Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Saturday, November 04, 2006
SALUD ALGABRE--MABUHAY KA!
SALUD ALGABRE,
BABAENG MANDIRIGMA
Anong kapangahasan
Apoy ng kababaihan
Biruing ibulalas: “Walang sayang, hoy! Bawat siklab ng pagbabalikwas ay pagsulong
sa wastong direksyon—“
Mula Cabiao, Nueva Ecija hanggang Sta. Rosa, Laguna
Ilang titis lamang, sumiklab ang rumaragasang sunog
lampas na sa hanggahang naigpawan, di nasayang
Anong kapangahasang lumagablab
tumutupok sa bawat sagwil ng pulis at militar
Mapangahas na nagliliyab ang parang dagat lunsod
mula Bontoc hanggang Tawi-tawi, di nasayang
Sa pinagkiskis na buto’t laman ng ilanlibong inang nagdiringas dumadarang
Apoy ni Salud Algabre
Alab ng ilanlibong babaing naghihimagsik
Gumigising sa mga nabuwal sa dilim ng pagkaduhagi’t pagkaamis
Bumabangon mula sa gabi ng pagkaalipin at pagdadalamhati
Binubulabog ang luksang bilanggo’t kuta ng mga salaring nasayang
Nagpupumiglas upang matamo ang luwalhati’t sayang pinapaginipan
“Walang sayang—“
Sa bawat kiskis
tumitilampon ang titis,
ang sayang
pinakamimithi
--Ni E. SAN JUAN, Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO
kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
AMADO V. HERNANDEZ : AN INTRODUCTION By E. SAN JUAN, Jr. By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable ...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment