Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Thursday, August 31, 2006
NAKATUTOK SA KRISIS NG ATING PANAHON
POLITIKA NG KASAYSAYAN
Narito ang isang taong namumulot ng panggatong sa siga
Doon nama’y isang masayang tumutugtog ng gitara
(Patay ka, bata ka!)
Umiindak sa musika habang nakabilad sa darang ng siga—
Maligayang nilikhang walang alalahanin habang naglalaro
(Oy, pwede ba, pambihira ka naman)
Dito ang manggagawang pawisan sa paglikom ng panggatong sa siga
(Makulit ka talaga, Oy, naku)
Nilalang na nagbanat ng buto, nakagulapay, ngunit walang naranasang
ligaya o init sa gitarang kinakalabit….
____________________________________
ISANG EKSENA MULA SA LAS VEGAS, NEVADA (13 Enero 2006)
Kababasa ko pa lamang ng nangyaring paglapastangan kay Magdalena Monteza sa Peru noong rehimen ni Presidente Fujimori—kung ilang ulit siya ginahasa’t binugbog—
“Ininis sa hukay ng dusa’t pighati”— Saglit akong nanood sa mga nagpipistang Amerikano sa “Strip” sa Las Vegas….
Anong tuwa ng mga tao sa tumitilampong tubig sa lawa ng Bellagio Casino, sa bulkang pumuputok sa MIRAGE, sa imitasyong gondola sa Venetian Hotel….
Walang muwang sa mga kalupitan ng CIA at U.S. tropang nanghihimasok sa buhay ng mga tao sa Peru, Colombia, Nepal, Pilipinas (sinong pumatay kina Ric Ramos, Diosdado Fortuno, Eden Marcellana, Rodante Bautista, Celia Esteban at di mabilang na biktima ng rehimeng Arroyo?)
Araw-araw, sa TV, ang pagpatay ng sundalong U.S. sa mga rebelde sa Irak at Afghanistan; araw-araw din ang awitan at sayawang burlesk sa Rio, Barbary Coast, Mandalay, Tropicana Casino—
“saan ipupukol ang itinangis-tangis”--
Pinupulikat ako.
Totoong di ako tulad ni Dante na makapagsusudlong sa mga kontradiksyon.
Sa tulay sa Venetian, walang Beatrice na tutubos sa batok at tuhod ng makata. Walang anghel kundi isang ulilang putang umaaligid sa isang payasong naka-tuxedo, nagmumudmod ng play money at makulay na papel-de-bankgong huwad.
Binibining Magdalena Monteza, ipagdasal mo kami.
--ni E. San Juan, Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment