DULOG KAY KASSANDRA:
PAGBUBULAY-BULAY HINGGIL SA SULIRANIN NG KADAHUPAN NG WIKA
Matagal mo ring hinimay sa magdamag ng Oktubre 31, 2012, Halloween,
Kung ano ang saysay ng liku-likong kasaysayang nagwawakas....
Buto'y maagnas, katawa'y mabubulok--anong bisa ng dasal o dalangin?
Bukas makalawa, di na mabasa ang kalahig ng manok sa lapida.
Sa gabi ng pagninilay, nalula si Pascal sa walang hangganang himapapawid.
Nagulumihanan, napaluhod sa lawak ng kawalan at sumulat:
"Ligaya, Diyos ko!...Di ko malilimot ang iyong Salita." Petsa 1654.
Nakatingala, pilit kong inaaninaw kung ano ang mensahe ng bituin sa ulap.
Nais kong malaman kung ano ang ipinahahatid ng buntot ng buntala.
Hangad kong makapa ang salitang ipinaaabot ng mapagbirong Lumikha.
Ngunit paano baybayin ng dukhang kataga ang himalang nasumpungan?
Masukal, masalimuot ang kahulugang binalangkas sa bituka ng hayup.
Kassandra, saklolo! Di ko masapol ang pahiwatig, di ko masubukan.
Mapurol ang dila, ngiwi, duling, di ko matarok ang mahiwagang panganoring
kumarinyo kay Pascal.
Sukat ng taludtod ay palpak, indayog ng saknong ay lumpo't pumapalya.
Tila narinig ni Pascal ang malamyos na tinig ng walang hanggang katahimikan;
Nahinuha niya, kahit sumala sa letra, ang pahiwatig at kalatas ng panginoong mapanlinlang
At sinikap ibahagi ang senyal ng Maykapal na walang mukha o katawan--
Karanasang binibigkas ng pipi, sinisipat ng bulag, at ikinakatwiran ng baliw--
Kassandra, ipag-adya mo kaming mga walang suwerteng mambebersong
Walang sisiw na ambag kundi pawis at laway ng nakunang kaluluwa.
---E. SAN JUAN, Jr.
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment