PAGTUTUOS SA HINULUGANG TAKTAK, ANTIPOLO, RIZAL
---ni E. San Juan, Jr.
Abala tayo pagkaraang dumalaw sa mga kasama't bilanggo sa Camp Bagong Diwa.
Narito tayo sa Antipolo, umaapaw sa takot at pangamba, tinatanaw
ang istatwa ng Birhen ng Immaculate Concepcion Church
nilambungan ng mga higanteng gusali ng SM at Robinson Mall....
Balisa, alinlangang --dahil alanganin? Anong dapat gawin
sa labas ng rehas at pader alang-alang sa mga nakapiit?
Sa loob, mahigpit at ginigipit, walang masagap na huni o saluysoy ng batis.
Sa kasalukuyan, di masukat na hilakbot, iniisip kung ilang libong biktima--
subsob sa agam-agam, walang hanggahang bagabag, pagkabalino....
Sa iyong panimdim, Mahal, di pa naghihingalo ang pag-asa sa gitna
ng mahinahong salimbay ng kawayan sa dapit-hapong ito
sa loob ng hardin ng Birhen, bago tayo lumipat sa Hinulugang Taktak....
Tiyak na gigising tayo sa umaga, masigla, ngunit sila sa seldang siksik--paano?
Alaalang di natigatig, tayo'y nahulog sa bangin ng rehimeng sakim at malupit;,
sinugpo ang pagkatao't sinupil, dinuhagi, inapi--ilang dantaon na....
Sa kung anong kabalighuan, inaasam pa ring makahulagpos, tumalon, tumakas....
Minsa'y napagwaring ubos na ang pagtitiis, nilunod na ng hilahil at ligalig.
Dito sa pampang ng ilog, minamasid ang talong walang pagod....
Kagila-gilalas ang biyaya ng kalikasan, pinapawi ang sindak, balisa't pag-aalaala.
Walang ipinagkakait ang kalikasan, walang pagbabawal, pinagbibigyan,
kahit hindi lumuhod o magdasal.
Payo mo, Mahal, itakwil ang lumbay, itigil ang dalamhati, huwag dumaing.
Nawa'y maiwaksi ang pagkabahala't tanggapin ang idinudulot ng bawat sandali....
Wala ngayon, tapos meron....Di pa ganap sila, tayo....patuloy ang agos, daloy--
Namumutawi doon, ngayon, ang tinig ng kinabukasang kasaliw
ng awit ng ibon at lagaslas ng talon sa bawat buntung-hininga.
Kaakit-akit ang tanawing kumakanlong sa atin, kaalinsabay ng usad ng panahon.
Sa maluwalhating oras na ito, walang ligamgam na gumagambala--at sa gayon,
pabayaan ang inhustisya? Payagan ang kabuktuta't pagmamalabis?
Dito sa Hinulugang Taktak, limot na ang pag-aantabay sa ipinangako ng Birhen.
Di na inaapuhap, ipinagkatiwala sa mga anak at salinlahi
ang ani at kaganapan ng kinabukasang malaya't maligaya...
Walang alinlangan, damhin ang sukdulang malasakit ng araw at bulaklak at agos
alang-alang sa mga ibinilanggo. dinukot, binugbog, pinaslang..
Natalukbungan na ng ulap ang krus ng Simbahan, ang mukha ng Birhen....
Dito sa pampang, hindi talusira't mapanibugho ang damo't halaman... Ngayon,
Nakatambad ang mukha mo sa humahapong sikat, natabingan ng lungkot
ngunit bunyag, nakalantad sa titig ng bulaklak at haplos ng amihan--
Sa gunita ko't panaginip, alaga't hinirang ka ng sanlibutan, bukod-tanging pinagpala....
Bumitaw, bumigay, hiwalay sa anino ng Birheng ligtas sa kilabot ng Estado,
pumipintig ang damdamin sa bawat salimbay ng tubig,
pumipiglas, pinupukaw ng mga bayaning nag-alay ng buhay...
Walang kailangan, matiyagang isakatuparan ang hinihingi ng pagkakataon,
ang anumang napagkasunduang pasiya ng kolektibo sa pakikibaka.
Walang alinlangang magtatagpo muli tayong lahat sa sangandaan ng Antipolo
hanggang may kaluluwang nais umigpaw, bumaklas, umalpas,
diwang nasang yapusin ang hibong pumupulandit sa talong marahas,
lakas ng pangarap at pithayang rumaragasa't dumadaloy
sa ating pinagbuklod na dibdib.
###
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Monday, June 02, 2014
Thursday, May 22, 2014
RIZAL AS A WAGNERIAN OPERA
Siza’s Vengeance: A Radical Interpretation of Jose Rizal
By E. San Juan, Jr.
(Philippine Cultural Center, Connecticut, USA)
Reviewed by PAULINO LIM,
Emeritus Professor of English
California State University, Long Beach
Decentering in Psychology is a mental adjustment that shifts behavioral focus away from the self and its opinions, saving one from becoming too egotistical and solipsistic. In his latest book on Jose Rizal, E. San Juan Jr. introduces decentering as a discursive strategy, shifting the focus as he revisits Noli Me Tangere and El Filibusterismo from the main plot and characters to subplots and minor characters, summing up the pernicious effects of colonization upon the Filipino people, especially the women. Part of the decentering recovers the meaning of the novels as timeless works of art in the country’s colonial past and relevance to the present in light of America’s return or re-colonizing of the Philippines, threatened by China’s redrawing of its territorial borders in the Pacific.
Following San Juan’s maneuver and premise, this review summarizes a decentering of its own, taking cue from the trope of the opening sentence of Sisa’s Vengeance: “Jose Rizal as ghost or phantom in the colonial opera.” It imagines an opera Rizal would write if he were a composer, and another opera updated from its colonial setting to the postcolonial or neocolonial, as San Juan would have it. The first opera drawn from Rizal’s works is traditional, and the second inhabited by his phantom is postmodern, both performed on the scale of Götterdämmerung (The Twilight of the Gods), the theme of Wagner’s Ring cycle.
Of the many thematic strands of Sisa’s Vengeance, the following equation would thread the two operas: If Rizal’s life-work is a critique of the decaying colonial order of 19th century Philippines (71), it can also be seen as a critique of the neocolonial order of the 21st century. In other words, Rizal’s novels augur not only the twilight of the Spanish Empire but also the twilight of U.S. imperialism and capitalism, the Kapitalismusdämmerung of Rizal’s Ring cycle.
San Juan embellishes his theatrical trope with quotes from letters and memoirs, and contends that Rizal was, uncannily and unwittingly, “a performance artist avant la lettre.” (6) Rizal self-dramatized imagined roles he’d perform as a revolutionary. He dedicated El Filibusterismo to the three à
secular priests, Fathers Burgos, Gomez and Zamora, whose martyrdom transformed him into a subversive, a filibustero. San Juan describes Rizal’s account of his parting from his first love Segunda Katigbak as “histrionic and theatrical.” The spectacle of his execution, if not for the real bullets fired and blood that flowed, is operatic melodrama of the highest order, with Rizal echoing Christ who at age 33 was only two years younger, saying “Consummatum est.”
Rizal’s chosen medium for his revolutionary critique was the novel. He had written poems and plays before turning to the novel, as Wagner had done before composing operas. If Rizal were a composer, perhaps the Noli and Fili would be operas or, more likely, zarzuelas. San Juan identifies the Aeschylus Oresteia trilogy as “the classical template” of the trilogy: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, and the unfinished third novel Makamisa, that historian Ambeth Ocampo stumbled upon while doing research at the National Library. The template will serve the opera in the same way, with the novels, letters and memoirs as source for the libretto. Given the florid diction of Rizal’s 19th century Spanish and the sensuous Wagnerian delineation of emotions, the tone of the opera will be “elegiac and oracular.”
San Juan defines the leitmotif of the colonial opera centered on “the primal scenario of violation, the initiation into the crucible of Rizal’s life-pilgrimage.” Rizal suffered a profound trauma when he witnessed his mother being forced to walk from Calamba to Santa Cruz, a distance of 50 kilometers, on a charge that was never substantiated. (78) Rizal re-enacts his mother’s ordeal in the episode of Sisa walking to the barracks after being arrested by the guardia civiles as the “mother of thieves,” blaming her for her children’s actions.
The second opera played in the Filipino psyche haunted by the phantom of Rizal would definitely not be “Puccini-esque,” as The New York Times describes Noli Me Tangere: An Opera, when it was performed at the Sylvia and Danny Kaye Playhouse at Hunter College in New York in October 2013. It would be postmodern, “utopian and carnivalesque,” conflating varied revolutions, religious, socialist, and literary, and genres, folk lore, myth and realism. A revolutionary critique of a social order is mind-forged and utopian. It can either liberate or manacle freedom, to paraphrase San Juan invoking William Blake. (92) It will feature such characters as a lover waving a handkerchief singing a farewell aria, a Medusa-like Sisa bent on revenge, and babaylans turned into brujas. The music will morph from lambent kundimans to ringing anthems and dissonant “mad arias,” underscoring love and death scenes, and most likely a bacchanalian interlude in a brothel.
To shift from trope to theme, for a moment, is to see a theater larger than the operatic as San Juan stages Rizal’s evolution as a thinker addressing “the woman question” and religion. He traces the hero’s attitude on women from the viewpoint of male dominance in a patriarchal society installed by the Spanish colonization and sustained by capitalism. It starts with Rizal’s awareness of the egalitarian status of pre-Hispanic women denigrated by the “frailocracy,” and ends like Mary Wollstonecraft “vindicating the rights of women.” On religion San Juan tracks Rizal’s stance shifting from the doctrinal Catholicism of his upbringing to the deistic reach of the Enlightenment, and ending with the mystical side of Romanticism, like Wordsworth hymning “intimations of immortality.” Perhaps the act of reading Thomas à Kempis on the eve of his execution and echoing the crucified Christ was not theatrical performance but penitential after all.
Finally, we see San Juan staging his own Marxist criticism rescued from its parodied “vulgar” phase, as he defines the theoretical bias of commentaries on Rizal, from the dilettantish to the flamboyant, the apologetic and the wrong-headed, all vying for canonical status. Marxism is back in mainstream economics, the talks centering on the impending global collapse of America, democracy and capitalism. This is what San Juan has been saying all along in the company of Renato Constantino and the late senator Jose Diokno in the Philippines and Noam Chomsky in America.
This view concludes with a quote from the paper “The Diplopic Consciousness of Overseas Filipino Writers,” that I presented at the 9th International Conference on the Philippines at Michigan State University in October 2012: “San Juan writes poetry in Filipino and polemics in English. He has the sensibility of a poet and the driving logic of a committed polemicist. His persuasive critique of the hegemony of capitalism and of America’s imperialism is unsurpassed, not even by Noam Chomsky and the late Harold Pinter.”
The tribute stands.
Thursday, May 08, 2014
MISTULANG TRANSKRIPSYON--Tulatuluyang Konseptuwal
TRANSKRIPSYON NG ILANG BYTES NG KOMPYUTER NG NASA, WASHINGTON, DC,USA
---"Everyone in the planet is under total surveillance today." --Edward Snowden
--"Nothing is meaningless...." --Sissi, sa pelikulang The Princess & the Warrior
Gising ka na ba? Anong gumagapang na hayop sa silong? Bakit makulimlim? Naramdaman mo ba? Masakit ba? O nakakikiliti? Malambot ba? O matigas? May kumakatok ba? Nariyan na ba sila? Bakit may agunyas sa bukang-liwayway? Gusto mo ba? Ayaw mo? Barado ba ang tubo ng kubeta? Inaalimpungatan ka ba? Anong ginagawa ko rito? Nabasa mo ba si Kierkegaard? Malapit ba o malayo? Biro ba lang? Makibaka ba, huwag matakot? Nilabasan ka ba? Kailan tayo tutugpa? Sino iyang nakamaskara? Peks man? Sino ang nagsuplong? Swak na swak ba? Dapat ba nating dalhin ang kargada? Mabigat ba o magaan?
Sino si Yolanda? Liku-liko ba ang landas ng mahabang martsa? Bakit kasing-pait ng apdo? Doon ka ba nakatira? Anong kulisap ang katulad ko? May kurakot ba sa mga pulong inaangkin? Sino'ng nagtatanong? Nasaan ang I-pad mo? Sino ka ba sa kanila? Iyon ba ang burol o lambak? Nakarating na ba tayo? Bakit mababa ang lipad ng kalapati? May kilala ka ba sa Abu Sayyaf? Nasaan ang hanggahan ng bughaw at luntian? May umutot ba? Paano ang hapunan? Iyon ba ang pulang sagisag? Papasok na tayo o lalabas? Magkano ba ang suhol? Puwede ka bang sumagot? Pinupulikat ka ba? Anong ibig mong sabihin? Bakit nag-alapaap ang salamin? May naamoy ka ba? Paano tayo makatatakas? Bakit bumaligtad? Na-etsa puwera ba sila? Ano ang kahulugan nito? Masaklap ba ang nangyari? Nasaan na ba tayo? May serpyenteng nagpugad sa dibdib mo? Bakit tumitibok ang bukong-bukong? Anong ginagawa ko rito? Malinaw ba ang kahulugan ng babala? Kinakalawang ba ang tulay na bakal sa Camp Bagong Diwa? Ano ang talaangkanan ng diskurso? Sino ang humihiyaw ng "saklolo"? May apoy ba sa butas ng karayom? Susi, anong susi? Bakit nagkanulo? Naipit ba ang bayag mo paglundag? Bumubulong ka ba? Ano ang kulay ng sinegwalas? Ano ang katuturan? Bakit nakunan kundi buntis? Mainit ba o malamig? Paano bubuksan ito? May napinsala ba? Bawat bagay ba ay kailangan? Puwede na ba tayong umuwi? May hinala ba sa nagpatiwakal? Kilala mo ba si Ludwig Feuerbach? Bakit walang asin ang sinigang? Paano tayo makalulusot? Bumulong ka ba? Kung hindi ngayon, kailan pa? Nasa loob daw ang kaharian? Magaspang ba? Bakit may apog sa kalingkingan? Bingi ba ako? Mangyayari kaya ito? Kung magunaw ang mundo, mapapawi ba ang utang natin? Sindak ka ba? Hanggang saan mo malulunok ito? Bakit tayo narito? Mas gusto mo ba ng sopas o salada? Bangungot ba ito o panaginip? Bakit mahapdi ang lalamunan ko? Malamig ba ang hipo ni Lazaro? Bakit tapos na? Inis at yamot ka ba? Bakit may nangangaluluwa? Nais mong dumalaw sa bunganga ng sepulkro? Magkano ba? Pag-ibig ba raw ang makalulutas ng lahat? Niloloko ba tayo? Akin na ang sukli? Bawal bang mag-alis ng kulangot? Puwede bang umihi rito? Bakit walang pinto o bintana? Malikmata ba ito? Bakit wala kang imik?

Sunday, May 04, 2014
ANG TAYA NG SUGALERO
BAGAMAT/DAHIL SA WALANG KATIYAKAN O KAHIHITNANAN, UMAASA PA RIN ANG SUGALERO....
Bigo, walang bathalang liligtas o sasagip sa iyo sukat na ipagsamo
Paltos, anong tadhanang nagbabanta sa pagliko ng daan
Mintis, sinong nag-aabang sa pagtawid mong walang inaasam-asam
Palyado, saan dadako, anong gagawin sa balighong pangyayari
Kulang-palad, saan patutungo na walang paralumang gagabay
Amis, patnubay mo ang anino't larawang nakapinta sa pader
Sawi, siguradong may wakas sa hangganan ng landas
Bagsak, bumukal ang pag-asa sa kawalan at sa paglisan
Talo na, di sinasadya'y tinutukso ka ng pagkakataon
Laos, nakuha pang lumingon upang mapagsino ang sumusunod
Gapi, huwag bumalik o lumihis sa tsansang ipinagkait
Narito, sa imaheng namasdan mo nakasilid ang iyong kapalaran
Bigo man, sige pa rin ang galaw ng imahinasyong nakatiwangwang
Narito, sa sinibak na kahoy galing ang dais na inihagkis ng makapangyarihan
Sandali, dumaplis muntik na, walang suwerte walang tagumpay
Saglit, kapurit lamang, halos wala, masusulyapan mo sa pagitan ng rehas
Buwisit, kahit malas, sa bawat siwang sumisingit ang tagapag-ligtas
Ngayon, tunay nga, trabahong pagmamahal ang pagpusta sa pagbabagong-buhay
ni E. SAN JUAN, Jr.

Monday, April 21, 2014
New Edition of SISA'S VENGEANCE (create.space(
About the Author: E. SAN JUAN, Jr.
E. SAN JUAN, Jr. is director of the Philippines Cultural Studies Center and co-director of the Board of Philippine Forum, New York City. He was recently a visiting professor of literature and cultural studies at National Tsing Hua University and Fulbright professor of American Studies at Katholieke Universiteit Leuven in Belgium. San Juan was a fellow of the Center for the Humanities, Wesleyan University chair of the Department of Comparative American Cultures, Washington State University; and professor of Ethnic Studies, Bowling Green State University, Ohio. He was previously visiting professor of English and Comparative Literature at the University of Trento, Italy, and at the Graduate School of Tamkang University, Taiwan. He was a Rockefeller Foundation fellow at the Bellagio Center, Italy, in Fall 2006; and is currently a Fellow of the W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University.
San Juan received his graduate degrees in English & Comparative Literature from Harvard University. He taught at the University of the Philippines, University of Connecticut, Brooklyn College of the City University of New York, and the University of California. He has received awards from the Rockefeller Foundation, Institute for Society and Culture (Ohio), MELUS (Multi-Ethnic Literature of the United States), Gustav Myers Human Rights Center, and the Association for Asian American Studies. San Juan’s most recent works are Hegemony and Strategies of Transgression (SUNY Press), Beyond Postcolonial Theory (Palgrave), From Exile to Diaspora (Westview Press), After Postcolonialism (Rowman and Littlefield), Working Through the Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice (Bucknell University Press), and Racism and Cultural Studies (Duke University Press), and the groundbreaking book, Racial Formations/Critical Transformations (Humanities Press
San Juan’s recent books in Filipino are Tinik sa Kaluluwa (Anvil), Himagsik (De La Salle University Press) and Sapagkat Iniibig Kita (U.P. Press); and Balikbayang Sinta (Ateneo). His recent books are From Globalization to National Liberation (UP Press), In the Wake of Terror: Class, Race, Nation and Ethnicity in the Postmodern World (Lexington), US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave), Beyond Transnational Globalization, for Filipino Self-Determination (SUNY Press); Critique and Social Transformation: Lessons from Antonio Gramsci, Mikhail Bakhtin and Raymond Williams (Edwin Mellen Press), and Critical Interventions (Lambert). His works have been translated into Chinese, Spanish, Russian, German, French, Italian, and other languages.
REVIEW OF THE BOOK BY FRANCIS MACANSANTOS:
RIZAL THE FEMINIST
A Book Review of Sisa’s Vengeance
by Francis C. Macansantos
E, San Juan, Jr. was one illustrious young poet of the sixties, showing mastery of the medium in both Filipino and English. He has since reinvented himself as scholar of literature and culture, in America where he is based. With a Ph.D. from Harvard and professorships emeritus from several universities in the U.S., he is deemed an intellect of the first rank in literary and philosophical circles abroad. But just like Rizal, our first intellectual, San Juan is an exile, opting though to return to his country in the form of the books and articles he has written elsewhere, scholarly vessels that contain riches of insight on his motherland’s history, culture, and politics. Some who admire his poetry would prefer verse, but from his published offerings it seems as though he has hung up his lyre.
In prose, however, the rapport he has kept up with his motherland has been fervidly dynamic. Her freedom from post-colonial chains is the constant poem in this scholar’s heart. He reminds us of that other illustrious viajero, the controversial novelist, Dr. Jose Rizal.
And it is obvious that like most Filipino intellectuals, San Juan can never drop the subject of Rizal or his continuing relevance to the idea of liberation. What he does reject is the notion that we need to choose between Bonifacio and Rizal, one against and excluding the other. Indeed, he even sets aside discussion (postponed for another book, perhaps?) on Rizal’s refusal to join the revolution, preferring instead to emphasize the hero’s achievement in conceptualizing an authentic ideological guide to freedom.
In Sisa’s Vengeance, San Juan takes up and evaluates the views of practically all the major Rizal biographers and commentators, pointing out their shortcomings. He takes special exception to Under Three Flags by Benedict Anderson, whose assessment of Rizal lowers his stature as political thinker to that of a “mere moralist and novelist.” On good authority (of Jim Richardson who exposes Anderson’s numerous errors) he attacks Anderson’s “ignorance” and lack of conceptual rigor.
But it is only towards the later chapters of Sisa’s Vengeance that San Juan fully discloses his main theme (and to most of his macho countrymen a startling one): that the proof of his authenticity as revolutionary is his principled belief in and his fervent advocacy of women’s rights.
It comes to light in the book’s latter chapters that for San Juan, the cause of women’s liberation is the sine qua non to any authentic movement for human liberation. An authentic vision of social change requires a profound understanding and staunch espousal of the cause for women’s rights.
Media has tended to present Rizal as a fickle playboy with a girl in every port. Such popular representations flatter the self-image of Filipino machos. But San Juan’s sensitively scrupulous view yields to us a more respectful, even at times diffident man in love—often a victim of heartbreak, all despite Maximo Viola’s account of Rizal’s presumed encounter with a Viennese woman of the streets.(Rizal, in fact, was actively involved in the rehabilitation of sex workers.)
Rizal idolized his mother who was an exceptionally gifted and cultured person, and he was made aware by his studies in London of Morga’s Sucesos ,of the high social status of women of the Philippine islands before the Spanish conquest. It was in London in the midst of his research on Morga that he wrote—upon the request of M.H. del Pilar—his rightly famous letter (written in Tagalog) to the women of Malolos proclaiming their right to education and their duty transmit their learning to their children.
Apart from these women, his mother, and those whom he was linked with amorously, Rizal had other—albeit imaginary—women: Maria Clara, Sisa, Juli, Doña Consolacion, Salome, and others—the women of his novels. Sisa, especially, is central to San Juan’s meditation on Rizal’s character, as it is she who embodies the victimization of women and of the motherland. After establishing the necessary link between the patriarchal system and all oppressive (because profit-oriented) systems, San Juan adroitly transforms Rizal’s arguably feminist position into a fulcrum to elevate and authenticate his revolutionary status.
Indeed, San Juan’s readings of Rizal’s literary works recommend themselves directly to students and scholars of literature. Sisa’s Vengeance provides a plethora of insights into Rizalian texts that are a fitting reward for any reader who has plowed through the rather difficult--often specialized—prose. Such oases, or epiphanies (pun intended) are surely traces of a poetic sensibility.
Francis C. Macansantos is a Baguio-based writer,who writes poetry, essays and fiction in English and Chabacano, his native language. He is a Palanca award winner and an NCCA Writers Prize awardee. His latest book, Balsa: Poemas Chabacano, was recently launched at Ateneo de Zamboanga, where he received the Most Outstanding Alumnus of the Year award in December 2011.
Thursday, April 03, 2014
SINING AT PANITIKAN SA HARAP NG SINDAK AT PANGANIB
SINING AT PANITIKAN NGAYON SA GILID NG BANGIN
-- ni E. SAN JUAN, Jr.
[Panayam sa Taboan 2014 Philippine Writers Festival, Pebrero 25, 2014, Subic Freeport Zone, Zambales]
Kung sa anong dahilan, inatasan akong ilarawan ang situwasyon ng literatura--mas tumpak, ng awtor-- sa bingit o gilid...Ngunit bakit natulak dito? Hindi maihihiwalay ang gilid sa gitna; kapwa pook ng relasyon o ugnayan.
May saysay pa ang mag-usisa kung ano ang diyalektikang proseso nito, ang pinagmulan at kahihitnan. Paano babansagan ang bawat hati ng panahon upang makatiyak sa ating pinanggalingan at patutunguhan? Nasaan tayo sa temporalisasyon ng kasaysayan?
Siyasatin natin ang mapa ng panahunan. Tanggap ng lahat na pagkatapos ng krisis noong 1970, minarkahan ng pagkatalo ng U.S. sa IndoTsina, nagbago ang mundo sa pag-urong ng Unyon Sobyet sa antas ng "booty capitalism." Sumunod ang Tsina at Biyetnam, ngayo'y mahigpit na kasangkot sa pandaigdigang ikot ng akumulasyon ng tubo.
