Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Thursday, August 31, 2006
MEMORABILIA
ni E. San Juan, Jr.
Niligawan kita sa harap ng dyukbaks….
Haiskul pa ako noon, barkada ko’y nagbabad sa isang bar sa Blumentritt….
Lubhang maalikabok ang boses mo—
“You don’t have to say you love me….”
Kidlat, hindi ito mabangong bangungot!
Sa imburnal sumisingaw ang paos na dasal ng mga uwak
tinutukso ang binging komposer ng EROICA--
Sa labi ni Ginger Spice dumudungaw
ang bagwis ng langay-langayan
“left only with a memory….”
Naku, anong asim—
Naligaw na tinig ay isang mainit na daliring kumikiliti sa aking pilipisan—
buntong-hiningang bumabangon sa panaginip
(Sinong sasagip ngayon sa mga nabaon sa Payatas?)
Alikabok sa tagsibol ng ating kabataan
nalulusaw sa erotikang bibig ni Dusty
Kidlat, tahimik ang alingawngaw ng kulog--
“you don’t have to say….”
Unti-unting umaagos mula sa imburnal:
mga taludtod na nilagas sa lalamunan ni Vladimir Mayakovsky—
awit na hindi madinig ng nanliligaw na makata
sa isang bar sa Pasay noong 1953
habang humihigop ng salabat
sa panahon ng rebelyon ng mga Huk at digmaan sa Korea—
Ang apoy ng himagsikan noon
ay sinag lamang ng neyong dagitab sa mga putahan.
Naligaw ako sa paggunita kay Dusty Springfield—“You don’t have to say….”
birheng nililigawan ng mga bugaw….
Habang nagagalak sa paglunsad ng mga Pulang Hukbo
ng bagong istratehiya sa pananakop sa lungsod ng mga pasista
habang sila’y nahihimbig sa uyayi ng
mababangong bangungot ng terorismong istetsayd….
Paalam, Dusty…. Nabuwag na ang bar sa Pasay…. Naligaw ang nanliligaw
sa dalampasigan ng iba’t ibang bansa
sa Kanluran at Hilaga…. Ay, naku, kailang umaga kaya tayo gigisingin
ng taghoy
ng mga puting buwitre
at maputlang uwak?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment