Thursday, July 05, 2007

UNANG PAALAM ni Sonny San Juan







UNANG PAALAM: BATONG ITIM NILAPAT SA PUTI

(Hiram mula kay Cesar Vallejo)



Mamamatay ako sa Blumentritt, kanto ng Tayabas at Avenida Rizal,
Pagbuhos ng ulang kay rumi’t rahas, inilagda sa utak, tanda ko—
Marahil sa ‘sang Huwebes tulad nito, sa panahon ng tag-lagas

Huwebes tiyak, dahil sa Huwebes samantalang binubuo
Itong mga taludtod, itinulak ang kumikirot na buto ng braso’t binti—
Oo, hindi kailanman, liban sa ngayong araw na ito lamang
Ibinaling ko ang bigat ng dala, hayag ang sariling nag-iisa—

Pumanaw na si Sonny San Juan, pinagbubuntal siya—
Lahat sila’y nagkayari bagamat wala siyang pinagbuhatan—
Pinagpapalo siya ng dos-por-dos, walang tigil na bugbog

At saka pa hampas ng lubid; ang mga saksi lamang
Ang mga Huwebes, ang hubad na kalansay ng buong katawan,
Hirap ng pangungulila, ulan, ang mga lansangan….


No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...