Friday, October 11, 2013

KUNDIMAN SA KARIMLAN--Bagong Kalipunan ng mga Tula ni E. SAN JUAN, Jr.

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN --Bagong Libro mula sa U.P. Press








Kilalang kritiko at manlilikha sa larangang internasyonal, si E. SAN JUAN, Jr. kamakailan ay fellow ng Harry Ransom Center, University of Texas; at ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University. Tubong Maynila at lalawigang Rizal, siya ay nag-aral sa Jose Abad Santos High School, Unibersidad ng Pilipinas, at Harvard University.  Emeritus professor ng English, Comparative Literature at Ethnic Studies, siya ay nakapagturo sa maraming pamantasan, kabilang na ang University of the Philippines (Diliman), Ateneo de Manila University, Leuven University (Belgium), Tamkang University (Taiwan), University of Trento (Italy), University of Connecticut, Washington State University at Wesleyan University.

Namuno sa U.P. Writers Club at lumahok sa pagbangon ng makabayang kilusang ibinandila nina Claro Recto at Lorenzo Tanada noong dekada 50-60, si San Juan ay naging katulong ni Amado V. Hernandez (sa Ang Masa) at ni Alejandro G. Abadilla (sa Panitikan) kung saan nailunsad ang modernistang diskurso't panitikan kaagapay ng rebolusyong kultural sa buong mundo. Kabilang sa mga unang aklat niya ang Maliwalu, 1 Mayo at iba pang tula, Pagbabalikwas, at Kung Ikaw ay Inaapi, na nilagom sa koleksyong Alay sa Paglikha ng Bukang-Liwayway. Sumunod ang Himagsik: Tungo sa Mapagpalayang Kultura, Sapagkat Iniibig Kita, Salud Algabre at iba pang tula, Sutrang Kayumanggi, Bukas Luwalhating Kay Ganda, at Ulikba. Sa kasalukuyang kalipunan matatagpuan ang pinakaunang pagsubok sa tulang konseptuwal sa wikang Filipino.

Bukod sa From Globalization to National Liberation, inilathala rin ng U.P. Press ang naunang mga libro niya: Carlos Bulosan and the Imagination of the Class Struggle, Toward a People's Literature, Writing and National Liberation, Allegories of Resistance, at (kasalukuyang inihahanda) Between Empire and Insurgency: The Philippines in the New Millennium.



No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...