Sunday, September 03, 2006

PARABULA NG MANLILIKHA




Arpang pipi’y tumaginting sa uha ng sanggol

Isinumpa sa paa’t tuhod ng matimtimang birhen
Nabunyag ang lihim na tunog sa lambong ng pilik-mata
Nagiginay ay kupkupin naliligaw ay akayin

Arpang pipi’y tumaginting sa uha ng sanggol

Lublob sa kangkungan ng boladas kinurakot sa pakulo
Kahit hayop man sa parang may lungga ring tahanan
Naglimos ng biyaya ang buhok sa marmol na batok

Arpang pip’y tumaginting sa uha ng sanggol

Bumabanat pa rin napako sa salumpuwit ni Kuh Ledesma
Kung saan iluluwal ang binabalangkas ng panata’t pintuho
Kahit nagiginaw di naligaw patungong lunggang panaginip

Arpang pipi’y tumaginting sa uha ng sanggol

Namilaylay mula sa labi ng birhen ang patawad sa hayop
Pusaling katapat ng langit sa mataimtim na dalangin
Isinumpa sa pusod at batok ng diwatang pinipintuho

Arpang pip’y muli sanang tataginting—

subalit pinigilan--“Magaling, datapoua hindi tola”

--Ni E. SAN JUAN, Jr.

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...