PAGBABALANGKAS SA PARABOLA NG TADHANA
Nabigo
sa nais at nasa, umarteng kontrabida
Bumaling
ang alibughang ulo ng artistant balakyot
Sa
sikmurang nginatngat nagkamalay ang hayop
Tumutol
kaya ikinulong, sa bugbog tumindi’t tumingkad
Naubos
ang mitsa ng pagtitimpi’t pagtitiis
Inantig
ang di matinag na budhing isinupil
Nabigo di malunok ang pulotgatang singaw
ng lagim
Tumikom
ang palad umaasa pa rin sa kahariang ipinangako
Sa
bawat himaymay ng sugat nakintal ang pagkakanulo
Sumigid
sa gunita ang ngiti ng palabirong katalik
Sumupling namukadkad ang halimuyak ng nalusaw na
buto
Upang
magbunga’t umani ng biyayang pinakawalan
Tigil
sa hagulgol, aking Musa, kusa kang lumagay
Sa
yapak ng mutya’t humalik sa abo’t apog ng muling
pagkabuhay.
---E. SAN JUAN
No comments:
Post a Comment