Thursday, July 04, 2019

SINING KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL:U.S.T. KRITIKE JUNE 2019

KRITIKE VOLUME THIRTEEN NUMBER ONE (JUNE 2019) 1-26Featured Essay
Sining-Konseptwal, Panitikang Post-Konseptwal: Pilosopiya at Politika ng Postmodernong Sining

Epifanio San Juan, Jr.

Abstract: Controversies regarding conceptual art and post-conceptual practices are central to the understanding of cultural trends in globalization. The case of post-conceptual artist Kenneth Goldsmith illustrates the various ramifications of this development. The essay introduces this aesthetic field into Filipino Studies, exploring local commentaries and examples.
Keywords: Goldsmith, sining-konseptwal, post-konseptwal, postmodernismo
The crisis consists precisely in the fact that the old is dying and the new cannot be born; in this interregnum, a great variety of morbid symptoms appear.
—Antonio Gramsci, Selections from the Prison Notebooks
The class struggle, which is always present to a historian influenced by Marx, is a fight for the crude and material things without which no refined and spiritual things could exist .... There is no document of civilization which is not at the same time a document of barbarism.
—Walter Benjamin, Theses on the Philosophy of History
Malubhang sitwasyon ng kulturang kontemporaryo—sintomas ng masahol na kondisyon ng kabuhayan sa Pilipinas. Bagamat maitatambuli na tayo’y nakarating na sa saray ng mga modernisadong kalinangan sa panahon ng globalisasyon at paghahari ng neoliberlismong kapital, nakalubog pa rin tayo sa piyudal at neokolonisadong kumunoy, Hindi lamang ito totoo sa ekonomiya at pulitika. Kaagapay rin ang pagkabimbin sa lumang tradisyon ng burgesiyang pananaw, kaakibat ng mapagsunurang gawing minana sa kolonyalismong Espanyol. Magkatuwang ang pagkakulong sa lumang pananampalataya— utos/ritwal ng simbahang Katoliko ang nananaig—at indibidwalistikong asta at malig ng pagkilos. Hindi ko tinutukoy ang atrasadong teknolohiya kundi
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page1image63778624page1image63778240page1image53218352
2 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
ang inaaliping mentalidad/saloobin ng mga mamamayan sa neokolonyang sinakop dito sa Timog-Silangang Asiya.
Mapanghamong tanong: maaari kayang malunasan ang di-pantay na pagsulong kung babaguhin natin ang kamalayan? O lagi ba itong tagasunod lamang sa ekonomiyang pagbabago, ayon sa nakasanayang modelo ng “base/superstructure”? Idinaramay ko rito hindi lamang mga alagad-ng- sining at intelihensiya kundi lahat ng mamamayang nag-aangkin ng budhi at pintig ng pagkalinga sa kapwa-tao.1
Subukan nating ipanukala ang pag-aaral at paghalaw ng ilang leksiyon sa konseptwalisting kaisipan na sumibol sa Kanluran noong dekada 1960 at 1970, hanggang sa postkonseptwalistang epokang isinaad ni Peter Osborne sa kanyang The Postconceptual Condition (2018). Ang mga pagbabagong naganap matapos ang Digmaang Pandaigdig II (WW II) ay kaalinsabay ng mga kilusang Civil Rights, anti-Vietnam War, at pakikibaka ng mga kabataan at kababaihan na sumukdol sa Paris 1968 rebelyon. Sumiklab rin ang anti-imperyalistang giyera sa Aprika, Palestine, at Latino- Amerika (Cuba, Nicaragua, El Salvador, Grenada), at sa Pilipinas sa paglunsad ng Bagong Hukbong Bayan at paghuhunos ng Partido Komunista sa ilalim ng Kaisipang Mao Tsetung. Hindi maihihiwalay ang materyalistikong basehan ng mga pulitiko-ideolohiyang pagsulong na taglay ang diyalektikang (hindi tuwirang) pagtutugma. Gayunman, dapat isaloob na masalimuot ang ugnayan ng mga elemento sa totalidad ng anumang politiko-ekonomiyang pormasyon.
Krisis ng Sistema, Sigalot sa Kaluluwa
Pangunahing nawasak ang banghay ng modernisasyong sekular (alyas kapitalismong pampinansiyal). Isiniwalat ng 1917 Bolshevik Revolution ang di-mapipigilang pagbulusok ng kapitalismo- imperyalismong orden. Lumala ang krisis nito sa 1929 Wall Street bagsak, at pagkatapos ng WW II, ang pagtamo ng kasarinlan ng dating kolonisadong bayan, pati na Vietnam at Cuba. Nabuwag ang naratibo ng walang-taning na pag-unlad ng kapitalismong naka-sentro sa kompetisyon ng bawat indibidwal, sa walang patid na akumulasyon ng tubo (surplus-value) at dominasyon ng Kalikasan. Kaagapay nito ang pagtakwil sa ilang paniniwalang aksyomatiko sa larang ng sining, tulad ng: 1) Isang tiyak na hiyerarkya ng kahalagahan nakabatay sa isang matatag na kaayusang global; 2) dogma na nakasalig ang sining sa pagsalamin/pagkopya sa realidad; 3) pag-aari ng artista/manlilikha ang isang galing/birtud, talino at kasanayang
E. San Juan, Lupang Hinirang, Lupang Tinubuan (Manila: De la Salle University Publishing House, 2016).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page2image63770752page2image63769792page2image53218560
E. SAN JUAN 3
inaruga sa disiplinang personal; 4) namumukod ang artistang henyo, kaakuhang taglay ang mahiwaga’t banal na imahinasyon/dunong; 5) ang diskurso sa sining ay nakasalig sa tatlong kategoryang magkalangkap: artista, likhang-sining, awdiyens.
Sa kanluran, ang paglunsad ng kilusang avant-garde laban sa modernismo (binansagang postmodernismo, dekonstruksiyon, poststrukturalismo) ay tumingkad sa taong 1966–1972. Panahon ng “dematerialization of the art object,” hinalinhan ang romantikong aura/fetish ng obra-maestra (mula Michelangelo hanggang Cezanne, Picasso, Pollock) ng idea/information art, sa kalaunan, conceptual art. Naging isang tipo ng art- labor ang pagmumuni o pagninilay na inilaan sa interogasyon ng problema ng sining.2
Kung tutuusin, ang kaisipang tinutukoy ay pagsisiyasat at pag- analisa sa kondisyon, haka-haka, pala-palagay, prehuwisyo na namamahala sa pagyari, sirkulasyon at pagpapahalaga sa sining. Mithiin nito ang buwagin ang modernismong pangitain (Weltanschauung) katalik ng burgesyang ideolohiya’t ekonomyang pampolitika. Kalakip ng burgesyang modernidad ang malubhang alyenasyon at reipikasyong bunga ng pagsikil sa uring manggagawa at pagsasamantala sa mayorya. Adhikain nitong wasakin ang hangganang humahati sa araw-araw na ordinaryong buhay at katas-diwa ng sagradong sining—ang pinakabuod na hangarin ng makaproletaryongavantgarde sa kasaysayan. Huwag kalimutan na mayroon ding reaksyonaryo’t pasistang avant-garde (Marinetti, Dali), kaya dapat kongkretong analisis sa masalimuot na pagsalikop ng mga puwersa sa iba’t ibang antas ng galaw ng lipunan sa tiyak na yugto, hindi mekanikal na paghimay sa habi ng historya.3
Kongkretong Imbestigasyon sa Milyu
Matutunghayan ang mga paniniwalang nabanggit sa kasalukuyang dominanteng panlasa ngayon. Kalagayang neokolonyal pa rin bagamat nayanig na ang status quo sa 1986 Pebrero, “People Power” rebelyon at masiglang pagbanyuhay ng pambansang-demokratikong pakikibaka. Mistulang hindi naaapekto ng sunod-sunod na krises pampolitika ang mga guwardya ng elitistang istandard. Ihanay natin ang ilang ebidensiyang kalunos-lunos.
Michael Corris, “Black and White Debates,” in Corrected Slogans, ed. by Lucy Ives and Alexander Provan (Brooklyn: Triple Canopy, 2013).
Stefan Morawski, “Introduction,” in Marx and Engels on Literature and Art (St. Louis, MO: Telos Press, 1973).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page3image63904512page3image63904704page3image53239104
4 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Sa pambungad ni Virgilio Almario sa kanyang Hiyas ng Tulang Tagalog, inatupag lamang ang kaibahan ng tema o paksang naghihiwalay kina Teo Baylen at Amado Hernandez, walang puna sa tunggalian ng mga puwersang historikal. Makitid at mababaw rin ang makasektaryang pagwari sa tatak modernismo dahil gumagamit ng “malayang taludturan ... at kaisipang pribado’t indibidwalista.”Sa kabilang dako, ayon kay Rene Villanueva, ang dula “ay laging nagtatangkang isaayos ang isang tiyak na karanasan upang mapaghanguan ng manonood o mambabasa ng mga pananaw tungkol sa buhay.”Lumalayo sa moralistikong tingin ni Villanueva si Gary Devilles sa pinamatnugutan niyang antolohiya, Pasakalye.Mapagwawari na ang talinghaga ng paglalakbay, punto at kontrapunto, ay liberalismong pagsukat sa “muhon ng panitikan” na hindi maikukulong sa simbolo ng transportasyon o hulagway hango sa teknolohiya.
Hindi pa tumatalab ang kuro-kurong radikal ng mga Minimalista’t konseptwalista.
Isang parikala na masisinag natin ang estetika ng mga sinaunang pantas (tulad nina Inigo Regalado, Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaseda6na hango sa klasikong modelo nina Aristotle at Horace sa militanteng panunuri ni Bienvenido Lumbera. Sinuyod ni Lumbera ang pagsulong ng kritisismo mula sa pormalistikong pananaw hanggang sa realismong sosyal. Itinakwil na ang tradisyonal na pamantayan ng “ganda,” “lalim” o “kinis,” subalit kay Lumbera, mas importante ang “bisa” ng pagpapahayag o pagpapadama, “pagtatampok sa nilalaman,”na di tinitiyak kung sa anong layon o adhika nakatutok ang bisa, at kung anong kontekstong historikal nakaangkla ang nilalaman. Sina Isagani Cruz at Soledad Reyes ay nagpatuloy sa kanilang empirisistikong talaan ng mga awtor na marunong makibagay sa kalakaran, tulad nina Nemesio Caravana at A.C. Fabian na batid “kung paano pawiwilihin ang mga taong basahin ang kanilang mga akda.”Lahat ng nabanggit na opinyon ay nakasandig pa rin sa lumang tatsulok ng artista, likhang-sining, awdiyens—ang padron ng aprubadong panulat.
Virgilio Almario, ed., Hiyas ng Tulang Tagalog (Metro Manila: Aklat ng Bayan, 2015), xxv.
Rene Villanueva, “Ang Dula: Introduksiyon,” in Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo, ed. by Bienvenido Lumbera, Joi Barrios, Rolando Tolentino, and Rene Villanueva (Quezon City: University of the Philippines Press, 2000), 103.
Galileo Zafra, ed., Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan (Metro Manila: Aklat ng Bayan, 2013).
Bienvenido Lumbera, Suri (Quezon City: University of the Philippines Press, 2017),
36.Isagani Cruz and Soledad Reyes, eds., Ang Ating Panitikan. (Manila: Goodwill
Trading Co., 1984), 258.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page4image63928192page4image63928384page4image53274784
Oryentasyong Pangkasaysayan
Uminog at umalimbukay ang kosmos ng diskursong mapanuri sa epoka ng neoliberalisasyon. Pagkaraang lagumin ang tradisyonal na konsensus tungkol sa mga katangian ng likhang-sining, kuro-kuro ni Stefan Morawski na hindi esensyal na sangkap ang ekspresyon, techne, at porma: “Conceptualism is but the final step on the journey ‘beyond’ art9—ibig sabihin, iyong tipong nakagawian. Ilang bagong pangyayari ang “theatricalization” sa sining, ang ritwalistikong paglalaro sa “performance art,” collage sa pelikula (Godard) at musika (Stockhausen). Salungat naman ang dulang walang dulaan nina Jean Genet at Beckett, sampu ng mga nobela nina Robbe-Grillet, Butor, Calvino, Garcia Marquez—ang estruktura nito ay bunga ng partisipasyon ng mambabasa o nanonood.
Tigmak ng ikonoklastikong hakbang ang postmodernistang improbisasyon. Dito lumantad na ang politika ng distribusyon ng “sensibles,” dalumat at danas, na tinalakay ni Jacques Ranciere sa The Politics of Aesthetics(2004), ay makatuturan pa rin bagamat ang tuon ng pansin ay nailipat sa yugto ng kaisipang humihikayat at umaantig patungong praktika/aksyon.
Umabot na tayo sa nagpagkasunduang punto. Ang prinsipyong umuugit sa bisa ng representasyon sa iba’t ibang midya at sa nakasentrong- sabject sa rason/katwiran ay inusig, nilitis, at hinatulang walang silbi sa pagpapaliwanag sa krisis ng modernismo. Hindi lumaganap ito. Nakakulong pa rin ang akademikong teksbuk nina P. Flores at Cecilia de la Paz (1997) sa pagdiin sa pormalistikong paradigm kung saan “teknik at imahinasyon” ang nakatampok. Bagamat nakadawit sa panlipunang usapin, mahigpit pa rin ang bigat ng subhetibong pagkiling mula kina Kant kung saan ang hatol- estetika “cannot be other than subjective.”10 Napapanahon na ang paghuhunos. Kailangang sariwain ang kamalayang pangkasaysayan upang matalikuran ang dogmatikong ugali ng sistemang umuugit sa paninindigang makasarili at pananalig sa batas ng negosyo’t pamilihan.
Simula pa ng kilusang Dada, suryalismo, Constructivism, Cubismo, hanggang Pop ArtFluxus (kabilang na si Yoko Ono) at Minimalism, unti- unting naagnas ang pagtitiwala sa isang ordeng matiwasay kahit nambubusabos. Sumalisi ang udyok ng aksidente at pagbabakasakali kaakibat ng anarkiya ng walang regulasyon sa kalakal. Sumaksi ang pagtutol sa estetisismo at komoditi-petisismo nina Yves Klein, Robert Rauschenberg,
Stefan Morawski, Inquiries into the Fundamentals of Aesthetics (Cambridge, MA: MIT Press, 1974), 120.
10 Immanuel Kant, Analytic of the Beautiful, trans. by Walter Cerf (New York: The Bobbs- Merrill Co., 1969), 4. Tingnan din Collingwood, R.G., “The Expression of Emotion,” in The Problems of Aesthetics, ed. by Eliseo Vivas and Murray Krieger (New York: Holt, Rinehart and Winston, 1953).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
E. SAN JUAN 5
page5image63878464page5image63878848page5image53244304
6 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
atbp. Ibinasura na ang prinsipyong expresyonista nina Bosanquet at Croce mula pa nang ipanukala nina Walter Benjamin at Lewis Mumford (circa 1930) ang mapanghamong kalidad ng makina sa reproduksiyon ng art-object. Pinagtibay din ng mga saliksik hinggil sa sining ng Silangan at primitibong kabihasnan na kailangan lamang ng ulirang halimbawa, huwarang balangkas at panuntunan upang makayari ng artipak/bagay na makasasapat sa depinisyong napagkasunduan hinggil sa likhang-sining.
Argumentong Magkatumbalik
Dumako tayo sandali sa yugto ng Minimalism na tumiwalag sa naghaharing Abstract Expressionism ni Pollock.11 Tanyag na halimbawa ang “Lever” ni Carl Andre, “Series A” ni Sol Lewitt, ang mga “Untitled” nina Robert Morris at Donald Judd, potograpiya ni Dan Graham, atbp. Kalakip ang tendensiyang anti-expressionist, sumubaybay din sila sa konstruktibistang inhinyera ng naunang Bauhaus at Proletkult. Dagling bumulas ang konseptwalismo upang paigtingin ang depersonalisadong padron/paradigma ng konstruktibismo’t mapanirang ugali ng Dada at mapagbirong Fluxus. Hindi nagtagal, isinusog ng konseptwalistang artista na ang kanilang aktibidad/gawa ay isang pagsisiyasat sa magusot at malabong katayuan ng sining. Sumbat nila sa elitistang alipores na humuhubog ng kodigo: wala kayong katuwiran kundi puwersa ng kombensyon at minanang ugali. Tumalikod sila sa palengke/pamilihan at publikong nagumon sa konsumerismo, nakaugat sa hedonismong mapinsala—rahuyong pinakaubod sa pusod ng problematikong pangitaing burgis sa mundo ngayon.
Balangkasin natin ang trajektorya ng konseptwalismo sa apat na bugso ng pakikipagsapalaran nito. Una, pinalawak nito ang aralin hinggil sa kaisahan at materyalidad ng obhetong tinaguriang sining. Karugtong ito ng self-reflexivity ng modernismong pumoproblema’t tumitimbang sa iba’t ibang salik at sangkap ng sining. Pangalawa, tinanggihan nito ang kostumbreng biswal ng praktikang pansining. Isinaisantabi na ang isyu ng midya. Pangatlo, inilapat ang sining sa lugar at konteksto ng pagbilad nito sa publiko. Pang-apat, sinipat ang kalagayan ng uri ng distribusyon at pakikibahagi ng sining sa lipunan—ang usapin ng demokrasya’t pagkakapantay-pantay.
Tunay na masalimuot ang hibla ng pinagbuhatan ng konseptwalismo, pati na ang estratehiyang pagbabago nito. Buhat pa nang itanghal ni Marcel Duchamp ang kanyang urinal at iba pang “ready-made
11 Tingnan ang Gregory Battcock, Minimal Art: A Critical Anthology (New York: E.P. Dutton, 1968).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page6image63929344page6image63929536page6image53278320
E. SAN JUAN 7
bilang art-object simula 1913, gumana na ang generic modernismong humiwalay sa pribilehiyong midya. Wala nang espesyal na katas-diwang estetiko; impormasyon, dokumentasyon, at iba pang determinadong negasyon ng institusyonalisadong sining ang itinataguyod sa sari-saring praktikang dinudukal sa kasalukuyan. Walang partikular na materyales o pamamaraan ang iniririserba para sa paghubog sa likhang-sining.
Ikintal natin dito ang ilang tagpo sa naratibo ng konseptwalismo. Mag-umpisa muna sa lingguwistikong palitang-kuro nina Joseph Kosuth at ang Art & Language Group sa UK circa 1968–69. Itinakwil nila ang talinong teknikal sa pagyari ng bagay na taglay ang integral na kalidad. Naglaho ang materyal na bagay na nakikita, ang biswal na produkto na nagdulot ng kabuluhan sa pagsasanib ng tiyak at alanganing sangkap nito. Binalewala na ng “ready-made” ni Duchamp ang morpolohiyang artipak nina Cezanne, Manet, atbp. Idiniin ang konsepto ng kahulugang hindi nakaangkla sa reperent. Ang sining ay isang analitikong proposisyon, hindi sintetikong hugot sa karanasan—proklama ni Kosuth. Sa sipat nina Atkinson at Baldwin, ang sining ay pagdeklara ng kontekstong pansining sa metalingwistikang metodolohiya. Sinibak ang pormalismo at kognitibong biswalidad ng tradisyonal na sining, dagling pinalitan ng impormasyon/dokumentasyon at iba pang hulmahang hiram sa pinagtambal na kodigong analog/digital.
Gunitain ang proseso ng reduksiyon o demateryalisasyon ng bagay na binansagang “art-object12 Tulad nang nabanggit, nailunsad ito sa paglagay sa galerya ng mga bagay na nagsasarili. Pagkatapos, inilapat iyon sa pook o lugar hanggang ito’y mawala. Sa kalaunan, idiniin ang lamang-isip o konsepto sa halip na ituon ang atensiyon sa masasalat na sisidlan na kinaluluklukan ng kahulugan. Hindi pagmasid kundi pagkapa at paghinuha ng kahulugan mula sa anumang bagay na dinanas. Matindi’t mabalasik ang mga argumento sa diskursong metalingwistikal hinggil sa sining; ang gamit sa wika bilang makahulugang materyal/laman ay bininyagang ideya-sining.
Sining Bilang Kabatiran/Wari
Sapagkat laging sinisipi ang dokumentong “Paragraphs on Conceptual Art” (1967) ni Sol LeWitt, nais kong talakayin ang ilang tema nito. Kabilang ang mga kagrupong Mel Bochner, Hann Darhoven at iba pa, si LeWitt ay hindi sang-ayon sa “linguistic conceptualism” nina Kosuth at Art & Language. Binura ni LeWitt ang namamatyagang bagay at ibiniling ang sipat sa prosesong konseptwal na kaiba sa expresyonistang atitudo na nakabatay sa anyong biswal. Pinupukaw at inuuntag ang isip, hindi mata, ng
12 Lucy Lippard and John Chandler, “The Dematerialization of Art,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page7image63879616page7image63879808page7image53244720
8 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
konseptwalistang artista na nakapokus sa ideya/hinagap ng dinamikong makinang yumayari ng sining. Lahat ng pagpapasiya tungkol sa kung paano lilikhain ang bagay ay naisakatuparan na sa proseso ng pag-iisip/pagninilay. Hindi na kailangan ang intuwisyon o pangangatwiran dahil nailatag na ang lohikang susundin, ang tinaguriang “OS” (Operating System).
Sa iskemang apriori, wala nang papel na gaganapin ang henyong indibidwal, ang saloobing personal, na dinakila ng mga romantikong pilosopo (Coleridge, Goethe, Schiller, Croce). Pahayag ni LeWitt: “To work with a plan that is pre-set is one way of avoiding subjectivity ... The idea itself, even if not made visual, is as much a work of art as any finished product .... Those that show the thought-process of the artist are sometimes more interesting than the finished product.”13 Napalitan ang kamalayang interyor ng prosesong mala- matematika na gumitaw sa ulirat, may angking lohikang nag-uudyok sa mambabasa o nanonood na lumahok sa pabrikasyon ng danas.
Sa pagkilatis ni Fredric Jameson, ang espasyo/lunan ang importante sa konseptwalistang kadalubhasaan:
Conceptual art may be described as a Kantian procedure whereby, on the occasion of what first seems to be an encounter with a work of art of some kind, the categories of the mind itself—normally, not conscious, and inaccessible to any direct representation or to any thematizable self-consciousness or reflexibility—are flexed, their structuring presence now felt laterally by the viewer like musculature or nerves of which we normally remain insensible, in the form of those peculiar mental experiences Lyotard terms paralogisms.14
Pakiwari ko’y mali ang positibistikong akala ni Jameson. Limitado ni Kant ang ideya sa palapag na penomenal, kaya di makaakyat sa kongkretong yunibersal ng sining. Dapat intindihin na hindi ang anatomya o biyolohiya ng utak ang nakataya rito kundi ang proseso ng hinuha (inference) na mahuhugot sa nailahad na direksiyon/instruksiyon ng artista.
Pagkawala ng rasyonalistikong sabjek/awtor, sumupling ang depersonalisadong sining sa danas at panlasa ng nakararaming tao. Malaya na ang sinumang nais magpahalaga at magpakahulugan sa anumang bagay o pangyayari na pwedeng kabitan ng etiketa, “sining ito.”
13 Sol LeWitt, “Paragraphs on Conceptual Art,”in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999), 13-14. Sa paksang ito, knsultahin din ang kuro-kuro ni Peter Osborne, Anywhere or Not at All. New York: Verso, 2013).
14 Fredric Jameson, Postmodernism, or The Cultural Logic of Late Capitalism (Durham: Duke University Press, 1991), 157.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page8image63880192page8image63880384page8image53244928
E. SAN JUAN 9
Dalawang halimbawa ang maiuulat dito. Sa Following Piece (1969) ni Vito Acconci, yumari ng isang listahang naglalarawan ng publikong pagsubaybay ng isang taga-lungsod sa sinuman hanggang makarating ito sa kanilang destinasyon. Tila prinsipyong apriori ang metodo ng pagsunod sa isang iskema kasangkot ang katawan ng artista ay tuwirang notasyon ng ilang insidente. Walang naratibo, komposisyon, o pagpapasiya ng saloobin ang mamamalas dito. Sinuman na nasa lungsod ay makagaganap ng papel ng artista kung susundin ang tagubilin at panutong nailahad.
Isa pang makatuturang dating ng konseptwalistang paraan ay mamamasid sa demokratikong pagpapalaganap ng sining sa nakararaming tao, sa pagbuo nito at pagtanggap ninuman. Mapapatunayan ito sa sining ni Lawrence Weiner. Sa halip na lumikha ng mararamdamang bagay, pinahayag lamang niya ang impormasyon tungkol sa sining na aayusin. Matris ng proyekto ang mga pangungusap niya na nagtatakda ng estrukturang materyal at metodo ng paggawa. Halimbawa, “One hole in the ground Approximately 1’ x 1’ x 1’ One Gallon Water-based White Paint Poured into this Hole.” Ginamit ang pandiwaring pasado sa patalastas upang ipahiwatig ang pagkatiyak ng paglalarawan at posibilidad ng pagsasakatuparan nito sa hinaharap. Ang serye ng mga ginawa ni Weiner sa Statements (1968) ay siya mismong nakadispley na sining sa exibisyon. Kahalintulad nito ang mga avant-garde iskor, “Three Aqueous Events” (1961) sa musika ni George Brecht ng Fluxus (tungkol sa Le Magasin de Ben ni Ben Vautier, tingnan si Kearney [1988]), o mga notasyon sa musika ni John Cage. Kahawig din ang mga iniulat na “happenings” ni Yoko Ono sa Grapefruit, pinaka-pioneer ng sining- konseptwalkasabay sa pag-unawa sa patalastas o habilin ang performans/pagsasadula nito.
Kahit tagubilin pasalita, o kilos na inirekord sa dokumento, ang naisagawa ay isang kawing lamang sa isang mahabang kadenang metonimiko. Dapat unawain ang sinkroniko’t diyakronikong galaw hitik ng indeks-senyas at sagisag. Kasangkot doon ang komunikasyong oral, ang inilathalang instruksiyon, ang proseso ng paglabas ng deklarasyon, ang kinahinatnan, ang dokumentasyong potograpiko, atbp. Sa maikling salita, iba’t ibang anyo o hugis pisikal ang maaaring manipestasyon ng konsepto. Nararapat ikabit dito ang kasaysayan ng sining, hindi estetikang ideyalistiko ni Kant o Lyotard. Pagnilayin ang matatag na “declaration of intent” ni Weiner na modipikasyon ng simulaing ipinahayag ni LeWitt:
  1. The artist may construct the piece
  2. The piece may be fabricated
  3. The piece need not be built
    © 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page9image63880960page9image53245344
10 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Each being equal and consistent with the intent of the artist, the decision as to condition rests with the receiver upon the occasion of receivership.15
Simbiyotika ng Teorya at Praktika
Higit na radikal kaysa kina Kosuth at Lewitt ang panukala ni Weiner. Bukod sa pagbaklas sa mito ng paglikhang depende sa awtoridad ng awtor/artistang bukal ng orihinalidad, ang pagkasangkot ng awdiyens, ang demokratikong paglahok ng tumatanggap/nakatanggap ng sining, ay nakabuwag sa tradisyonal na pananaw. Lumalim at tumalas ito sa sumunod na uri ng konseptwalismo nina Daniel Buren, Hans Haacke, Marcel Broodthaers. Pinuntirya nila ang kondisyong ideolohikal ng institusyong pansining (museo, galerya, midyang sosyal), ang mga regulasyon at batas, ang kanonisadong doktrinang upisyal na nagpapasiya kung anong bagay ang ituturing na sining. Halimbawa, sa Gallery-Visitors-Profile, isiniwalat ni Haacke ang sistemang nagtatakda kung ano ang kahulugan at kabuluhan ng bagay na tinaguriang likhang-sining.16
Alalahanin na iba ang sitwasyon ng Global South sa Global North. Asymetrikal ang tayo ng neokolonyang Pilipinas kumpara sa industriyalisadong Europa o Norte Amerika. Sa Latino-Amerika, iniangkop ang “Media Art” sa krisis ng lipunan. Halimbawa, ang Grupo de Artistas de Vanguardia sa Argentina ang nagpropaganda sa “Nasusunog ang Tucuman,” kung saan ang pagtipon ng impormasyon at pagpapalaganap nito sa midya (tungkol sa panunupil at pagsikil sa mga taga-Tucuman) ay magkabuklod na praktika sa sining at politika. Ibinunyag nila ang kasinungalin ng Estado. Isinakdal ang institusyon ng pag-aaring indibidwal, pati na ang ilusyon ng aliw at kariktan mula sa pambihirang art-object. Pwedeng gawing modelo ang aksyon ng mga aktibista sa Argentina. Ngunit dapat tandaan o isaalang-alang na ang sitwasyon ng neokolonyang Pilipinas ay kaiba sa iba pang bansang hindi sinakop ng imperyalismong U.S. at nagtamasa ng biyaya ng industriyalisasyon at repormang pang-agraryo.
Nang pumasok ang dekada 1970–1980, isinaisantabi na ang linguwistiko-analitikong konseptualismong nauna. Yumabong ang tipo ng postkonseptualismo nina Barbara Kruger, Jenny Holzer, Mary Kelley, at iba pa, na nagproblema sa palasak na pormalistikong relasyon ng imahen/wika/suhetibidad. Pinuna sila ng grupo nina Martha Roseler, Alan Sekula, atbp. Ipinaliwanag ng huli na ang ideolohiyang identidad ay hindi hiwalay sa lenggwaheng ginagamit. Kaya kung natanggal man ang ahensiya
15 Sinipi ni Alberro sa Alexander Alberro, “Reconsidering Conceptual Art, 1966-1977,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999), xxii.
16 Tony Godfrey, Conceptual Art (New York: Phaidon Press, 1998).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page10image63881408page10image63881600page10image53245136
E. SAN JUAN 11
o kalooban ng ulilang artistang nasukol ng puwersa ng kapaligiran at nabalaho sa bangin ng “art-for-art’s sake,” pwede pa ring bumuo ng estratehiya ng interbensiyon.
Bukod sa masidhing performans ni Adrian Piper na nakasentro sa sabwatang rasismo/machismo sa Norte Amerika’t Europa, magandang halimbawa ang “The Bowery in Two Inadequate Descriptive Systems” (1974) ni Martha Rosler. Maimpluwensiya pa rin ang reduktibismo’t reflexibidad-sa- sarili, mabisa pa rin ang “ready-made” sa Pop Art at Minimalism. Ngunit ang pangunahing tagumpay ng konseptwalismo, sa pangkalahatan, ay naisuma ng dalubhasang Benjamin Buchloch17 sa kritika ng institusyon, ang demistipikasyon ng burgesyang pananaw tungkol sa midya, impormasyon, publisidad, at sining. Anumang sitwasyon ay tigib ng sapin-saping kontradiksyong nagsisilbing motor sa pagsulong ng kasaysayan.
Pagbuno sa Palaisipan & Suliranin
Sa pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng konseptwalismo sa sining, idiniin ni Craig Dworkin, na impresario ng konseptwalistang panulat, ang pagpanaw ng awtor, ang imbentor ng orihinal na likhang-sining (naibalita na nina Roland Barthes at Michel Foucault ang pagkamatay ng awtor). Naipasinaya ng pagburol ng malikhaing awtor ang pagsilang ng “uncreative writing” sa bagong milenyo, sa epoka ng “War on Terrorism” pagkaraan ng pagsabog ng Twin Tower sa New York, USA, noong ika-11 Setyembre 2001.
Sa gayon, nararapat iangkop ang tendensiya ng panulat sa daloy ng kapaligiran. Halaw sa eksperimentasyon sa wika nina Dan Graham, Mel Ramsden, Robert Barry at John Baldessari, naisuma ni Dworkin ang ilang katangiang gagabay sa makabagong panulat: hindi na kailangang magsikap tumuklas ng orihinal na gawa. Tratuhin ang wika bilang datang mabibilang, materyal na limbag. Pwedeng kumopya o gumagad ng ibang teksto na magiging iba o bago dahil iba o bago na ang konteksto—isang takdang panahon at lugar—ng artistang sumusunod sa isang procedure o iskema. Kaya ng minakinilya muli ni Kenneth Goldsmith sa kanyang Day ang isang isyu ng New York Times, ang tanskrispyon ay pagsasakatuparan ng kanyang ideya/konsepto ng sining. Kahambing ito ng After Walker Evans ni Sherrie Levine, o ang mga collage Nina Richard Prince, Andy Warhol, atbp.
Appropriation/pag-angkin, pagkumpiska/pang-aagaw, ang namamayaning estilo at modo ng pagkatha ngayon sa literaturang nangunguna. Sa milyung umaapaw ng kompyuter, elektronikong teknolohiya, sumagana’t kumalat ang “remix culture” ng hip-hopglobal DJ
17 Benjamin Buchloch, “Conceptual Art 1962-1969: From the Aesthetic of Adminstration to the Critique of Institutions,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page11image63771328page11image63775744page11image53218768
12 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
kultura, samplingmash-upmontagecut-up, atbp. Ginagagad ng manunulat ang “database logic” ng bagong midya,” ayon kay Dworkin, “wherein the focus is no longer on the production of new material but on the recombination of previously produced and stockpiled data. Conceptual poetry, accordingly, often operates as an interface—returning the answer to a particular query; assembling, rearranging, and displaying information; or sorting and selecting from files of accumulated language according to a certain algorithm.”18 Ayon kay Walter Benjamin, sa reproduksyong mekanikal ng modernong kabihasnan, natanggal ang “aura” sa mga pribadong pag-aaring signos ng pribilehiyo/kapangyarihan, at diumano’y naging demokratiko ang pagtatamasa ng ligayang dulot ng sining.19 Totoo ba ito?
Kung tutuusin, walang panganib o hamong nakasisindak sa status quo ang konseptwalismong lumaganap at hinangaan. Nasaring nga ni Robert Smithson na naging aliporis ng sistemang kapital ang dating avantgarde: ginawa ni Warhol ang kapitalismo bilang isang alamat/mito pagsuob sa “production for production’s sake.”20 Yumaman ang mga artistang dating pariahsa Establisimyento. Samantala, ang “uncreative writing” ni Goldsmith ay nagtamo ng mayamang tagumpay, naging bantog at kinilalang sopistikadong biyaya ng pambihirang moda. Pinarangalan sila. Pihikang panlasa?
Hintay, isang araw, inanyayahan si Goldsmith na bumigkas ng isang tula sa isang program sa Brown University, ang “The Body of Michael Brown,” na dagling naging kontrobersiyal. Hintay muna .... Pinatindi ang reaksyon sa balita na nagbunsod ng umaatikabong tuligsa, pati banta ng pagpatay sa makata. Pakli ni Goldsmith: “There’s been too much pain for many people around this, and I do not want to cause anymore.”21
Sa dagling pagtaya, ang performans ni Goldsmith ay simple lamang. Ito’y pagbasa ng ilang talatang sinipi sa autopsy report ng pulisya ng Ferguson, Missouri, na pumaslang kay Michael Brown, isang 18 taong gulang na Aprikano-Amerikanong lalaki, noong 13 Marso 2014. Pumutok ang maraming demonstrasyon sa buong bansa laban sa awtoridad. Sa itaas ng entablado ng unibersidad pinaskil ang malaking graduation photo ni Brown. Walang emosyon ang pagbasang tumagal ng 30 minutos, walang imik ang nakinig. Pagkaraang kumalat ang balita sa Internet, umarangkada ang
18 Craig Dworkin, “The Fate of Echo,” in Against Expression, ed. by C. Dworkin and Kenneth Goldsmith (Evanston, IL: Northwestern University Press, 2011), xlii.
19 Walter Benjamin, “The Work of Art in the Age of Mechanical Reproduction,” inIlluminations, trans. by Harry Zohn (New York: Schocken Books, 2007), 217-251.
20 Robert Smithson, “Production for Production’s Sake,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999), 285.21 Alison Flood, “US poet defends reading of Michael Brown autopsy report as a poem,” The Guardian (17 March 2015), <https://www.theguardian.com/books/2015
/mar/17/michael-brown-autopsy-report-poem-kenneth-goldsmith>.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page12image63929920page12image63930112page12image63822784page12image63822592page12image53279568
E. SAN JUAN 13
batikos at tuligsa: “tacky,” “new racist lows,” “white elite institutions pay ... another white man holding the corpse of a black child, saying “Look at what I’ve made.”22 Pinag-initan ang Puting pagsamsam sa kahirapan ng mga Itim, ang paghamak at pagkutya sa kamatayan ng isang inosenteng biktima ng marahas na paghahari ng White Supremacy.