Pumasok tayo sa panibagong yugto pagkaraan ng 9/11, ang pagwasak sa Twin Towers, New York; at paglunsad ng digmaan laban sa tinaguriang "teroristang" Al-Qaeda sa Iraq, Afghanistan, Pakistan, Yemen. Nasa bingit tayo ng giyera laban sa Rusya at Tsina, sa gitna ng away sa Syria, sa dagat Tsina, kasangkot ang Spratley at mga isla sa pagitan ng Hapon at South Korea.
Samantala, maalingasngas ang usapin ng NSA surveillance, ng isyung nuklear ng Iran, pagpaslang ng sibilyan sa pamamagitan ng drone, atbp. Talagang tumitingkad ang krisis ng kalikasan, sampu ng paglusaw ng yelo sa Timog at Hilaga. Penomenal ang Yolanda, baha, lindol, bagyo sa Mindanao, at iba pang sintomas ng epekto ng kabihasnang pinaiinog ng exchange-value, salapi, tubo. Tanda ba ito ng bagong epoka, o pag-uulit lamang ng nauna at walang progresyon.
Para kay Martin Heidegger, repetisyon ng tradisyon at mito ng lahi ang dulo ng pagpapasiyang umiral sa harap ng takdang kamatayan. Para kay Walter Benjamin, ang kasukdulan ng panahon ay pagputol sa repetisyon--sa opresyon at kahirapan--sa katuparan ng Ngayon, pagpapalaya sa pwersang sinupil o sinugpo sa araw-araw upang maligtas ang lahat.
Pagsabog ng Imperyo
Isang tugon sa giyerang pinamunuan ng USA ang riff ng yumaong Amiri Baraka, "Someone Blew Up Amerika" Kung may cybercrime law, tiyak na hinuli na ang makata. Matinding binatikos si Baraka, ngunit hindi natinag ito. Malago't matatag na ang tradisyon ng rebelyon ng grupong ito mula pa itinda ang nahuling katawan ng mga Aprikano sa pamilihan ng mga negosyante ng mga esklabos, ang simula ng kapitalismong global.
Ang barikada ng pagtatanggol ng karapatang magpahayag ay binabalikat ng mga manunulat sa larangang sinakop--Palestina, Iraq, Afghanistan, Libya, Yemen--at bansang patuloy na pinagnanakawan ng likas-yaman, tulad ng Pilipinas, Mexico, Columbia, at maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika.
Nakapagitna ang taumbayan dito, hindi nasa gilid, bagamat ang sining/panitikan na may ambisyong tumiwalag sa gulo't kagipitan ng karaniwang tao ay naging luxury item. "Tubo ko'y sa sariling pagod," sabat ni Balagtas. At karamihan sa may mapanlikhang kakayahan ay napilitan o malugod na sumanib sa korporasyon at burokratang institusyong kumalinga't gumamit sa kanila.
Sa gayon, nireplika ang sinaunang tungkulin ng mang-aawit ng tribung purihin ang hari at pagsilbihan ang makapangyarihang dinastiya o angkan.
Lumang tugtugin na ito buhat ng ihudyat nina Flaubert at Baudelaire ang pagkabagot at pagkasuka nila sa kamyerdahan ng kanilang burgesyang lipunan. Posible lang iyon sa artisanong may kasarinlan sanhi sa pag-unlad ng pamilihan. Iyon ang ugat ng modernismong kilusan na di umano'y hinalinhan ng postmodernista't postkolonyalistang pananaw sa huling dekada ng siglo 20. May sariling pinagkukunan na ba ang postmodernistang artista? Sino ang awdiyens niya, paano siya nabubuhay?
Bagong Panahon, Bagong Moda?
Sa umpisa ng bagong milenyo, postmodernistang pastiche at pinaghalong genre/sangkap pa ba ang gawi? Hindi ba nagbago na ang pangitain, hilig, panlasa ng publiko sa matinding dekonstruksion at demistipikasyon nina Marx, Freud, Nietzsche? At pantay-pantay ba lahat ng tendensiya sa sining?
Sa tingin ko--tema ng pagsisikap ng avant-garde programa ng suryalismo, sitwasyonista, konseptualista, atbp.--ay talakayin ang problema: paano matatamo ang liberasyon ng pang-araw-araw na buhay, ang ordinaryong karanasan, sa komodipikasyon nito, sa isang banda, at sa pag-uulit-ulit nito upang manatili ang paghahari ng ilang nagmamay-ari. Paano mabubuwag ang bakod na humahati sa sining at lipunan, sa artista at karaniwang mamamayan?
Bumalik tayo sa ilan temang nakakawing sa problemang napasadahan na. Saan man mauwi ang kabihasnan, sa barbarismo o sosyalismo (ayon kay Rosa Luxemburg), kuro-kuro ng iba, magpapatuloy ang panitikan hanggang may wika o diskurso, kahit wala nang awtor. Di ba laos na ang awtor, ayon kina Barthes at Foucault, ngunit nariyan pa rin ang ecriture, sulatin, senyas/tanda o marka.
Sa bisa ng artikulasyon ng mga senyas nabubuo ang kahulugan, ang diyalogo ng awtor at mambabasa. Marahil, ang opinyong ito ay ebidensiya ng sakit ng optimistikong utak at pesimistikong damdamin.
Totoo ngang malubha ang lagay ng kalikasan ngayon, lubhang napinsala ng mapanirang sistema ng kapitalismong industriyal mula pa isilang ito noong 16 dantaon. Ginahasa ang kalikasan sa walang humpay na pagmimina at inalipin ng mga konkistador ang mga katutubo upang hakutin ang likas-yaman sa mga kolonya't gawing kapital sa akumulasyon ng tubong walang lohika o katwiran kundi kasakiman sa kapangyarihan. Kaya nga, mariing kinundena ni Dante sa Divina Commedia ang mga usurero at mga negosyante ng mapagkunwari o mandarayang gawa.
Isinangla nga ni Doktor Faustus ang kaluluwa upang maging diyos habang hinahabol ang magayumang kariktan ni Helena, ang ideyal ng kagandahan.
Sumunod ba ang artista, ang manunulat, sa landas na hinawan ni Doktor Faustus at nagkamal ng dunong at dangal sa kanyang panitik? Sinubaybayan ni Thomas Mann ang papel na ginampanan ng manunulat bilang nabighaning alagad ng pasistang lakas sa Europa noong krisis ng imperyalismo noong dekada 20-30 ng nakaraang siglo.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni James Joyce ang radikal na vocation ng artista bilang tagapanday ng konsiyensiya't budhi ng kanyang lahi. Si Joyce ay tubo sa Irlanda, kolonya ng Inglatera, na may mahaba't mayamang tradisyon ng himagsikan laban sa mananakop.
Naisusog na ilang historyador na ang panitikang Ingles, English Literature, ay imbensiyon ng mga kolonisadong sabjek tulad nina Joyce, Yeats, Shaw, O'Casey, Beckett, at iba pang nakaluklok sa gilid ng imperyo.
Sindak at Balisa sa Modernistang Klima
Sa imperyalistang bansa, ang perspektiba nina Mann, Andre Gide, Malraux, at nina TS Eliot, Ezra Pound, Virginia Woolf, atbp ang namayani. Samantalang sa bayang sinakop, ang prinsipyong tumututol at gumagala ni Joyce at Kafka ang nakanaig, simbolikong pagsalungat sa alyenasyon at mabangis na digmaang nagparusa sa daigdig noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Sumunod sa kanilang yapak ang postkolonyalistang manununulat tulad nina Gabriel Garcia Marquez, Chinua Achebe, Salman Rushdie, Wole Soyinka, atbp.
Palasak nang itanong sa mga akademikong kumbersasyon: Lumipas na ba ang krisis ng modernismong estetika sa tagumpay ng Estados Unidos at mga kaalyado sa WW2 at nahalinhan na ba ng postmodernismong pananaw, estilo at paraan ng pagkilatis at pagpapahalaga sa sining?
Ano ang hinaharap ng makabagong awtor sa panahon ng kapitalismong global, na inuugitan ng neoliberalismong ideolohiya, sa gitna ng giyera laban sa terorismong tutol sa hegemonya ng Kanlurang bansa? Nasa bingit ba ng kung anong sakuna o kapansanan ang manunulat?
Bukod sa lugar, anong yugto o antas ng panahon ng kasaysayan ang lagay natin? Ito ang pinakaimportanteng paksang dapat pag-aralan at saliksikin upang matuklasan kung ano ang kinabukasan ng literatura, partikular sa Pilipinas bilang neokolonyal na pormasyong natatangi sa Asyang maunlad at industriyalisado. Pwede ring magkibit-balikat at sabihing walang mapapala sa ganitong pagmumuni, mabuti pang sumulat ayon sa dikta ng puso at hilig ng sensibilidad. Ok lang....
Krisis ng Imahinasyon
Ating balik-tanawin ang predikamento ng mga awtor sa ating kasaysayan. Noong panahon ng krisis ng kapitalismong monopolyo noong dekada 1930-40, nahati ang pulutong ng petiburgis na intelihensiya sa dalawa: ang taga-suporta ng "art for art's sake," sina Jose Garcia Villa, A.E. Litiatco, atbp, laban sa progresibong grupo nina Salvador Lopez, Federico Mangahas, Arturo Rotor, at Teodoro Agoncillo. Ang dibisyong ito ay repleksiyon lamang ng paghahanay ng iba't ibang saray ng lipunan sa ilalim ng kolonyalistang rehimeng Komonwelt.
Sa kabuuan, ang manunulat sa wikang bernakular ay kapanalig ng mga progresibong lakas ng anak-pawis at intelihensiyang nakaugat sa masa. Hanggang ngayon, ang wika ay larangan ng pagtatagisan ng samut-saring sektor sa lipunan.
Nakaayon ang situwasyon ng awtor sa institusyonal na aparatong pang-ideolohiya: lathalaing pangmadla, iskwelahan, burokrasya, atbp. Bagamat sunuran lamang ang rehimeng Quezon at mga oligarko sa utos ng Amerikanong amo, populista at makabayan ang dating ng kanilang mobiisasyon. Sinupil ni Quezon ang mga komunista.
Ngunit nang lumaking panganib ang pasismo sa Europa at Hapon, napilitang humingi ng tulong si Quezon sa mga organisadong lakas ng manggagawa't magbubukid. Napilitang itaguyod o kaya'y akitin ang mga kasapi ng Philippine Writers League na nakikiramay sa pakikibaka ng mga anak-pawis. Sa paglalagom, hindi Doktor Faustus kundi Stephen Dedalus, o kaya mga karakter nina Turgenev at Gorki ang prototipo ng mga awtor noon.
Kung sa bagay, sumasalamin lamang ito sa matibay na pagsanib ng intelektwal (ilustrado) sa mobilisasyon ng taumbayan, tulad ng inasal nina Rizal, Del Pilar at mga Propagandista, hanggang kina Lope K Santos, Faustino Aguilar, Jose Corazon de Jesus, at Benigno Ramos. Samakatwid, kung nakabungad sa krisis, nakasandal o nakasalig ang kapalaran ng awtor sa kalagayan ng madlang tumatangkilik sa kanyang akda.
Sanhi sa di-pantay at masalimuot na pagsulong ng ekonomiyang pampulitika, sa aking palagay, hindi malalim o maselan ang agwat ng awtor sa mga institusyong publiko na naglilingkod sa madla--liban na lamang sa mga akademikong milieu nina Villa, Arcellana, atbp. Gayunpaman, salungat din ang estetikong pormalismo nina Villa at mga kapanalig sa instrumentalismong kultura ng korporasyon at materyalistikong konsumerismo ng metropole.
Ilugar ang Panahon at Sukatin
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos lahat ng manunulat ay kalahok sa pakikibaka laban sa pananakop ng mga tropang Hapon. Noong liberasyon, ang dalawang arketipo ng awtor ay kinatawan nina Amado Hernandez, peryodista at unyonista, at Alejandro Abadilla, huwaran ng indibidwalistikong manlilikha ngunit partisano ng wikang pambansa.
Batay sa karanasan ni Abadilla sa Amerika noong dekada 20 at sa bukod-tanging okupasyon niyang maliit na negosyante, humiwalay si AGA sa kalakarang pakikisangkot at tumambuli ng kanyang personal na pagtingin sa tradisyong itinuring na makaluma, konserbatibo, de-kahon o nahuhuli sa takbo ng panahon. Ito ang padron ng avant-garde: gawing bago ang akda, tumalikod sa nakaugalian, baklasin ang lumang regulasyon at panuntunan, gibain ang bakurang humihiwalay sa sining at madla.
Ang temporalisasyon ng kasaysayan ay pag-uulit ng nakaraang karanasan. Ngunit sino ang sumusukat o tumitimbang sa agos ng panahon at paano ito nababansagan na makaluma o makabago? Makatatakas ba tayo sa rutang siklikal? Makaiiwas ba tayo sa bingit o gilid sa ibang konseptuwalisasyon ng makabago, ng modernidad, ng kontemporaneo?
Ito ang dapat talakaying maigi--ang temporalisasyon ng historya at uri ng modernidad na nadalumat at isinakatuparang isatitik o isatinig--upang maipaliwanag ang kinabukasan ng awtor sa gitna ng krisis ng buong lipunan.
At ang krisis na ito ay di pansamantala lamang kundi permanente, batay sa buod ng sistemang kapitalista: ang walang hintong pagbabago ng paraan o mekanismo ng produksiyon, ang walang tigil na pagsulong ng imbensiyon ng mga gamit sa produksiyon, ng teknolohiya, at mga produktong ipinagbibili sa pamilihang pandaigdig. Ito ang saligan ng modernidad, ng mabilis na pag-iiba at transpormasyon ng mga bagay-bagay at kapaligiran.
Pagpasok sa Kosmos ng Cyberspace
Dumating na tayo sa epokang digital at mabilisang komunikasyon. Sa yugtong ito ng kapitalismong nakasalig sa teknolohiya ng kompyuter at dagling impormasyon, nasaan ang posisyon ng awtor? Kahit man tumutol sina Arundati Roy o Harold Pinter sa imperyalistang karahasan sa Iraq, Afghanistan, Yemen, o sa bilangguan sa Abu Ghraib at Guantanamo, ginawa na bang instrumento lamang ang salita, wika, diskurso, sa program ng World Bank/IMF at WTO? Saan nakapuwesto ang awtor sa malalang krisis ng neoliberalismong mapang-usig?
Isang tugon sa bagong yugto ng kasaysayan, ang paglaganap ng kompyuterisadong komunikasyon at digital text-based environment, ang WEB, ay yaong conceptual writing nina Kenneth Goldsmith, atbp. Nagmula ito sa conceptual art nina Sol Lewitt, Joseph Kosuth, Robert Smithson, Andy Warhol, atbp noong dekada 1960-70, na taglay ang mahabang genealogy buhat kina Mallarme, Stein, Marcel Duchamp, Beckett, Burroughs, John Cage, OULIPO, atbp. (Sangguniin ang antolohiya nina Craig Dworking & K. Goldsmith, AGAINST EXPRESSION, Northwestern U Press, 2013 at kritika ni Marjorie Perloff at POETRY magazine sa Internet).
Ang susing argumento ni Goldsmith, hango sa manifesto ni Sol Lewitt, ay ito: Pinagaan at pinahusay ng digital networking sa broadband ang paraan ng pagkopya at pag-angkin /paghalaw (appropriation; detournement), pagputol at pagdikit. Sa iba, plagiarism ito, pagnakaw ng gawa ng iba. Pahayag ni Goldsmith (p. xix). Dagdag pa niya: "The idea becomes a machine that makes the text." Ang konsepto ang gumagabay sa pagbuo ng produkto. Ipinatapon o binasura na ang subjectivity ng awtor, kaakibat ang paniwala na ang likhang-sining ay ekspresyon ng diwa, imahinasyon o ispiritu ng artista.
Nakasentro ang konseptuwal na gawa sa konteksto /sitwasyon at proseso. Isinaisantabi ang mga lumang kategorya ng genre, dekorum sa estilo, pati na rin ang pagkakaiba ng medium o instrumento sa pagpapahayag (pinta, salita, musika, galaw at iba pang senyas/tanda). Mahalagang layon nito ang pagbuwag sa pribadong pag-aari sa sining bilang komoditi at pagsira sa bakurang humahati sa ekslusibong larangan ng sining at ordinaryong daigdig ng karaniwang pamumuhay.
Ipinagpapatuloy ng panitikang konseptuwal ang mithiin ng avantgarde mula pa sa pagsilang ng modernidad sa kasukdulang antas ng kapitalismong industriyal noong ika-19 dantaon.
Maraming uri ng panulat konseptuwal at kahibangang tangkaing ilagom ang barayti nito sa sipat ni Goldsmith. Marami ring teoryang nagpapaliwanag sa iba't ibang pagsubok sa ilalim ng bandilang konseptuwal at postkonseptuwal. Sa aking palagay, nailagom na ito ni Walter Benjamin sa kanyang sanaysay, "Art in the Age of Mechanical Reproduction." Panukala ni Benjamin na sa pag-unlad ng teknolohiya, ng mga kagamitan sa paglalathala, brodkasting at komunikasyon, nalusaw ang "aura" ng sining at na-democratize ang dating pribilehiyong sanktwaryo ng sining.
Gayunpaman, alam ng lahat kung paano madaling nakolonisa muli ito. Naging selebriti sina Warhol at mga "high priests" ng Abstract Expressionism, Pop Art, Minimalist Art, at pati na rin ng Conceptual Art. Nabigo ang adhikaing ikinabit ni Benjamin sa suryalismong avantgarde, laluna ang mga eksperimental na pagsubok sa potograpiya at pelikula.
Eksperimentasyon at Pakikipagsapalaran
Sa tingin ko, hangarin nina Goldsmith, Vanessa Place at iba pang praktisyoner ng panulat konseptuwal ang labanan ang alyenasyon at anomieng dulot ng buhos ng impormasyon, teksto, diskurso. Nais nilang ipaibabaw ang kanilang intuisyon, isip, o galing intelektuwal upang masugpo ang baha't pagsambulat ng wika at iba pang senyas sa Web na pinapatnubayan ng interes ng korporasyon at akumulasyon ng tubo o kapital.
Walang kontrol sila roon, ngunit itinuring nila na pwedeng maikontrol nila ito sa deklarasyong ang konsepto o iskemang sumungaw sa ulirat ang siyang ugat/bukal ng kahulugan, katuturan, halaga, ng kanilang niyaring diskurso/produkto. Ito ba'y ilusyon o pantasya lamang?
Tila nakalimutan nila ang isang payo ni Benjamin sa kanyang akdang "The Author as Producer." Upang makahulagpos sa diktadurya ng tekstong inuugitan ng kapangyarihan ng salapi, kailangang sunggaban ng mga manunulat ang gamitan sa produksiyon--imprenta, kompyuter, software, atbp.--upang magamit ang mga ito sa kalayaan at kabutihan ng lahat ng tao, hindi lamang iilan.
Hamon ng Kinabukasan
Ngunit sa halip na gawin ito, pinababayaan ng mga artistang konseptuwal ang patuloy na paghahari ng korporasyong siyang nagdidikta ng Web at Internet, sampu ng gobyernong may kontrol ng mabisang teknolohiya. Nagkasya na lamang silang ipagbunyi't itanghal ang birtud o galing ng kanilang utak/kamalayan. Hanggang ngayon, ang matinding hamon ni Benjamin ay naghihintay pa ng karampatang kasagutan.--###

Sunday, March 09, 2014
MAKABAYANG PANITIKAN, REBOLUSYONARYONG SINING

--ni E San Juan,Jr.
Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang halaga ng makabayang panulat sa panahon ng globalisasyon, panahon din ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta.
Panahon din ito ng paglantad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patuloy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interbensyong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito.
Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na talakayin natin sa Open Forum, sa pagpapalitang-kuro.
1. Bagamat kunwaring may kasarinlang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyerno sa poder militar ng US, at sa mapagpasiyang kapangyarihan nito sa WB /IMF, WTO, G-7, UN, at konsortiya ng mga bangko't nagpapautang na mga ahensiya.
2. Sa pandaigdigang situwasyong ito, nakalukob tayo sa panahon ng malubhang krisis ng kapitalismong pampinansiyal. Ebidensiya ang pagbagsak ng Wall Street, pangalawa sa nakaraang siglo, noong 2008. Mas maselan ito kaysa noong 1929. Napipinto pa raw ang isang mas mapanira't katastropikong pagbulusok sa hinaharap.
3. Bagamat ibang porma't paraan ang akumulasyon ng kapital, ng tubo, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon, sa tulong ng kompyuter at Internet, at konsumerismong namamalas na pangunahing aktibidad sa lipunan---laluna sa mga siyudad sa atin na siksikan na ang malls, trapik, gusaling "call centers," atbp--nakasentro pa rin ang sistemang global sa pagkamal ng nagmamay-ari sa surplus-value na nagmumula sa di-binayarang trabaho ng karamihan. Kasama na ang "service workers," OFW--mahit 12 milyong Pilipino sa Saudi, Hong Kong, at saanmang lupalop. Sa kanilang remitans nakasandig ang ekonomya ng bansa.
Sa ibang salita, ang tubo o kapital ng uring kumukontrol sa malalaking gamit/paraan ng produksiyon, ay hinuhugot pa rin sa lakas-paggawa ng mayorya, ang mga anakpawis, magbubukid, at mga propesyonal na bumubuo sa panggitnang saray, ang petiburgesya.
4. Ang pinakaimportanteng katangian ng kapitalismo, ayon kay Marx, na siyang birtud na nagtutulak sa tinaguriang "modernization" at "development," at humuhubog ng kultura, lifestyle, at araw-araw na pamumuhay at ito: walang tigil na transpormasyon ng modo ng produksiyon, walang patid na pagbabago ng kagamitan at proseso ng produksiyon ng lahat ng bagay, at reproduksiyon ng relasyong panlipunan/ugnayan ng mga tao. Ang rebolusyong ito ng "mode of production" na kailangan sa kompitensiya ng iba't ibang paksyon o grupo ng burgesya, ang saligan ng modernidad sa estilo ng buhay, ng kultura. Sintomas ng pagbabago ay masisilip at makakapa sa dalumat ng ideolohiya.
5. Ang panitikan ay isang porma ng ideolohiya, tulad ng relihiyon, politika, palaruan/palakasan, mass midya, atbp. Ang namamayaning ideolohiya saanmang lipunan ay instrumento ng naghaharing uri, sa atin ang oligarko, pyudal na maylupa, komprador-burokrata, na kumokontrol sa Estado, hukuman, at sandatahang puwersa nito.
Gayunpaman, sa panitikan bilang ideolohiyang tanghalan o teatro naisisiwalat ang tunggalian ng mga uri, ang iba't ibang hugis, anyo, at proseso ng mga kontradiksiyon sa lipunan. Ang dating at bisa ng literatura ay nakasalig sa malikhaing paghawak at paggamit sa wika.
Sa tawag nito ginagawang sabjek ang indibidwal na nagtataglay ng kamalayang magpasiya't kumilos. Nagkakamalay tayo sa loob ng teksto/diskurso, tumatalab ito sa ating interpretasyon at pagtatasa.
6. Sapagkat sa ordinaryong karanasan, ang tunay na pagtatagisan ng mga uri at sektor sa lipunan ay nakatago o natatabingan ng petisismo sa komoditi--ang buong mundo ng salapi, negosyo, pagpapalitan ng binili-ipinagbili--sampu ng mistipikasyon ng realidad dulot ng relihiyon, pyudal na gawi't paniniwala (demokrasya raw tayo)--katungkulan ng mapagpalayang awtor ang wasakin ang tabing na nagtatago sa katotohanan: ang paghahati ng lipunan sa ilang mayamang nagsasamantala, at karamihang aping binubusabos. Pagwasak ng mga ilusyon at kababalaghang pumapalamuti sa mandaraya't mapanlinlang na burgesyang orden.
7. Paglimiin ang adhikain ng makabayang awtor: sikapin niyang ibunyag ang katotohanan ng neokolonya, ang patuloy na pagsunod ng oligarkong namumuno sa utos ng US at pagpapailalalim ng kapakanan ng taumbayan sa interes ng korporasyong global.
8. Ang wika ng panitikan ay madugong larangan din ng paglalaban ng mga uri, ng burgesyang gamit ang Ingles bilang sandatang ideolohikal sa pagsuhay sa buong istruktura ng palsipikadong soberanya at walang hustisyang demokrasya.
Araw-araw, sa TV, Internet, pelikula, at iba pang midya, ang wikang ginagamit--na nakakabit sa mga imahen, dramatikong eksena, performance art, awit, at komplikadong salik ng pelikula, ang wika ang makapangyarihang umuugit ng mensahe na siyang nagtutulak sa ating kumilos, magsalita't gumanap ng isang tiyak na papel sa lipunan, partikular na ang maging konsumer at masunuring mamamayan. Mapang-akit at mapang-gayuma ang nangingibabaw na kakintalan, ang impresyon ng kapaligirin, na nakasaplot sa katotohanan-- kailangang hubarin ang balat-kayo, ang saplot ng pagkukunwari't panlilinlang ng burgesyang ideolohiya.
9. Ang halimbawa ng AGOS SA DISYERTO ay isang katibayan na ang malikhai't mahusay na artikulasyon ng konsepto sa wikang umaabot sa nakararaming mambabasa--ang wikang sinasalita ng taumbayan--ang siyang mabisang kagamitan sa pagpukaw ng mapanuring kamalayan, ng mapagmalasakit na damdamin, upang makatulong sa edukasyon ng nakararami at mobilisasyon sa mga kolektibong proyektong makapagsusulong at makapagpapabuti sa pulubing kalagayan ng nakararami.
10. Sa panahon ng globalisasyon, sa mas mabilis at mabilisang pagbabagu-bago ng lahat ng bagay, sa disyerto ng mall at mga "Global City" na itinatayo sa guho ng mga tahanan ng maralitang taga-lunsod at sa bukid na inagaw sa mga magsasaka, kailangan ang mapangahas at subersibong panulat upang tuklasin ang katotohanan at itanghal ito sa panunuri't pagkilatis, pagtimbang at pagpapahalaga, ng taumbayan.
Mapanghamong tawag ito na hinihingi ng sitwasyon, isang pagkakataon kung saan ang diskurso ng manunulat, kritiko't guro ay makapagsisilbi sa tunay na ugat at bukal ng kanilang imahinasyon, ang simpleng araw-araw na buhay ng masang yumayari ng kayamanan ng lipunan, ang proletaryo't magsasaka ng bayang naghihimagsik.
Mabuhay ang masang lumalaban!--2/22/2014--ESJ###

Saturday, March 08, 2014
MODERNIDAD & GLOBALISASYON /Modernity & Globalization
MODERNIDAD AT GLOBALISASYON: Diyalektika ng Panahon at Lugar
ni E. San Juan, Jr.
Prologo
Tila kabalintunaan ang nangyayari ngayon. Singkahulugan ng modernidad ang katwiran at pagkamakatao, sagisag ng pagsulong ng kabihasnan. Sa malas, batay sa krisis sa Ukraine, Syria, patuloy na digmaan sa Afghanistan, Mindanao, at hidwaan tungkol sa China Sea, umuurong na tayo mula sa modernidad tungo sa barbaridad, mula globalisasyon tungo sa kumprontasyon ng mga makasariling bansang nagpipilit ng kanilang natatanging etnisidad na namumukod sa iba. Kabaligtaran nga.
Ibungad natin ang problemang bumabagabag sa atin: Anong uri ng modernidad ang taglay ng Pilipinas? Kaugnay nito, paano mapapalaya ang potensyal ng ordinaryong araw-araw na buhay ng bawat mamamayan?
Isang anekdotang may masusing pahiwatig ang ibabahagi ko muna. Kamakailan, sa isang workshop ng mga manunulat sa TABOAN 2014 (pagtitipon ng mga manunulat sa Subic Free Port, Zambales) tungkol sa pagsasalin, naitanong ko sa panel: "Pare-pareho ba o magkakapantay ang lahat ng wika na magagamit sa pagsasalin?" Di umano, isang inosenteng tanong. Tugon sa akin ng dalawang kasali roon: "Oo, pare-pareho, walang wikang nakahihigit sa iba. "Ibig sabihin, Ingles, Cebuano, Pranses, Intsik, Ruso, Aleman, lahat iyan ay magkakapantay-pantay...
Saan ba tayo nakatira? Anong petsa ba, saang lugar? Nakakalito nga. Tingnan ninyo: bagamat ang Subic ay isinauli na sa Filipinas, patuloy pa rin ang paggamit noon ng Kano sa taun-taong Balikatan Exercises, pati Clark at iba pang base sa buong sangkapuluan. Gayunpaman, una munang pinagkaabalahan ng mga nagpupulong ang PX goods at aliwang karaoke sa Olongapo, hindi ang VFA at patuloy na interbensiyon ng US sa ating soberanya. Kaya patas ba ang neokolonya at bansang nagdidikta ng kondisyon ng VFA (Visiting Forces Agreement) sa gobyerno ni Presidente Aquino?
Himayin natin ang sitwasyon. Sa perspektiba ng lingguwistika, tama, bawat wika ay nagsisilbing sapat sa pangangailangan ng grupong gumagamit nito. O sa layon ng partikular na pagsasalin. Ngunit ang wika, anumang senyas na may kargadang kahulugan, ay hindi nakalutang sa himpapawid o sa pantasiya; nakaugat ito sa espasyong may tiyak na lugar at panahon. Sa globalisasyon ng mundo sa ilalim ng IMF/WB at mga higanteng korporasyon, walang pasubaling global Ingles ang namamayani. Hindi lengguwaheng Intsik, Ruso, Hapon, Pranses, Aleman, Espanyol, o Filipino.... Bakit nagkaganito?
Punto de Vista sa Pagsasaliksik
Dalawang mungkahi. Una, palagay ko'y hindi natin masasagot iyong tanong kung hindi susundin ang ilang gabay o paalala.
Una, ilagay sa konkretong konteksto ng kasaysayan ng lipunan ang wika o anumang usaping pangkultura. Pangalawa, hindi uubra ang indibidwalistikong pananaw (methological individualism) kung nais natin ang malawakang kontekstuwalisasyon at praktikang paghuhusga. Bakit? Sapagkat ang lipunan ay hindi koleksiyon ng hiwa-hiwalay na atomistikong indibidwal. Binubuo ito ng artikulasyon ng ugnayang panlipunan na may kasaysayan, may lumipas at kinabukasan.
Sa madaling salita, kontekstuwalisasyon sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan at pagtutok sa proseso ng panlipunang relasyon ang dalawang bagay na dapat idiin sa ating pag-aaral ng modernidad. Kung hindi, arbitraryong hatol ng metapisikang pag-iisip ang maghahari.
Pagtugis sa Kasalukuyan
Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang sitwasyon ng Filipinas, ang katayuan ng lipunan at kultura nito, sa panahon ng globalisasyon. Panahon din ito ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta. Bagamat global ang pananaw, isang sipat na bumabagtas sa bakuran ng mga bansa, lokal pa rin ang pokus ng analitikong pagsusuri ng ispesipikong buklod ng mga pangyayari at tauhan. Nakaangkla sa praktikang dalumat ng mga kolektibong lakas.
Panahon din ito ng paglantad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patuloy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interbensyong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito. Nakapanig pa rin ang Filipinas sa Global South, nakapailalim pa rin sa mga industriyalisado't mayamang bansa.
Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na talakayin natin sa pagpapalitang-kuro hinggil sa usapin ng suliranin ng modernidad.
Nasaan tayo sa hirarkiyang internasyonal? Bagamat kunwaring may kasarinlang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyerno sa poder militar ng US, at sa mapagpasiyang kapangyarihan nito sa WB /IMF, WTO, G-7, UN, at konsortiya ng mga bangko't nagpapautang na mga ahensiya.
Sa pandaigdigang situwasyong ito, nakalukob tayo sa panahon ng malubhang krisis ng kapitalismong pampinansiyal. Ebidensiya ang pagbagsak ng Wall Street, pangalawa sa nakaraang siglo, noong 2008. Mas maselan ito kaysa noong 1929. Napipinto pa raw ang isang mas mapanira't katastropikong pagbulusok sa hinaharap na makapagbabago sa kultura't ideolohiyang pumapatnubay sa kasalukuyang modernidad. Dito nakalakip ang modernidad ng lahat ng bansa.
Akumulasyong Walang Ginagalang
Maingay ang konsumerismong namamalas na pangunahing aktibidad sa lipunan---laluna sa mga siyudad sa atin na siksikan na ang malls, trapik, gusaling "call centers--kaya tila nakalimutan na ang basehan nito. Paglago ng tubo ang siyang lohika pa rin ng lipunan.
Bagamat iba't ibang porma't paraan ang akumulasyon ng kapital, ng tubo, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon, sa tulong ng kompyuter at Internet, nakasentro pa rin ang sistemang global sa pagkamal ng kapitalista sa surplus-value na nagmumula sa di-binayarang trabaho ng karamihan. Iyon ang bukal ng tubo/profit. Kasama na rito ang "service workers," OFW--mahigit 12 milyong Pilipinong empleyado sa Saudi, Hong Kong, at saanmang lupalop, pati sa mga barkong nagdadala ng langis at mga produktong ipinagbibili (kabilang na ang armas, bomba, tear gas, atbp).
Sa patuloy na lumalaking remitans nakasandig ang ekonomya ng bansa--dagdag ang "call centers" at iba pang "business outsourcing." Walang matibay o malusog na produksiyon ng makina, ng malaking kagamitan sa industriya, sa atin kundi mga mall, ispekulasyon sa real estate, at "service industry" ng turismo, atbp.
Sa ibang salita, ang tubo o kapital ng uring kumukontrol sa malalaking gamit/paraan ng produksiyon, ay hinuhugot pa rin sa lakas-paggawa ng mayorya, ang mga anakpawis, magbubukid, at mga propesyonal na bumubuo sa panggitnang saray, ang petiburgesya. Dito nakasalalay ang modernidad ng ordeng internasyonal.
Buod ng Modernidad
Ang pinakaimportanteng katangian ng kapitalismo, ayon kay Marx, na siyang birtud na nagtutulak sa tinaguriang "modernization" at "development," at humuhubog ng kultura, lifestyle, at araw-araw na pamumuhay ay walang iba kundi ito: walang tigil na transpormasyon ng modo ng produksiyon, walang patid na pagbabago ng kagamitan at proseso ng produksiyon ng lahat ng bagay, at reproduksiyon ng relasyong panlipunan/ugnayan ng mga tao. Nakasalalay dito ang pagsulong ng lipunan, ang paghahati ng panahon.
Sa maikling salita: "Everything solid melts into air...." proklamasyon ng Communist Manifesto. Pangkalahatang pagbabago, pag-iiba.
Nais kong salungguhitan ang katotohanang naipaliwanag na nina Marx, Engels, at sinaunang pantas tulad nina David Ricardo, Saint-Simon, at iba pa. Materyalistikong diyalektika ang nagsisiwalat sa rebolusyong nagpapasulong sa kasaysayan ng mundo. Ang rebolusyong ito ng "mode of production" (na umuugit sa kompitensiya ng iba't ibang paksyon o grupo ng burgesya) ang saligan ng modernidad sa estilo ng buhay, ng kultura, ng sensibilidad at mentalidad ng bawat lipunan.
Sintomas ng pagbabago ay masisilip at makakapa sa larangan ng ideolohiya--relihiyon, pulitika, sining, mass midya, atbp.--kung saan nakikita, nararamdaman, natutuklasan ang pagtatagisan ng ibat ibang pwersa sa lipunan sa bawat yugto ng kasaysayan. Ang modernidad ng globalisasyon ay nagkakatawan sa tekstura't istraktura ng ideolohiya.
Metamorphosis ng Kapaligiran
Bumalik tayo sa tema ng lugar at panahon. Pwedeng ituring na alam natin kung nasaan tayo. Kung di ninyo alam, konsultahin ang GPS, o inyong cellphone. Kung sa bagay, nagtatalo pa rin ang mga akademiko hinggil sa diyalektika ng "place" (lugar) at "space" (espasyo) sa isyu ng globalisasyon. Dahil nga sa kompyuterisasyon, nakompress ang espasyo--ayon kay David Harvey sa kanyang librong The Condition of Postmodernity--kaya panahon, bilis ng pagkitid ng espasyo, dagliang transaksyon--ang makatuturang problemang kinakaharap natin ngayon, ang "politics of time."
Ginawang larangan ng pagsukat at pagtimbang ang bawat bahagi ng kasaysayan, ang pagkilala sa bahagdan ng kasaysayan. Paano babansagan ang bawat hati ng panahon upang makatiyak sa ating pinanggalingan at patutunguhan? Nasaan tayo sa temporalisasyon ng kasaysayan? Bakit importante na nasa unahan tayo at hindi sa huli? Paano ang pagkilala sa huli at una? Ano ang bentaha nito, ano ang implikasyon?
Siyasatin natin ang mapa ng panahunan. Tanggap ng lahat na pagkatapos ng krisis noong 1970, minarkahan ng pagkatalo ng U.S. sa IndoTsina, nagbago ang mundo sa pag-urong ng Unyon Sobyet sa antas ng "booty capitalism." Sumunod ang Tsina at Biyetnam, ngayo'y mahigpit na kasangkot sa pandaigdigang ikot ng akumulasyon ng tubo. Pumasok tayo sa panibagong yugto pagkaraan ng 9/11; at paglunsad ng digmaan laban sa tinaguriang "teroristang" extremists--giyera sa Syria, Palestina-Israel, at laban sa Iran ukol sa langis, petroleo, na pangunahing enerhiya pa rin sa pabrika.
Sa ngayon, nasa bingit tayo ng giyera laban sa Rusya at Tsina--sintomas lahat ito na patuloy na kompetisyon ng mga paksyon ng kapitalismong global hinggil sa pamilihan ng komoditi, kung saan ipagbibili ang yaring produkto, at kung saan kukuha ng hilaw na materyales sa produksiyon. Sa kontekstong ito, mabilis ang pagbabago ng kagamitan sa produksiyon at pagsasakatuparan sa paghango ng tubo/profit. Mabilis din ang buhos at agos ng penomenang kaakibat nito sa anyo ng kultura ng araw-araw na kabuhayan.
Digmaan sa Arena ng Kultura
Samantala, maalingasngas ang usapin ng NSA (National Security Administration ng U.S.), espiya o surveillance, tortyur, at kagyat na asasinasyon o pagpaslang ng sibilyan sa pamamagitan ng drone, atbp. Talagang tumitingkad ang krisis ng kalikasan, sampu ng paglusaw ng Artika at Antartika. Penomenal ang Yolanda, baha, lindol, bagyo sa Mindanao, at iba pang sintomas ng epekto ng kabihasnang pinaiinog ng exchange-value, salapi, tubo.
Tanda ba ito ng bagong epoka, o pag-uulit lamang ng nauna at walang progresyong pag-inog na kasaysayan?
Walang tigil na pag-uulit ng araw-araw na buhay o pagbabago--alin ang ating oryentasyon? Saan tumutungo ang takbo ng panahon, ang gulong ng kasaysayan? Para sa konserbatibong modernista (tulad ni Martin Heidegger), repetisyon ng tradisyon at mito ng lahi ang dulo ng pagpapasiyang umiral sa harap ng takdang kamatayan. Ito ang solusyon sa eksistensiyalistang kilabot. Ang mito ng Volk ay siyang kalutasan sa angst ng tiyak na pagsapit ng itinakdang kamatayan. Nalutas ang indibidwal na kapalaran sa mistipikasyon ng dugo't lupa ng Volk. Ito ang doktrina ng Nazi sa Alemanya noong nakaraang siglo.
Maraming kategorya rin ng transpormasyong titigil sa repetisyon ng araw-araw na buhay. Para sa radikal na modernista (tulad ni Walter Benjamin), ang kasukdulan ng panahon ay pagputol sa repetisyon--sa opresyon at kahirapan--sa katuparan ng Ngayon, pagpapalaya sa pwersang sinupil o sinugpo sa araw-araw upang maligtas ang lahat. Rebolusyong radikal ang kailangan.
Maraming paraan ng liberasyon ng araw-araw na buhay, na makikita sa avant-garde na kilusan ng suryalismo, futurismo, situwasyonismo, sining konseptuwal, atbp. Kaalinsabay nito ang mga rebolusyonaryong proyektong pampulitika ng mga anarkista, sindikalista, at sosyalistang nilagom nina Marx, Lenin, Gramsci, Luxemburg, Mao, atbp.
Karnabal ng Pakikipagsapalaran
Anong yugto ng kasaysayan tayo ngayon? Saang dako ng proseso ng modernidad (hindi modernisasyon) nakahinto ang bansang Pilipinas?
Ang temporalisasyon ng kasaysayan ay pag-uulit ng nakaraang karanasan. Ngunit sino ang sumusukat o tumitimbang sa agos ng panahon at paano ito natatarok na makaluma o makabago? Makatatakas ba tayo sa rutang siklikal na krisis ng kapitalismo o imperyalismo? Makaiiwas ba tayo sa kalamidad sa pagbuo ng ibang hugis o uri ng makabago, ng modernidad, ng kontemporaneo nang hindi pinapalitan ang lohika ng kapitalismo?
Bihag pa rin tayo ng indibidwalistikong pananaw, ng "methodological individualism" ng burgesyang sosyolohiya at sikolohiya. Suhetibismo't relatibismong kabatiran ang resulta. Nakakulong pa rin tayo sa atomistikong pagtingin, tiwalag sa konkretong konteksto ng kasaysayan. Nakatago pa rin ang tunay na kawalan ng katarungan sa alyenasyong namamayani sanhi sa reipikasyon ng ugnayang panlipunan. Ang ugnayan ng bawat tao ay nilalason o nilalambungan ng petisismo ng komoditi, ang pagsamba sa salapi, tubo, mga produktong mas mahalaga pa kaysa buhay ng mga taong yumari o lumikha nito.
Ang mga problemang ito ang dapat talakaying maigi--ang temporalisasyon ng historya at uri ng modernidad sa araw-araw na kabuhayan--upang maipaliwanag ang kinabukasan ng bansa sa gitna ng krisis ng kapitalismong global. At upang mapalaya ang nasugpo't nasisikil na enerhiya ng taumbayan, ang kinabukasan ng diwa't budhi ng bawat nilalang.
Maidagdag pa na ang krisis na ito ay di pansamantala lamang kundi permanente, batay sa mabangis na rasyonalidad ng sistemang kapitalista: ang walang hintong pagbabago ng paraan o mekanismo ng produksiyon, ang walang tigil na pagsulong ng imbensiyon ng mga gamit sa produksiyon, ng teknolohiya, at mga produktong ipinagbibili sa pamilihang pandaigdig. Naidiin ko na: ito ang saligan ng modernidad, ng mabilis na pag-iiba at transpormasyon ng mga bagay-bagay at kapaligiran, hanggang sa epokang digital at mabilisang komunikasyon. Kalakip nito ang susi ng modernidad at globalisasyong sumisira sa kalikasan at pinagmumulan ng giyera at pagdurusa ng nakararami.
Alyenasyon at Reipikasyon
Sa lipunang pinatatakbo ng tubo, salapi at komoditi ang namamagitan sa bawat tao. Alyenasyon ang bunga nito. Reipikasyon o pagtiwalag sa maramdaming buhay ang resulta nito. Kontrolado ng komoditi ang lahat, ginawang bagay na walang buhay ang tao, sinipsip ng mga bampira ang dugo ng bawat nilalang.
Sapagkat sa ordinaryong karanasan, ang tunay na pagtatagisan ng mga uri at sektor sa lipunan ay nakatago o natatabingan ng petisismo sa komoditi--ang buong mundo ng salapi, negosyo, pagpapalitan ng binili-ipinagbili--sampu ng mistipikasyon ng reyalidad dulot ng relihiyong institusyonal, pyudal na gawi't paniniwala (halimbawa, ang doxa na demokrasya raw ang sistemang pampulitika natin)--katungkulan ng mapagpalayang kritiko/intelektwal pampubliko ang wasakin ang tabing na nagtatago sa katotohanan: ang paghahati ng lipunan sa ilang mayamang nagsasamantala at karamihang aping binubusabos. Ibunyag ang pagtatagisan sa likod ng tinaguriang normalidad ng pagkakaisa o natural na pamumuhay araw-araw.
Nasaan tayo ngayon? Ano ang dapat gawin? Sa harap ng mistipikasyon ng komersiyanteng kultura at araw-araw na komodipikasyon ng karanasan, dapat sikapin ng makabayang intelektwal ang pagbubunyag sa katotohanan ng neokolonya, ang patuloy na pagsunod ng oligarkong namumuno sa utos ng USA (sa tulong ng mga kakutsabang elite) at pagpapailalalim ng kapakanan ng taumbayan sa interes ng tubo ng korporasyong global. Pagwasak ng mga ilusyon at kababalaghang pumapalamuti sa mandaraya't mapanlinlang na burgesyang orden ang dapat adhikain ng mapagpalayang sensibilidad at mapanuring kamalayan.
Sa Wika Nakataya ang Katubusan
Maibalik ko ang usapan sa wika o lengguwaheng sinasalita at isinusulat.
Ang wika ng kumbersasyon, midya, paaralan, kultura, atbp., ay madugong larangan din ng pagtatagisan ng mga uri, ng burgesyang gamit ang Ingles--o baryasyon nito na mga "englishes'-- bilang sandatang ideolohikal sa pagsuhay sa buong sistema ng palsipikadong soberanya at walang hustisyang demokrasya. Sa gusto o ayaw mo, wika ay sandata o kagamitan sa ideolohiyang pagtatagisan ng mga uri. Samakatwid, pinipili ka ng wika upang magpasiya laban sa interes ng iyong kolektibo o magsumikap itaguyod ang kapakanan nito.
Paglimiin natin ang nangyayari sa milieu na lunang sosyo-politikal na ating ginagalawan. Araw-araw, sa TV, Internet, pelikula, radyo, at iba pang midya, ang wikang ginagamit--na nakakabit sa mga imahen, dramatikong eksena, performance art, awit, at komplikadong salik ng pelikula-- ang wika ay siyang sangkap na makapangyarihang umuugit ng mensahe na siyang nagtutulak sa ating kumilos, magsalita't gumanap ng isang tiyak na papel sa lipunan, partikular na ang maging konsumer at masunuring mamamayan. Isang subalternong alagad ng imperyo.
Mapang-akit at mapang-gayuma ang nangingibabaw na kakintalan, ang kagyat na impresyon ng kapaligirin, na nakasaplot sa katotohanan. Nakabubulag ito at nakaliligaw. Upang makaligtas sa alyenasyon at reipikasyong nabanggit ko na, kailangang hubarin ang balat-kayo, ang saplot ng pagkukunwari't panlilinlang ng burgesyang ideolohiya.
Kung pesimistiko ang utak, sikaping maging optimistiko ang pagnanais, payo ni Antonio Gramsci. May dahilan kung bakit masigla ang pagnanais bagamat maulap ang kabatiran. Hindi malagim ang lahat ng sulok ng larangan ng kultura. Ang halimbawa ng mga kritikong sumusulat sa PINOY WEEKLY o BULATLAT, mga progresibong midya, at mga kapanalig sa iba pang midya at diskurso ay isang katibayan na ang malikhai't mahusay na artikulasyon ng konsepto ng katwiran at katarungan sa wikang umaabot sa nakararaming mambabasa--ang wikang sinasalita ng taumbayan--ay siyang mabisang kagamitan sa pagpukaw ng mapanuring kamalayan, ng mapagmalasakit na damdamin.
Kahinugan ng Panahon
Ibaling natin ang kamalayan sa ngayon. Ang kumbersasyon natin sa hapong ito ay isang paraan upang makatulong sa edukasyon ng nakararami at mobilisasyon sa mga kolektibong proyektong makapagsusulong at makapagpapabuti sa sawing kalagayan ng nakararami. Hanggang may nakikinig at handang kumilos salungat sa indibidwalismong naghahari, may pag-asa pa ang ating bayan.
Ang kontradiksiyon ng modernidad ay nagbubunga ng kanyang kalutasan. Sa panahon ng globalisasyon, sa mas mabilis at mabilisang pagbabagu-bago ng lahat ng bagay, sa disyerto ng mall at mga "Global City" na itinatayo sa guho ng mga tahanan ng maralitang taga-lunsod at sa bukid na inagaw sa mga magsasaka, kailangan ang mapangahas at subersibong panulat upang tuklasin ang katotohanan at itanghal ito sa panunuri't pagkilatis, pagtimbang at pagpapahalaga, ng taumbayan.
Mapanghamong tawag ito na hinihingi ng sitwasyon, isang pagkakataon kung saan ang diskurso ng manunulat, kritiko't guro ay makapagsisilbi sa pagpapalaya't pag-unlad sa tunay na ugat at bukal ng kanilang imahinasyon, ang simpleng araw-araw na buhay ng masang yumayari ng kayamanan ng lipunan, ang proletaryo't magsasaka ng bayang naghihimagsik.
[Talk at the College of Mass Comm, University of the Philippines,March 5, 2014] ###

Saturday, February 22, 2014
PANITIKAN AT IDEOLOHIYA
PANITIKAN, IDEOLOHIYA, REBOLUSYON:
Edukasyon at Pedagohiya sa Bisa ng nobelang DESAPARECIDOS ni Lualhati Bautista
ni E. San Juan, Jr.
1. Sa unang malas, umaayaw na o natatabangan ang marami sa pagkasulyap sa salitang "ideolohiya." Ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi bagay sa okasyong itong pagsunod sa binagong K-12 curriculum. Kung inyong nabasa ang Batas at Memo ni Dir. Licuanan, nais daw hasain ang estudyante sa kritikal at malikhaing pag-iisip upang itransporma ang sarili at kapaligiran. Naku, bigating layunin ito. Idiniin din na kailangan daw iakma o iayon ang turo't aralin sa global istandard.
2. Isa sa required reading sa mga kolehiyo sa Europa & mga bansa sa Aprika at Amerika ang The German Ideology nina Marx at Engels. Tiyak na alam ng lahat na bawal ang komunistang lathalai't usapan sa mga klasrum, laluna sa panahon ng "Cold War." Tapos na ito sa buong mundo, pero patuloy pa rin tayo sa mentalidad ng pagbabawal. Kung sa bagay, ngayon ang panahon ng "total surveillance," & hanggang ngayon, ang premyadong pelikulang "Orapronobis" ni Lino Brocka ay hindi pinahihintulutang maipalabas sa publiko.
Sa ano't anuman, ang "ideolohiya" ay salitang laganap na sa iba't ibang sangay ng aralin sa humanidades at siyensiyang sosyal. Hindi na dapat pagtalunan kung bakit mahalagang siyasatin ang kaugnayan nito sa pagtuturo. Halimbawa na nga ang inyong pagtaka o pagkamangha, kung nangyari nga, sa paglitaw nito sa programa.
3. Isa pang halimbawa: Malimit nating pasalamatan ang mga burokratang upisyal sa pagtustos sa pagpupulong tulad nito. Sa katunayan, ang dapat pasalamatan ay mga manggagawa, magbubukid at empleyadong tulad ninyo na siyang yumayari ng kayamanan ng bansa. Ang lakas-paggawa ng karaniwang mamamayan ang nagbubuwis ng halaga upang mangyari ang miting na ito, kaya sa kanila ang pasasalamat natin--hindi sa mga politiko at kanilang "pork-barrel" na nakaw sa pagod ng mga anak-pawis, bukal ng anumang kabihasnan.
4. Sa gayon, ang ideolohiya ay hindi lamang pumapatnubay na ideya o paniniwala kundi kilos, gawi, praktika. Ito'y mga institusyong siyang gumagawa ng sabjek sa bawat indibidwal. Ang sabjek ang siyang aktor na kinikilala, nagpapasiya, kumikilos, may pananagutan.
Makikita sa relasyon ng titser at estudyante: "Hoy, makinig kayo!" giit ng guro. Awtoridad ang titser, kinatawan ng Estado at siyang nagdedeposito ng kaalaman sa basyong utak ng mga kabataan. Ito ang "banking method" ng edukasyon na tinuligsa ni Paulo Freire. Galing ito sa mahabang karanasan natin sa disiplinang pedagohikal ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano.
Sa pagsakop ng ekonomiyang nakaangkla sa "exchange value" ng trabaho, wikang Ingles ang instrumento sa paghulma ng sabjek ng malayang pamilihan--ipagbili ang lakas-paggawa kung may bibili. Bagamat ang hangarin ng makabagong sistema ay indibidwal na may nagsasariling katwiran ("autonomous rational mind," naisaad ni Immanuel Kant), kaiba ang resulta: ginagawang masunuring sabjek ang indibidwal sa posisyon niya sa istruktura ng lipunan.
5. Ang lipunan ay katumbas sa ugnayan o relasyon ng mga sabjek. Hindi ito kumpol lamang ng hiwa-hiwalay na inbidwal. Bawat identidad/kaakuhan--halimbawa, sabjek bilang awtor, mambabasa, guro, atbp.--ay nabubuo lamang sa loob ng ugnayang panlipunan. Samakatuwid, ang sabjek ay produkto ng pagkilala, pagtawag, interpelasyon ng diskurso, praktika, institusyon.
Hindi kaakuhan/identidad ng awtor ang pinagmumulan ng kahulugan ng akda. Iyon ay bunga ng diskurso, ng tekstong binubuo ng magkasalungatang puwersang nagsusulong sa kasayaysan. Ang indibidwal ay ginagawang sabjek ng wika sa diskursong gamit ng mga institusyong ideolohikal. Makapangyarihan ang asignatura sa panitikang Filipino sa paglalantad ng sitwasyon kung saan ang wikang Ingles ay dominante pa rin, tanda ng poder ng modernisadong oligarkiya, na bunyag nga sa paggamit ng "mother tongue" sa unang baytang ng iskwela. Pahiwatig na sa kompitensiya ng wika, nananaig pa rin ang poder ng bangko't korporasyong global ng U.S., Europa, Hapon, at sirkulo ng industriyalisadong bansa. Ang poder ay naisakatawan sa wikang Ingles, o sa mga "englishes," na bumubuhay sa gahum o hegemonya nito sa buong daigdig.
Sa pamamagitan ng mga institusyon at operasyong praktikal nito, kinikilalang sabjek ang sinuman upang makaganap ng takdang tungkulin sa isang tiyak na lugar sa kasaysayan ng lipunan. Gayundin ang awtor: batay sa institusyonalisadong praktika, ang identidad ng awtor at gawa niya ay nakasalig sa pagtawag at pagkilala sa kanya ng namamayaning pananaw--ang normatibong paniniwalang operasyonal sa gawi, batas, atbp. kung saan nakasandig ang kapangyarihan ng dominanteng uri sa hinating lipunan.
6. Walang sitwasyon na permanente sa kasaysayan. Lapatan natin ng historikal na panimbang ang pabago-bagong pagtingin sa awtor at akdang itinuturo natin.
Namihasa tayong ipalagay na ang isang akda ay bunga ng henyo o talino ng awtor. Iba noong sinaunang panahon: ang awtor ng epiko, korido, pasyon, atbp. ay kabilang sa pangkat na naglilingkod sa lider ng tribu, ng simbahan o aristokrasya (tulad ni Balagtas). Ginagabayan sila ng kombensiyon, determinadong kodigo, at panuntunang institusyonal.
Nag-iba ito paglipas ng Renaissance; tuluyang humiwalay ang artisano't naging negosyante ng kanyang dunong sa sinumang bibili nito. Malaya na siya sa malas, pero alipin naman ng pamilihan. Ganito pa rin ang sitwasyon ng awtor o sinumang intelektwal (guro, peryodista, atbp) na walang pag-aari ng kailangang kagamitan upang mabuhay.
Noong ika-19 siglo, umaklas ang mga artista laban sa burgesyang orden ng kapitalismong industriyal. Batay sa romantikong pananaw, ang awtentikong galing ng manunulat ay tiwalag sa burgesyang lipunan at indibidwalistikong pamantayan nito. Itinuring na doon nagmumula ang kahulugan at katuturan ng akda. Kalaunan, pinatingkad ito ng ideolohiya ng sistemang kapitalismo, bagamat ang normatibong mapang-angkin ay tinuligsa nina Flaubert, Zola, Dostoevsky, Gorki, Dreiser, Hemingway, atbp.
Ang rebelyon nina Villa, Abadilla, Amado Hernanez, at mga modernistang sumunod ay sintomas ng krisis ng sitwasyon ng petiburgesyang intelektwal sa neokolonyang predikamentong tumitingkad at lumalala ngayon.
7. Sa pagsipat at pagkilatis ng diskurso, mapapansin na impluwensiyal pa rin ang klasikong pamantayan nina Regalado, Balmaseda, Panganiban: ang "dulce et utile" ni Horace pinatining ng romantikong ideyalismo. Nitong dekada 70 at 80 pumasok ang formalismo, feminismo, istrakturalismo't iba pang tatak postmodernistang perspektibo, sa neoliberalismong bandila ng "end of ideology" o tandisang tagumpay ng kapitalismo pagbulusok ng Unyon Sobyet at alternatibong radikal.
Tatlong lapit ang resulta. Una, ang didaktikong motibasyon: birtud ng literatura ang pumukaw ng diwa o damdamin at magbigay ng aral na mapapakinabangan. Masisinag ang utilitaryanismong ugit sa dokumentong nabanggit. Pangalawa, ang empirisistikong hilig na sa reyalistikong pamamaraan nailalahad ng akda ang katotohanan, tiwalag sa anumang paniniwalang moral o etikal ng awtor. Pangatlo, aliw ang dulot ng ayos o porma ng sining; kariktan o kagandahan ang mahalagang katangian nito para sa esklusibo't sopistikadong sensibilidad.
Matatarok na sintomas ito ng kontradiksiyon ng mga grupo sa lipunan: ang awtoridad ng mga naghaharing uring may mala-pyudal na pangitain, laban sa komprador-burokratang saray na tutok sa pamantayang global at siyentipikong pamantayan. May panggitnang oryentasyon din.
Ngunit hinahanap pa, dili kaya'y hinihitay pa, ang pagtinging sumasalungat ng mga nakararami, ang interpretasyong nagsisiwalat ng pagtatagisan ng samutsaring sektor ng lipunan at pagkakabuhol ng mga ito. Sa madaling salita, ang katotohanan ng kasalukuyan sitwasyon at kalakaran ng tunggalian ng mga uri.
8. Batay sa kuro-kurong naisaad, atupagin natin ang pangunahing tanong: Sa tawag ng nobela ni Bautista, anong sabjek ang nabubuo mula sa karanasan ng pagbasa? Upang matugon ito, marahil dapat usisain muna ang ating sitwasyon at kinalalagyan. Anong kondisyon ng ating lipunan sa ngayon? Bilang guro at estudyante, saan tayo nakapwesto sa kasalukuyang krisis ng kapitalismong global at alitang rehiyonal? Ano ang tungkulin natin sa institusyong inutusan ng Estado na hubugin ang isip at damdamin ng kabataan? Para sa anong layon o adhikain?
9. Ang literaturang itinuturo ay isang sangay ng kabihasnan na kagamitan sa paghulma ng isip at kilos ayon sa dominanteng pangitain ng namumunong uri. Anong pangitain ang gumagana't nanaig?
Indibidwalismong makapamilya o makauri ang istandard, hinaluan ng ilang demokratikong islogan. Inatasan ang guro upang itanim sa utak at puso ang indibidwalismong makasarili kaagapay ng pagsunod sa batas. Hindi bulgar na pangungurakot sapagkat may kaunting aral tungkol sa pakikipagkapwa-tao at pagtulong o pagdamay sa di-kamag-anak, at pagmamahal sa bansa. Sa tradisyonal na ugali, idinidiin ng guro ang aral o ulirang halimbawang mahuhugot sa tula, kuwento, nobela, dula na magsisilbing gabay sa araw-araw na pamumuhay.
10. Sa ganitong pagtingin, ang guro ay gumaganap ng papel ng isang awtoridad, tulad ng pulis o pari. Masunuring estudyante, hindi nagtatanong—ito ba ang hangad natin? Hindi ba kabaligtaran iyon ng nais natin: isang responsableng taong may sariling pangangatwiran? Paano maitatanim at mapapaunlad ang kakayahang mag-isip nang walang alalay, ang maging taong taglay ang kasarinlan at rasong independiyente (autonomous reason) na ideal ng demokrasyang orden, hindi diktadurya o pasistang sosyedad?
11. Ang panitikan ay produkto ng mga kontradiksiyong sosyal at siya ring nagpapaulit-ulit nito. Hindi nasa tinig ng diwa o guniguni ang kahulugan ng akda, kundi nasa pag-antig o pagpukaw ng saloobing nakatugma sa polarisasyon ng mga tauhan at pangyayari. Ang akda ay hindi ekspresyon ng nangungulilang diwa o malay kundi artikulasyon ng senyas o salitang taglay ang magulo't maligalig na ugnayan ng bawat tao sa lipunan.
Sa retorika ng teksto at pagbabalangkas ng naratibo, nakalilikha ng posisyon para sa mga sabjek na kumakatawan sa sistemang nabibiyak, tigib ng nakabibighaning katangian. Ang matingkad na karanasan o reyalidad ay bunga ng diskurso na humuhudyat o tumatawag sa atin upang makisangkot o lumahok sa tunggalian ng mga lakas.
Bumungad sa dalumat ang interogasyon o interpelasyon ng akda. Saan tayo lalagay? Saan tayo papanig, saan makikisanib?
12. Paano susuriin ang ideolohiyang hugis o banghay ng nobela ni Bautista? Sa biglang sipat, mahihinuha na iyon ay nakasalig sa makatotohanang dating at epekto ng tila-realistikong detalye ng paglalarawan, laluna ang eksena ng tortyur, ng maramdaming pagtatalik nina Ana at Roy, atbp. Hindi kailangang magduda na peke o eksaherasyon ang mga pangyayari. Matalas at masinop ang paglalarawan ng malagim na karanasan na nakasentro sa mga rebolusyonaryong Ana, Roy, Karla, Jingki, at kanilang pamilya. Ano ang hinihiling sa atin? Ano ang demanda ng nasubaybayang eksena't pangyayari?
Nakaaantig ang pagsisiwalat ng matinding kahirapan ng mga aktibista, ng mabangis na kalupitan ng mga sundalo ng diktaturya, ng matinding galit at kalungkutang sinapit ng mga protagonista. Taglay ng akda ang makasaysayang kakintalang mahirap iwaglit sa kolektibong gunita.
13. Ating ungkatin ang ideolohiya ng teksto sa makinarya ng paghahanay ng mga insidente: Paano nalutas ang problemang gumulo sa buhay ng mga tauhan? Paano nairesolba ang mga kontradiksiyong prinsipal (diktadurya versus demokratikong masa at representatibong partido nito) sa pamamagitan ng imahinaryong paraan, sa pantasya o nais-kaganapan (wish-fulfillment)?
14. Pansinin na ang suliranin ng kontradiksiyon ng oligarkong pangkat suportado ng imperyalistang Estados Unidos at mga partisano ng demokrasyang pambansa ay naipaloob sa isang kompromisong antas. Ibig sabihin, naisalin iyon sa kuwadro ng problema ng inang nawalan ng anak at sakunang naranasan ng mga aktibistang pinahirapan.
Sa sakripisyo ni Karla, sa kanyang pagmamalasakit, na bunga ng pangingibang-bayan (paglipat sa Canada) at pagkalinga ng pamilya, nakuhang ipagtapat sa anak ang katotohanan ng nakalipas. Sumunod naman si Malaya sa paniniwalang ang pagka-ina (maternidad) ay biyolohikal, hindi sosyal; at pagtanggap sa kanya ni Ana bilang simbolo ng kanyang pagsisikap at gantimpala sa pagmamahal sa sarili.
Sa kasukdulan, umabot sa pagkakakilanlan at pagbabalik ng kaginhawahan, bagama't ironikal ang alingawngaw sa dulo. Na wari baga'y may kutob na walang tunay na pagbabagong naganap, may kutob na nasayang ang pawis at dugong ibinuhos ng mga nakipagsapalaran, at bumabalik muli ang sinugpong nakalipas. Ano ba talaga ang kanilang mithiin? Ang katarungan ba'y nakasalalay sa hatol ng hukuman sa Estados Unidos, hindi sa Filipinas? Tila malabo pagdating natin sa dulo.
15. Sa panig ni Roy naman, ang interogasyon ng Komiteng nagsisiyasat tungkol sa mga biktima ng martial-law kaugnay ng kasong ilalapit sa korte sa U.S., ay nagsilbing katarsis upang maibilad niya ang nasugpong yugto ng kanyang buhay, laluna ang pagkitil ng buhay ni Jingki ayon sa atas ng partido, na paghihiganti sa pagkasawi ng buong pamilya niya. Sa tulong ng mga abogadong Filipino at Amerikano, ang katarungan ay natamo, nagkaisa muli ang ina't anak, at nakamit ni Lorie ang kabatiran tungkol sa madugo't lihim na talambuhay ng kanyang magulang. Narekober ang nakalipas, nabuo ang totalidad ng kasaysayan, umabot tayo sa masayang wakas, bagama't may babala na baka maulit muli ang diktadurya sa proklamasyon ni Arroyo sa huling pahina.
16. Samakatwid, ang tunay na problemang hinarap ng nobela ay nalutas sa imahinaryong paraan, sa paglilipat nito sa isang lunan o palapag na madaling maaayos ang lahat sa paraang pagtawag sa tradisyonal na paniniwala, sukatan o prehuwisyong bumubuo sa lumang kaayusan na siyang pinagmulan ng krisis na sinuong ng mga karakter sa nobela.
Nabuo ang sabjek sa pagtuklas na gumagana pa rin ang tradisyonal na moralidad na batayan ng kilos, isip at damdamin ng tipikal na tauhan sa nobela: pamilya batay sa awtoridad ng magulang, sindak ng militar laban sa rebeldeng pangkat na dapat katakutan, atbp.
Matingkad ang paglalarawan sa problema ng mga anak at magulang, ngunit tila pansamantala lamang ang yugtong iyon, limitado sa ilang tauhan, hindi saklaw ang buong bansa. Lumilitaw na ang diktadurya ay tila anomalya lamang, at ang krisis ay pansamantalang emerhensiya. Ganoon din ang kalabisan ng mga kaliwang puwersa na siyang nagpakilos sa mga aktibista, ngunit hindi sumaklolo o tumulong sa kanilang kahirapan.
Sa namamayagpag na "culture of impunity," tila patuloy ang predikamento ng mga ina. Testigo ang ina ni Jonas Burgos, ang mga magulang nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, at marami pang iba. Baka maging "desaparecidos" ang buong bansa sa paglabas ng migranteng contract-workers--mahigit 10 milyon na--pati likas-yaman, mga islang lulubog o mawawasak sa bagsik ng napipinsalang kalikasan ng planeta.
Ang pagkawala ng anak ay mistulang sagisag sa pagkawala ng soberanya, kalayaan, integridad ng bansa.
Simbolo kaya ng resureksiyon o muling pagsilang ang pagbabalik ng anak? Sino ang sabjek ng kinabukasang ipinahihiwatig ng pagbuo muli ng pamilya?
17. Kung hindi kayo sang-ayon sa metakomentaryong nailahad, patunay iyon na nangingibabaw pa rin ang tradisyonal na paraan ng pagsusuri't pagpapahalaga sa literatura. Kung nabagabag man kayo, tumalab kahit paano ang proposisyong nailatag dito, maaaring simulang baguhin ang modo ng pagturing sa panitikan bilang repleksiyon ng tinatanggap na realidad o kaya'y ekspresyon ng kaluluwa ng salamangkero ng wika. Simula ring maghuhunos ang pagkilala sa estudyante at guro bilang mga sabjek ng naghaharing paradigma o kwadro ng pagkilatis at pagpapahalaga. Sa gayo'y pwedeng mag-umpisa ang kumbersasyon ng mga komunidad sa impetus ng diyalektikal at materyalismong pagsusuring naibalangkas dito.
16. Sa paglagom, maitanong: taglay ba ng lahat ng akda o diskurso ang hugis ng ideolohiyang nahimay rito? Kung ganoon, walang dapat alalahanin. Walang panganib ang magbasa ng diskursong nag-uulat ng nakaririmarim na mga tagpo, ng mga nakasisindak na pangyayari. Sandaling nagimbal ang kalooban ng mambabasa.
Sa pag-igkas ng imbestigasyon hinggil sa mga biktima ng diktadurya, sa pag-inog ng mga insidente, maidadala lahat ng mga masalimuot na kontradiksiyon sa isang lugar na madaling maipapaliwanag ang lahat, at saka maiuugnay sa mapayapa't makabuluhang paraan ang mga nagtutunggaling puwersa upang sa gayon maisauli ang dating status quo at mapatahimik ang lahat. Kung tutuusin, walang dapat ikabahala sa masinop na pag-aaral ng nobelang puno ng madugo't marahas na tagpo.
17. Sa Kanlurang arkibo ng araling kultural, ang genre ng modernong nobela ay nakatuon sa pakikipagsapalaran ng naligaw na kaluluwa sa mundong walang diyos. Ang bayani ay masikhay na naghahanap ng kahulugan o katuturan sa buhay, biktima ng alyenasyon sa daigdig ng komoditi at ipinagbibiling bagay sa mega-mall saanman, napapaligiran ng walang tigil na sigalot, terorismo, digmaan ng mga uri't sari-saring lakas ng nagbubuhat sa gunita ng nakalipas at takot sa malagim na hinaharap.
Sa Filipinas, ang nobela ay nakaugat sa krisis ng pyudal at patriyarkal na orden. Naitampok sa pagsasalaysay ng buhay nina Ana at Roy ang predikamento ng pamilyang nabuwag at mga kabataang napahamak sa pakikibaka sa ngalan ng kalayaan at hustisya, sa kalakaran ng krisis ng neokolonyal na rehimen, kung saan natuklasan ng mambabasa ang tunay na pagkatao ng mga sabjek sa proseso ng pagtataguyod ng rebolusyonaryong balak.
Makapagtuturo kaya ito ng mabuting halimbawa upang ang sabjek na imbensiyon ng diskurso, resulta ng wika ng likhang-sining, ay maitransporma sa mapagpalayang direksiyon? Magagamit kaya ang pormang ideolohikal ng literaturang pinaparangalan ngayon sa makatao't progresibong layunin? Tiyak na ito'y isang kolektibong proyekto na dumudulog sa lahat at humahamon sa ating budhi, puso, katapangan at katapatan.###
______
[Ang unang borador ng papel na ito ay binasa bilang panayam sa Ateneo University, 14 Pebrero 2014]

Tuesday, February 18, 2014
KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN
NEWS RELEASE--
E. SAN JUAN JR. PUBLISHES 5th BOOK OF POEMS IN FILIPINO
U.S.-based Filipino scholar E. San Juan, Jr., emeritus professor of English, Comparative Literature and Ethnic Studies, has just published his fifth book of poems in Filipino, Bukas Luwalhating Kay Ganda, sponsored by the Philippines Cultural Studies Center and is available from amazon.com and also createspace.com.
His forthcoming collection, KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN, an expanded version of this book, is due this January 2014 from the University of the Philippines Press. His previous collections include Alay sa Paglikha ng Bukang-liwayway (Ateneo U Press), Sapagkat Iniibig Kita (U.P. Press), Sutrang Kayumanggi and Mahal Magpakailanman (LuLu.com), and Ulikba at iba pang tula (UST Publishing House).
San Juan was recently a fellow of the Harry Ransom Center, University of Austin, Texas. Previously he was a fellow of the W.E.B. Institute, Harvard University, for which he completed a monograph on “African American Internationalism and Solidarity with the Philippine Revolution.” A part of the research has been published in Socialism and Democracy, July 2010, and in the e-journal Cultural Logic.
Born in Sta. Cruz, Manila, Philippines, San Juan received his A.B. , magna cum laude, from the University of the Philippines, and his A.M. and Ph.D. from Harvard University. He was president of the U.P. Writers Club in 1957-58. He also taught at U.P. from 1959-60, 1966-67, and 1987-88 (as Fulbright professor); in Ateneo University, and also at Centro Escolar University. He was visiting professor at Brooklyn College; Wesleyan University; Leuven University, Belgium; Trento University, Italy; Tamkang University and National Tsing Hua University, Taiwan.
His recent books are Rizal in Our Time (revised edition; Anvil); Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo U Press); In the Wake of Terror (Lexington), Critique and Social Transformation (Mellen); From Globalization to National Liberation (U.P. Press), US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave), and Critical Interventions (Lambert). Currently San Juan is preparing an anthology of his critical essays in Filipino as a sequel to Himagsik (published in 2004 by De La Salle U Press) and a ground-breaking commentary on an important historical document, hitherto unpublished, Benjamin Appel’s “Manila Diary,” together with a critique of Appel’s novel on the Philippines, Fortress in the Rice.--##
Contact: PHILIPPINES CULTURAL STUDIES CENTER <philcsc@gmail.com> 117 Davis Road, Storrs, CT 06268, USA <philcsc@gmail.com>

Subscribe to:
Posts (Atom)
National Sovereignty, Anti-Imperialism, and the Iranian Resistance: A Third World Marxist Defence of Iran's Right to Resist Imperialis...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
-
AMADO V. HERNANDEZ : AN INTRODUCTION By E. SAN JUAN, Jr. By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable ...
-
AN INTRODUCTION TO CARLOS BULOSAN by E. SAN JUAN, Jr. Of the Asian American population in the United States, the Filipino comm...