Monday, July 02, 2007

PAGBATI AT PAALAM


KUNG KAILAN TAYO’Y NAGPAPAALAM

(Halaw mula kay Thomas McGrath)




Hindi dahil sa tayo’y paalis na—
Bagamat ang dagat ay nagsisimula sa tarangkahan, bagamat ang haywey
Ay nakarating na’t nagpapahinga sa bukanang silid natin…

Mangyari dahil sa—higit pa sa layo, o pagpupunyagi
At lampas pa sa kasinungalingan at pagkagulat sa malawak at masalimuot na mga
daigdig,
Sa kabila ng bulaklak at ibon at ang paslit na batang kimkim ang kanyang mahabang
mga tanong--
Napansin natin ang ating mga anino:
Lumilisan….
----mabagal, ngunit lumilikas,
Bahagyang lumilihis sa kakaibang direksiyon—
Bumibilis ang kanilang galaw—
Umiikli, marahan, mabagal,
Habang pumapasok sa di-matingkalang sinag ng araw na di tumatanda o
mapagbigay-loob.

Paano ko kaya nakuhang maglakbay at makarating sa kay layong lugar?
(At laging tinahak ang mga napakadilim na landas!)
Marahil tinalunton ko iyon sa tanglaw ng liwanag na
Kumikinang mula sa mga mukha ng mga taong aking minahal.

No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...