Friday, July 04, 2008

ADIK SA 'YO? HINAHANAP-HANAP KITA


ADIK SA ‘YO? Pag-ulit sa pag-iiba-iba ng talinghaga’t haraya


(In Memoriam: Cherith Dayrit-Garcia)





Di ko na hahanap-hanapin pa, Ka Leony,
buhat nang matagpuan ang duguang katawan mo sa Isabela--
Di na adik ngunit sabik
malaman kung anong umakit sa iyong ihandog ang buhay
nang walang pakundangan

Mahigit 800 ang nalunod paglubog ng MV Princess of the Stars--
Sobra na tama na, adios Manny Pacquiao!
Bawat pagpihit ng tadhana, ilang buhay ang lumilipas
ngunit sa anong dahilan o anong layon?
Adik pa ba? Sabik na madukot ka?
Sa telesineng terorista nina Glorya at mga berdugong heneral
walang bida kundi ang uring imperyalista’t alipuris--
Adik sa kalupitan at kasamaan....

Sabik sa inyo-- Shirley Cadapan Karen Empeno Sabik akong matagpuan
sina Jonas Burgos Nilo Arado Luisa Posa Dominado
Sa umaga’t sa gabi ng galit at pighati sa pagitan ng pagpatay
kina Mario Auxilio sa Bohol at Celso Pojas sa Davao
hinahanap-hanap kita,
O armadong anghel ng katarungan--

Di na adik ngunit sabik--
Noon, sa pagitan ng bawat bugbog kay Nena Fajardo at bigwas kay Nelia Sancho
natagpuan kitang naghihintay....
Mahigit 4000 taong nalunod paglubog ng MV Dona Paz noong panahon ni Cory--
ilang libong namatay sa lahar, sa baha, sa bagyo, sa terorismo ng AFP...
Adik ka pa ba? Hahanap-hanapin pa ba?

Adios, Gretchen at Regine at Rufa at Susmaryosep-- Lani Misalucha!
Magwala man ang militar, di na mawawala
ang pag-asang inaruga mo, Ka Leony, istratehiyang pinakasasabikan--
Magkasalubong tayo sa bawat daluyong ng pakikibaka
sa bawat yapos, sa bawat labing humahalik....

###

No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...