumuhay ngunit di makapagpalaya sa kamulatang indibidwal, sa siyentipikong rason ng komunidad. Alyenasyon ng bawat isa, kaagapay ng tunggalian ng mga uring kasudlong sa angkan at disiplina ng patriyarkong rehimen, ang patuloy na umuuugit at nangingibabaw sa karaniwang buhay araw-araw.
    Gayunpaman, lagpasan na natin ang indibidwalismo ng Renaissance at tumungo na tayo sa anti-imperyalismong baitang ng pakikibaka. Hinihingi ito ng diyalektikang paglalangkap ng mga panukala, metodo, layunin at destinasyon.  Ngayon na mismo ang pagpapasiya hindi upang ibalik ang nakalipas kundi upang gawing bago ang kasalukuyan, palayain ang nasusugpo't napipigil na lakas ng kolektibong diwa. Ang modernidad/kolektibong kaunlaran ay nakasilid/nakapiit sa kasalukuyan. Ito ang dapat pakawalan ng organikong intelektwal ng masa, ng organikong artista o manlilikha. Ito ang pangunahing mithiin na kontra-gahum na kilusan ng masa.
    Sa malalim na paglagom ng Kanluraning metapisika sa librong The Politics of Time: Modernity and Avantgarde, naimungkahi ni Peter Osborne na ang karaniwang buhay sa araw-araw, la vie quotidienne (sa kategorya ni Lefebvre), ang susi sa pagtuklas ng paraan sa rebolusyonaryong transpormasyon ng sining at panitikan.

Araw-araw, Magpakailanpaman
    Palayain ang nasusugpong potensiyal ng pang-araw-araw na buhay ng bawat mamamayan--ito ang hinihingi ng himagsikan--upang maisakatuparan, ngayon din, ang pangako ng maluwalhating kinabukasan, ng katarungan at dignidad ng bawat nilikha. Hindi ito utopyang salamisim kundi pangangailangan sa araw-araw na buhay. Sinikap ng makata rito na tugunan ang pangangailangang ito.
         Paano mailalapat ito sa ekonomiya ng migrante't diyasporikang Pinay/Pinoy, at sa marahas na neokolonyang orden ng mga panginoong may-lupa, komprador at burokrata-kapitalista sa kasalukuyan?  Ano ang kondisyon ng karaniwang araw ng maralita, ng dinuduhaging anakpawis? Mayroon bang mga titis o binhi ng kasiglahan na nakakubli sa kadalasa'y nakababagot na ordinaryong ikot sa araw-araw, ulit-ullit na pagbabatak at pagsisikap? Kailangan ba ng gulat o sindak upang mabuksan ang nakabilanggong diwa't kamalayang pumipiglas sa loob ng arawang pagsilbi sa panginoong may-ari? Kung ang taktika ng avantgarde (halimbawa kamakailan, ang sensurang inilapat kay Mideo Cruz) ay sinisiil, ano ang dapat gawin? Ano ang aral na mahuhugot sa kasalukuyang paghihigpit, surveillance at pasistang terorismo ng Estado?
    Litaw na ang ideolohiya ng kasalukuyang orden ay hindi magpapahintulot baguhin, o panghimasukan, ang palasak na karanasan ng karaniwang tao. Ang pang-araw-araw na buhay ay kontrolado nito. Bukod dito, masaklaw ang suliranin.  Sanhi sa matinding kontrobersiya sa kasalukuyang sitwasyon ng sining, na kaagapay o di-sinkronikang katugma ng mga pangyayari sa pulitikang pang-ekonomya ng bansa sa gitna ng malubhang krisis ng kapitalismong pampinansiyal, napapanahon marahil ang ilang radikal na paglilirip tungkol sa panitikan, sa pagsuri sa panulaan at sining sa pangkahalatan.  Ibig sabihin, ang kahirapan ng mayorya at kawalan ng kaunlaran ng bansa ay sintomas ng krisis ng buong orden ng imperyalismo. Ito ang dahilan sa mga kaisipang sumasalamin sa sitwasyong nakapaligid. Samakatwid, ang tiyak na panahon at lugar sa ngayon ang humihingi ng repleksiyon tungkol sa sining at pulitika sa arena ng tunggalian ng mga uri sa kasaysayan.
Diyalektiko ng Himagsikan

