Friday, September 01, 2006

PALAYAIN ANG MGA BILANGGONG PULITIKAL!




PALAYAIN SINA KASAMANG CRISPIN BELTRAN AT TAGAYTAY 5!


Habang pinag-iisipan dito sa Estados Unidos—patak-patak ang hulog ng isip--kung paano makakatulong
kina Ivy Collantes Bautista, pinatay sa Santander, Espanya,
at Jose Ducalang, pinatay sa Ormoc City, Leyte—

mga katawang kayumangging bumabagtas sa mga dagat at kontinente ng sansinukob

binagsakan ng dagok ng Proklamasyong 1017 si Ka Crispin Beltran,
representante ng mga anakpawis sa Kongreso,
nakapiit sa Camp Crame hanggang ngayon
butil-butil na pawis humahalo sa luha ng mga naiwan….

Pahayag ni Ka Bel: “Natakot ang impostor sa namumuong daluyong ng demokratikong tsunami ng mamamayan
na tiyak na gagapi sa reyna ng kadiliman”--
sigwa’t kidlat ng damdaming napiit, ngayo’y nakaigpaw--

Kaya bumangon kayo, unat-unat, Ivy Collantes Bautista, Jose Ducalang at ilanlibong nasawi sa Guinasaod, Leyte,
sakay ng along tsunaming nakatarget sa Malakanyan
tumutulay sa mga dagat at kontinente—Aprika, Asya, NorteAmerika—

O tsunami ng sambayanang naghihimagsik!

- - ni E. SAN JUAN, Jr.

___________

Kilalang kritiko at manlilikha sa larangang internasyonal, si E. San Juan, Jr. ay awtor ng maraming libro, kabilang na ang ONLY BY STRUGGLE (Giraffe Books), SAPAGKAT INIIBIG KITA AT IBA PANG TULA (University of the Philippines Press), HIMAGSIK (De La Salle University Press), TINIK SA KALULUWA at iba pang maikling katha (Anvil Publishing) at ALAY SA PAGLIKHA NG BUKANG-LIWAYWAY (Ateneo University Press). Inireprint kamakailan ng U.P. Press ang kalipunan ng mga panunuring pampanitikan niya na nagtamo ng Manila Critics Award: TOWARD A PEOPLE’S LITERATURE (University of the Philippines Press).

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...