Saturday, December 01, 2012

METAMORPOSIS

METAMORPOSIS




Kahapon, sa "Last Will and Testament" ng yumaong awtor Benjamin Appel,     nakasulat ang habiling "Huwag gumastos sa punerarya, sunugin ang labi at
       itapon sa gubat o dagat."  Simple lang.

Samantalang nagbabala na ang rehimeng Aquino ng CyberCrime Law
Bukod sa nakasusukang krimeng hagupit sa bayan: 114 biktima ng Extrajudicial     killings, 127     ng bigong pagpatay, 70 ng tortyur, at 12 ng sapilitang pagkawala     (dokumentado ng KARAPATAN).

Nakahalang ang mga kalansay at duguang bakas ng biktima sa tarangkahan ng     Malakanyang.

Wala pa akong nilagdaang "Huling Habilin" ngunit taas-kilay na
        ang pagmamatyag sa bumubulwak na putik sa angkla bago ilaglag ang             layag....

Naudlot ang pangakong ipadadala ko ang protesta sa pagkapiit nina Alan Jazmines     at iba pang bilanggong pulitikal...

Napaliban ang pag-uwi namin mula sa Ransom Center kung saan nakalagak ang
        mga papeles ni Benjamin Appel, awtor ng "Manila Diary" at "Fortress in the         Rice" at istoryador sa grupo ni Paul McNutt sa bisperas ng pagsasarili ng     bansa noong Hulyo 4, 1946.

Nabagabag si Appel sa isyu ng kolaborasyon at sa nakaririmarim
    ng sitwasyon ng nakararaming mamamayan pagkatapos ng WWII.

Samantala ang teroristang banta ng Estado kina Ericson Acosta at mga magulang
           at di-matingkalang balakid sa gulong ng hustisya--di ito eksena sa Bourne     Legacy o sa anupamang pelikulang opyo ng masa, ang relihiyon ng palengke,         bangko, pulitika, negosyo--

Siyanga, ipagpaliban na ang punerarya.... Aasikasuhin pa natin ang hinihingi ng         hustisya.

Matindi ang hiyaw ng mga pamilya ng biktima, nagpupuyos, naghahanda
    ng titis at uling para sa malaking sunog
         na siyang liligpit sa labi ng bulok na sistema.



--E. SAN JUAN, Jr.



No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...