ANG MATUWID NA LANDAS AY LIKU-LIKO AT BAKU-BAKO
(BALADA NI JONAS BUSTOS)
ni E. SAN JUAN, Jr.
Habang papunta sa gawing Hacienda Luisita
Niyaya ni Major Harry Baliaga na magpalamig muna
Sa Ever Gotesco ng mapanuksong waytres
Niyakag upang kwentuhan ng nangyari
Kina Sherley Cadapan at Karen Empeno
At ang masuyong Binibining Melissa Roxas
Ngunit sabi ko'y nais kong hanapin, taluntunin
Ang matuwid na landas na makatarunga't marapat
Sundin iyon hanggang umabot sa Sabah
Kahit liku-liko at baku-bako, walang kailangan
Sumakay sa bangka at itanong sa bangkero
"Magmula sa laot sagad hanggang pampang
Turan mo sa akin ang hampas ng sagwan?"
Ngunit naligaw po kami sa pulong Tubbataha
Di na nakarating sa safe-house ng Ampatuan--
Pinilit tumawid sa daang liku-liko at baku-bako
Patungong EDSA at madugong Mendiola
Kung saan 13 multo't sina Olalia-Alay-ay ang nag-aabang
Hayun kumakaway si Heneral Palparan
Mula sa Morong at Mindorong di na mapagtaguan
Di na naabot ang Luisita't napadpad sa Atimonan
At nadukot ang nagbalatkayong mutya ng Makiling
Nagkalat ngayon sa daang matuwid ng Malakanyang
Buto't kalansay ng katarungang-- Alay-ay! -- desaparecido.
##--##
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment