PARANGAL KAY
MAITA GOMEZ, BABAENG MANDIRIGMA
“No
uprising fails… Each one is a step in the right direction.” –Salud Algabre
Anong
kapangahasan
Apoy ng kababaihan
Biruing
ibulalas: “Walang sayang, hoy!
Bawat
siklab ng pagbabalikwas ay pagsulong
sa
wastong direksyon—”
Mula
Cabiao, Nueva Ecija hanggang Sta. Rosa, Laguna, nauna na si Salud Algabre---
sumunod si Maria
Lorena Barros, Cherith Dayrit, at ngayon si Ka Maita—
Ilang
titis lamang, sumiklab ang rumaragasang sunog
lampas
na sa hanggahang naigpawan, di nasayang
Anong
kapangahasang lumagablab
tumutupok
sa bawat sagwil ng pulis at militar ng diktadurya’t imperyo
Mapangahas
na nagliliyab ang parang
dagat lunsod
mula
Bontoc hanggang Tawi-tawi, di nasayang
Sa
pinagkiskis na buto’t laman ng ilanlibong inang nagdiringas dumadarang
Apoy
ni Maita Gomez, armadong paraluman—
Alab ng ilanlibong babaing naghihimagsik
Gumigising
sa mga nabuwal sa dilim ng pagkaduhagi’t pagkaamis
Bumabangon
mula sa gabi ng pagkaalipin at pagdadalamhati
Binubulabog
ang luksang bilanggo’t kuta ng mga salaring nasayang
Nagpupumiglas
upang matamo ang luwalhati’t sayang pinapaginipan
“Walang
sayang—”
Sa
bawat kiskis
tumitilampon ang titis,
nagliliyab
ang parang, salamat sa iyo, pinakasasabikan,
pinakamimithi—
No comments:
Post a Comment