    Nais kong igiit sa pambungad ang prinsipyo na unang nailahad ni Marx sa "Theses on Feuerbach": ang identidad ng indibidwal, ang pinakabuod ng kasiyaan o pagkatao ninuman, ay hindi isang abstraksiyong namumukod kundi tahasang kabuuan ng ugnayang panlipunan. Ang esensiya ng sinumang nilikha ay matatagpuan sa proseso ng relasyong panlipunang kinabibilangan ng bawat nilalang. Ang buhay sa lipunan ay praktika, maramdaming kilos at gawain ("sensuous as practical activity"), praktika ng pagbabago at transpormasyon ng kabuhayan sa daigdig.
    Kailangang idiin ito sapagkat sa alyenasyong bunga ng palitan ng komoditi at pribadong pag-aari, kaakibat ng ideolohiyang namamayani sa kapitalismong orden, ang indibiduwalismo ang saligan ng kaisipan at pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Di na kailangang balik-tanawin ang pilosopiya nina Thomas Hobbes at John Locke upang patunayan ito. Dahil dito, lahat ng nangyayari ay ikinakabit sa gawa o kilos ng indibidwal--mga hari, prinsipe, bayani, lider o heneral, atbp. Ang likhang-sining ay produkto ng isang henyo, isang malahimalang diwa o utak o kaluluwa.  Sa ating panitikan, si Francisco Baltazar ang kinikilalang "ama" ng panulaang Tagalog batay sa obra maestrang Florante at Laura.  Si Alejandro Abadilla naman ang pasimuno ng paghihimagsik laban sa tradisyong sinimulan di-umano ni Lope K. Santos (at mga kontemporaryo sa Aklatang Bayan) at pagkatapos ipinagpatuloy ng mga kapanalig ni Jose Corazon De Jesus sa Ilaw at Panitik. Ito ang nakagawiang pagsasalaysay at pagsusuma ng istorya ng panulaan hanggang ngayon.
         Mapapansin na sa mga ulat nina Julian Cruz Balmaseda, Teodoro Agoncillo, Bienenido Lumbera at Ben S. Medina Jr., bawat manunulat ay kaakibat ng isang pulutong o henerasyon. Ang tatlong pangkat na laging binabanggit (Aklatang Bayan, Ilaw at Panitik, at Panitikan) ay mapagkunwaring kategorya na nagkukubli ng mga kaibahan at kasalimuotang taglay ng mga akdang nakapaloob sa bawat pangkat, kaya walang halaga ito sa pagkilatis ng mismong katha, manapa'y malabo at nakapanliligaw. Ang dapat tuunan ng mataming pagsisiyasat ay ang ideolohiya o pananaw ng bawa't manunulat, ang ugali o sistema ng praktika/aksiyon na sinusunod upang iugnay ang kaniyang diwa't karanasan sa lipunan at masalimuot na pangyayaring nagaganap. Walang tuwirang ugnayan o pagtatambal ang damdamin/isip ng manunulat at realidad, dahil sa alyenasyong laganap sa lipunan at komodipikasyon sa pulitika't kultura ng bansa. Kaya nararapat himaymayin ang sari-saring medyasyon at prosesong nakapamagitan na siyang naglalangkap sa buhay ng manunulat at malawak na konteksto ng lipunan at kasaysayan. Ito ang tagubilin ng historiko-materyalismong agham.
    Ang kumplikadong medyasyong ito, ang mga uri at palapag ng pagkakawing-kawing ng isip, damdamin, at karanasang panlipunan sa likhang-sining ang paksa ng talakayang dapat ilunsad at paigtingin sa lahat ng dako. Layunin nito ay interpretasyon o pag-aaral sa kontradiksyon sa lipunan at kasaysayang sinasalamin ng likhang-sining, at kaalinsabay nito ang hangaring maiba o mabago ang daigdig--isang kolektibong proyekto.
    Suriin, sipatin at kilatisin ang likhang-sining, hamon ng makabagong kritiko. Subalit sa pagpako ng pansin sa partikular na likhang-sining, ng kongkretong katha, ayon sa payo ng pluralismo't eklektisismong kinahuhumalingan sa neokolonyal na akademya ngayon, dapat din nating tandaan na may panganib na magayuma tayo ng fetishism sa sining, isang malubhang sakit na reaksiyon naman  sa alyenasyon ng buhay sa lipunang nagumon sa konsumerismo.  Sa kasaluyuan, naghahari ang komoditi-petisismo sa kalakaran ng buhay sa panahon ng walang humpay na globalisasyon. Ang kapitalistang palengke ang bukal ng halaga, atitudo, panlasa, saloobin, pananaw sa mundo, pati na ang libag at pawis sa singit ng kalululuwang banal.

Pag-unawa sa Kontradiksiyon
    Sa krisis ng kapitalismo sa mundo, lantad ang pinakamalalang sintomas o katibayan nito: ang digmaan laban sa terorismo—ibig sabihin, mga pangkat o grupong tutol sa imperyalismong global—na pinamumunuan ng U.S., dapat pagnilayan ang mapait na mungkahi ni Walter Benjamin: "Ang bawat likhang-sining ay sabayang dokumento ng sibilisasyon at dokumento ng barbarismo.”  Sibilisasyon kung tutukuyin ang matagumpay na pakikibaka laban sa nesesidad ng kalikasan, sampu ng karahasan ng namumunong uri sa bawat yugto ng kasaysayan ng lipunang hinati sa uri. 
    Barbarismo naman, sapagkat ang panahon at lakas na ibinuhos sa pagyari ng tula o simponya—ang pagkain at panahong malaya sa paggawa--ay nagmumula sa pagsasamantala, pang-aalipin, panghuhuthot, at pagpiga ng dugo’t pawis sa katawan ng libu-libong manggagawa’t pesante—ang nakararaming taong walang pag-aari kundi ang kanilang lakas-sa-paggawa.  Kasama na rito ang mahigit sampung milyong OFW (Overseas Filipino Workers) na bubumubuo ng diyaspora ng Pilipino sa buong mundo.  Ang barbarismo ay siyang pagkakait ng kalayaang malasap ang ganda at kaluwalhatiang bunga ng sakripisyo ng di-mabilang na biktima na dominasyon ng imperyalismo at kolonyalismo simula pa noong paglalakbay nina Magellan at Columbus hanggang sa Cold War ng nakaraang siglo at giyera laban sa terorismo ngayon.
    Huwag nating kalimutan ang kabuktutang malapit. Halimbawa ng barbarismong partikular ang kolaborasyon ng mga intelektuwal sa unibersidad, pintor, manunulat, mga artista sa pelikula,at ibang alagad ng sining sa kalupitan ng diktaduryang US-Marcos. Paano tayo makapaniniwala na ang panitikan ay mapagpalaya sa dinudusta (sapagkat ito raw ay nakaangat mula sa kamyerdahan ng araw-araw na kalakaran) kung ang tinaguriang mga National Artist ay naging mga bayarang alipores ng diktadurya? O patuloy na taga-suporta sa sistemang bulok? At paano maituturing ang pantayong pananaw na may kabuluhan kung ang “tayo” ay isang mistipikasyon lamang, o kaya ang”tayo” ay kinabibilangan ng mga ganid na minoryang nagsasamantala sa nakararami?
    Hanggang ngayon, hindi pa nahuhusgahan ng bayan ang mga kawalang-hiyang pang-aabusong naipataw sa bayan ng rehimeng Marcos. Wala pang tunay na “settling of accounts.” Ang mga biktima ay wala pang hustisya, patunay ang pagbabalik ng mga kriminal at salarin sa Batasan/Senado at gobyerno mula pa sa rehimeng Cory Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo at kasalukuyang BS Aquino. Naghahari pa rin ang mga dinastiya ng mga trapong yumaman sa pork-barrel korupsiyon at iba pang anomalya, kaakibat ng paghahari ng mga uring kakutsaba ng US imperyalismo—ang mga panginoong maylupa, burokrata-kapitalista, komprador, at mga pulis-militar (sandatahang aparato ng dahas) na mapamilit na suhay ng neokolonyal na sistemang umiiral.
Tunggalian sa Larangan ng Wika

    Sa pangwakas, maitanong natin kung ang “tayo” ay maibubukod dahil ito’y gumagamit ng isang wika lamang. Itinanong ako kamakailan, sa isang panayam, kung ano ang wika ng Pilipino.  Bagamat hindi pa nga natin alam kung paano maipapakahulugan ang “Filipino,” panukala ko'y  nakapaloob sa ganitong hinuha. Ang sagot, walang pasubali, ay wikang Filipino. Hindi Ingles.  Ngunit dapat idugtong kaagad:  Tulad ng identidad ng Pilipino, alam natin, ang wikang binuo at nabubuo ay bunga ng isang malawakang proseso ng pagbabago--ang programa't proyekto ng kilusan ng masa upang makamit ang tunay na kasarinlan, katarungan at pagkakapantay-pantay.
    Ang wika, tulad ng kalikasan ng kasiyaan o kasinuhan ng Pilipino, ay hindi maikakawing lamang sa lugar o lupang sinilangan, ritwal, damit, pagkain, gawi, kostumbre, bagamat lahat iyan ay maituturing na senyas, tanda o sagisag ng identidad.  Sa aking palagay, ang wika ng nagsasariling bansa ay wikang ginagamit ng masa sa pakikibaka upang matamo ang dignidad, kalayaan, at tunay na kasarinlan.
    Sa ngayon, base sa partikular na kontradiksiyon ng tunggalian ng mga uri, sa atin at sa buong daigdig, dapat gamitin ang lahat ng wika, kung kinakailangan—Ingles, Cebuano, Tausug, atbp,--upang maisulong ang dalawang layon: masigasig na pagtaas ng kamalayang pulitikal at pag-organisa sa sensibilidad,  at  malawak na mobilisasyon ng nakararami para maisakatuparan ang prinsipyong ating ipinaglalaban: ang pambansang demokrasya't sosyalismo.  Dapat ding tandaan na ang kalaban ay nangungusap din sa ating wika, Ingles man sila o kapwa Pilipino. Ang “tayo” ay hindi lamang matitiyak sa bisa ng wika, kundi sa proyektong pampulitika na ating itinataguyod. Ito ang panukat sa identidad.
    Kung ito nga ang adhika ng kilusang pang-masa, mabisang makaaabot ang mensaheng ito sa lalung nakararami sa pamamagitan ng wikang maiintindihan ng nakararami. Sa panahong ito ng giyera laban sa terorismo ng Estado, kilabot ng imperyalismong US, ang problema ng identidad o ng tahanan—“home” sa “borderless world” ng mga postmodernismong alagad ng transnayonalismong hegemonya ng kapital—ay nakasalalay hindi sa wika o sa tangkang magbalik-bayan sampu ng mga sangkatutak na Balikbayan Box, kundi sa proyekto ng bawat isa kung ano ang kinabukasang kanilang hinahangad at sinisikap itindig. Saan ka man nanggaling, o saan ka man paroroon, ito ang dapat maging saligan sa pagtaya't paghatol sa iyong buhay.
    Kung gayon, magkaisa tayo sa sama-samang pagtangkilik sa kolektibong proyektong maisakatuparan ang katarungang panlipunan, kasarinlan, at tunay na demokrasya’t pagkakapantay-pantay, sa paglinang sa wikang ginagamit ng sambayanan sa araw-araw na pakikibaka, sa gawain ngayon at sa hinaharap. --##



Saturday, November 23, 2013

SAGOT SA SUMPA NG KAWAYAN


SAGOT NG KALULUWA NI RICHARD PULGA SA SUMPA NG KAWAYAN


ni E. SAN JUAN, Jr.



"....Iniluwa ko na ang galit sa pusong nagpupuyos
Nang putulin ang aking binti, ngunit di pa rin nakaligtas
Sa sumpa ng marahas na kalagayan-- O Yolanda!  Yolanda!

Walang kailangan, elastiko't "resilient" daw ako
Mapagbigay, pigil ang luha't tiis ang gutom--sino sila?
Sina Gabriela Silang, Gregoria de Jesus, Lorena Barros kaya iyon?

Di ko malilimutan, O Yolanda!  malanding Yolanda!
Ang kasakiman at kalupitan, di ko mapapahintulutang
Di sumpain ang walang katarungang rehimen ng mga oligarko--

Nawa'y di yumuko't umindayog lamang sa turista
Ang anak ko, tumigas siya tulad ng molabe't lawan sa gubat
Di makuhang ipaghampasan ng dayuhan--  O Haiyan!  O Haiyan!

Ayaw kong lumuhod sa Bibliya tulad ni Manny Pacquiao
Habang dumarating ang mga kasamang armado mula sa dagat--
Ayaw kong ipagpaumanhin ang walang-hiyang panginoon,

"Pork-barrel" tulisang busog sa 'ting dalamhati't pagluluksa--
Tigil na ang pagpapabaya, bumabangon ang sambayanan--
Haiyan, O Haiyan, walang-hiyang sigwa ng himagsikan...."

(Iyan ang iniluwang galit ng bangkay--O Yolanda! O Haiyan!--
na dating ari ni Richard Pulga, 27 anyos, taga-Tacloban, Leyte.)




[Namatay si Richard Pulga, 27 taon, sa Tacloban, Leyte, dahil
sa kakapusan ng tulong ng mediko; New York Times, 11/15/2013]


Friday, November 01, 2013

Friday, October 11, 2013

KUNDIMAN SA KARIMLAN--Bagong Kalipunan ng mga Tula ni E. SAN JUAN, Jr.

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN --Bagong Libro mula sa U.P. Press








Kilalang kritiko at manlilikha sa larangang internasyonal, si E. SAN JUAN, Jr. kamakailan ay fellow ng Harry Ransom Center, University of Texas; at ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University. Tubong Maynila at lalawigang Rizal, siya ay nag-aral sa Jose Abad Santos High School, Unibersidad ng Pilipinas, at Harvard University.  Emeritus professor ng English, Comparative Literature at Ethnic Studies, siya ay nakapagturo sa maraming pamantasan, kabilang na ang University of the Philippines (Diliman), Ateneo de Manila University, Leuven University (Belgium), Tamkang University (Taiwan), University of Trento (Italy), University of Connecticut, Washington State University at Wesleyan University.

