Tuesday, May 06, 2008

PAGTAWID SA KALIWA











PAGBAYBAY SA TRANSISYONAL NA LANDAS NG PAGBABAGO





“Walang rebelyong nasayang, bawat isa’y hakbang tungo sa kalayaan….”
--Salud Algabre, lider ng mga Sakdalista




Napakapanganib ng tulay na ito, delikadong nakabitin sa hangin, nakakatakot--
Sana’y may iba pang daan sa kaliwang matatawid palayo sa kilabot ng gubat at disyerto …
Kung bumigay ito, tiyak na malulunod ako, ikaw rin; ngunit kung wala ito
Walang dudang nabaon na tayo’t natodas sa dahas ng rumaragasang ilog.

Nakaraos din, sa malao’t madali, ngunit kung makuhang magbalik-tanaw
Napagnilay ko kung gaano kalalim ng tubig at anong hirap ang napakatarik na hagdan paakyat;
Pagal, nais ko sanang mayroon tayong matibay na tulay, sariling atin, upang
Sinumang manlalakbay ay makatawid nang matiwasay, walang kutob ng pangamba.

Sa palagay ko, kung nais natin ng isang maasaha’t matipunong tulay
Dapat tayo na mismo ang magpasiyang kumuha ng karapat-dapat na materyales at tuluyang
baguhin ang luma’t minanang tulay--
Mangahas maglambitin tayo sa banging mapanganib tulad ng mga manggagawang yumayari ng
matatayog at kapakipakinabang na gusali--

Mga bayaning makalupa, pulang mandirigma, pinilit ng pangangailangan,
Tayo’y natirang buhay, taglay ang karanasan, kalooba’t determinasyong ingatan
At pangalagaan ang trapik sa bisa ng katwirang malikhain, ng rebolusyonaryong pagtitiwala sa
isa’t isa, sampu ng pakikipagtulungan sa Nagkakaisang Hanay--
Siyang tanging paraang nalalabi upang lahat tayo’y makatawid sa kaliwa at lubos na
makalaya!

No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...