TRANSKRIPSYON NG ILANG BYTES NG KOMPYUTER NG NASA, WASHINGTON, DC,USA
---"Everyone in the planet is under total surveillance today." --Edward Snowden
--"Nothing is meaningless...." --Sissi, sa pelikulang The Princess & the Warrior
Gising ka na ba? Anong gumagapang na hayop sa silong? Bakit makulimlim? Naramdaman mo ba? Masakit ba? O nakakikiliti? Malambot ba? O matigas? May kumakatok ba? Nariyan na ba sila? Bakit may agunyas sa bukang-liwayway? Gusto mo ba? Ayaw mo? Barado ba ang tubo ng kubeta? Inaalimpungatan ka ba? Anong ginagawa ko rito? Nabasa mo ba si Kierkegaard? Malapit ba o malayo? Biro ba lang? Makibaka ba, huwag matakot? Nilabasan ka ba? Kailan tayo tutugpa? Sino iyang nakamaskara? Peks man? Sino ang nagsuplong? Swak na swak ba? Dapat ba nating dalhin ang kargada? Mabigat ba o magaan?
Sino si Yolanda? Liku-liko ba ang landas ng mahabang martsa? Bakit kasing-pait ng apdo? Doon ka ba nakatira? Anong kulisap ang katulad ko? May kurakot ba sa mga pulong inaangkin? Sino'ng nagtatanong? Nasaan ang I-pad mo? Sino ka ba sa kanila? Iyon ba ang burol o lambak? Nakarating na ba tayo? Bakit mababa ang lipad ng kalapati? May kilala ka ba sa Abu Sayyaf? Nasaan ang hanggahan ng bughaw at luntian? May umutot ba? Paano ang hapunan? Iyon ba ang pulang sagisag? Papasok na tayo o lalabas? Magkano ba ang suhol? Puwede ka bang sumagot? Pinupulikat ka ba? Anong ibig mong sabihin? Bakit nag-alapaap ang salamin? May naamoy ka ba? Paano tayo makatatakas? Bakit bumaligtad? Na-etsa puwera ba sila? Ano ang kahulugan nito? Masaklap ba ang nangyari? Nasaan na ba tayo? May serpyenteng nagpugad sa dibdib mo? Bakit tumitibok ang bukong-bukong? Anong ginagawa ko rito? Malinaw ba ang kahulugan ng babala? Kinakalawang ba ang tulay na bakal sa Camp Bagong Diwa? Ano ang talaangkanan ng diskurso? Sino ang humihiyaw ng "saklolo"? May apoy ba sa butas ng karayom? Susi, anong susi? Bakit nagkanulo? Naipit ba ang bayag mo paglundag? Bumubulong ka ba? Ano ang kulay ng sinegwalas? Ano ang katuturan? Bakit nakunan kundi buntis? Mainit ba o malamig? Paano bubuksan ito? May napinsala ba? Bawat bagay ba ay kailangan? Puwede na ba tayong umuwi? May hinala ba sa nagpatiwakal? Kilala mo ba si Ludwig Feuerbach? Bakit walang asin ang sinigang? Paano tayo makalulusot? Bumulong ka ba? Kung hindi ngayon, kailan pa? Nasa loob daw ang kaharian? Magaspang ba? Bakit may apog sa kalingkingan? Bingi ba ako? Mangyayari kaya ito? Kung magunaw ang mundo, mapapawi ba ang utang natin? Sindak ka ba? Hanggang saan mo malulunok ito? Bakit tayo narito? Mas gusto mo ba ng sopas o salada? Bangungot ba ito o panaginip? Bakit mahapdi ang lalamunan ko? Malamig ba ang hipo ni Lazaro? Bakit tapos na? Inis at yamot ka ba? Bakit may nangangaluluwa? Nais mong dumalaw sa bunganga ng sepulkro? Magkano ba? Pag-ibig ba raw ang makalulutas ng lahat? Niloloko ba tayo? Akin na ang sukli? Bawal bang mag-alis ng kulangot? Puwede bang umihi rito? Bakit walang pinto o bintana? Malikmata ba ito? Bakit wala kang imik?
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment