Sunday, April 29, 2018

TRANSKRIPSYON / TRANSCRIPTION (Filipino, with English translation) by E. San Juan, Jr.


TRANSKRIPSYON NG ILANG BYTES NG KOMPYUTER NG NASA, WASHINGTON, DC,USA


---"Everyone in the planet is under total surveillance today." --Edward Snowden

--"Nothing is meaningless...."  --Sissi, sa pelikulang The Princess & the Warrior

Gising ka na ba?  Anong gumagapang na hayop sa silong? Bakit makulimlim?  Naramdaman mo ba?  Masakit ba? O nakakikiliti?  Malambot ba? O matigas? May kumakatok ba? Nariyan na ba sila? Bakit may agunyas sa bukang-liwayway?  Gusto mo ba?  Ayaw mo? Barado ba ang tubo ng kubeta?  Inaalimpungatan ka ba?  Anong ginagawa ko rito?  Nabasa mo ba si Kierkegaard?  Malapit ba o malayo?  Biro ba lang? Makibaka ba, huwag matakot? Nilabasan ka ba?  Kailan tayo tutugpa?  Sino iyang nakamaskara?  Peks man? Sino ang nagsuplong?  Swak na swak ba?  Dapat ba nating dalhin ang kargada?  Mabigat ba o magaan?
Sino si Yolanda?  Liku-liko ba ang landas ng mahabang martsa?  Bakit kasing-pait ng apdo?  Doon ka ba nakatira?  Anong kulisap ang katulad ko? May kurakot ba sa mga pulong inaangkin?  Sino'ng nagtatanong? Nasaan ang I-pad mo? Sino ka ba sa kanila?  Iyon ba ang burol o lambak?  Nakarating na ba tayo? Bakit mababa ang lipad ng kalapati?  May kilala ka ba sa Abu Sayyaf?   Nasaan ang hanggahan ng bughaw at luntian?  May umutot ba?  Paano ang hapunan?  Iyon ba ang pulang sagisag? Papasok na tayo o lalabas? Magkano ba ang suhol?  Puwede ka bang sumagot?  Pinupulikat ka ba? Anong ibig mong sabihin?  Bakit nag-alapaap ang salamin? May naamoy ka ba? Paano tayo makatatakas?  Bakit bumaligtad? Na-etsa puwera ba sila?  Ano ang kahulugan nito? Masaklap ba ang nangyari?   Nasaan na ba tayo? May serpyenteng nagpugad sa dibdib mo? Bakit tumitibok ang bukong-bukong?  Anong ginagawa ko rito?  Malinaw ba ang kahulugan ng babala?  Kinakalawang ba ang tulay na bakal sa Camp Bagong Diwa? Ano ang talaangkanan ng diskurso?  Sino ang humihiyaw ng "saklolo"?  May apoy ba sa butas ng karayom?  Susi, anong susi?  Bakit nagkanulo? Naipit ba ang bayag mo paglundag? Bumubulong ka ba?  Ano ang kulay ng sinegwalas?  Ano ang katuturan? Bakit nakunan kundi buntis? Mainit ba o malamig? Paano bubuksan ito? May napinsala ba?  Bawat bagay ba ay kailangan? Puwede na ba tayong umuwi? May hinala ba sa nagpatiwakal? Kilala mo ba si Ludwig Feuerbach? Bakit walang asin ang sinigang?  Paano tayo makalulusot?  Bumulong ka ba?  Kung hindi ngayon, kailan pa? Nasa loob daw ang kaharian? Magaspang ba? Bakit may apog sa kalingkingan? Bingi ba ako? Mangyayari kaya ito?  Kung magunaw ang mundo, mapapawi ba ang utang natin?  Sindak ka ba? Hanggang saan mo malulunok ito? Bakit tayo narito? Mas gusto mo ba ng sopas o salada?  Tanga ba ako? Bangungot ba ito o panaginip? Bakit mahapdi ang lalamunan ko? Malamig ba ang hipo ni Lazaro?  Bakit tapos na?  Inis at yamot ka ba? Bakit may nangangaluluwa? Nais mong dumalaw sa bunganga ng sepulkro? Magkano ba? Pag-ibig ba raw ang makalulutas ng lahat? Niloloko ba tayo? Akin na ang sukli?  Bawal bang mag-alis ng kulangot?  Bakit buhay-alamang? Puwede bang umihi rito?  Bakit walang pinto o bintana? Malikmata ba ito? Bakit wala kang imik?


TRANSCRIPTION OF SELECTED  BYTES FROM A NASA COMPUTER IN WASHINGTON, DC

Translated from the original Filipino by E. San Juan, Jr.


Are you awake? What animal creeps under the floor? Why is it darkening? Did you feel it? Was it painful? Or ticklish? Soft? Or hard? Is someone knocking? Are they here? Why are bells tolling for the dead this morning? Do you like it? You don't? Are the toilet pipes choked? Are you drowsy? What am I doing here? Have you read Kierkegaard? Is it far or near? Only a joke? Struggle, don't be afraid? Did you come out? When are we departing? Who is that wearing a mask? Really? Who snitched?  Just awesome? Should we carry our luggage? Light or heavy? Who is Yolanda? Is the path of the long march crooked? Why is it bitter as bile? Are you living there? What insect resembles me? Is there any loot in the islands we are claiming? Who is asking? Where's your i-Pad? Who are you among them? Is that the hill or valley? Have we arrived?  Why are the doves flying low? Do you know anyone with the Abu Sayyaf? Where is the boundary between blue and green? Who farted? How about supper? Is that the red symbol? Are we entering or exiting? How much is the bribe? Can you respond? Are we having cramps? What do you mean? Why did the mirror get foggy? Do you smell anything? How can we escape? Why did it turn topsy-turvy? Were they ostracized? What's the significance of this? Are you chagrined by what happened? Where are we now? Is there a serpent nursing in your breast? Why is there throbbing in my ankle? What am I doing here? Is the import of the warning clear? Is the steel bridge to Camp Bagong Diwa rusting? What is the genealogy of discourse? Who is crying for help? Is there fire in the eye of the needle? Key, what key? Who betrayed? Were your testicles crushed by your leap? Are you whispering? What is the color of sinegwelas? What is valuable? Why miscarriage when there was no pregnancy? Cold or hot? How do we open this? Was there any damage? Is every object necessary? Can we go home now? Was there a suspect among the suicides? Do you know Ludwig Feuerbach? Why is there no salt in the broth? How can we squeeze through? Did you murmur? If not now, when? They say the kingdom is within? Is it rough? Why is there lime between the toes? Am I deaf? Will this possibly happen? If the world perishes, will our debts be wiped out? Are you terrified? How far can you swallow this? Why are we here? Do you like soup or salad better? Is this dream or nightmare? Why is my throat painful? Was Lazaro's touch chilly? Why is it over now? Are you irked or angry? Why is there grieving? You want to visit the mouth of the sepulcher? How much? They say love will solve everything? Are we being fooled? Can I have the change? Is it forbidden to pluck dried snot from my nose? Can I pee here? Why is there no door or window? Is this a sleight of hand? Why are you mute?--###

Friday, April 27, 2018

2018 Introduction to U.S.T. reprint of SUBVERSIONS OF DESIRE: PROLEGOMENA TO NICK JOAQUIN by E. San Juan, Jr.

FOREWORD  [to the 2018 / SUBVERSIONS OF DESIRE] by E San Juan, Jr.


With the 2017 launching of The Woman Who Had Two Navels and Tales of the Tropical Gothic as a Penguin Classic, Nick Joaquin's status as a transnational writer, a planetary artist, was finally confirmed. Before Joaquin died in 2004, the University of Santo Tomas (UST) honored him with the establishment of the Esquinita de Quijano de Manila--his nom de plume as a journalist--at its Miguel de Benavidez Library Humanities Section (The Varsitarian, 3 February 2008). After earning his associate of arts degree at UST, Joaquin was awarded a scholarship  at the St. Albert College in Hong Kong in 1947. He left in 1950 to pursue a life in letters for which he received the National Artist title in 1976 and the Ramon Magsaysay Award for Literature, Journalism and Creative Communication in 1996.

The Dominican Order awarded Joaquin a scholarship for his essay on the celebration of Our Lady of the Rosary/La Naval, the patron saint of the "Ever Loyal and Noble City of Manila." The nation's colonial capital Manila, a city born from Western-Eastern confrontations, figures as the chief protagonist in his fiction and poetry,  in "The Portrait of the Artist as Filipino" as well as in Cave and Shadows and in Almanac for Manilenos. Joaquin's brief sojourn in Hong Kong as a seminarian may have inspired Joaquin to write his magisterial novel, The Woman Who Had Two Navels. Its setting in that cosmopolitan arena of two warring cultures (Hong Kong), where the Aguinaldo revolutionary junta spent time in between battles, evokes the dilemma, the duplicitous or ambiguous identity of the Filipino nation.   

This problematic identity of the Filipino is Joaquin's obsessive theme in all his works. We have been subjected to over 400 years of colonial subalternization, first by Spain and then by the United States of America. The scars of this traumatic experience, its flagrant symptoms, may be diagnosed in the consumerized and commodified mores of our urban compatriots. Joaquin is one of our most acute critics of this predicament. But despite his acclaim as our most distinguished writer in English, Joaquin is scarcely read by 103 million citizens, now spread as a proletarian diaspora around the world. It is quite unikely that cohorts of the 12 million OFWs (Overseas Filipino Workers) would have read his fiction or poetry. However, the recent operatic version of "Portrait" as "Larawan" may have exposed thousands to his critique of the bifurcated soul of the nation and its protracted crisis.

        UST has been one of the foremost instigators of our nationalist revival by holding regular symposiums on Nick Joaquin's achievement. With the reprinting of this book, first published in 1987 by Ateneo de Manila University Press, which remains hitherto the only book-length scholarly study of the major works, UST continues its patronage of the arts. The first chapter of this book, entitled "Celebrating the Virgin and Her City," signals its primary motivation: to reinscribe Joaquin's texts in the field of sociopoitical contradictions defining our nation since the Filipino-American War (1899-1913) and its fraught aftermath. 

This book's  historical context of composition should not be forgotten. It was framed within the height of the Civil Rights and anti-Vietnam War struggles in 1966-72 and the Central American solidarity movement in the seventies and eighties in the imperial metropole. Of crucial importance is the beginning of the exuberant Women’s Liberation Movement in Europe, North America, and around the world.  Composed during the years of the Marcos dictatorship (1972-1986), and in argument with the post-structuralist, deconstructive trend in hermeneutics and philosophical theorizing in Europe and the United States, this book stages the agonized questioning of a version of Hegel's "Unhappy Consciousness" as it participates in the dialogue with national-democratic critics of Joaquin's works. It is also a product of the author's education in formalist criticism and historical-materialist polemics. In line with the dialectical method of metacommentary, this book attempts to excavate the submerged but irrepressible utopian impulses in the texts (see author's remarks on its launching, "The critic as parasite/host,"  (Midweek, 24 August 1988). 

       Thirty years have passed since then, with all the victories and defeats of the mass mobilization for popular democracy and true independence.

       A massive corpus of reportage and commissioned books by Joaquin remains to be studied, interpreted, and evaluated. This is the challenge for the rising generation of Filipino scholars. What their collective judgment of this book may be, together with its uncalculated effects, will depend on the outcome of the current democratic struggles and not on any single individual critic. Of course, we cannot forget the warning that any cultural document is always two-navelled, fusing barbarism and civilization together. 

Finally, as the "Preface" endeavored to suggest to the prospective readers, "'Joaquin' then may be conceived as the sign of multiple contradictions outside/inside the texts. Let Joaquin speak to/for the masses." Let us all begin a slow painstaking reading of Joaquin's project of fashioning the emergent conscience of the nation while appreciating their integritas, consonantia, and claritas--qualities that St. Thomas Aquinas deemed essential for all art-works.

      For making this reprint possible, I want to thank in particular Rev. Fr. Jesus M. Miranda, O.P., PhD,  Secretary General, and Michael Anthony Vasco, PhD, Dean, College of Arts and Letters, University of Santo Tomas; and for her visionary initiative, Prof. Maria Luisa Torres-Reyes, editor of UNITAS.##



Monday, April 23, 2018

PAMBUNGAD SA BAGONG LIBRO NG MGA TULA, BAKAS ALINGAWNGAW (2018)


PAMBUNGAD NA SALITA sa librong BAKAS  ALINGAWNGAW
ni E. San Juan, Jr.

Mukhang isang parikala ang bumungad sa gitna ng rumaragasang agos ng kasaysayan—mantakin natin, mga kasama-- upang matuklasan lamang na bumuntot lamang tayo sa daloy ng mga pangyayari. Kaunting pasensiya. Panahon ang nagbibigay-kahulugan sa lugar, sa bigat at lawak  ng distansiya. 

Naisaad nga ni Hegel na lumilipad lamang ang kuwago ni Minerba paglatag ng dapithapon. Tila bumabangon ang malay at diwa sa paglambong ng takipsilim, na siya namang ating uunawain na sagisag ng darating na bukang-liwayway. Umiinog ang panahon, umaandar ang makina ng kasaysayan at buhay ng lipunan. Balik-tanawin natin ang ilang muhon sa ating paglalakbay.

Naratibo ng Naglagalag

Iyan tila ang pahiwatig ng makatang nais subaybayan ang mga bakas ng manlalakbay. Sa pagtuntun sa baybayin, nais hulihin ang alingawngaw ng mga tumatawid sa ilog at parang. Matagal na rin tayong sumabak sa pakikihamok, sa gunita noon pang lumundo ang huling hati ng siglong lumipas. 
Naitipon sa antolohiyang Alay sa Paglikha ng Bukang-liwayway (limbag din ng Ateneo U Press) ang mga unang pagsubok sa pagbuo ng makabagong ars poetica ng wikang Filipino—anti-poetika, sa ultimong mithiin ng pakikipagsapalaran.  Tinangka roon sa unang paglaot ng abenturero na itakwil ang nakaugaliang pagbibilang ng pantig at paghahanay ng tugma na hiram sa kulturang Kanluran (Espanya). 

Tinaguriang “Balagtasismo” ang doktrinang iginiit nina Lope K. Santos, Inigo Ed Regalado, Julian Cruz Balmaseda, atbp. (Zafra). Nagbunga iyon ng kulinaryong putahe (tulad ng “Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos at mga kontemporaneong salamangkero ng salita (Devilles 122-23). Nagsilbi iyon bilang mga instrumento ng ideolohiyang piyudal at burgis na dapat itakwil upang mapalaya ang dinustang sambayanan. Subalit nag-uumpisa pa lamang ang pag-aalsa. Patuloy pa rin ang pagyari ng magayumang likhang-sining, komoditing makamandag na kinagigiliwan ng madlang konsumerista, marikit na produktong sandata ng mapaniil at mapagsamantalang hegemonyang imperyalismo na umiiral sa buong daigdig. 

Sa kontekstong ito, mungkahi ng kritikong Bienvenido Lumbera na dapat kilatisin ang “dating” ng likhang-sining upang matimbang ang galing nito na hugot sa katutubong kalinangan. Ngunit depende ito sa bawat okasyon. Tanggap natin na di lahat ng katutubo ay makapagsusulong sa rebolusyonaryong pagbabago. Madalas sagabal iyon sa makabayang proyekto. Humahantong ang ibang subersyon sa pagpapatiwakal, naisusog ni Sartre. Bakit kakatwa o paradoksikal ang bisa ng mga matandang pamantayan at alituntuning tinuligsa nina Alejandro Abadilla at Amado Hernandez, at mga kabataang humalili? Bakit tumutulong iyon sa pagpapalakas at pagpapatindi ng kolonisadong ugali, lasa, hilig at paniniwala na litaw sa mga gawain ng premyadong artista at pribilehiyadong intelektwal ng rehimeng neokolonyal? 

Mahihinuhang ito’y matinik at masalimuot na sulirarnin. Sinikap ko itong ipaliwanag sa ilang sanaysay ko sa Lupang HInirang Lupang Tinubuan at sa introduksiyon ko sa kalipunan ng mga tula ko, Kundiman sa Gitna ng Karimlan. Naibalangkas din ang dalumat sa krisis sa matalinghagang himatong ng diskurso sa huling aklat ko, Ambil

Bawat awtoridad ay tusong gumagamit ng dahas at rahuyo, amuki at dagok.  Sa paglalagom, maitatampok ko muli ang sagot ko sa problema ng ironikong kahulugan ng karaniwang danas. Sanhi sa di-singkronisadong paglalangkap ng samotsaring tendensiya sa sining/kultura sa produksiyong panlipunan, dapat himayin ang mga sangkap at salik ng minananag kultura at iangkop iyon sa maselang pangangailangan ng mssang nakikitunggali upang ibagsak ang malupit at walang katarungang orden. 

Perspektiba ang Mga Isinumpa

Sa historiko-materyalismong pananaw nina Marx at Engels, lahat ng sining ay dapat timbangin ayon sa kontribusyon nito sa  liberasyon ng sangkatauhan mula sa kapangyarihan ng kalikasan at nesesidad ng makauring lipunan. Hindi ito madali, sadyang mabusising pagsusuri’t mapanganib na pagpapasiya. Sa humanistikong sukatang ito, matatarok nga na (sa parirala ni Walter Benjamin) bawat tagumpay ng kabihasnan ay dokumento rin ng barbarismong kasanib doon. Mabuting tandaan na pansamantala lamang ang pagsasanib, permanente ang salungatan at oposisyon ng mga puwersang nagkatagpo sa isang yugto ng kasaysayan.

Simula pa sa paglago ng burgesyang kaayusang global na sinaksihan ng kolonisasyon ng mga bayan sa Aprika, Asya at Latino Amerika noong siglo 1600, mabalasik na ang labanan ng mga uri sa lipunan. Di kalaunan, naghari na ang komodipikasyon at reipikasyon sa modernong daigdig (Jameson). Lukob ng tubo/profit at ideolohiya ng rasismo’t patriyarkal na pagmamalabis ang karanasan ng mga taumbayan. Sa kasalukuyang daloy ng kasaysayan, mamamalas ang malubhang krisis ng kapitalismong neoliberal na inuugitan ng digmaan laban sa “terorismo” o extremismo, na ginagabayan ng mga liderato sa U.S., Europa, Rusya, Hapon, Tsina, atbp. 

Mapapansin na matindi ang eksplotasyon ng damdamin, isip, wika, kilos, pangarap, gana ng seksuwalidad, budhi, sa lahat ng lupalop sa kasalukuyang kalakaran. Walang ligtas sa sakit ng akumulasyon ng kapital  kaakibat ng barbarismong pamiminsala. Walang bahagi ng buhay na tiwalag sa kapangyarihan ng komodipikasyon. Paano tayo makaiiwas sa tadhanang ito, isang mapanlasong salot na lumalansag sa kaluluwa, budhi, damdamin ugali, at saloobin ng sangkatauhan?

Laro  ng Kontradiksiyon

Sa pagkakataong ito, maisusog rito ang suliranin hinggil sa responsibilidad ng awtor o manlilikha sa lipunan. Mahalaga ang tugon ng Philippine Writers League, nina Salvador Lopez at Arturo Rotor noong  dekada 1930, at ang impluwensiya nila sa proyekto ng PAKSA at PANULAT noong dekada 1970 at 1980. Dapat isaulo’t isadibdib ang adhika’t prinsipyo ng mga taga-hawan ng landas, na siyang pumapatnubay sa exksperimentasyong konseptuwal ng mga katha rito. Nakasalig ito sa kontradiksyong nagpapatakbo sa lahat ng lipunan, ang hidwaan o oposisyon ng  konsepto/ideya at inimbentong representasyon. 

Ipinahihiwatig dito ang antitesis ng diwang unibersal (Geist, puwersang espiritwal, sa bansag ni Hegel) at lakas ng negasyon ng kamalayang-sarili na nagtitiyak sa kongkretong aktibidad ng bawat nilalang. Nakasalalay dito ang dinamikong diyalektika ng proseso ng produksiyong sumisira sa lumang ugnayang sosyal. Sinasalamin ito sa di-magkatugmang konsepto ng imahinasyon (ang malikhaing diwa)  at laging nabalahong pagsasalin nito sa nadaramang imahen o simbolo, batis ng postkonseptuwalistang estetikang gumagabay sa librong ito.

Ating pag-aralan ang katumbalikang ito. Ungkatin natin ang isang halimbawa: ang materyalismong likas sa primitibong lipunan ng Ionya, Gresya, na sinaliksik at dinukal ng mga pilosopong kinatawan ng aristokratikong mangangalakal Samantala, ang mga pesante’t alipin na dinuhagi’t sinikil sa minahan ng mga panginoon ay sumampalataya sa mga hiwaga’t pamahiin ng misteryong ritwal ni Orpheus. Ito’y katibayan na sa gitna ng alyenasyon, maigting ang utopikong hangarin ng inaaping mayorya na matamo’t maranasan ang kaluwalhatiang hindi malasap sa ordinaryong kabuhayan (Klingender; Thomson). Maipagtitibay ang argumentong nailahad kung idaragdag ang masinsing analisis ni John Berger hinggil sa kumplikadong karera ni Pablo Picasso.

Sa gitna ng paghihikahos at pagkarawal, masagana pa rin sa inaasahang kinabukasan ang kolektibong hinagap at panagimpan (Bloch). Nakapanghimasok sa sensibilidad ang kontradiksiyong teoretikal ng dalumat/kapaligiran, diwa/maramdaming danas, na siyang nag-uudyok sa pagsulong ng lipunan upang humanap ng resolusyon sa iba’t ibang paraan, ayon sa kakayanan at kamulatan ng mga protagonistang gumaganap sa dulang ito. Ito ang lohika ng pagdulog sa makatwirang guniguni.

Estratehiya at Taktika ng Pagkilala

Sandaling talakayin ang ilang paraan ng konseptwalistang pagkilos. Ang pangitaing mapanghimagsik ay magkasabay na realistiko’t mapangarapin. Ito’y lapit at sagot sa mapanghamong kontradiksiyon ng neokolonyang buhay sa bayan natin, nakasadlak sa mabangis na paninibasib ng korporasyong dayuhan at nakalugmok sa pambubusabos ng mga oligarko’t burokratikong upisyal ng rehimeng gumiigipit sa nakararaming manggagawa, kababaihan, pesante, Lumad, at panggitnang saray ng lipunan. Sangkot dito ang politika at estetika ng pagsasanay sa  praktika ng kasarinlan. 

Sinisikap ng mga akda rito, sa iba’t ibang hugis, estilo, himig at ayos ng retorika, na bigyan ng artikulasyon ang alternatibong hibo ng pag-asa kaagapay ng satirikong paglalarawan sa tiwaling status quo.  
Sa usaping pag-uugnay ng katangiang pagka-realistiko’t pagka-popular, untagin natin ang mungkahi ni Bertolt Brecht na dapat ikawing ang akda sa pinakasulong na grupo ng sambayanang bukas sa pagtataas ng kamalayan. Hindi angkin ng popularidad ang katangiang progresibo. Hinggil naman sa paksa ng realistikong paglinang sa karanasan, kalakip ito sa masinop na pagbubunyag sa dinamikong estruktura ng lipunan kung saan ipinababatid ng akda ang lohika ng kadahilanan ng mga nangyayari upang maisiwalat ang katotohanang nakaluklok sa pusod ng kabulaanan at pagkukunwari sa sistemang kapitalista/imperyalista. 

      Layon ng awtor na ibunyag ang ilusyon ng sining, ang limitasyon ng panitik sa wari ng diwang nagtatakda ng katalagahan. Ang pagtatambal ng imahen ng kaputol o kabiyak mula sa iba’t ibang sulok ng tradisyon, memorya. pagmumuni, panagimpan, hinuha, hula, atbp. sa isang montage ay metodo ng konseptuwalistang sining na nais gumagap sa kilusang diyalektikal ng kasaysayan (Osborne). Kung ito’y maiging naisakatuparan o hindi, sa pihikang tumatangkilik ang ultimong paghatol. Sukat na ang ihain ang mga pira-pirasong bunga ng gawaing mapanuri’t mapanlikha sa mambabasang taglay ang pagmamalasakit sa kaligtasan at pagpapalaya sa inaaping komunidad.
Pahatid Mula sa Gubat

Sa kabuuan, ang talinghaga ng pagbabago ang layon ng makata, ang metamorposis na ibinunga ng paghiwatig ni Saul ng Tarsus na “ang mundong nadarama natin ay unti-unting pumapanaw…” (Virilio). Nais ditong itanghal ang paghulagpos, ang pag-igpaw ng kamalayan mula sa pagkabihag sa datos, factoid, pasumalang bagay-bagay na ipinataw ng kapalaran. Bawat sandali, bawat iglap ngayon, maaaring sumingit at lumagos ang pinakasasabikang interbensiyon ng “Mesiyas”—walang iba kundi ang masang naghihimagsik. 

Kumbaga sa apokaliptikong katuparan, ating pagliripin: Sinong makahuhula, sinong maghihinala na isang himalang sekular ang makasasagip sa atin? Gayumpaman, lahat ng pagsisikhay mapalitan ang sitwasyong walang katwiran, walang hustisya, walang kabutihan, ay maituturing na bakas at alingawngaw ng pagsasapraktika ng gana, dunong at dalubhasang galing ng sambayanan. Napapanahon na, sa pagitan ng balak sa isip at katuparan sa realidad, damayan natin at ipagbunyi ang paglunsad ng proyektong taglay ang tatak ng Mesiyas—gawaing bumabaligtad, kumokontra, bumibitiw, humihiwalay--upang yumari ng bagong makatarungang estruktura ng pamumuhay. Sa wakas, mahal na mga kolaboreytor sa panukalang ito, ating malugod na batiin at masayang ipagdiwang ang pagbabanyuhay na ito, maluwalhating balita ng pagdating ng pinakaaasam-asam na kaganapan at katubusan.  Sa dapit-hapong sumasalubong sa umagang unti-unting bumabangon, ating paigtingin at pasiglahin ang pakikibaka ng sambayanan tungo sa tagumpay ng pambansang demokrasya’t makataong kasarinlan.
\
SANGGUNIAN

Benjamin, Walter.  Illuminations.  New York: Schocken Books, 1969.
Berger, John.  The Success and Failure of Picasso.  New York: Pantheon Books, 1980.
Bloch, Ernst. “Marxism and Poetry.”  Nasa sa Marxist Literary Theory, pat., Terry Eagleton & Drew Milne.    Oxford, UK: Blackwell, 1996.
Brecht, Bertolt. Brecht on Theatre. Salin ni John Willett. New York: Hill and Wang, 1964.
Devilles, Gary, pat.  Pasakalye: Isang Paglalayag sa Kasaysayan ng Panitikan Filipino,  Quezon City: Blue Books, 2017.
Jameson, Fredric.  The Jameson Reader.  Oxford, UK: Blackwell, 2000.
Klingender, F. D.  Marxism and Modern Art.  London: Lawrence and Wishart, 1943.
Lumbera, Bienvenido.  Suri.  Quezon City: University of the Philippines Press, 2017.
Osborne, Peter.  Anywhere or Not at All: Philosophy of Contemporary Art.  New York: Verso.
San Juan, E.  Ambil.  Washington DC: Center for Philippine Studies, 2015.
---.  Alay sa Paglikha ng Bukang-liwayway.  Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2000.
-----.  Kundiman sa Gitna ng Karimlan.  Quezon City: University of the Philippines Press, 2014,
----.  Lupang Hinirang, Lupang Tinubuan.  Manila: De La Salle University Publishing House, 2016.
Sartre, Jean-Paul.  Between Existentialism and Marxism.  New York: William Morrow, 1974.
Thomson, George.  “After Aeschylus.”  Nasa sa Marxism and Art. Pat. Berel Lang & Forrest Williams.  New York: David McKay Co., 1972.
Virilio, Paul. The Aesthetics of Disappearance.  New York: 
Zafra, Galileo, pat.  Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan (MetroManila: Aklat ng Bayan, 2013).




APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...