Wednesday, August 09, 2006





UYAYING NAGHAHANAP NG MAKABAGONG KANTOR



Tulog na, bunsong sinta, sayang lang ang luha mo
Ang ina mo’y malayo’t sumugod na sa dilim
Hanap mo’y dating tamis sinisipsip hinihigop

Meme na, bungangang humihikbi’t nakanganga
Kundi’y isisilid ka sa gusit kapalit mo’y salapi
Di naman masundo’t nanupol daw ng sampaga

Tulog na, dilang uhaw, ina mo’y naligaw tila
Saan nakahain ang dibdib susong nakalantad
May putik sa pisngi may balaho sa sinapupunan

Meme na, labing tigang, nilalang na nilinlang
Isisilid ka sa bumbong kapalit mo’y bagoong
Dalamhati’y ingawa ina mo’y napariwara

Tulog na, ngiping bungi, sumisingasing sa silong
Kakilakilabot na hayop alagang bumangis
Sa pakikihamok ina mo’y hinuli’t hinuthot

Meme na, bunsong uhugin, malaki ang sisidlan
Lawit ang tumbong pasang-krus ibulong sa hangin
Sandok nakasuksok palayok nakataob

Gising na, bunsong madungis, humabi ng bagong uyayi
Manupol ng pulbura’t isabog sa marangyang alta
Gusi’t bumbong ay bawiin kamusmusa’y isuka


Taas noo’t kabakahin ngitngit-sungit ng panahon



--ni E. SAN JUAN, Jr.

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...