Sunday, October 28, 2012

BAHAG-HARING HINUBAD SA SAYAW NI SALOME, 
MUSA NG MGA ANARKISTA
"Masdan mo ang mga bulaklak sa parang... Walang ibong nahulog sa lupa nang walang saysay..."
 



Bagamat naglagalag ka sa disyerto, di tiyak na may pangakong tahanan
    
    sa kabilang ibayo ng bundok, kung baga sa.....

Sa dulo ng duguang bahag-hari, ano—sino ang naghihintay? Baka sakali:

Isang kunang bakante na, gayak ng kumanlong at kumalinga sa darating--

Gumapang na ang sanggol mula sa pusod ng inang ginahis ng agilang  
   
    mandaragit


Sa dulo ng landas, saksi ang magkatipan sa kariktang pumaimbulog

        sa      bughaw na balat-kayo
   
                                            ni Salome

Kahiman nabuwal, bumangon na sa matris ang bayaning kikitil

Sa uring mandarambong sa kabilang mukha ng bahag-hari,

            kahimanawari—


Langit sa lupa’y magkatalik sa bisig, sa brasong kumanlong at humiwalay

Kahit sandali lamang lumitaw ang banaag ng kulay na kusang naglaho

Laging gayak makitunggali habang dumaramay, saksi sa pagsilang ng      
    
       manunubos

                  Kahimanawari?


Ngunit di ba sinabi mo, ang Kaharian ay narito na, sa puso, sa bawat     

        loob?

Mula sa buto ng mustasa, tigil na ang himutok, tahan na, tahanan na,
   
Dumating na tayo, wari'y tulisan sa gabi, nanghihimasok, regalo para sa
 
               sumasalubong
   
     hindi kapayapaan kundi magayumang ngiti

                                                   at matalim na sundang.

                                                       --ni E. SAN JUAN, Jr.

No comments:

APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...