Masusing pag-aralan ang matapang at mahayap na komentaryo ni Anne Waldman:
I was not present, but by all reports what we seem to have is a solipsistic clueless bubble of unsupportable ‘art’ attitude and privilege. What was Kenny Goldsmith thinking? That it’s okay to self-appoint and perform the autopsy report of murdered black teenager Michael Brown and mess with the text, and so “own” it and get paid for his services? No empathy no sorrow for the boy, the body, the family, ignorant of the ramifications, deaf ear to the explosive demonstrations and marches? Reeks of expoitation, of the ‘racial imaginary.’ Black Dada Nihilismus is lurking on the lineaments of the appropriated shadow of so much suffering.23
Alingawngaw sa Kaharian ng Arte
Dagling nawala ang pretext ng kontrobersiya. Biglang inurong ni Goldsmith ang tula sa Web, at pinalitan ng isang pagtatanggol (sa Facebook) ng signature estilong pagkopya, pagputol, pagdikit, pag-angkin ng digital text mula sa cyberspace. Ikinatwiran ang ethos ng sampling, reblogging, mimesis, replikasyon, procedure ng pagmanipula, paglilipat at pakikibahagi ng impormasyon na primaryang imbakan ng konseptwalistang panulat. Maingat nating pagliripin ang paliwanag (hindi apologia) ni Goldsmith sa kanyang pagsala, paghimay at pagsasaayos ng isang publikong dokumento na pinamagatang “The Body of Michael Brown”—pinagsamantalahang ipuslit ang autopsy report upang makaani ng pansariling “symbolic capital”:
In the tradition of my previous book Seven American Deaths and Disasters, I took a publicly available document from an American tragedy that was witnessed first-hand (in this case by the doctor performing the autopsy) and simply read it. Like Seven American Deaths, I did not editorialize. I simply read it
22 Ibid.
23 C.A. Conrad, “Kenneth Goldsmith Says He Is an Outlaw,” Poetry Foundation (June 2015), <https://www.poetryfoundation.org/harriet/2015/06/kenneth-goldsmith-says-he-is-an- outlaw>.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page13image63879040page13image63880000page13image63832064page13image63832256page13image53257568
14 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
without commentary or additional editorializing. Many of you have heard me read from Seven American Deaths. This reading was identical in tone and intention. This, in fact, could have been the eighth American death and disaster. The document I read from is powerful. My reading of it was powerful. How could it be otherwise? Such is my long- standing practice of conceptual writing: like Seven American Deaths, the document speaks for itself in ways that an interpretation cannot. It is a horrific American document, but then again it was a horrific American death.24
Pagtugis sa Katunayan at Kabulaanan
Masinop na imbestigasyon ang kailangan. Kabulaanan ang igiit ni Goldsmith na hindi niya binago ang dokumento. Tandisang litaw na pinili niya, sinipi at niretoke ang ilang detalye ng postmortem examination at ipinasiyang magwakas sa maselang bahagi. Narito ang nakasulat sa report: “Male Genital System: There is foreskin present near the head of the penis. The remaining male genitalia system is unremarkable” (galing sa Office of the Medical Examiner, Dr Gershom; 2014 # 5143). Bakit dito piniling huminto ang akda ni Goldsmith?
Bukod sa pihikang komentaryong inilagay ni Goldsmith sa Facebook, ang pagbigkas noon ng isang puting Amerikano, sa kontekstong wala pang napagkasunduang pagsisiyasat at paglilitis kung makatarungan ang pagpaslang sa kanya, ay mapupuna. Lumalabas na editorializing at panghihimasok ang ginawa. Ipinasiya ni Goldsmith na idaos ang teatro niya sa Brown University, isang ivy-league na institusyon na dating pasimuno’t yumaman sa tubo ng kalakal ng mga esklabong Aprikano noong siglo 1700– 1800. Batid din ni Goldsmith na magulo’t matinik pa ang usapin tungkol sa karahasan ng pulisya—hindi maiwawaglit ang kontekstong ito, na sa tahasang asersyon ni Goldsmith, ay personal na pag-ani ng “cultural capital.”25. Tunay na hindi makatotohanan ang pangangatwiran ni Goldsmith. Maiging suriin ang dugtong niya (mula sa kanyang Facebook post):
I altered the text for poetic effect. I translated into plain English many obscure medical terms that would have stopped the flow of the text; I narrativized it in ways that made the text
24 Flood, “US poet defends reading of Michael Brown autopsy report as a poem.”
25 Kenneth Goldsmith, “Why Conceptual Writing? Why Now?” Against Expression, ed. by C. Dworkin and Kenneth Goldsmith (Evanston, IL: Northwestern University Press, 2011), xviii.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page14image63832832page14image63832640page14image53259440
E. SAN JUAN 15
less didactic and more literary. I indeed stated at the beginning of my reading that this was a poem called “The Body of Michael Brown”: I never stated, “I am going to read the autopsy report of Michael Brown.” But then again, this is what I did in Seven Deaths and Disasters. I always massage dry texts to transform them into literature, for that is what they are when I read them. That said, I didn’t add or alter a single word or sentiment that did not preexist in the original text, for to do so would be to go against my nearly three decades’ practice of conceptual writing, one that states that a writer need not write any new texts but rather reframe those that already exist in the world to greater effect than any subjective interpretation could lend. Perhaps people feel uncomfortable with my uncreative writing, but for me, this is the writing that is able to tell the truth in the strongest and clearest was possible.
Ecce homo. Behold the man.
Walang pasubali, hindi ito salitang humihingi ng paumanhin. Sa katunayan, isang rasyonalisasyon ito sa pagtatanggol sa kanyang tipo ng panulat. Samakatwid, ang “reframing” o pagmasahe sa dokumento ni Goldsmith ang nakataya rito. Sa malas, talaga bang na-defamiliarize ang Estadong rasista’t pasista, ang layunin ng makata na ipahayag ang katotohanan sa pinakamabisang paraan?
Umuukilkil ang ilang tanong hinggil sa dating, sa impak ng impormasyong naipaabot. Binago niya, amin ng makata, upang magkaroon ng bisang matulain. Anong kahulugan o kabuluhan ng estetikang naipahatid nito? Ito ba ang birtud ng pagkamakatotohanan ng konseptwalismo? Katunayan ba kaninuman, sa lahat ng oras, saanmang lugar? Anong damdamin, atitudo, saloobin, ang inaadhika ng “unoriginal genius” ng makata? Kung ilalapat natin ang haka o hinuha nina Vanessa Place at Robert Fitterman na “Conceptual writing is allegorical writing,”26 anong klaseng mensaheng literal at matalinghaga ang isinadula ni Goldsmith sa pagkasangkapan niya ng postmortem report—barokong alegorya, hybrid simulacra, o tusong pagkukunwari?
Sa anu’t anoman, mahirap maipaghiwalay ang interogasyong pang- estetika sa politikal, etikal at moral na suliraning bumabagabag sa publikong konsiyensiya.
26 Vanessa Place and Robert Fitterman, Notes on Conceptualisms (New York: Ugly Duckling Presse, 2013), 13.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page15image63882944page15image63883136page15image53245552
16 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Diskurso ng Pagkilala o Pagwalang-pansin
Tulad ng nabanggit na, binatikos si Goldsmith, ang poet laureate ng Museum of Modern Art, ng maraming kolega at manunulat sa website ng Poetry Foundation.27 at iba pang lugar sa Internet at lathalain. Sa marahas na bintang na ang akda ni Goldsmith ay dokumento ng “white supremacy poetics,” kung saan naroon ang “white power dissecting colored body,” sulyapan ang website ng “Mongrel Coalition Against Gringpo”: “The murdered body of Mike Brown’s medical report is not our poetry, it’s the building blocks of white supremacy, a miscreant DNA infecting everyone in the world. We refuse to let it be made literary.” 28
Kaunting repasoMagsimula muli tayo sa pagtutugma ng sining at situwasyon ng mundo, ang yugto ng krisis ng kapitalismong global/neoliberal. Masahol ang kalagayan ng mga taong-may-kulay, lalo na ang Aprikano-Amerikano sa mga nabubulok na urbanidad ng pasistang U.S. Mapanganib na rin ang lagay ng petiburgesyang edukado; walang trabaho karamihan ng graduweyt sa humanidades, sampu ng mga manunulat-artista, atbp. Ginagamit ang sining bilang investment, tulad ng pagtitinda ng mga likha nina Warhol, Francis Bacon, Cy Twombly, Gerhard Richter sa Sotheby at iba pang organo ng komodipikasyon. Hinirang na propesor sa University of Pennsylvania, si Goldsmith ay isa sa mga mapalad na konseptwalistang awtor na kinilala ng Establisimyento (naimbita pa ni dating Pangulong Obama sa White House).
Mapaparatangan bang nagkasala si Goldsmith sa komodipikasyon ng bangkay ni Brown? Nagkasala ba siya sa pagbebenta ng tekstong ninakaw sa Internet, at pagpuslit ng simbolikong kapital bilang “meme macho”?29 Ano ang kahulugan ng pangyayaring ito sa larangan ng politikang digmaan sa U.S. at ligalig na dulot ng krisis internasyonal sa pagtutunggalian ng kapitalistang bansa?
Sa perspektibang historiko-materyalistiko, matatarok na may tatlong panig ang problemang hinarap ni Goldsmith (kahit hindi niya ito dama o alam). Una, ang kontradiksiyon ng pagkatao ng Aprikano-Amerikanong grupo (si Brown ay kinatawan nila) at paglait sa bangkay (“quantified self” ni Brown). Nananaig pa rin ang aparatong ideolohikal ng Estado sa
27 Conrad, “Kenneth Goldsmith Says He Is an Outlaw.”
28 Sinipi ni Wilkinson sa Alec Wilkinson, “Something Borrowed,” The New Yorker (7 October 2015), <https://www.newyorker.com/magazine/2015/10/07/something-borrowed- wilkinson>.
29 Kenneth Goldsmith, “Paragraphs on Conceptual Writing,” University of Buffalo Webpage, <http://epc.buffalo.edu/authors/goldsmith/conceptual_paragraphs.html>.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page16image63883328page16image63883520page16image63883712page16image63883904page16image63884096page16image53245760
E. SAN JUAN 17
pagpapanatili ng rasismo/makismo. Pangalawa, sa harap ng dumaragsangmemes, bulto-bultong dami ng datos digital, labis-labis na “disposable data- basing,” bloggingidentity ciphering, mabilisang programing, paano maisasaayos ng makata ang kumplikadong penomena upang magkaroon iyon ng halaga sa buhay natin? Pangatlo, paano malulutas ang hidwaang nabanggit kung ang paraang konseptwal ay makina-ng-ideyang walang silbi, hindi utilitaryan, matipid, mahigpit ang paghawak, nais lamang pukawin ang isip, walang balisa sa pagsasakatuparan ng konsepto? Tatlong problemang dapat lutasin upang makahulagpos sa bilanggo ng burgesyang orden.
Sa gitna ng ating pagkalito, iginiit ni Goldsmith: “Arbitrary or chance decisions would be kept to a minimum, while caprice, taste and other whimsies would be eliminated from the making of the text.”30 Sa gayon, hindi awtomatikongcollagepastiche, o transkripsyon ang ginanap na pagbigkas ni Goldsmith. Tunay na iyon ay interbensiyong marahas, wangis gahasa ng puting lahi sa bangkay ng aliping kulay-itim, tanda ng barbarikong nekropilya. Sa tatlong kontradiksiyong nabanggit, anong pinili’t hinulmang paraan ang sinubok ng awtor sa paglutas ng inilatag na suliranin?
Totoong hindi niyutral o walang pakialam ang manunulat sa paraan at estilo ng paglalahad. Puna ni Marjorie Perloff, masinop si Goldsmith (tulad ni Duchamp) sa paghakot at pagsasalansan ng inilipat na tekso sa kanyangTraffic: What Goldsmith wants us to see is what the world we live in is actually like.”31 Bilang isang pormang ideolohikal, nakapaloob sa kathang binigkas ni Goldsmith ang paglalarawan ng lohika ng rasistang lipunan bilang oposisyon ng kantidad (abstraktong pagkilatis sa bangkay ni Brown gawa ng Estado) versus makataong pagtransporma ni Goldsmith sa paraan ng satirikong pagmasahe sa autopsy report. Samakatwid, lumabag siya sa mungkahi ng kasamang Dworkin na ang konseptwalisting bricolage ay nakapako sa “recontextualizing language in a mode of strict citation.”32
Maselan ang detournement o paghuhugis ng nakumpiskang teksto sa Internet. Hindi naiba ng “reframing” ang konteksto ng diskursong kumbensyonal. Nakapokus din sa reduksiyon ng liping Aprikano sa sukat ng genitalia, kaya ipinabulaanan ni Goldsmith ang stereotype sa pagwakas ng kanyang pag-ilit sa medikong ulat na normal lamang ang seks ni Brown— “unremarkable” genitalia.33 Sa mismong pag-uulit ng rasismong kategorya, salungat sa kanyang tangka, dinulutan ng positibong bantas ang gawing rasista: ang tao ay katumbas ng kanyang anatomya/biyolohiya.
30 LeWitt, “Paragraphs on Conceptual Art,” 13.
31 Perloff, Marjorie, Poetics in a New Key: Interviews and Essays (Manila: De La Salle University Publishing House, 2013), 160.
32 Craig Dworkin, “The Fate of Echo,” xlvii.33 Wilkinson, “Something Borrowed.”
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page17image63884480page17image63884672page17image53245968
18 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Subersiyong Radikal o Kompromisong Liberal?
Kakatwa ang kinalabasan sa ronda ng impormasyong kumalat. Sa kumpas ng diumano’y pagdaramay ni Goldsmith sa trahedyang pagkabaril sa inosenteng sibilyan, nabigyang-buhay rin ang liberalismong ideolohiya ng burgesyang uri—isang ironikal na pagbalikwas ng balak, parikalang di tangka. Ipinagtibay ang teorya nina Balibar at Macherey na ang literatura ay “imaginary solution of ideological contradictions.”34 Nadulutan ni Goldsmith ng isang tanghalan, mise en scene, ang di-malulutas na kontradisiyon ng burgesyang lipunan sa paraang huwad: ang rasismo ay bunga lamang ng teknolohiya/abstraksyon, na maireresolba sa humanistikong pagtingin kay Brown bilang ordinaryong tao. Mapinsalang ilusyon ito. Alalaong-baga’y hindi kailangan ang transpormasyon ng institusyon, ang di-makatarungang paghahati ng poder at yaman, ng karapatan at katungkulan, sa lipunang naghihiwalay sa mga may-ari ng kapital/produktibong kagamitan at pulubing uri ng mga trabahador, pati gitnang-uring petiburgis. Samakatwid, pinaikot lamang ni Goldsmith ang neokonserbatibong doktrina ng mga panginoon ng sistemang kapitalismong global.
Sa perspektibang ideyalistiko/metapisikal, maituturing na repormista ang prinsipyo ni Goldsmith (sampu nina Dworkin at mga kapanalig) sa pagtutol sa ortodoksiya ng romantiko’t mistikal na pagkilala sa awtor. Ang tipo ng mapanghamig na suhetibidad ay batayan ng burgesya- kapitalistang orden. Makatwiran din ang tatlong negasyon (ng obhetibidad ng likhang-sining, ng midyum biswal, at ng autonomiya ng art-object) na iniulat ni Osborne.35 Nagbunga iyon ng uri ng sining/panitikan na gumagamit o kumakasangkapan sa umiiral na diskurso/teksto sa midya upang mabago ang mga institusyong pang-araw-araw. Kabilang si Goldsmith sa pag-repunksiyon at sirkulasyon ng normatibong doxa tungkol sa identidad at karapatang pantao na masasagap sa cyberspace.
Ngunit, sanhi sa limitadong kaalaman, natigil doon sa produksiyon para sa sariling kapakanan. Nasaksihan ang kaunting “defamiliarization,” birtud ng mapanghimagsik na kritika, pero walang pagtakwil sa institusyon at estrukturang pampolitika. Walang pasubaling may simpatiya si Goldsmith sa protesta ng mga biktima ng karahasan ng pulisya. Ngunit hindi magkapareho ang sinulat na preskripyon at ang aktwal na pagsasagawa nito. Hindi nagampanan ni Goldsmith ang tungkuling isinabalikat nina Rosler, Haacke, at iba pang sumuri, gumalugad, at kumilatis sa di-makatarungang
34 Etienne Balibar and Pierre Macherey, “On Literature as an Ideological Form,” inMarxist Literary Theory, ed. by Terry Eagleton and Drew Milne (Oxford, UK: Blackwell, 1996),
285.35 Peter Osborne, Conceptual Art (New York: Phaidon Press, 2002), 18.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page18image63884864page18image63885056page18image53246592
E. SAN JUAN 19
relasyon ng kapangyarihang nakapaloob sa sistema ng institusyong nangangasiwa’t kumokontrol sa sining/panitikan, sa buong aparato ng kultura/ideolohiya. Naibunyag na ni Charles Harrison ang “utopian fantasy36ng rebolusyonaryong programa ng avantgarde kilusan na nagsimula pa kina Andre Breton, Duchamp, Mondrian, Joseph Beuys, Minimalism, Fluxus, hanggang kina Adrian Piper, Barbara Kruger, Sherrie Levine, atbp.
Mapanganib na suliranin ang pagkaligta sa mediyasyong diyalektikal ng gawaing manwal at intelektwal. Walang direktong korespondensiya ang transpormasyon sa literatura at sa ekonomyang pampulitika. Maisusulit dito na ang malaking kamalian nina Dworkin at Goldsmith, pati na rin ang kanilang taga-suportang si Marjorie Perloff, ay walang pakundangang pananatili sa burgesyang kuwadrong humahatol: ang awtor bilang “unoriginal genius,” at wika/diskursong kumbensyonal bilang niyutral o sariwang salik/sangkap na maihuhugis sa anumang direksiyon, di alintana ang nagtatakdang kasaysaya’t ideolohiyang nakabuklod doon.
Bukod dito, partikular din na hindi iniuugnay ng konseptwalismong aprubado ang institusyon ng museo, galerya, mass media, at akademyang makapangyarihan sa pagtakda ng paghahati ng lakas-paggawa ayon sa means-ends rasyonalidad ng burgesyan orden. Ito nga ang dahilan ng bangguwardyang pagsisikap na siya ring nagtutulak sa konseptwalistang eksperimento.37 Sa kabilang dako, maihahalintulad ang transisyonal na katangian ng kalakarang ito sa trahedyang Griyego na, sa loob ng reaksyonaryong porma, sinikap nina Aeschylus, Sophocles, at Euripedes na ipasok doon ang pinakarasyonal, demokratiko’t materyalistikong paninindigan ng progresibong uri ng panahong iyon.38 Masinop na pagliripin ang diyalektikang pagsusulit na matutuklasan sa mga nobela nina Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Amado Hernandez, Lazaro Francisco, Efren Abueg, Lualhati Bautista, Jun Cruz Reyes, atbp.39
Tungo sa Palatuntunan ng Pananagutan
Siyasatin natin ang ibang semiotika bukod kay Saussure at mga dekonstruksyonista. Ang malaking pagkukulang ng kritikang institusyonal ay isang bagay na mapupunan kung susundin ang pragmatikong tagubilin ni Charles Peirce hinggil sa kahulugan ng konsepto/ideya:
36 Charles Harrison, Conceptual Art and Painting (Cambridge, MA: MIT Press, 2001), 38.
37 Peter Burger, “Theory of the Avant-garde and Critical Literary Science,” inContemporary Marxist Literary Criticism, ed. by Francis Mulhern. (London: Longman, 1992).
38 Tingnan ang George Thomson, The Human Essence: The Sources of Science and Art(London: China Policy Study Group, 1974), 88-100.
39 E. San Juan, Himagsik: Pakikibaka Tungo sa Mapagpalayang Kultura (Manila: De La Salle University Press, 2004).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page19image63885440page19image63885632page19image53246800
20 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
a conception, that is, the rational purport of a word or other expression, lies exclusively in its conceivable bearing upon the conduct of life; so that, since obviously nothing that might not result from experiment can have any direct bearing upon conduct, if one can define accurately all the conceivable experimental phenomena that the affirmation or denial of a concept could imply, one will have therein a complete definition of the concept.40
Ipinag-uugnay nito ang teorya at praktika, udyok na pumapatnubay din sa avantgardistang awtor. Nakaugat din ito sa paniwalang ang sining na buod ng mapanlikhang simbuyo’t kakayahan ng tao ay hindi mauunawaan sa pagkahumaling sa intuwisyon, bisyon, organikong porma ng ekspresyon, atbp. Sa halip, dapat idiin ang konsepto/ideya ng sining bilang “polysignificant language dealing with specific types,” at walang silbi ang dakdak tungkol sa porma/anyo/hugis kung walang “eidos or dianoia or idea or concept,” susog ni Galvano della Volpe.41
Sa Pilipinas, bukod sa nasubukan nina Angelo Suárez at kapanalig, pambihirang makakita ng masugid na pagdukal sa konseptwalistang teritoryo. Ipauubaya ko sa iba ang pag-ulat sa iba pang pagsubok postkonseptwal. Magkasya na munang banggitin dito ang ilang proyekto ng awtor sa gilid ng pagsasalaysay sa naratibo ng konseptwalismong Kanluran, na baka makatulong sa kilusan laban sa imperyalismo’t oligarkyang kasabwat nito.42
Malayo na ang nalakbay natin mula sa katipunang Alay Sa Paglikha ng Bukang-Liwayway (2000). Alinsunod sa panukala nina Peirce at Della Volpe, sinikap naming umpisahan ang konseptwalismong pakikipagsapalaran sa ilang tula sa koleksiyong Sapagkat Iniibig Kita (2004)43at Kundiman sa Gitna ng Karimlan (2014),44 at lubos na nilinang sa Ambil (2015)45 at sa Wala (2018). Tinasahan din ang paraang Oulipo sa kathang
40 Charles S. Peirce, The Essential Writings (Amherts, NY: Prometheus Books, 1998), 264. Ineksamin and kumplekadong semantik ng konspekto ni Lewis. Tingnan ang Clarence Irving Lewis, The Mind and the World-Order (New York: Dover, 1929), 411.
41 Galvano Della Volpe, “Theoretical Issues of a Marxist Poetics,” in Marxism and Art, ed. by Berel Lang and Forrest Williams. New York: David McKay, 1972), 180.
42 San Juan, Himagsik.
43 E. San Juan, Sapagkat Iniibig Kita at Iba pang Bagong Tula (Quezon City: University of the Philippines, 2004).
44 E. San Juan, Kundiman sa Gitna ng Karimlan (Quezon City: University of the Philippines, 2014).
45 E. San Juan, Ambil (Connecticut, USA: Philippines Cultural Studies Center, 2015). Tingnan ang rebyu ni Labayne sa Ivan Emil Labayne, “Review of E. San Juan’s Ambil,” The
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page20image63886400page20image63886592page20image53305680
E. SAN JUAN 21
“Trahedya/Komedyang Moro-Moro sa Mamasapano.”46 Mula sa panghihimasok sa typograpikal na bihis ng tula (imitasyon ng praktika ng concrete poetry, Mallarme, Weiner), suryalismong eksperimentasyon, at iba pang sinubukang palatuntunan, tumawid tayo sa paghiram/pagkumpiska sa mga salawikain at sampling ng bugtong, pati na modipikasyon ng ilang kanonikal na akda. Sa paraan ng alegorikong montage, sinubok ding ilapat ang minimalistikong metodo ng serye o reduksiyon, parikalang pagputol sa kanonisadong teksto, pagkopya ng dokumento ng isang biktima ng tortyur at pagsipi sa midya at diskursong antropologo (tungkol sa alegorikong pahiwatig, konsultahin si Buchloch.47
Mailap ang dating/resepsiyon sa neokolonya. Puna ng ilang guro na mahirap mabatid ang pinakabagong eksperimentasyon ng mga estudyanteng nasanay sa sukat at tugma nina Jose Corazon de Jesus, Ildefonso Santos, Baylen, Hernandez, Abadilla, Antonio, at iba pang putahe sa mga teksbuk. Ibig sabihin, nagumon sa tradisyonal at makalumang sining/panitik ang lasa’t ulirat ng kasalukuyang awdiyens sa paaralan, huwag nang idamay ang hain ng Anvil Publishing Co., at iba pang lathalaing pangkomersiyal. Sintomas ito ng malaking agwat sa pagitan ng libo-libong kabataang sanay sa Facebook, Twitter, Instagram, at mayoryang nakaabot lamang sa elementaryang 4th grade. Bantog tayo sa texting at malling sa buong mundo. Sanay na tayo sa blogging, remix, plagiarism, pagmudmod ng “fake news” ng rehimeng Duterte. Nasa gitna na tayo ng “postconceptual condition,” ayon kay Osborne kung saan ang kinabukasang virtual ay narito na sa aktwalisasyon ng karanasang umiigkas.48 Nahihimbing pa rin ang madlang kamalayan sa ilusyon ng malahimalang espiritu ng guniguni, ng malayang imahinasyon, ng biyaya ng mga anghel at dwende, ng kalikasang walang maliw .... Magdasal at magtiwala sa kapalaran, sa mapanuksong tadhanang magpapadala ng remitans mula Saudi, Abu Dhabi, Singapore, Hong Kong, Los Angeles. ... Subalit paano tayo makaaahon mula sa kumunoy ng gawi’t ugaling mala-piyudal at burgis, palasuko at taksil sa bayan?
Philippines Matrix Project (26 May 2015), <https://philcsc.wordpress.com/2015/o5/26/review-of-e- san-juans-ambil>.
46 E. San Juan, Wala (Manila: PUP Press, 2016), 47–51.
47 Benjamin Buchloch, “Allegorical Procedures: Appropriation and Montage in Contemporary Art,” in Art After Conceptual Art, ed. by A. Alberro and Sabeth Buchmann (Cambridge, Mass: MIT Press, 2006); Tony Godfrey, Conceptual Art.
48 Peter Osborne, The Postconceptual Condition (London: Verso, 2018).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page21image63886784page21image63886976page21image63887168page21image63887360page21image53305472
22 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Ano Ngayon ang Dapat Gawin?
Makitid at mababaw pa ang kabatiran sa proseso ng avantgardistang sining tulad ng matutunghayan sa saliksik nina Burger, Poggioli, Raymond Williams, Berger, atbp. Postmodernistang pakulo ang hilig ng mga intelektwal sa U.P., Ateneo, De La Salle University, at iba pang babaran. Dumulog tayo sandali sa forum ng Daluyan (Espesyal na Isyung Pampanitikan 2016) tungkol sa “Mga Proseso ng Paghagilap sa Bago at Eksperimental.” Hinagap nating makatagpo ng ilang manunulat na interesado sa konseptwalismong pagsubok sa gitna ng pagkarahuyo sa Internet, elektronikong midya, Visprint, naglipanang workshops. Nabigo kami, tila nasayang ang pagkakataong iyon.
Sari-saring lifestyle/fashion ang pinagkakaabalahan liban na sa krisis ng neokolonyang lipunan. Pinagtuunan ng pansin ang elektronikong midya at kontra-gahum na estilo. Hindi iniugnay ang praktika ng sining/panulat, at institusyon ng gobyerno, akademya, atbp., sa sitwasyon ng bansa (liban na sa nakahiligang pagsambit sa programa ng Kaliwa). Sumasalamin ito sa limitasyong nasulyapan sa praktika ni Goldsmith. Hinimay ni Roland Tolentino ang hanay ng mga sektaryang grupo o barkada (Rejectionists,Reaffirmists) ng mga ilang pribilehiyong nilalang sa daloy ng pakikibaka, pero walang diagnosis kung bakit nagkaganoon, at ano ang nararapat gawin upang makabuo ng kontra-hegemonyang mobilisasyon ngayon.
Naipayo nina Marx at Engels na ang kasaysayan ay “tendentious” bunga ng engkwentro ng sala-salabid na puwersa—katambal ng homo faberang homo ludens sa mga larong panglinggwistikang sinubaybayan ni Wittgenstein.49 Kaya kung realistikong reporma ang kailangan, hindi ito nangangahulugan na itatakwil o magbubulag-bulagan sa mga bumubukong pagsisikap bumalikwas sa kalakaran. Kailangan ng realismo ang propetikong bugso ng mapagpalayang sensibilidad. Napatunayan na sa diskursong historikal-materyalistiko ni Max Raphael50 na diyalektikal, hindi tuwiran, ang pagsulong ng kasaysayan at ang trajektorya ng mapanlikhang dunong ng tao. Bagamat sa analisis nina Marx at Engels hinggil sa “tipikal” na sitwasyon (isang kongkretong yunibersal, susog ni Georg Lukacs [1970]), hindi singkronisado ang katotohanang relatibo sa partikular na bagay at ang absolutong katotohanan na sumasaklaw sa malawak na bahagi ng
49 Morawski, Marx and Engels on Literature and Art, 46.
50 Max Raphael, Proudhon, Marx, Picasso (New Jersey: Humanities Press, 1980); naisakatuparan sa mga dula ni Bertolt Brecht.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page22image63887552page22image63887744page22image53279984
E. SAN JUAN 23
kasaysayan. Resulta nga ang sumablay na neoavantgardismo ni Goldsmith51at postmodernistang art-komoditi na inilalako sa Sotheby, Amazon.com, Bloomingdale, at Facebook.
Sa pangwakas, ang lokal na artikulasyon ng postkonseptwalistang proyekto, sa palagay ko, ay nabuhos sa masang pagkilos—demo laban sa kontraktwalisasyon, EJK, drug war, pagbomba sa Lumad, atbp.—maliban sa namumukod na akda ni Angelo Suárez, Philippine English.52 Gayunpaman, hindi masasagkaan ang daluyong ng transpormasyong lumalaganap, sa ekonomya, politika, kultura. Maaring walang katubusan sa ating panahon. Paurong ang ibang saray, pasulong ang iba—sa magulong prosesong umaandar, ang triyadikong elemento ng realidad, senyas/signifier, atinterpretant (signified) na bumubuo ng kahulugan sa komunikasyon (ayon sa semiotika ni Peirce53), ay muli’t muling magbabanyuhay at magdudulot ng panibagong pagkilala sa praktika ng sining katugma sa bagong sitwasyon ng buhay. Kasaysayan at kolektibong pagsisikap ng sambayanan ang magtatakda sa direksiyon ng kasalukuyang pakikipagsapalaran at destinasyon sa kinabukasan.
University of Connecticut, USA
References
Alberro, Alexander, “Reconsidering Conceptual Art, 1966–1977,” inConceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
Almario, Virgilio, ed., Hiyas ng Tulang Tagalog (Metro Manila: Aklat ng Bayan, 2015).
Balibar, Etienne and Pierre Macherey, “On Literature as an Ideological Form,” in Marxist Literary Theory, ed. by Terry Eagleton and Drew Milne (Oxford, UK: Blackwell, 1996).
Beckwith, Caleb, “Angelo Suárez’s ‘Philippine English’ and the Language of Conceptual Writing,” Jacket2 (5 February 2016), <http://jacket2.org/article/angelo-suarezs-philippine-english>.
Benjamin, Walter, “The Work of Art in the Age of Mechanical Reproduction,” in Illuminations (New York: Schocken Books, 2007).
51 Peter Weibel, “Re-presentation of the Repressed: The Political Revolution of the Neo- avant-garde,” Spheres of Action: Art and Politics, ed. by Eric Alliez and Peter Osborne (Cambridge, MA: MIT Press, 2013).
52 Caleb Beckwith, “Angelo Suárez’s ‘Philippine English’ and the Language of Conceptual Writing,” Jacket2 (5 February 2016), <http://jacket2.org/article/angelo-suarezs- philippine-english>.
53 T.L. Short, Peirce’s Theory of Signs (New York: Cambridge University Press, 2007).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page23image63833024page23image63833408page23image63833216page23image63833600page23image63833792page23image53254656
24 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Buchloch, Benjamin, “Conceptual Art 1962–1969: From the Aesthetic of Adminstration to the Critique of Institutions,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
__________, “Allegorical Procedures: Appropriation and Montage in Contemporary Art,” in Art After Conceptual Art, ed. by A. Alberro and Sabeth Buchmann (Cambridge, Mass: MIT Press, 2006).
Burger, Peter, “Theory of the Avant-garde and Critical Literary Science,” inContemporary Marxist Literary Criticism, ed. by Francis Mulhern. (London: Longman, 1992).
Collingwood, R.G., “The Expression of Emotion,” in The Problems of Aesthetics, ed. by Eliseo Vivas and Murray Krieger (New York: Holt, Rinehart and Winston, 1953).
Conrad, C.A., “Kenneth Goldsmith Says He Is an Outlaw,” Poetry Foundation(June 2015), <https://www.poetryfoundation.org/harriet/2015/06 /kenneth-goldsmith-says-he-is-an-outlaw>.
Corris, Michael, “Black and White Debates,” Corrected Slogans, ed. by Lucy Ives and Alexander Provan (Brooklyn: Triple Canopy, 2013).
Cruz, Isagani and Soledad Reyes, eds., 
Ang Ating Panitikan. (Manila:
Goodwill Trading Co., 1984).
Della Volpe, Galvano, “Theoretical Issues of a Marxist Poetics,” in 
Marxism
and Art, ed. by Berel Lang and Forrest Williams. New York: David
McKay, 1972).
Deviles, Gary, ed., 
Pasakalye. (Quezon City: Blue Books, 2014).
Dworkin, Craig, “The Fate of Echo,” in 
Against Expression, ed. by C. Dworkin
and Kenneth Goldsmith (Evanston, IL: Northwestern University
Press, 2011).
Flood, Alison, “US poet defends reading of Michael Brown autopsy report as

a poem,” in The Guardian (17 March 2015), https://www.theguardian.com/books/2015/mar/17/michael-brown- autopsy-report-poem-kenneth-goldsmith.
Flores, Patrick and Cecilia Sta. Maria de la Paz, Sining at Lipunan (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1997).
Godfrey, Tony, Conceptual Art (New York: Phaidon Press, 1998).
Goldsmith, Kenneth, “Why Conceptual Writing? Why Now?” in 
Against Expression: An Anthology of Conceptual Writing, ed. by Craig Dworkin and Kenneth Goldsmith (Evanston, IL: Northwestern University
Press, 2011).
__________, 2014, “Paragraphs on Conceptual Writing,” 
University of Buffalo
Webpage, <http://epc.buffalo.edu/authors/goldsmith /conceptual_paragraphs.html>.
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page24image63777472page24image63777280page24image63777088page24image63776320page24image63778432page24image53229168
E. SAN JUAN 25
Gramsci, Antonio, Selections from the Prison Notebooks (New York: International Publishers, 1971).
Harrison, Charles, Conceptual Art and Painting (Cambridge, MA: MIT Press, 2001).
Jameson, Fredric, Postmodernism, or The Cultural Logic of Late Capitalism(Durham: Duke University Press, 1991).
Kant, Immanuel, Analytic of the Beautiful, trans. by Walter Cerf (New York: The Bobbs-Merrill Co., 1969).
Kearney, Richard, The Wake of Imagination (Minneapolis: University of Minnesota Press, 1988).
Labayne, Ivan Emil, “Review of E. San Juan’s Ambil,” The Philippines Matrix Project (26 May 2015), <https://philcsc.wordpress.com/2015/o5/ 26/review-of-e-san-juans-ambil>.
Lewis, Clarence Irving, The Mind and the World-Order (New York: Dover, 1929).
LeWitt, Sol, “Paragraphs on Conceptual Art,” in Conceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
Lippard, Lucy and John Chandler, “The Dematerialization of Art,” inConceptual Art: A Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson (Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
Lumbera, Bienvenido, Joy Barrios, Rolando Tolentino, Rene Villanueva eds.,
Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo
(Quezon City: University of the Philippines Press, 2000). __________, Suri (Quezon City: University of the Philippines Press, 2017).
Morawski, Stefan, “Introduction,” Marx and Engels on Literature and Art (St. Louis, MO: Telos Press, 1973).
__________, Inquiries into the Fundamentals of Aesthetics (Cambridge, MA: MIT Press, 1974).
__________, “Historicism and the Philosophy of Art,” Praxis 4 (1978). Ono, Yoko, Grapefruit (New York: Simon & Schuster, 1999).
Osborne, Peter, 
Conceptual Art (New York: Phaidon Press, 2002).
__________, Anywhere or Not at All. New York: Verso, 2013).
__________, The Postconceptual Condition (London: Verso, 2018).
Peirce, Charles S., 
The Essential Writings (Amherts, NY: Prometheus Books,
1998).
Perloff, Marjorie, 
Poetics in a New Key: Interviews and Essays (Manila: De La
Salle University Publishing House, 2013).
Place, Vanessa and Robert Fitterman, 
Notes on Conceptualisms (New York:
Ugly Duckling Presse, 2013).
Ranciere, Jacques, 
The Politics of Aesthetics, trans. by Gabriel Rockhill (New
York: Continuum, 2004).
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page25image63888128page25image63888512page25image63888704page25image53247424
26 SINING-KONSEPTWAL, PANITIKANG POST-KONSEPTWAL
Raphael, Max, Proudhon, Marx, Picasso (New Jersey: Humanities Press, 1980). San Juan, E., Alay sa Paglikha ng Bukang-Liwayway (Quezon City: Ateneo
University Press, 2000).
__________, 
Ambil (Connecticut, USA: Philippines Cultural Studies Center,
2015).
__________, 
Himagsik: Pakikibaka Tungo sa Mapagpalayang Kultura (Manila: De
La Salle University Press, 2004).
__________, 
Kundiman sa Gitna ng Karimlan (Quezon City: University of the
Philippines, 2014).
__________, 
Lupang Hinirang, Lupang Tinubuan (Manila: De la Salle University
Publishing House, 2016).
__________, 
Sapagkat Iniibig Kita at Iba pang Bagong Tula (Quezon City:
University of the Philippines, 2004).
__________, 
Wala (Manila: PUP Press, 2016; Washington D.C.: Philippines
Studies Center, 2018).
Short, T. L., 
Peirce’s Theory of Signs (New York: Cambridge University Press,
2007).
Smithson, Robert, “Production for Production’s Sake,” in 
Conceptual Art: A
Critical Anthology, ed. by Alexander Alberro and Blake Stimson
(Cambridge, MA: MIT Press, 1999).
Thomson, George, 
The Human Essence: The Sources of Science and Art (London:
China Policy Study Group, 1974).
Weibel, Peter, “Re-presentation of the Repressed: The Political Revolution of

the Neo-avant-garde” in Spheres of Action: Art and Politics, ed. by Eric
Alliez and Peter Osborne (Cambridge, MA: MIT Press, 2013). Wilkinson, Alec, “Something Borrowed,” The New Yorker (7 October 2015),
<https://www.newyorker.com/magazine/2015/10/07/something-
borrowed-wilkinson>.
Zafra, Galileo, ed., 
Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan (Metro Manila:
Aklat ng Bayan, 2013).
page26image63889088page26image63889280
© 2019 Epifanio San Juan, Jr. https://www.kritike.org/journal/issue_24/sanjuan_june2019.pdf ISSN 1908-7330
page26image63889472page26image53314992

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...