Sunday, May 19, 2019

ANAK-BAYAN: LABANAN ANG DAYAAN AT DIKTADURA!


LABAN, KABATAAN! LABAN, BAYAN! 

LABANAN ANG DAYAAN AT 

DIKTADURA! ISULONG ANG TUNAY NA 

PAGBABAGO!


Matindi ang galit ng mamamayan, laluna sa hanay ng mga kabataan hinggil sa naging resulta ng halalan 2019. Inilalantad ng mga anomalya at iregularidad kung paanong minanipula at dinaya ng rehimen ang nagdaang halalan. Parang asong ulol na naglalaway si Duterte na makopo ang buong saray ng gubyerno, upang tiyakin ang pagpapatuloy ng kanyang neoliberal na mga programang pang-ekonomya, pasistang atake, at paglalatag ng pasistang diktadura sa buong bansa sa tabing ng bogus na pederalismo at charter change.

Ilan sa mga tampok na iregularidad na magpapatibay ng pagdududa sa resulta ng halalan:

1. Patuloy na pag-iral ng Batas Militar sa Mindanao na naglagay sa halos 12 milyong boto sa bulnerableng estado; deklarasyon ng humigit kumulang 54% ng mga munisipyo sa bansa bilang Comelec hotspots, kabilang ang mga syudad sa pambansang sentrong rehiyon, na ginamit upang bigyang katwiran ang deployment at pagpasok ng ilang batalyon ng mga pulis at militar sa mga komunidad kapwa sa rural at urban. Pagtao ng mga sundalo sa mga presinto sa maraming probinsya ng Mindanao.

2. Electioneering ng matataas na opisyal pulis at militar gaya nila Albayalde, Ano, Parlade, Lorenzana, Panelo, at iba pa, na kinatatangian ng red-tagging sa mga progresibong kandidato sa ilalim ng makabayan. Isa sa mga tampok na pangyayari ang pamamahagi ng mga police units sa mga presinto sa mismong araw ng eleksyon, ng opisyal na newsletter ng PNP na lantarang iniuugnay ang Kabataan Partylist, si Neri, at iba pa sa Koalisyong Makabayan sa CPP-NPA.

3. Malfunctioning ng nasa 1,000 VCMs na siyang bumabasa at nagta-transmit ng boto patungo sa mga servers. Kung nasa 600-800 na botante sa bawat VCM (karaniwang 1,000 ang maximum capacity pero karaniwang hindi umaabot sa ganitong bilang), 600,000 - 800,000 o higit pa ang boto na bulnerable sa nangyaring iregularidad. Ang bilang na ito ay sapat para mamanipula ang resulta ng eleksyon sa pagka-senador at mga partylist.

4. Maraming kaso na iba ang botong lumalabas sa mga resibo kumpara sa aktwal na ibinoto, at pre-shading ng mga balota sa Lanao na nag-viral sa social media nitong nakaraang araw.

5. Paglabas ng mga pekeng sarbey ng Pulse Asia at SWS ilang mga linggo at araw bago ang mismong araw ng halalan upang ikondisyon ang isipan ng mamamayan sa magaganap na malawakang dayaan.

Malakas ang suporta ng mamamayan at tunay na nanalo ang mga kandidato ng oposisyon kaya tanging pandaraya lamang ang aasahan ng rehimen upang garapalang ipasok ang mayorya ng mga kandidato ng administrasyon sa "Magic 12". Upang pagtakpan ito, pinalalaganap at sinusuhayan ng rehimeng Duterte ang kaisipang "bobo" ang mga Pilipino, upang palabasing talagang ibinoto ng ng milyun-milyong mga botante ang kanyang mga manok na kilalang convicted plunderers, utak ng pamamaslang, at panatikong mga tagasunod at tagahimod ng puwet ng kanyang rehimen.

Kapansin-pansin ang drastikong pagbaba ng boto ng mga makabayang partylists kumpara sa nakaraang mga halalan, habang kataka-taka at 'di kapani-paniwala ang botong nakuha ng mga senador na sinusuportahan nito, at mga partylists na pinatatakbo at pinopondohan at mayayamang pamilya kagaya ng Duterte Youth.

Pinasungalingan ng libu-libong mga protesta sa iba' t ibang bahagi ng bansa pagkatapos ng eleksyon ang kathang-isip ng gubyerno na ang pagkatalo ng mga progresibo ay signo di-umano na insignipikante na ang oposisyon.

Sa harap ng malawakang dayaan, at lantarang pambabalasubas ng rehimen sa karapatan at kapakanan ng mamamayan, nakaangkla ang kagyat nating mga tungkuling kumilos nang marami sa mga darating na protesta at pagaaral:

No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...