Namuno sa U.P. Writers Club at lumahok sa pagbangon ng makabayang kilusang ibinandila nina Claro Recto at Lorenzo Tanada noong dekada 50-60, si San Juan ay naging katulong ni Amado V. Hernandez (sa Ang Masa) at ni Alejandro G. Abadilla (sa Panitikan) kung saan nailunsad ang modernistang diskurso't panitikan kaagapay ng rebolusyong kultural sa buong mundo. Kabilang sa mga unang aklat niya ang Maliwalu, 1 Mayo at iba pang tula, Pagbabalikwas, at Kung Ikaw ay Inaapi, na nilagom sa koleksyong Alay sa Paglikha ng Bukang-Liwayway. Sumunod ang Himagsik: Tungo sa Mapagpalayang Kultura, Sapagkat Iniibig Kita, Salud Algabre at iba pang tula, Sutrang Kayumanggi, Bukas Luwalhating Kay Ganda, at Ulikba. Sa kasalukuyang kalipunan matatagpuan ang pinakaunang pagsubok sa tulang konseptuwal sa wikang Filipino.

Bukod sa From Globalization to National Liberation, inilathala rin ng U.P. Press ang naunang mga libro niya: Carlos Bulosan and the Imagination of the Class Struggle, Toward a People's Literature, Writing and National Liberation, Allegories of Resistance, at (kasalukuyang inihahanda) Between Empire and Insurgency: The Philippines in the New Millennium.



Friday, October 04, 2013

PAGSUBOK SA PAGLIKHA NG TULANG KONSEPTUWAL:
 


AWA SA PAG-IBIG ni Huseng Sisiw  (1746-1829)

 ni E. San Juan, Jr.


O kaawa-awang buhol ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na
Ngunit magpangayon ang walawad ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang gipalpal.

Ano't ang gaod mong pagbayaw sa akin
Ang ako't umasa't pagnasa-nasain
At inilagak mong sabog na nahabilin
Sa lango ang awat saka ko na hintin.

Ang awil ng langyat at awiswis mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Bantilan ko'y hindi rin; sa awit mong tunay,
Iba ang sa langutngot na maibibigay.

Ano ang gapak mo sa taglay kong hita,
Sa langyot na hintin ang magiging habas?
Napalungi namang palamara yaring palalo,
Sa ibang suminta't gumiliw ng tapat.

[Sanggunian: Diksyunaryuo Tesauro Pilipino-Ingles
ni Jose Villa Panganiban, 1972; N+7 iskema ng OULIPO]

Saturday, September 07, 2013

ANDRES BONIFACIO, BAYANI NG SAMBAYANANG PILIPINAS

PAGTUKLAS SA HIMAGSIKAN:  KATAKSILAN, KABULAANAN, KAKULANGAN

Alay kay Andres Bonifacio, Bayani ng Bayang Pilipinas


 --ni E. SAN JUAN, Jr.


    Marahil nadinig na ang kasabihang "Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo?" Ngunit naitanong ng sugo ng Imperyo: "Ano ang katotohanan?" Hindi nakuha ng isinakdal noon na gumuhit sa buhangin upang tumugon; may usisa pa ba sa kasukdulan ng naratibong iyon?

    Samantala, sa pagbabalik-tanaw sa ating pambansang kasaysayan, ang kuwento tungkol sa Supremo (Gat. Andres Bonifacio) ay nalalambungan pa rin ng samot-saring haka-haka, sumbong, chika, suplong at hinala. Marami pa ring kakutsaba ng mga kasike't mananakop. Noong undergrad pa ako sa U.P., nailathala ang The Revolt of the Masses (1956)  ni Teodoro Agoncillo. Bagamat sagana sa datos at humahanga sa KKK at Supremo, bukod sa taglay ang makabayang perspektiba sa kabuuan, sadyang lumabo ang nangyari sa sikolohikal at pang-Zeitgeist ("regionalism" at klima ng krisis noon) na lenteng itinuon ni Agoncillo sa mga karakter ng lumahok sa Tejeros, tungo sa pagabsuwelto kina Hen. Aguinaldo at mga kasapakat (p. 293-99). Ang sikolohiya ng Supremo ang siya mismong dahilan sa kanyang pagkapatay, lagom ng historyador. Ito ay prehuwisyong ibinurda ni Nick Joaquin sa kaipala'y masahol na muling pagpaslang sa Supremo sa A Question of Heroes (1977).

    Mula noon, marami nang sumalungat (tulad nina Renato Constantino, Milagros Guerrero, atbp.) sa mapagkunwaring pagpupugay nina Agoncillo at Joaquin sa binansagang "Dakilang Plebeyo." Katugma nila ang walang patawad na hatol ni Apolinario Mabini sa La Revolucion Filipina: "Ang pangkahalatang opinion sa ginawa ni Aguinaldo ay wala siyang katwiran o paumanhin....Palibhasa'y paglabag ang ginawa ni Aguinaldo sa panuto ng Katipunan na kinasapian niya,...ang motibo sa asasinasyon ay walang iba kundi mga hinanakit at mga kapasiyahang sumira sa dangal ng Heneral; sa anu't anuman, ang krimeng naganap ay siyang unang tagumpay ng ambisyong personal laban sa wagas na patriyotismo" (The Philippine Revolution, 1969, p. 48).

    Paksa ko rito sa maikling interbensiyon ay ang napansin kong aporia sa mga iskolar na sumuri at sumipat sa diwa ng Supremong nailahad sa kanyang "Katapusang Hibik" at "Dapat Mabatid." Impluwensiyal si Reynaldo Ileto sa paglapat ng banghay ng Bernardo Carpio (tulad ng Pasyon) sa panitik ng rebolusyon. Subalit pumalya ang interpretasyon at binaluktot ang katuturan ng mga akda. Naging "bunso" ang taumbayan; "layaw" at "utang" sa halip na katwiran at kabatiran at mabudhing pagpipigil sa sarili ang naging paliwanag sa masalimuot na sigalot at krisis. Dagdag pa: "...assuming [Bonifacio] was aware of [previous revolts], he would not have found them relevant to the drama of separation from Spain that he helped portray; the 'national drama for him begins after 1872" (p. 25, The Filipinos and Their Revolution, 1998). Diyata't makitid ang kaalaman ng Supremo sa mismong kasaysayan ng kapaligiran? Sa ideyalistikong pagtaya sa organisadong mobilisasyon, pilitang ipinataw ang ilang piling ideya (layaw, damay, atbp) at sikolohiyang panukat na walang saligan sa kongkretong totalidad ng mga puwersang nagtatagisan sa isang takdang yugto ng kasaysayan.

    Tila hindi rin matibay ang paninindigan ng mga kritiko. Sa pagbasa naman ni Virgilio Almario ng "Katapusang Hibik," ang tangkang subukan ang "pagtanaw na historikal" ay lumubog sa kakatwang lagom: sa retorika ni Bonifacio ay "masisinag ang pananagisag na Kristiyano bilang bukal ng kapangyarihan ng wika ni Balagtas" (p. 202, Pag-unawa sa Ating Pagtula, 2006). Kahawig ng antikwaryong diin ni Ileto, mahigpit na paniwala ni Almario na hindi pa rin makahulagpos ang porma't sining ng Supremo sa kwadro ng Pasyon, huwaran at aral ng relihiyong dulot ng kolonyalismong Espanyol. 

    Sa kabilang banda, agama't maingat at modernista ang paraan ng pagkilates ni Soledad Reyes, hindi pa rin naiwasan ang pormalistikong pagkiling sa makapangyarihang birtud ng sining na di-umano'y lumilikha ng sariling daigdig. Alingawngaw ito ng romantiko't pormalistikong pamantayan ng konserbatibong ilustrado. Batay sa ganitong metapisika, humantong sa isang anarkista't suhetibismong sipat: "ang daigdig na diskurso ng rebolusyon ay isang mundong wala nang orden at batas, pinamamayanihan ng anarkiya...." (p. 128, Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular, 1997), sa gitna ng paggigiit ng Katipunan sa halaga ng intelihenteng disiplina at kolektibong pangangasiwa't pangagalaga sa bawat aksyon ng mandirigma.

    Matiyaga't minsa'y matino ang pagsasaliksik ng nabanggit na mga iskolar. Gayunpaman, ang katotohanang nakatambad na sa kanilang titig at pagmamatyag ay nakalusot pa rin. Paglimiin, halimbawa, ang gamit ng retorika ng dilim at liwanag na halos arketipong estilo na sa mga dokumento ng Katipunan, laluna sa "Liwanag at Dilim" ni Emilio Jacinto. Ang duwalistikong tunggalian ng dilim at liwanag ang bumabalangkas sa sanaysay ng Supremo "Ang Dapat Mabatid" at sa ritwal ng inisyasyon ng Katipunan. Kung tutuusin, ang tema ng "liwanag ng katotohanan" na nakabaon sa liturhiya ng Kristiyanismo ay hango sa tradisyong Gnostisismo, isang paganong kilusang nag-ugat sa Manikiyanismo (alagad si San Agustin bago binyag), neo-Platonismo at Pythagoreanismo, at tumalab sa Kristiyanismo ng ika-2-3 dantaon.

    Pangunahing turo nito ay walang katubusan kung walang kabatiran sa Diyos (ibinunyag lamang sa initiates) at tadhana ng sangkatauhan. Ang Diyos (Ispiritu o banal na Kaalaman, Sophia) ay halos katumbas ng kalikasan (deus sive natura, sa tahasang sekular na kaisipan ni Spinoza). Ang relihiyon ng Taga-ligtas (Saviour) ay kumalat sa krisis ng imperyong Roma, kaakibat ng Mithraismo at Kristiyanismo (Gilbert Murray, Humanist Essays 1964, p. 130-31). Kinondena ito ng Simbahang Katoliko (sa pagmasaker sa mga ereheng Albigensian sa Pransiya noong ika-13 dantaon). Litaw ito sa lahat ng programang may rebolusyonaryong adhikaing nakasalalay sa rason/katwiran, budhi/bait, at sariling pagsisikap na makamit ang hinahangad na pansariling pagdadalisay (purification) at kaganapan.

      Hindi lamang katutubong danas ang pinagmulan ng Katipunan kundi paglagom sa diwang ipinagkaloob ng Solidaridad at nobela ni Rizal. Bukod sa daloy ng Gnostisismo sa kaisipan ng mga pilosopo ng Kaliwanagan sa Europa (na sinala ng Freemasonry at naiulat sa mga librong binasa ng Supremo, "Les Miserables," Ruins of Palmyra, atbp), masaklaw at malalim ang impluwensiya ng Stoisismo sa mga Propagandista, laluna sa mga makasosyalistang Isabelo de los Reyes, Hermenegildo Cruz, atbp. Ito rin ang bukal ng materyalismong historikal ng tradisyong nagmula sa mga philosophes (Voltaire, Diderot, Saint Simon) hanggang kina Marx-Engels, Plekhanov, Gramsci, atbp.

    Ang batas ng kalikasan (ley natural, sa awit ni Balagtas) ay kumakatawan sa logos o prinsipyo ng rason/katwiran, na siyang saligan ng katarungan, demokrasya o pagkakapantay-pantay, kalayaan at kasarinlan. Ang mapagpalayang kapasiyahan ng masa ang kapalaran o tadhana--sa wika ni Engels, "Ang kalayaan ay kamalayan ng pangangailangan (Necessity)."  Ang pangangailangan ay matatarok sa kaliwanagan tungkol sa nakalipas at posibilidad ng kinabukasan, sampu ng diyalektikong pagpapasiyang maisakatuparan ang pangarap at mithiin ng kasalukyan. Ito ang pinakabuod na simulain ng Katipunan at republikang isinilang sa Pugad-Lawin ng Agosto 23, 1896.

     Pangwakas na obserbasyon. Bukod sa bisa ng Gnostisismo at Stoisismo sa pilosopiya ng Katipunan at Propagandista (na bihirang masiyasat hanggang ngayon), ang pananaw sa kababaihan ng kilusang mapagpalaya ay larangang hindi pa nabibigyan ng masusing analisis.
Ang pigura ng ina, sumasagisag sa bayan, ginhawa o kaluwalhating inaadhika, maaliwalas na kinabukasan, kaligayahan, atbp., ay laging isteryotipikal ang pagpapakahulugan.

    Nasilip ni Soledad Reyes ang kabaligtarang mukha ng ina--"hindi siya Mater Dolorosa kundi Medusa" (p. 127), ngunit marami pang implikasyong hindi natatatalakay. Halimbawa, ang posisyon ng Ina bilang Sophia (Katwiran/Wisdom). Katwiran at Kapangyarihan ay magkatambal; nabura ang kababaihan sa mga Konsehong makapatriaryakal ng Simbahan. Ayon kay Marina Warner: "The spirit of God, the shekinah, was feminine in Hebrew, neuter in the Greek  pneuma, feminine as sophia (wisdom), invariably feminine in Syriac, but in Latin it became incontrovertibly masculine: spiritus sanctus" (p. 39, Alone of All Her Sex 1976). Gayunpaman, paalala ni Regis Debray: "While other denominations tends towards the univocal, the Catholic fantasy has as its mainspring a divided vision of the feminine, torn between angel and whore, saint and sorceress" (p. 176, God: An Itinerary, 2004).

    Payo ng Supremo: "Itinuturo ng katwiran ang tayo'y umasa sa ating sarili at huwag hintayin sa iba ang ating kabuhayan."  Sophia, ang kababaihang aspekto ng kaliwanagan, ay matatagpuan sa Muling Pagkabuhay sa dulo ng ritwal ng inisyasyon ng Katipunan at sa diwa ng "Dekalogo." Samakatwid, ang "Ina" ay siyang birtud ng kaliwanagan, na inspirasyon at bukal ng pag-aalsang mapagpalaya. Para sa organikong intelektwal ng uring anak-pawis, ang Sophia ay muling pagbangon--ang hinihinging paglingap handog sa "naghihingalong Yna,", ang sinuyong "tinubuang lupa" na espasyong materyal at batayang lugar ng panahon, inarugang larangan ng kasaysayan--walang lihim sa tanod nito, ayon kay Gregoria de Jesus:

    Ang nanga karaang panahun ng aliw
ang inaasahan araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan saan tatanghalin? 
       
(mula sa "Pag-ibig sa Tinubuang Bayan," B.S. Medina Jr., Tatlong Panahon ng Panitikan, 1972, 186)

    Sa kabilang banda, ang pagtakwil sa Espanya ng "Panghuling Hibik" ay umaayon sa bisyon ng Katipunan bilang boluntaryong samahan, solidaridad o kapatirang hinirang, isang ekklesiang subersibo't sekular. Kapasiyahang mulat, hindi henealohiya (tali sa pusod), ang kailangan. Tugon ito sa puna ni Rizal na sa Filipinas, indibidwalismo ang umiiral, hindi damayan. Ang Katipunan ay pagtitipun ng mga anak ng Kaliwanagan laban sa mga anak ng Kadiliman--isang tema ng grupong Essenes na salungat sa imperyong Romano. Sa kalaunan, naging komunidad ng mga matapat (hindi taksil o mapaglilo), akma sa oryentasyon ng pag-asa (kinabukasan), hindi lamang sa bunsod ng memorya o gunita (nakalipas), ang proyektong etikal/politikal ng Katipunan.

    Ang pagtalikda sa inang utusan ng Imperyo't Simbahan ay umaayon sa himatong ng tugon ni Kristo sa ina: "Babae, ano ang relasyon mo sa akin? (John 2:3; sa ibang pagkakataon na dudukalin ang suliraning ito). Sa pamamagitan ng malayang pagsanib, hindi batay sa dugo, kasarian, pamilya o angkan, ang Katipunan ay bukas sa sinumang nais makiisa sa pambansang digmaan laban sa kolonyalismo, makulinismong awtoritaryanismo ng Simbahan, sampu ng ideolohiya, praktika, institusyon at normatibong ugaling pinagpilitang ipasunod sa nilupig at inaliping Indya/Indyo. Ang gahum pampolitika ay bunga ng estratehiyang ito.
   
    Sa pakiwari ko, ang akdang "Dapat Mabatid" ang pinakauna't pinakatampok na diskurso ng modernidad sa Pilipinas.

     Kalakip ng mga tula ng Supremo, ito ang manipestong nag-ugnay sa yugto ng nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap sa isang kahulugan: ang paglikha ng kalayaan/kapasyahan sa Filipino. Samakatwid, nilagom nito ang pilosopiyang materyalismo-historikal ng mahigit 200 rebelyon sa kapuluan hanggang sa Kilusang Pampropaganda nina Del Pilar, Jaena at Rizal. Sa susunod na akda, tatalakayin ko ang paksang ito. Sa ngayon, idiin natin dito ang aral ng Supremo: dapat isakatuparan ang isip sa gawa, at sa gayon maipagsanib ang kamalayan at reyalidad sa bagong sistema ng lipunan--makatarungan, nagsasarili, masagana't  mapagpalaya sa daigdig at sa buong sangkatauhan.

    Sa huling pagtutuos, radikal ang naitatag na bangguwardyang liderato ng himagsikan na lumampas sa hanggahang itinakda ng sinaunang kabihasnan at ng kolonyalismong Espanyol. Radikal din ang pinagsamang paraan ng edukasyon at aktibong pakikibakang (higit sa repormistang taktika nina Rizal at ka-ilustrado) tinalunton ng mga alagad hanggang kina Malvar, Sakay at mga bayani ng Balangiga, Samar. Utang natin sa Supremo at 1.4 milyong mamamayang nagbuwis ng buhay (laban sa imperyong Espanya at Estados Unidos) ang dunong, danas at pagkakataon ngayon upang magpatuloy sa pagsisikap matamo ang tunay na pambansang demokrasya at kasarinlan sa harap ng malagim na terorismo ng hegemonyang lakas ng kapitalismong global.--##

National Sovereignty, Anti-Imperialism, and the Iranian Resistance: A Third World Marxist Defence of Iran's Right to Resist Imperialis...