Tuesday, February 20, 2007

OPLAN BANTAY LAYA, SUMALANGIT NAWA




OPLAN BANTAY LAYA, SUMALANGIT NAWA


Natiyempuhan ko lamang basahin sa pahayagan kamakailan
ang balitang nagpakamatay sina Librado at Martin Gallardo
sa Barangay Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija—

hintay muna, baka may masahol pang higit sa tinamasang hagupit—

upang maiwasan ang walang pakundangang tortyur ng Armed Forces of the Philippines.

Uminom lang ng pesticide, ayos na--
Tumakas na sila sa walang patawad na sundalo ng 48th Infantry Battalion—

Sabi ni Heneral Palparan: “We are sorry if you are killed in the crossfire.”
Hintay muna, baka may malupit pang sentensiya sa inyo!

Lason sa balang at salot, nakalusot din sa “crossfire” ng mga bantay-salakay….
Lumaya rin sa gobyernong mapagkandili’t maawain
Nakaiwas din ang dalawang bangkay sa mapagpalayang militar

Salamat po, Heneral, sa hatol niyo’t pagpapaumanhin--
Salamat po, Madame Presidente, sa pesticide na inyong mamanahin--
Sa susunod na “crossfire,” “sorry” din kami’t kayo po’y hihintayin….

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...