Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Friday, June 01, 2007
BAKIT PALAGING LUMULUHA ANG MASA?
___________________________________________
BUMABAHANG LUHA ANG SHABU NG MADLA
(Para kay Susan Fernandez, pasintabi sa mga kantor ng AEGIS)
Upang isulong ang pakikibaka, kailangan ang nalalabing lakas
Na di dapat sayangin sa walang habas na pagtili sa pantasyang masarap--
Anong kinabukasan ng mahal mo’t ng bayan kung lagi na lamang nangangarap?
Nananaginip nang gising
Buhat pa ba n’ong si Magellan, o si Dewey sa Manila Bay hanggang Balikata’y nalasing?
Nakatulala sa hangin
Ay naku, Inday, malala pala’ng sakit mo, higit pa kay Nicole, baka di ka na gumaling…
Nagsusumidhing damdamin
Binola ka ng Kano, aray ko, natuliro sa Olongapo’t nagkandarapa hanggang piyer
Kahit halik lang ang akin
Talaga palang sobra, sagad-buto na tayong dinaya’t sinuhulan sa pagtitimpi’t pagsisisi
Nababaliw ako sa iyo
Siyanga? Hanggang dito na lang ba tayo—nagtiis sa diktadurang Marcos at ngayo’y kay Arroyo?
Bawat silakbo ng puso ko
Binili kang “mail-order bride,” OCW, tinubos ng pulang mandirigmang nagsakripisyong lubos
Sa isang sulok na lang umiibig sa iyo, Sinta
Dinuhagi’t nasalanta, walang pag-ibig kung ikaw’y gutom binubugbog ginagahasa
Bakit luha mo’y ibinubuhos sa sulok walang hiyang ibinubulyaw ang pagkaulol?
Gumising ka’t sunggaban ang gulong ng buhay igayak ang puso sa pakikibaka
“Ipaglaban hanggang kamatayan?” Sinta, ipaglaban ang kalayaa’t minimithing kasarinlan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment