ANO ANG DAPAT GAWIN?
BALANGKAS SA PAGBUO NG MAPAGPALAYANG KRITIKA NG NEOKOLONYALISTANG ORDEN
-ni E. San Juan, Jr.
Professorial Lecturer, Polytechnic University of the Philippines
I. DISKURSO TUNGKOL SA POLITIKA NG KASAYSAYAN
Panimulang Hagod ng Kamalayan
Sa malas, ang kasaysayan ng Pilipinas ay isang mahaba't masalimuot na proseso ng pagbabago, buhat noong sakupin tayo ng Espanya hanggang sa pagbabalik ng U.S. sa kasunduang VFA (Visiting Forces Agreement) at EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement). Hindi tuwid ang lakad ng mga pangyayari. Neokolonya pa rin tayo sa kabila ng pagiging Republikang formal noong 1946, kahiman ilang "Bayang Magiliw" ang kantahin sa bawat simula ng programa't pelikula saanmang sulok ng bayan.
Sipatin ang matinding kontradiksyon ng mga pwersa sa lipunan sa daloy ng historya. Bagamat pasulong ang direksiyon ng pakikibaka laban sa imperyalismo, bunga ng paghinog ng mga sapin-saping kontradiksiyon, hindi magkalapat ang kamalayan at realidad. Laging may agwat, palya, o di-makatugmang interaksyon ng teorya at praktika sa kolektibong karanasan. Kaya paurong ang kinalabasan ng 1896 rebolusyon sa gabay ng ilustradong pamumuno. Gayundin ang pagpupunyagi ng mga unyon, insureksiyon ng magbubukid sa Colorum, Sakdal at kilusang Huk--hindi natamo ang gahum o hegemonyang kailangan upang mabagong ganap ang mapaniil na sistema ng lipunan. Taglay noon ang obhetibo't suhetibong dahilan.
Sa kabilang dako, higit na radikal at malaganap ang kilusang makabayan ngayon kumpara sa unang dekada ng Republika at kalakaran ng "Cold War." Ang pagbagsak ng diktaduryang Marcos ay sintomas ng maselang krisis ng kapitalismong global, ngunit muling nakabangon ang oligarkong uri sanhi ng pagkakamali't pagkakataon.
Kailangang ang diyalektikang analisis. Ang problema ng interbensiyon ng masang mulat sa transpormasyon ng kabuhayan at pulitika, kung paano susunggaban ang pagkakataon sa pag-sudlong ng teorya & praktika, ay nananatili pa rin. Kailangang himayin ang masalimuot na suliraning ito. Susuriin sa ibaba ang ilang aspekto ng liku-likung landas sa pagbabago upang matarok ang mabisang perspektib upang mapalaya ang nasusugpong lakas ng masa at makamit ang pinakamimithing katarungan at kalayaan ng pinagsasamantalahang mayorya, pati na ang ganap na kasarinlan at kasaganaan ng bansa. Hindi nga tuwid ang daan ng mapagpalayang pagpupunyagi ngunit, sa tulong na kolektibong pag-aaral at paghuhusga, makatitipid ng buhay na isasakripisyo't mabibigyan ng halaga at kahulugan ang bawat hakbang tungo sa ikatatagumpay ng pambansang paglalakbay tungo sa kalayaan at kasaganaan.
Ilang nota muna bago usigin ang paraan ang analisis. Sapagkat ang tangka rito ay diyalogo, hindi monologo, maikli lamang ang paglalatag dito ng puntodebistang radikal. Ilang prinsipyo ang papatnubay sa rebyu ng ilang importanteng pangyayari sa naratibo ng pakikibaka. Dapat maging gabay ito sa ating pagsusuri ng mga problemang bumabagabag sa pambansang konisyensiya o kolektibong budhi, na ipinapanukalang sungkitin sa bisa ng diskursong sumusunod.
Iskema ng Kritikang Panlipunan
Malimit tayong mag-umpisa sa puntodebista ng indibidwal sa
anumang repleksyon tungkol sa sosyedad. Problema na kaagad ito. Sino
at ano ang taong nag-iisa?
Ilang paliwanag. Una, ang sosyedad ay hindi pulutong ng mga
indibidwal kundi pagbubuklod ng mga relasyon o ugnayan ng pangkat.
Ang indibidwal ay kabilang sa relasyong iyon. Ang indibidwal ay walang
permanenteng buod kundi ang kabuuan ng mga ugnayang panlipunan
na kinabibilangan niya. Hindi namumukod na abstraksyon ang
personalidad. Iyon ay kalipunan o bungkos ng mga relasyong sosyal.
Pangalawa, ang buhay sa lipunan ay praktikal, o gawaing
konkreto't mabisa sa pagbabago ng kapaligiran. Alinsunod dito, nagiging
sabjek o suhetong taglay ang ahensiya o kakayahang umakto ang bawat
indibidwal. Nakapaloob sa mapanuri't praktikal na kilos ng tao sa lipunan
ang "revolutionizing practice" (tinukoy ni Marx sa "Theses on Feuerbach)"--
hindi lamang interpretasyon kundi transpormasyon ng mundo (Fischer).
Pangatlo, sa interpelasyon ng nagtatagisang uri sa lipunan nabubuo
ang sabjek na may pagpapasiya (Althusser). Nagkakamalay siya tungkol sa mga
kontradiksyong lumulukob sa kanya. Sa diyalektikang pananaw, ang
pagsulong ng lipunan ay bunga ng samut-saring kontradiksyon, nag-iiba
sa iba't ibang antas at yugto ng partikular na kasaysayan ng bawat
lipunan.
Pagkain muna bago awit at sayaw--ito'y katotohanang palasak.
Bagamat sa materyalistikong pananaw, ang produksiyon ng mga
pangagailangan sa buhay ay saligan ng lahat, tahasang mapagpasiya
ang kolektibong diwa, isip, damdamin at dalumat sa pagsulong ng
lipunan. Mapagpasiya ito sa reproduksiyon ng ordeng pulitikal-
ideolohikal. Samakatwid, dapat pagtuunan ng pansin ang totalidad ng
mga determinasyong nagsasanib sa paglilinaw ng bawat konkretong
sitwasyon sa lipunan. Diwa/Isip at praktika, kamalayan at aksyon, ay
magkabuklod.
Sa panayam na ito't ng susunod, inilalagay sa kontekstong historikal
ang indibidwalistikong kiling na siyang umiiral na perhuwisyo. Sa halip,
itinatampok ang punto-de-bista ng kolektibo o komunidad. Nais nating
tuklasin kung paano makatutulong ang teorya sa transpormasyon ng
lipunan. Sambit ng islogan: "Ang masa lamang ang tagalikha o lumilikha
ng kasaysayan," hindi mga bayani o tanyag na mga bida/kontrabida (Mao).
Makahulugan lamang ang ginampanang papel ng indibidwal bilang
kinatawan ng uri o grupo. Ang kalayaan ay resulta ng pagkilala sa
nesesidad, sa puwersa ng reyalidad (Engels).
Mapa ng Pagsisiyasat
Sa mapaglagom na taya, ang kasaysayan ng ating bansa ay isang
panorama ng paghihimagsik laban sa kolonyalismo't imperyalismo (San Juan, US Imperialism). Matatag, matibay at malusog ang ating tradisyon ng pag-aalsa't
pagbabalikwas. Ipinagpapatuloy ito sa pagtutol sa neokolonyalismong
orden ngayon, sa krisis ng kapitalismong global at terorismong militar ng
Estados Unidos.
Ungkatin natin: Bakit ganap na umaasa tayo sa US--nariyan ang
VFA at EDCA at patuloy na operasyon ng US militar/sandatahang puwersa
sa buong sangkapuluan--at hindi makatindig na nagsasarili? Sa loob ng
mahigit kalahating siglo ng pag-iral ng Republika, bakit hindi tayo
umuunlad at nahuhuli sa pagtugon sa minimal na pangagailangan--
pagkain, pamahay, pagkalingang medikal, edukasyon, atbp? Bakit wala
tayong awtentikong soberanya?
Maitanong muli: Bakit palaging nabibigo ang mga mapagpalayang
pagpupunyaging makamit ang tunay na kasarinlan, demokrasyang kasali
ang lahat, at kasagaanan? Bakit kontrolado pa rin tayo ng US, ng World
Bank/IMF, patibay na ang mahigit 12 milyong OFW na walang makitang
mabuting trabaho sa loob ng ating bansa (Ellao)? Patibay rin ang konsumeristang kulturang depende sa korporasyong transnasyonal, sa pagdambana sa komoditi o mapanlinlang na pangako ng ligaya sa pag-aari ng anumang mabibili (konsultahin ang teksbuk nina Tolentino at Santos).
Pagnilayin ito: Sobrang 6,000 Pilipino ang umaalis bawat araw, 2/3
bahagdan sa 39 milyong manggagawa ang nangibang-bayan na, 12
milyon ang walang trabaho (Velez), Walang solusyon ang rehimeng
Aquino, bagkus pinalalala pa nga sa matinding korapsyon sa pork-barrel,
gastos sa Oplan Bayanihan, at iba pang masahol na katiwalian.
Batid kong alam ninyo na ang tugon diyan. Napagdulutan na ang
problemang ito ng masusi't masinsinang diskusyon, analisis, komentaryo.
Kaipala, kulang lamang ang kolektibong pagsikhay sa isang programang
nasyonalistiko't popular, na nasimulan ng Katipunan at mga progresibong
unyon at organisasyon mula 1899 hanggang ngayon. Kulang ba sa
pagtupad ng programa o kulang sa malalim at tumpak na pagsipat sa
konkretong kondisyon kung saan matutuklasan ang susi sa matagumpay
na interbensiyon ng partido ng mayorya? Bakit hati-hati pa ang masa at
makapangyarihan pa ang oligarkong umuugit sa istrukturang
pampulitika't mapamilit? Kung handa na ang suhetibong puwersa sa
pagbabago, marupok na ba't tumitiwalag na ang mga uring may hawak
ng poder?
Tuwid na Daan o Malikhaing Paglalakbay
Bago talakayin ang ilang dimensiyon nito, nais kong idako ang inyong
pansin sa ilang usaping historyograpiko. Importante ito sa wastong
paglilinaw at pagbalangkas sa naratibo ng ating kasaysayan.
Aralin natin ang mga kasaysayang isinateksbuk nina Teodoro
Agoncillo, Renato Constantino, Jaime Veneracion, atbp, mga
nasyonalistikong pantas. Ang sintesis nila ay mapipisil sa Philippine Society
and Revolution ni Amado Guerrero. Hindi raw wasto ang linyadong
pagbanghay sa takbo ng ating kasaysayan na matatagpuan sa mga
nabanggit, puna ni Reynaldo Ileto. Kilala si Ileto sa opinyong ang mga
lumang pasyon at awit ay siyang gumabay sa himagsikan ng Katipunan
at iba pang gulo't sigalot kontra Estado.
Sa sipat ni Ileto, natabunan o natakpan ng linyadong historya ang
iba pang mareklamong tauhan o kilos. Mula sa pagsibol ng nasyonalismo
noong 1872 o 1896 hanggang ngayon, ikialigtaan ng paradigmatikong
ideya ang iba pang mga pangyayari o akto ng pagtutol. Binalewala ng
awtorisadong naratibo ang sinupil na kaalaman--"subjugated
knowledges" (katagang kuha kay Foucault) na nakabalatkayo sa "body
of functional and systematizing theory" ("Outlines," 99). Halimbawa niya
ang mga katutubong mediko na tumalimuwang sa awtoridad ng mga
Amerikano noong kolera epidemik noong 1902-03. Sumalungat ang
taumbayan sa disiplina ng burokrasya at armi ng Estadong sumasakop.
Pribilehiyado kay Ileto ang mga nanggugulo, lumalabag sa batas,
lumilihis. Iyong lumalabag sa batas o anumang kaiba sa status quo ang
gumagayuma sa isip. Sila ang kontra sa rasyonalidad ng pueblo at
modernidad, di-matiyak (undecidable) na oposisyon sa pagbabago,
pagsulong, pag-unlad. Bilang pangunahing halimbawa sa mga Etsa-
pwerang taga-labas ang mga tinaguriang "bandido," isang kategoryang
inilapat din ng mga Amerikano sa mga anti-imperyalistang gerilya ni Hen.
Macario Sakay. Bumukal ang mga samahan o cofradiang di-legal mula
sa mga kilusang milenaryo tulad na Pulajan, Dios Dios, Colorum, Tres
Cristos, atbp. (Sturtevant).
Ayon kay Ileto, ang naratibo ng mga ito'y naliliman o nabura ng
ilustradong "emplotment" o pag-aayos ng kasaysayan batay sa
progresibong pagsulong ng Kaliwanagan/Enlightenment ("Outlines," 121).
Nawala sina Felipe Salvador at Santa Iglesia, si Papa Isio, atbp., tumiwalag
sa unang Republika ni Aguinaldo at nanatiling subersibo sa paghatol ng
dominanteng kalakaran.
Nabanggit ko na tutol si Ileto sa historyang "developmentalist" na
kumakaligta sa "popular mentalities" (Filipinos 207). Walang diretsong landas.
Susog ni Ileto na dapat bigyan ng karampatang lugar ang "interruptions,
repetitions, and reversals, uncovering the subjugations, confrontations,
power struggles and resistances that linear history tends to conceal" ("Outlines,"
126). Higit na mahalaga kay Ileto ang mga aksiyon, kilos, gawa laban sa
anumang uri ng dominasyon o panunupil.
Kaakit-akit marahil ang larawang iginuhit ni Ileto para sa
anarkistang sensibilidad. Bagamat historyador si Ileto, ang tingin niya sa
Estado ay isang monolitiko't abstraktong makina na nagbuhat pa mula sa
mga haring tirano o despotikong imperador sa Ehipto, Gresya, Roma o sa
Indya at Tsina noong sinaunang panahon. Tulad ng lahat ng institusyong
yari ng tao, nagbabago ang Estado, ang istruktura at punksyion nito. Ang
mala-teokratikong Estado ng kolonyalistang Espanya, at ang instrumento
nito sa Pilipiinas, ay umiinog sa Simbahan, sadyang iba sa Estado ng
kapitalistang Estados Unidos.
Lumilitaw na ang trato sa mga rebolusyonaryong gerilya, bagamat
may kahawigan, ay di-magkatumbas. Una, ang basehan ng US ay pag-
unlad ng pamilihan, isang ekonomyang nakasalig sa malayang pagbibili
ng lakas-paggawa, sa tubong galing sa pagpapalitan ng komoditi, kaya
hindi sagabal ang kaibahan sa paniniwala, istatus, atbp. Dahas muna ang
ginamit sa pasipikasyon ng bayan, ngunit kalaunan, ideolohikal na
paraan ang umiral (edukasyon, paggamit ng Ingles, atbp). Sa Estadong
Espanyol, ang disiplinang pang-relihiyon at dahas ay mahigpit na
magkalangkap at hindi "developmental" tulad ng Amerika. Gayunpaman,
ang "modernisasyon" ng kolonyalismong US ay hindi paglinang sa
rasyonalidad maliban na sa kung lalaki ang tubo sa anarkiyang
paggulong ng pamilihan (Schirmer and Shalom; Pomeroy).
Pag-unawa sa Landas ng Pakikibaka
Pangalawang pansin: ang naratibo ng progresibong takbo ng
kasaysayan na iniangkop ng mga ilustrado--mula kina Rizal hanggang
Agoncillo, Constantino at Guerrero--ay hindi nilinyado sa walang patid na
pagsulong. Nakatutok iyon sa kontradiksyon ng taumbayan at
mananakop, sa tunggalian ng mga may-ari at mayoryang anak-pawis.
Una, lahat ng natukoy na teksto ay puno ng detalye tungkol sa mga
Etsa-puwera, mga sumalungat sa ordeng kolonyalista, bagamat
nakasentro sa mga presidente, mambabatas, atbp. Pangalawa, itinanghal
nila ang maraming pagliko sa daan ng mapagpalayang pagsisikap--
halimbawa, pagpatay kina Bonifacio at Antonio Luna, pagsuko ni Hen.
Sakay sa bisa ng panlilinlang ng mga unyonista; pagsupil sa Colorum sa
Tayug, ng Sakdalista at iba pang insureksiyon hanggang sa pagkagapi ng
Huk noong panahon ng Cold War. Sa halip na diretsong martsa tungo sa
rasyonalidad at kaunlaran, hitik ang landas sa aksidente, kabalintunaan,
ironya, kabalighuan at di-inaasanang kinahinatnan.
Ilang halimbawa ang dapat banggitin. Kalahok sa naratibo ni
Constantino ang sensibilidad, talino, dunong at damdamin ng mga
anakpawis at etsa-puwerang lakas. Mahaba ang ulat niya tungkol kina
Felipe Salvador at Papa Isio. Anya hinggil sa una: "The cult of Apo Ipe was
so durable that as late as 1924, Colorum leaders in Tarlac could still attract
many followers by claiming that they had eaten and talked with Jose Rizal
and Felipe Salvador (270). Umaagapay sa kronolohikong daloy ng
mga pangyayari ang salaysay ni Constantino ngunit hindi linyado, sa
paratang ni Ileto. Pasikot-sikot, lumulukso, umaatras, ang pagsubaybay sa
daloy ng kasaysayan, kaakibat ng masalimuot na pagsasalisi ng mga
pangyayari.
Inilagom ni Constantino ang kanyang naratibo sa isang
diyalektikong pakiwari: "The history of the people's movements through the
centuries has been characterized by a groping for consciousness. The
development of a higher level of political consciousness has had its leaps
and retreats…When there is an attempt to understand society not in terms
of myths and theories but in terms of the concrete experience and
sufferings of the people, history acquires practical significance" (396).
Nararapat idiin, sa palagay ko, na ang kasayayan ni Constantino ay
hindi pag-uullit ng mga nangyari kundi interpretasyon ng mga nangyari, at
hindi linyado o iskematikong paghahanay ang pagtaya sa pakikibaka ng
taumbayan para sa kasarinlan at kalayaan. Kay Constantino, layon ng
pagsusuri sa kasaysayan ang humugot ng dunong at aral na
makatutulong upang makamit ang isang rasyonal, makatarungan at
mapagkalingang lipunan.
Metapisikang Sosyolohiya
Dalawang magkatunggaling lapit ba ang kaharap natin? Sa
katunayan, ang paniniwala ni Ileto tungkol sa linyadong ayos ng
kasaysayan ay hango sa sosyolohiya ni Max Weber (1864-1920) at
doktrinang neoKantian nito. Metapisikang idealismo't transendental ang kuadrong kinasasadlakan nito. Reaksyonaryong implikasyon lamang ang maihuhugot sa pangitaing ito patungo kina Heidegger at iba pang maka-pasista't nilihistikong alagad.
Sa teorya ni Weber, ang pagsulong ng makabagong lipunan ay
patungo sa matingkad na rasyonalisasyon ng ating kilos o gawa. Sa
gayon, lumilipas ang engkanto o hiwaga ng karanasan sa paglaganap ng
burokratisasyon. Hindi maiiwasan ito sapagkat ang tao ay namumuhay sa
paraan ng makahuluga't makatwirang aksyon na ating sinusuri at
pinahahalagahan sa agham panlipunan (Marshall). Nakalapat sa
diskurso ni Ileto ang paniwalang ito, na binaligtad ni Foucault (batay sa
turo ni Nietzsche) sa pagbilad ng negatibong katambal ng rasyonalidad,
ang itinagong ligalig o gulo, ang ipinagbabawal, ang subteranikong hibo't
udyok ng pagnanasa.
Bukod sa deterministikong lapit ni Weber, implikasyon din nito ang
ideyang teknolohiya ang susi sa pagbabago ng lipunan (Wood).
Kontra kina Marx at Engels, panukala ni Weber na hindi ang tunggalian ng
mga uri kundi siyentipikong dunong ang mabisa't tumatalab sa
karaniwang takbo ng buhay sa lungsod. Rason laban sa gulo o gusot--ito
ang kuwadrong itinakda ni Weber upang mahimay ang gulong ng
kasaysayan.
Tigil muna't maglirip tayo. Anong pakinabang dito kung ang
magkakambal na gulo/orden ay isang esensiyal na katangian? Isang
doktrina itong katumbas ng Pinakaunang Kasalanan ni Adan at Eba,
walang takas dito, tila itinadhana ng kalikasan ng tao--reaksyonaryong
linyang nagpapatawad sa anomalya't kalabisang umiiral.
Anong Saysay ng Katotohanan?
Maimumungkahi sa puntong ito na bawat kasaysayan ay may
kinikilingan at sa gayo'y hindi makatotohanan. Maaring sabihin na si
Agoncillo ay lubhang maka-Pilipino--hindi maka-ilustrado--dahil sa unang
edisyon ng kanyang libro, minaliit niya ang panahon ng kolonisasyon ng
Kastila. "Lost history" ang bansag niya sa yugto ng kasaysayan bago 1872.
Subalit hindi linya ni Weber o Foucault ang pamantayan ng historyador
kundi ang punto-de-bista ng dinuduhaging katutubo. Kaya malaking
puwang ang ibinigay niya sa Kilusang Aglipayano, na "subjugated
knowledge" para kay Ileto. Paliwanag niya:
This does not mean that the authors distorted or twisted the
facts in order to be nationalistic. Nationalism is not involved
here. It is a travesty to call a historian "nationalistic" simply
because he adopts a Filipino point of view, for nationalism
implies "country first and last." History is concerned with the
truth first and last. What is meant here is that where the facts
warrant two or more interpretations the authors naturally took
the Filipino viewpoint (Agoncillo & Alfonso,vii).
Sa pangalawang edisyon nina Agoncillo & Guerrero, dinulutan ng mas malaking espasyo ang "The Spanish Period," panahon ng pananakop ng Espanya. Ngunit hindi rasyonalidad o progreso ang hantungan kundi "The Continuing Crisis" (Kabanata 27). Malaman ang pag-uulat nina Agoncillo at Guerrero tungkol sa bandolerismo, ang pakikibaka ni Sakay at mga Sakdalista
hanggang sa rebelyon ng Huk. Pinagtuunan din ng pansin ang dalawang
masaker na naganap sa panahon ng rehimeng Marcos: ang Culatingan
masaker (Hunyo 13, 1966) at pagpaslang sa 32 alagad ni Valentin de los
Santos (May 21, 1967). Ebidensiya iyon ng karupukan o kabulukan ng
sistemang neokolonyal, kung saan nasa ilalim tayo sa dikta ng
Washington, sa diktadurya ng monopolyo't globalisadong kapital, sa
atuloy na pag-iral ng mga base militar at mahigpit na kontrol ng
ekonomiyang pampulitika ng bansa.
Upang matarok ang anumang pangyayari, dapat isakonteksto ito
sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan ng lipunang kinasasangkutan nito.
Ganito ang isinakatuparan ni Eric Hobsbawm sa pag-sasaliksik sa mga
milenaryong kilusan at mga rebeldeng di-pangkaraniwan (1959). Ganoon
din ang metodo ni Agoncillo. Tulad ng mga milenaryong pag-aalsa noong
nakaraang dalawang siglo nina Felipe Salvador, Papa Isio, ang Lapiang
Malay ni Valentin de los Santos ay sintomas ng malubhang sakit ng
lipunan na nakaugat sa kawalan ng hanapbuhay, pagsasamantalang
piyudal sa kanayunan, korapsyon at pang-aabuso ng mga may-ari,
kumprador, panginoong maylupa, atbp.
Tinuligsa nina Agoncillo & Guerrero ang pagwawalang-bahala ng gobyerno sa paghihirap at pagdaralita ng masa. Sinalungguhitan niya ang
karismatikong birtud ng lider ng Lapiang Malaya, na umakit ng ilanlibong
kasapi, ng paggalang at pagdakila mula sa mamamayan sa iba't ibang
probinsya( Agoncillo and Guerrero, 567-68). Samakawid, hindi
kinaligtaan ng naratibo ni Agoncillo ang mga etsa-pwera, ang kontra-
ilustradong tendensiya.
Pagdukal sa Katalagahan
Maibalik natin sa problema na pagsasanib ng teorya at praktika.
Anumang imbestigayon natin sa balangkas ng kasaysayan ng
taumbayan ay dapat patnubayan ng kolektibong adhikain. Bakit wala pa
tayong kasarinlan, kasaganaan, at kaganapan bilang bansa? Sanhi sa
impluwensiya ng tradisyon ng piyudal na gawi't pag-iisip, kakawing ng
burgesya't indibidwalistikong paniwala) na nakaugat sa karanasan ng
bayan, malabo't mababaw ang pagdukal sa konkretong sitwasyon.
Mali ang analisis dahil labis na hiwalay sa materyal na kondisyon ng
buhay at dinamikong komplikasyon ng suhetibo't obhetibong lakas.
Mayroong katiyakan ang penomena sa kalikasan na masusukat ng
siyensiya. Ngunit ang agham-panlipunan ay hindi kasing-tiyak dahil nga
sa sagabal ng namanang ideya't ugali, na pumipigil sa pagbabago ng
kapaligiran. Konserbatibong ideolohiya ng mga naghahari na ang
sumasagka sa patuloy na pag-inog ng mga kontradiksyon, na siyang
umuugit sa pagsulong ng lipunan.
Batay sa paghupa ng kilusang mapagpalaya (circa 2000-2014), sapantaha kong hindi pa maiging nagagamit ang diyalektikang pagsusuri sa
praktikang karanasan upang mapag-isa ang nakararaming inaapi't
mawasak ang lumang estruktura. Marahil nakaigpaw nang kaunti nang lumabas ang "Specific Characteristics of People's War" noong dekada 1980. Nais ng buong tradisyon ng pagbabagong radikal ang makapagtayo ng angkop na sistemang makatao't makapagkalinga. Isang kaayusang ang produksiyon ay
nakalaan para sa kagalingan ng bawat tao, hindi upang mapalago ang kita at
tubo sa pamilihan. Nilalambungan pa tayo ng gayuma ng salapi, tubo,
konsumerismong bumulwak sa matinding alyenasyon.
Naisiwalat na kung paano namamayani pa rin ang pagka-alipiin ng
oligarko sa US at ideolohiya ng malayang palengke. HIndi pa laganap
ang radikal na kritika ng eksplotasyon, ng pribadong pag-aari sa gamit sa
produksiyon. Hindi pa nasanay ang mga mulat na pangkat sa paglapat
ng materyalismong historikal, at paghubog ng mapanlikhang instrumento
upang magapi ang hegemonya ng komprador, panginoong maylupa't
komprador, sampu ng mga sandatahang galamay nito sa Estado.
Mabuway pa rin ang United Front o Nagkakaisang Hanay.
Sa madaling sabi, hindi pa natatamo ang antas ng hegemonya o
gahum ng lahat ng puwersang maisasagupa sa Estadong neokolonyal.
Sa susunod na lektura tatalakayin ko ang konsepto ng hegemonya,
ang pamumunong moral-intelektuwal na unang ipinanukala ni Antonio
Gramsci na imperatibo sa pagtatagumpay ng subalternong masa (1971).
Sapat na dito na ikintal ang ilang katangian ng ating pakikipagsapalaran
sa larangan ng digmaan ng mga uri.
Iginuhit ng Tadhana o Piniling Kapalaran?
Sa susunod na bahagi, tatalakayin ko ang paksa ng hegemonya at
usapin ng rebolusyong pangkultura (tingnan sa San Juan, Between Empire). Sa
pangwakas, ilang mabilis na pagsusuma sa trajektorya ng kasaysayan ng
sambayanan.
Una, sa panahon ng kolonyalismo, walang dekada na walang pag-
aaklas sa bawat rehiyon. Ngunit nakasentro sa magkakahiwalay na
nayon at lungsod. Nito na lamang pagtatag ng Hukbalahap at ang
rebelyon ng HMB (Hukbong Mapagpalaya ng Bayan) nagkaroon ng
malawak na pag-uugnay ng kolektibong pagsisikap mapataob ang
Estadong neokolonyal. Pangalawa, sa tatlong krisis na nagsiwalat ng
karupukan ng buong orden, hindi pa ganap na handa ang masang
wasakin ang neokolonyang Estado at palitan ng bago. Nasa murang baytang pa lamang ang pagsulong ng blokeng bumubuo ng transpormasyong magbubunsod sa malawaka't malalim na pagbabago.
Ang danas at dalumat ng di-matakasang krisis ay siyang tatak ng
ating naratibo. Palala ito, malamang na umabot sa kasukdulang antas ng
marahas na pasistang orden, hindi lang "constitutional authoritarianism."
Ang tatlong krisis na hindi maiging nasakyan ay masasaksihan: 1) sa
pagtatapos ng WWII, kung kailan binati pa ng mga antikolonyalista ang
pagbalik ni MacArthur, at hindi mapanlikhang nasunggaban ang
pagkakataon ng alitan ng oligarko upang ilunsad ang isang pambansang
edukasyon at mobilisasyon; 2) ang EDSA Pebrero 1986 pagbabalikwas, na
sadyang hindi nakuhang buwagin lahat ng institusyon ng diktadura; at 3)
ang EDSA II, isang conjuncture na nawala dahil taglay ang ilusyon na may
maaasahan pa sa ilang trapong nagtataglay ng kahit kaunting
nasyonalistikong bahid sa kanilang nakalipas.
Wala pang sapat na preparasyong palitan ang lumang orden sa
panig ng nakararami. Umaasa pa sa mandarayang eleksyon, hindi
madala-dala. Mamamalas ito sa kasalukuyang kampanya laban sa
porkbarrel, korapsyon, kalupitan at karahasan ng "culture of impunity."
Marami ang umaasa pa rin na mayroong papalit na matapat at malinis na
pulitiko o liderato. Eleksyon pa rin ang solusyon. Dalawa pa lamang ang
pagpipilian: armadong paglusob o repormistang hakbang? Bakit hindi masinop na pinaglangkap ang dalawang hakbang sa diyalektikong maniobra? Sa
kasaysayan natin, kapuwa palpak at walang napala kundi maraming
martir at kasinraming kabiguan.
Ano ang dapat matutunan sa baku-bako't liku-likong landas ng
ating historya, sa repetisyon ng krisis at sakripisyo, at sa madugong
karanasan ng buong sambayanan? Bakit hindi nagtatagumpay ang
proyekto ng pagbabago't pagbuo ng malaya't maunlad na lipunan?
Tadhana bang ipinataw ito ng mga bathala o kapalarang bunga ng ating
di pa sapat na magkatugmang aksyon at kaisipan?
II. DISKURSO TUNGKOL SA POLITIKA NG KALINANGAN
Proyekto tungo sa Pagbabagong-Buhay
Sa umpisa, tinalakay ko ang pangangailangan ng makasaysayang pagkilates sa mga pangyayari sa naratibo ng ating proyektong maipanday ang pambansang identidad. Sinubok nating himayin ang diyalektika ng obhetibo't subhetibong lakas, ng pagpapasiya at kapaligiran, ng pasumala at katalagahan.
Muling salungguhitan ang pananaw natin: Lahat ng gawa't isip ay hinulma sa loob ng isang tiyak na sistema ng produksiyon ng materyal na mga kailangan, na siyang saligan ng ayos ng lipunan. Sa katumbalikan, hinuhubog ng isip ang ekonomiya at mga institusyong minana upang maiangkop sa nagbabagong sitwasyon ng kabuhayan. Magkatuwang ang kamalayan at kabagayan.
Ngayon naman, dukalin natin ang larangan ng kultura. Importante ito sa pag-unawa sa hegemonya o gahum ng naghaharing uri. Sa pilosopiya ni Antonio Gramsci, ang hegemonya ay pamumunong moral at intelektuwal ng isang grupong taglay ang poder ng estado. Hindi lamang dahas ang sangkap ng kapangyarihan ng burgesya, halimbawa, kundi konsensus o kusang pagsunod ng mga grupo sa pamumuno nito. Nangyayari iyon sa larangan ng kultura at sistema ng paniniwala, halaga, saloobin, o ugali ng pamumuhay.
Paano maaagaw ng nakararaming mamamayan ang hegemonya ng naghaharing oligarko upang mapawi ang paghahati ng bansa sa nagsasamantala at pinagsasamantalahan? Sa dagling untag, paano matatamo ang tunay na demokrasya't pagkakapantay-pantay?
Sakyan ang Mga Kontradiksyon
Makulay ang napanood nating kasaysayan ng bansa, masalimuot at hitik ng sapin-saping kontradiksyon. Pangunahin ang tunggalian ng mga uri, testimonya sa maigting na tensiyon ng mga lakas sa produksiyon at relasyong sosyal na malimit naiiwan at nagsisilbing balakid sa paglinang sa likas na kakayahan at potensiyalidad ng tao.
Nabatid natin na ang takbo ng kasaysayan ay hindi diretso kundi paliko-liko, urong-sulong, gumagapang ngayon, kapagkuwa'y lumulukso. Ang pagpapalaya sa potensiyal ng sangkatauhan ay hindi nakalakip na telos, o siguradong tadhana, kundi kaalinsabay ng mismong araw-araw na kilos, gawa, damdamin, isip at pakikipamuhay ng tao sa mundo. Pakikipagsapalaran itong walang takdang umpisa o wakas (kaiba sa turo ni Arnold Toynbee, halimbawa; Dray).
Nakasilid tayo ngayon sa kuwadro ng kapitalismong global. Ngunit tayo'y hindi pa nakaabot sa antas ng kapitalismong industriyal. Nasa yugto tayo ng transisyonal na modo ng produksiyon, magkahalo ang piyudalismo't kolonisadong mga praktika at institusyon. Ang lakas-paggawa ng pesante't magbubukid ay nakahihigit sa lakas-pagyari ng mga manggagawa sa mga sangay ng korporasyong transnasyonal. Makapangyarihan pa rin ang mga panginoong maylupa na malimit pumapapel din bilang burokrata-kapitalista't komprador. Sa kasalukuyan, ang ekonomya'y nabubuhay sa remitans ng mahigit 12 milyong OFWs; samakatwid, saplayer ng murang katulong at trabahador ang Pilipinas sa dibisyong internasyonal ng trabaho. Lumalabas na tributaryong pormasyon ang Pilipinas: tambakan ng hilaw na materyales at kural ng mga taong nagbebenta ng murang lakas-paggawa sa buong mundo.
Sa diyalektikong pananaw, ang lakas-paggawa ang bukal ng halaga at katuturan sa metabolikang engkuwentro sa kalikasan. Sa paglunsad ng lipunang makauri, partikular ang kapitalismo, na determinado ng pamilihan ng komoditi (una dito ang lakas-paggawang binibili), sumulpot ang alyenasyon ng bawat tao, reipikasyon ng relasyong sosyal, sumukdol sa mistipikasyon ng buong kapiligiran. Pati ang kalikasan ay niluluray ng kasakiman sa tubo.
Nailipat ang enerhiya't diwa ng tao sa mga komoditi o ipinagbibiling bagay, naging alipin siya ng mga produktong kumatawan sa espiritu at tuloy sinamba't sinuob bilang idolo. Salapi, petisismo ng komoditi, ang pumapatnubay sa daloy ng bawa't araw sa lipunan ng bilihan ng kalakal. Dominante ng salapi't bilihin ang mga mamamayan.
Katotohanan O Ideolohiya
Paano nananatili ang kapahamakang ito? Upang ikubli ang pagsasamantala ng minoryang may-ari sa marami, piinalaganap ang ideolohiya ng dominanteng pangkat. Ang ideolohiya ng indibidwalismong mapanghamig ang itinuturong modelo ng ordinaryong pakikisalamuha. Ugaling masunurin sa mga batas ang ikinakalat na etika habang mabangis ang kompitensiya sa lahat ng sulok. Kailangan suriin ang ideolohiya--batas, relihiyon, sining, pilosopiya--sa loob ng istrukturang pinag-uugatan nito, habang binibigyan-katuturan ito.
Nasambit na ang elemento ng hegemonya. Ang namumunong pangkat sa lipunan ay gumagamit na dahas kinalupulan ng konsensus o pagkakasundong sumunod sa liderato ng naghaharing pangkat sapagkat mabuti ito sa lahat. Hindi pilit ang paniniwalang iyon. Kusang dulot ng mga grupong may interes sa paghahari ng burgesya o ng oligarko; ang kapangyarihan ng mga may-ari ay nakasalalay sa kasunduang natanggap, kaakibat na dahas na ginagamit kung mahina o hindi magkabisa ang nakamihasnang paniniwala.
Nais kong idiin na ang kamalayan ay laging itinakda't hinuhubog ng panlipunang katalagahan. Nakakuwadro sa modo ng produksiyon ng bawat lipunan ang diwa, isip at damdamin ng mga nilalang. Batid ko na hindi tanggap ang mga aksyomang ito ng llahat. Kung tutuusin, lubhang kaiba ang inyong kaisipan, sapagkat kung hindi, napanalo na ang transpormasyong radikal matagal na.
Ang larangan ng ideolohiya ay siyang masaklaw na larangan ng kultura, ng paniniwala, normatibong halaga, ugali, saloobin. Ang naratibo ng kultura ay nakalakip sa modo ng produksiyong panlipunan. Masasalamin sa kultura (sining, midya, palakasan, relihiyon) ang kontradiksyong umiinog sa pagitan ng tradisyong nagpapairal sa ordeng mapanghamig at lakas-taumbayan na pinipigil at sinasakal. Larangan ng tunggalian ng uri ang gawaing pangkultura.
Ang mabigat na hamon sa kulturang pampolitika ay kasangkot sa paghahanap ng mabisang paraan sa transpormasyong radikal. Paano natin mababago ang pag-iisip at gawi ng mga taong nahirati sa luma't konserbatibong asal, gawi, pag-iisip? Kung ang mga ito'y tumubo sa modo ng proudksiyon, hindi ba dapat palitan muna iyon? Bakit hindi sabayan?
Pero paano mapapalitan iyon kung ang mismong mga alipin ay magtatanggol dito sa paniwalang para sa kanilang kabutihan iyon? Samakatwid, paano maitutuwid ang baluktot na kaisipan, ang mapanlasong doktrina ng pribadong pag-aari, halimbawa, o ang pagkanatural ng sistemang nambubusabos? Sawi man, dahop o gutom,ang aliping kumbinsido sa pagkanatural ng kanyang kalagayan--mahirap hikayatain silang magsakripisyo upang baguhin ang kondisyong nasanay na nilang tiisin. Hindi ito usapin lamang ng kaalaman kundi ng gawi, praktika, ugali, estilo ng pakikipagkapwa.
Kaya kritikal ang kamalayan sa pag-unawa sa lipunan at pagbabago nito. At kritikal din ang organsiadong kamalayan ng mga intelektwal na nakapagsuri at handang lumahok sa kolektibong transpormasyon ng lipunan. Kailangan ang samahan ng mga progresibong intelektuwal sa pagtatamo ng hegemonya--ng moral-intelektuwal na pamamahala't gabay--ng masa laban sa oligarkong Estado. Pagtaguyod at pagtangkilik sa katotohanan sa panig ng masa ang kailangang atupagin.
Anggulo ng Pagsisiyasat
Lahat ng pagpapakahulugan sa kasayaysan ay nakasalalay sa punto-de-bista ng uri--uring mapanlupig o uring mapagpalaya. Kadalasan, wala tayong hnala na suklob tayo ng ideoohiyang kontra sa ating interes. Iyon nga ang natambad sa pagkiling ni Ileto sa anarkistang doktrina nina Foucault at Nietsche, partikular si Weber. Hindi idiosynkratiko si Ileto. Ang tanyag na manunulat na si Nick Joaquin ay masugid na propagandista sa proposisyon na ang dynamikong kalamnan ng kultura ay depende sa teknolohiya, utang sa "wheel and plow,...print and paper,..masonry and painting" (2). Teknokratikong pagsusuma ang lapit ni Joaquin sa kultura't kasaysayan.
Sa kanyang pagdakila sa kanyang Kristiyanong "tribu," pinuri ni Joaquin ang hibong "Faustian" ng Filipino na gumala't lumibot na sa buong mundo, inangkop ang lahat ng dulot ng Kanlurang Kristiyano. Nakapagpapataba ng budhi ang argumento ni Joaquin na ang Filipino, di umano, ay mahusay gumagad o kumopya ng anumang inangkat sa dayuhan, taktika ng makabayang Filipino. Wala tayong angal dito. Lamang, di natukoy ni Joaquin ang uri ng gobyerno, ekonomiya, korapsyon sa politika, at iba't ibang anyo ng rasismo't seksismo na ipinataw ng kolonyalismong Amerikano.
Kahawig ng diskurso ni Ileto, nakaangat ang kultura ni Joaquin, tiwalag sa modo ng produksyon at ugnayang sosyal. Kung baga may esensiyal na katangian, "Faustian," ang karakter natin. Tulad ni Ileto, batid ni Joaquin ang iba't ibang antas ng kaayusang sosyal (mula sa mapang-alipin hanggang piyudal at kapitalistang orden), ngunit hindi naisakonteksto ang kulturang inilarawan sa bigat at impluwensiya ng nagsasalpukang puwersa sa lipunan.
Sumulat si Joaquin noong panahon ng matinding pagbatikos sa konserbatibong Simbahan. Ang institusyong ito ay laging kakampi ng Estadong neokolonyal at petiburgesyang propesyonal na malapit sa uring komprador at burokrata-kapitalista. Nasindak sila sa armadong protesta ng mga pesante't trabahador. Iyon ay panahon ng pagkilala sa kontribusyon ng Moro at Lumad (Igorot) na palaging kinakaligtaan. Nasagi ang sensitibong bumbunan ni Joaquin; pumalag at ipinagsanib ang pagka-Kristiyano't pagka-Filipino sa isang bansag.
Bagamat may malasakit si Joaquin sa sitwasyon ng nakararami, nakasentro pa rin sa indibidwalismong metodohikal na pugad ng espiritung "Faustian." Malalim ang pagkagumon sa paniwalang nasa loob ng kaluluwa ang bukal ng birtud o galing ng kakanyahan. Makikita ito sa tuligsa ni I.P. Soliongco, isang kapanahong peryodista ni Joaquin, sa kababawan o kagaspangan ng panitikan sa Ingles o Tagalog noong dekada 1920 at 1930: 'There was very little if any social criticism, very little if any of that absolutely necessary turning into the inward self for the accumulation of those truths which, in the final analysis, are the only worthy material for the creative effort" (217).
Walang duda, tumalikod na si Soliongco sa di-maiiwasang pagkasangkot ng manunulat sa kanyang lipunan. Tulad nina Villa at mga kontemporaryo, humanap ng saklolo si Soliongco sa isang romantikong metapisika na sintomas ng alyenasyong sakit ng petiburgesyang intelektuwal na alaga ng mga negosyanteng taga-imprenta ng magasin at peryodiko sa panahon ng dispensasyong Amerikano. Tila hindi pa nalulunasan ang sakit na ito na nakaugat sa punksyonal na pagkatali ng panggitnang saray sa komprador-burokratang upisyal na bumibili ng kanilang serbisyo. Ginawang komoditi ang dunong at kasanayan ng mga manunulat, guro, at iba pang propesyonal.
Nilambungan ng Anarkistang Gayuma
Sa kaso ni Ileto, bagamat produkto ng Katolikong edukasyon, tumiwalag na siya sa tradisyong kinagisnan at sumilong sa karatula ng mga subalternong historyador sa India. Malakas ang impluwensiya sa kanila nina Foucault at dekonstruksyonistang kapanalig na tinangkilik ng US akademya sa rehimen nina Reagan at Thatcher, ang panahon ng neoconserbatibong pagsira't pagpawi sa Welfare State. Kasagsagan pa iyon ng Cold War at indibidwalismong mapanila. Ang klima noon ay pabor sa metapisika ng teknokrat at reaksyonaryong patakaran kontra sa sosyalismo at mga Pangatlong Mundong aktibista tulad nina Che Guevara, Fanon, Amilcar Cabral, Ho Chi Minh, atbp.
Panukala ko rito ang pagkalkula sa konkretong pinagmulan ng mga ideya, haka-haka, proposisyong tumuturol sa katangian ng tao o sibilisyasyon. Tila malaking kamalig na ang mga pag-aaral sa karakter o sikolohiya ng Pilipino. Tanyag na ang sikolohiyang Pilipino na tatak nina Virgilio Enriquez at mga disipulo, sampu ng pantayong pananaw. Nakahimok ito sa mapanghamong saliksik ni Dr. Melba Maggay tungkol sa katutubong pamamaraan ng komunikasyon, Pahiwatig. Nais kong sipiin dito ang isang obserbasyon ni Dr. Maggay hinggil sa pagtrato sa panahon.
Bukal ng Pantayong Pananaw?
Nasuri ko na ang akusasyon ni Ileto na may pagkiling na "linear" o "developmental" ang mga teksbuk nina Agoncillo, Constantino, at Amado Guerrero. Kakatwa na ito'y di nakaugma sa pagtrato sa panahon, taglay ang "akmang pakikiayon sa daloy ng buhay," sa mga pangyayari, nakikibagay sa ritmo ng kalikasan (161), Polychronic at flexible tayo, di umano, ayon kay Dr Maggay, nakatuon palagi sa kasalukuyan at "hindi tayo nagugulat at nababalisa kung may di inaasahang pangyayari na gugulo o aantala sa mga nakasalang nang programa." Dagdag pa niya:
Dahil sanay ang ating isipan sa paghihintay doon sa puwang na nasa pagitan ng pagsisimula at pagtatapos--pag-aantabay at pag-asam na ipinapahiwatig sa pamamagitan ng katagang pag mahaba ang pisi sa pagkakabitin ng pangyayari. Di gaya ng ibang kultura na di mapakali sa kawalan ng pagtatapos, tayo'y maaaring umatubang sa mahabang panahong pagkakahinog ng ating nilalayon at pinagbubuhusan ng pagod. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagtalima sa ibang bagay na samantala'y nasa kahinugan na at tinatawag ang ating pansin. Kung sisipatin mula sa labas ng kultura, maaari ngang basahin ito na isang pagpapaliban o pagpapabukas. Kung mauunawaan ang kulturang pumapaloob dito, masasabing ito'y bunga lamang ng pag-aantabay sa pamumukadkad ng mga ipinunlang binhi. Isang paghihintay sa kaganapan na samantala ay pinupuno ng iba pang pinagkakaabalahan.... Inaantabayanan natin ang mga pangyayari at inaagapan ang mga pagkakataon samantalang maya't maya'y huli sa mga nakatakdang gawain alinsunod sa orasan (165-66, 204).
Nakapupukaw na obserbasyon ito, base sa kostumbre't idyomang sinuri't kinilatis upang masalat ang paghawak sa panahon at sa espasyo sa pakikipag-ugnayan. Ngunit esensiyal at permanenteng katangian ba ito? Mapapagkamalan nga kung hindi lilinawin ang tiyak na yugto ng kasaysayang kinalalagyan nito, pati ang modo ng produksyon, paghahanapbuhay, alitan, libangan, kapaligiran, atbp. Walang pasubali na ang mga masamang hilig ng mayorya sa dula at pelikula na itinala ni Nicanor Tiongson ay bunga ng determinadong taktika ng kapitalistang midya. Nilagom sa ilang pormula ang namamayaning sukat ng kahalagahan: "Maganda ang maputi; masaya ang may palabas; mabuti ang inaapi; at maganda pa ang daigdig" (335). Sinusunod pa kaya ito ngayon?
Pagkakawing at Liberasyon ng Diwa
Alam natin na hindi tahas na kapitalismong industriyal ang antas ng ekonomya natin. Hanggang assembly plant lamang tayo; wala tayong pabrikang yumayari ng malalaking makina, makinarya sa pabrika ng eruplano o tren o kompyuter. Apektado ang isip, damdamin at kilos natin. Sa unang malas, partikular ang mga gawing itinala sa isang piyudal at agraryong ekonomya, isang pesanteng milyu. Nagpatuloy ang mga gawi o "habitus" (kataga ni Bourdieu) sa isang transisyonal na modo ng produksyon at reproduksyon sa mala-pyudal na sitwasyon, bagamat tinablan na ng modernisasyon at nagkabisa na ang chronarchy sa mga nakatira sa kalunsuran. Kadalasan, ang modernisasyon ay katumbas ng paglaganap ng Amerikanisadong estilo ng pamumuhay.
Sa ibang salita, limitado ang mga katangiang empirikal na itinuturing na wagas na buod ng diwa o sensibilidad ng Filipino. Magugunita na kamakailan lamang, itinuring ang hiya kompleks at utang-na-loob syndrome na istereotipikal na katangian ng mga Filipino sa kapatagan. Maraming halimbawang ganito ang mapupulot sa mga tourist guidebooks, sa mga teksbuk sa antropolohiya at sosyolohiya, sa mga cookbooks, sa mga palatuntunan sa radyo at TV, pelikula, at balitaktakan sa Internet, Facebook, atbp.
Ang ideolohiya ng nakararami ay nakasalig pa rin sa di-pantay at litong takbo ng ekonomiya. Sanhi ito sa pinaghalong piyudal na kaayusan (laluna sa mga hacienda't plantasyon), kapitalistang pabrika, at komersiyong inuugitan ng korporasyang transnasyonal at kompyuterisadong transaksyon ng negosyo. Iba na ang disiplina ng upisina sa Makati kaysa araw-araw na gawain sa bukid o sa dagat ng mga maliliit na mangingisda. Mahigpit pa rin ang pagsasalisi at polarisasyon ng kanayunan at kanlunsuran sa ating kasaysayan, isang leitmotif na masasaksihan sa maraming pintura, awit, at pelikula, halimbawa, sa pinagpugayang Norte ni Lav Diaz. Magaling ngunit anong halimbawang maisasapraktika ng masa sa anarkistang indibidwalismo ni Diaz?
Anatomya ng Paglilipat
Masinop na naimbentaryo na ni Eqbal Ahmad ang mga gawi't saloobin ng transisyonal na lipunan sa kanyang sanaysay, "The Contemporary Crisis of the Third World." Mababanggit ang pamamayani ng "generalized logic of caution," puspos ng pag-aantabay. Maingat at matalas iyon sa pagmamasid sa takbo ng mga pangyayari, laging handa sa pagsunggab sa anumang pagkakataong susulpot--samakatwid, oportunista sa pagkakawang-gawa't pakikiramay.
Karaniwang paksa na ang paglulusaw ng pagkakaiba ng pribado at publikong larangan. Trato ng pulitiko o upisyal sa kanilang posisyon na iyo'y paraan upang pagsilbihan ang pamilya't kamag-anak. Patuloy ang dinastiya ng mga pamilya sa pulitika, walang tunay na programang pambansa ang mga partidong ginagamit upang isulong ang kapakanan ng kadugo o katribu o karehiyon. Dahil sinugpo ng Amerikanong mananakop ang nasyonalistikong diskurso, lumala ang guwang na humahati sa pribado at publikong espasyo.
Obserbasyon ni Niels Mulder, antropolohistang iskolar: "Philippine society has no tradition of a legitimate, a morally-backed state, and that the public sphere has not evolved into a moral order" (64). Hindi totoo. Taglay ng rehimeng hinirang ng Amerika ang isang tipo ng moralidad. Masisilip iyon sa pagkakabit ng Estado sa pagtataguyod ng pansariling kapakanan ng iilang parasitikong pamilya o angkan ng oligarkiyang kumikilos bilang bloke ng mga komprador, mga panginoong may-lupa, mga burokrata-kapitalista.
Ang Estadong neokolonyal ay kontrolado ng oigarko at suportado ng U.S. Kung may maibubukod na "public sphere" at "civil society," ito'y nalilikha ng mga kilos at sikap ng pangmasang program ng mga organisasyong tutol sa US imperyalismo. Sapagkat walang soberanya sa pulitiko (susog ni Sen. Jose Diokno [1984]), ang oligarkong uri ay hindi puwedeng pumanday ng isang programang makabayan sa pagbuo ng ekonomyang makapagdudulot ng trabaho at kasaganaan sa nakararami. Walang lehitimo ang poder o lakas, walang awtoridad na dulot ng pagpayag o pagsang-ayon ng masa.
Lumalabas na marupok ang pundasyon (materyal at ideolohikal) ng oligarkiya sapagkat umaasa sila sa kliyente-patrong pakikitungo na retorikal lamang. Pansin ni Barrington Moore Jr. tungkol sa obligasyong resiprokal: "In practice, violations of reciprocity are commonplace at all levels of civilization" (507). Sa dagling pisil, ang motor ng lipunan ay umaandar sa pamamagitan ng dahas, pandaraya at panunuhol, sinuhayan ng manaka-nakang pagsang-ayon at kaipala'y patalistikong pagpapaubaya ng madla.
Pagnilayin natin ang pagsusumang ito sa kasaysayan ng maraming sibilisasyon. Kamukha ito nina Toynbee at Weber--may telos o sadyang pupuntahan ang takbo ng sibilisasyon. Lubhang pesimistiko't makitid na pakiwari ang opinyon ni Moore, na may pagkakaiba sa mga sikolohistang Filipino na may tiwala pa sa hiya kompleks at teorya ng pakikipagkapwang madulas (tinaguriang "smooth interpersonal relations" ng mga dalubhasa sa maka-Establisimyentong agham-panlipunan).
Pasiglahin ang Mapanuring Sensibilidad
Tungkulin natin ang masinop at matiyagang pagsubaybay sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Subalit hindi sapat ang makitid at palasukong empirisistang pag-uusisa. Kailangang bulatlatin at tistisin ang koneksiyon integral ng bawat elemento o salik, ang dinamikong metamorposes ng mga ito sa isang nagbabagong totalidad. Pagkatapos, atupagin ang paglapat ng etika o paghahatol sa halaga ng bawat nangyari--sino ang napinsala? sino ang nakapagwagi't nagkaroon ng bentaha? Imbentaryo't paghuhusga ang nararapat
tuparin upang makabuluhan ang pag-aaral ng direksiyon ng kasaysayan.
Kalahok nito, dapat pahalagahan natin ang mga hangarin at mithiin ng taumbayan sa harap ng mapanganib at marahas na kapaligiran. Iyon ay protesta sa tadhana sapagkat nagsisiwalat ng katotohanan. Iyon ay pagtanggap din sa realidad, sa pangangailan, sapagkat nagpapaliwanag ng kung ano ang maari at kung ano ang hindi maaari sa sitwasyong namana, na ating sinasala't pinagaayaw-ayaw upang mapabuti ang kasalukuyang kalagayan (Barthes). Huwag nating kalimutan ang turo ni Engels na ang kolektibong kalayaan ay hugot sa pagkilala sa nesesidad, sa kung ano ang maari at di-maari sa situwasyong kinagisnan.
Nakasentro ang ganitong pagtatasa sa transisyonal na proseso ng ating kabuhayan. Nakasingit tayo sa pesanteng lohika ng pag-iingat at sa proletaryong lohika ng matapang at mapangahas na pagsubok. Naipit tayo sa dalawang nagbabanggaang guhit ng hanggahan, ang matanda at bata: "haunted by the past, fevered with dreams of the future" (Ahmad). Maipagugunita ang untag ni Walter Benjamin: "There is no document of culture which is not at the same time a document of barbarism." Samakatwid, magkapiling ang barbarismo at kabihasnan, ang paurong at pasugod, ang ideolohiya at utopya, sa alegorya ng balikatang pambansa (tungkol sa alegoryang nasyonal, tingnan si Jameson). Damay ang lahat. Dapat himayin ang kinahinatnang ito sa konkretong pagkakasilid sa bawat yugtong partikular ng karanasang pangkalahatan.
Napakaselan ang imbestigasyong ito tungkol sa mga pwersang nagtatagisan sa bawat tiyak na arena ng pulitika. Sa ganitong panukala, dapat hatiin ang panahon sa tatlong parte: ang pangmatagalan o epokal, ang yugtong maikli o pang-dekada, at ang pang-araw-araw o conjunctural. May masasalat ding kagyat o agarang tempo, sa pagdalumat ni Marx (Bensaid, 69-94).
Lumugar na tayo sa proseso ng diyalektikang pagsisiyasat. Sa pagdurugtong at pagtimbang sa mga pangyayaring dulot ng bawat antas o baytang ng kasaysayan, haharapin natin ang mga pagkakataong maaring kumakapa-kapa ng puwang sa daloy ng pangyayari, puwang kung saan mahuhuli at malilinang ang pagkakataong mabisa sa pagbabago ng sitwasyon. Dapat sanayin ang pulutong ng organikong intelektuwal ng pambansang demokrasya sa taktika ng giyera ng posisyon at sa estratehiya ng giyera ng maniobra (mga konseptong hiram mula sa diskurso ni Gramsci), kapwa hinihingi ng iba't ibang klima, kondisyon at kaigtingan ng pakikibaka.
Wala pang Senyal ng Pagsabog ng Pinyata
Sa pangkalahatan, mahihinuha na nasa yugto pa tayo nina Rizal at Del Pilar, hindi pa sa kahinugan nina Bonifacio at Crisanto Evangelista. Iba't ibang antas ng kamalayan ang dapat ihanay at hasain nang mahusay upang maging handa sa mabilisang mobilisasyon. Pahintulutan ang lahat ng eksperimentasyon sa paglikha ng iba't ibang porma o hugis ng sining, ng paglalahad, sapagkat kailangang ilantad na ang namamayaning hugis ng kapaligiran, partikular ang mabighaning ilusyon, pagbabalat-kayo at mapagkunwaring imahen sa mass media.
Tinutukoy ko rito ang kapangyarihan ng komoditi-petisismo. Mapapansin ito sa advertising at karatula, sa TV at Internet, knulapulan ng mga larawang/penomenang nagpapanggap na natural o makatao. Masidhi ang dating at impak nito sa lipunang neokolonyal na pinalibutan ng gahiganteng mall, tindahan ng pangako't panaginip ng kasayahan at kaluwalhatian. Sa katunayan, iyo'y magarbong bilangguan ng delusyon at mapanghumaling na pagwawala't pagpapatiwakal.
Sa kabilang banda, dagdag na halimbawa ito ng ideyang mapanlinlang. Pag-isipan ang payak na saad sa isang aralin tungkol sa unyonismo na madalas matagpuan sa babasahing pampaaralan o pangmadla. Suliraning nakababagabag ito: "Ang interes ng mga manggagawa ay matumbasan ng wastong halaga ang lakas paggawang naiambag nila sa mga produktong kanilang nalilikha" (EILER). Puwede bang maibigay ng kapitalista ang "wastong halaga"? Sino ang may kapangyarihang magpasiya? Interes ba ito ng lahat, sa kabuuan, sa kolektibong pagtaya? Maaaring ibunyag ang konteksto nito, haimbawa, sa paglalayong pansining (aesthetic distance) o sa alienation-effekt na sinubok ni Bertolt Brecht. O sa mga samut-saring pamamaraan sa makabagong sinemang independiente.
Mungkahi kong dapat itakwil ang dogmatiko at sektaryanistikong hilig ng ating palasintahing guniguni. Bukod sa realismong kritikal na iminungkahi nina Lukacs at Engels, magagamit ang taktika ng photomontage, halimbawa, at iba pang estratehiya't taktikang imbento ng mga konstruktibistang Ruso o ng mga suryalistikong artista tulad nina Cesar Vallejo at Pablo Neruda, pati na ang alegoryang pantasya nina Lu Hsun, Luis Bunuel, Kidlat Tahimik, atbp.
Sa pedagohikal na situwasyon, magagamit kahit na ang mga tula nina Jose Corazon de Jesus o Benigno Ramos sapagkat kalakip ng kanilang tradisyonal na estilo ang sigla at kislap-diwang sumusuway sa malupit na paghahari ng imperyalismo't alipores nito. Adhikain nating pagtibayin ang nagkakaisang hanay, ang blokeng historikal ng progresibong kilusan. Reponsibilidad natin ang palusugin ang ganitong diyalektikang metodo't pananaw sa lahat ng penomenong kultural sa komplikadong proseso ng ating pakikibaka.
Sa trabahong ito, wika ay napakakritikal na instrumento, mithiin at tampulan ng pagsikhay. Tungkulin ng aktibistang liderato ang tipunin, salain at pag-ugnayin sa integral na pananaw ang watak-watak na sentido ng ordinaryong mamamayan, laban sa alyenasyon at mahikang panlilinlang ng burgesyang aparato. Wika ang gumapi sa ating kasarinlan, wika rin ang kasangkapan sa paghuhunos at pagmumulat. Alalahanin natin ang leksiyon sa pangitaing inihayag ni Salvador Lopez, awtor ng makasaysayang libro, Literature and Society: "...Our national language, Filipino, is destined to grow and spread because it is necessary for the promotion of national unity and integration as well as for the education of a truly literate and progressive people" (65).
Pansamantalang Pahimakas
Sa paglalagom, maigigiit na ang larangan ng kultura ay larangan ng pagtatagisan ng ideolohiya. Sa daloy ng tunggalian ng mga uri sa kasaysayan, naglalaban ang mga puwersa ng kaisipan, ugali, damdamin, saloobin, adhikain, na repleksiyon ng lugar ng mga grupo sa produksiyon. Ang ugnayang sosyal na batay sa moda ng pagyari sa bawat yugto ng kasaysayan ay kaagapay o nakakawin sa ideolohiya (pananaw sa mundo), sa spero ng kultura.
Taglay ng bawat pangkat ang pangitain-sa-mundo o ideolohiya na rason, manapa'y rasyonalisasyon, ng kanilang posisyon sa lipunan. Taglay ng oligarko ang kanilang tradisyonal na pamantayan. Taglay naman ng uring trabahador at gitnang saray ng lipunan na lumilikha ng halaga, ng mga gamit sa kabuhayan, ang kanilang organikong ideolohiya na nilagom sa pilosopiya ng materyalismong diyalektika't historikal na nakaugat sa buhay at gawa ng mga bayaning Rizal, Bonifacio, Mabini, Crisanto Evangelista, atbp. Magkakontra ang dalawang pananaw na ito nakasalig sa sistema ng produksyon at reproduksyon ng kongkretong buhay sa lipunan.
Sa ordeng neokolonyal, ang naghaharing ideolohiya ay kagamitan ng mga nagmamay-ari. Nakasentro ito sa komoditi-petisismo, sa pag-samba sa salapi/bilihin. Itinuturing ng burgesyang mentalidad, ng indibidwalistikong kaisipan, na ang mga bagay sa kapaligiran ay gumagalaw, nag-uutos, nag-uudyok, at pumatnubay sa araw-araw na buhay. Sa gayon, laganap ang alyenasyon kung saan ang tao/indibidwal ay waring instrumento ng mga produktong yari ng kolektibong lakas. Naging makapangyarihan din ang mga institusyong humiwalay sa kontrol ng tao, pati mga istrukturang gumagabay sa lipunan na likha ng kolektibo. Paano malulunasan ang alyenasyon, kaakibat ng inhustisya at pagmamalabis, na kinakatawan ng naghaharing kultura't marahas na aparato ng Estado?
Sinikap ditong maihapag ang isang borador ng kagyat na pagsipat sa problema ng neokolonyang kulturang imiiral. Sa ilang halimbawa, sinikap suriin ang ideolohiyang sumusuhay sa bulok na relasyong piyudal at patriyarkal na minana natin sa tradisyon ng pananampalataya at pamahiing dumidisiplina sa buhay ng maraming maralita. Panimulang pagsubok lamang ito, hindi kongklusyon. Ang buod ng tesis dito ay nakalakip sa ilang tanong: Anong mga palatandaan ang makikita sa mga kilos, gawa at kolektibong pagsisikap ng nakararami na dapat linangin, palusugin at paunlarin upang makabuo ng siyentipiko, popular, makabayan at mapagpalayang kabihasnang tumutugon sa pangangailangan ng nakararaming Filipino sa modernong yugto ng kasaysayan? Paano natin makakamit ang dignidad at kabutihang sangkap ng humanidad sa buong mundo? Ano ang dapat buwagin, panalitihin, at likhain? Kolektibong proyektong ito kaalinsabay sa politikang kilusan ng mayorya tungo sa pagtatamo ng kasarinlan at pambansang demokrasya.
Sa muni ko, dapat gamitin ang diyalektikal na sukat sa pagsusuri sa baligho't balintunang kalakaran. Mapasisigla natin ang grupo ng organikong intelektwal ng masa kung sisikapin nating tuklasin at tarukin muli ang ispesipikong mekanismo ng mga ugali, kaisipan, saloobin, sa isang tiyak na sitwasyon. Pagkatapos, maiging himayin natin ang negatibong bahagi o puwersa na nagpapanatili sa kasamaan at kahirapan, at ang positibong bahagi na sumasalungat doon--ang tendensiyang utopiko o mapangarap, na pinagmumulan ng mapanlikhang pagbabago.
Sa wakas, sikapin nating paglangkapin ang magkasalungat na salik/sangkap ng ating lipunan sa pulitika ng blokeng historikal ng makabayang partido ng mga anak-pawis, ng nakararaming mamamayan. Layon natin ang maisapraktika ang demokrasyang popular, ang partisipasyon ng lahat, sa pagbuo ng isang bansang makatarungan, masagana, at nagtatamasa ng tunay na kasarinlan. Sa mga komentaryo sa kultura, sa mga pangyayaring may kinalaman sa batayang prinsipyo't paninindigan, ilapat natin ang dalawang hakbang na naipanukala ko rito. Sa gayon, mabibigyan natin ng matatag na oryentasyon ang plataporma ng masa tungo sa pagbagagong-buhay.
SANGGUNIAN
Agoncillo, Teodoro and Oscar Alfonso. History of the Filipino People.
Queen City: Malaya Books, 1967. Nakalimbag.
Agoncillo, Teodoro and Milagros Guerrero. 1970. History of the Filipino People.
Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co, 1970. Nakalimbag.
Ahmad, Eqbal. "The Contemporary Crisis of the Third World." Monthly Review (1981) 32.10: 1-12. Reprinted in Third World Studies Dependency Papers. Series No. 34 (June 1981): 1-11. Nakalimbag.
Althusser, Louis. Lenin and Philosophy and Other Essays. London:; NLB, 1971. Nakalimbag.
Barthes, Roland. 1996. "The Tasks of Brechtian Criticism." In Marxist Literary Theory: A Reader, ed. Terry Eagleton and Drew Milne, 136-40. New York: Blackwell, 1996. Nakalimbag.
Benjamin, Walter. 1977. "Reply." In Aesthetics and Politics, tr. ed., Ronald Taylor, 134-41. New York: New Left Books, 1977. Nakalimbag.
Bensaid, Daniel. Marx For Our Times. New York: Verso, 2002. Nakalimbag.
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Queen City: Tala
Publishing Services, 1975. Nakalimbag.
De Manila, Quijano [Nick Joaquin]. 1983. Discourses of the Devil's Advocate. Manila: Cacho Hermanos Inc, 1983. Nakalimbag.
Diokno,Jose W. Anti-Americanism: Twenty-four Questions About Filipino Nationalism. Manila: Kaakbay Primer Series No. 2, 1984. Nakalimbag.
Dray, William H. Philosophy of History. Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall, 1964. Nakalimbag.
EILER. Pambungad na Araling Mangggawa. Manila: Ecumenical Institute for Labor Education and Research, 1984. Nakalimbag.
Ellao, Janess Ann & Dee Ayroso. "20 years after Flor Contemplacion, Filipino migrants suffer same exploitative conditions." Bulatlat (March 17, 2015).
<http://bulatlat.com/main/2015/03/17/20-years-after-flor> Web.
Engels, Fredrick. Anti-Duhring. New York: International Publishers, 1939. Nakalimbag.
Fischer, Ernst. How To Read Karl Marx. New York: Monthly Review Press, 1996. Nakalimbag.
Foucault, Michel. Language, counter-memory, practice. Ithaca, NY: Cornell University Press. Nakalimbag.
Gramsci, Antonio. Selections from the Prison Notebooks. New York:
International Publishers, 1971. Nakalimbag.
Guerrero, Amado. Philippine Society and Revolution. Manila: Pulang Tala, 1971. Nakalimbag.
Hobsbawm, E.J.. Primitive Rebels. New York: W.W. Norton, 1959. Nakalimbag.
Ileto, Reynaldo. "Outlines of a Non-Linear Emplotment of Philippine
History." In The Politics of Culture in Global Capital, ed. Lisa Lowe and
David Lloyd, 99-131. Durham NC: Duke University Press, 1992. Nakalimbag.
-----. Filipinos and Their Revolution. Quezon City: Cambridge University
Press, 1998. Nakalimbag.
Jameson, Fredric. The Jameson Reader. Malden, MA: Blackwell, 2000. Nakalimbag.
Lopez, Salvador. "Literature and Freedom." Asia ang Pacific Quarterly xi. 3 (Autumn): 65-70, 1979. Nakalimbag.
Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino, Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2002. Nakalimbag.
Mandel, Ernest. Introduction to Marxism. London: Inks Links, 1998. Nakalimbag.
Mao Tsetung Selected Works of Mao Tsetung. Peking: Foreign Languages Press, 1977. Nakalimbag.
Marshall, Gordon,ed. A Dictionary of Sociology. New York: Oxford
University Press, 1998. Nakalimbag.
Marx, Karl & Frederick Engels. Selected Works. New York: International ggPublishers, 1968. Nakalimbag.
Moore, Barrington, Jr. Injustice: The Social Bases of Obedience and Revolt. White Plains, NY: M.E. Sharpe Inc, 1978. Nakalimbag.
Mulder, Niels. Inside Philippine Society: Interpretations of Everyday Life. Quezon City: New Day Press, 1997. Nakalimbag.
Pomeroy, William. The Philippines: Colonialism, collaboration and resistance! New York: International Publishers, 1992. Nakalimbag.
San Juan, E. US Imperialism and Revolution in the Philippines. New York: Palgrave, 2010. Nakalimbag.
-----. Between Empire and Insurgency: The Philippines in the New Millennium. Quezon City: University of the Philippines Press, 2015. Nakalimbag.
Schirmer, Daniel and Stephen R. Shalom. The Philippines Reader. Boston: South End Press, 1987. Nakalimbag.
Soliongco, I.P. "On American Literature and Filipino Society." In Rediscovery, ed. Cynthia Nograles Lumbera and Teresita Gimenez Maceda, 209-218. Metro Manila:National Book Store, 1983. Nakalimbag.
Sturtevant, David. Popular Uprisings in the Philippines, 1840-1940. Ithaca: Cornell University Press, 1976. Nakalimbag.
Tiongson, Nicanor. "Four Values in Filipino Drama and Film." In Affirming the Filipino, ed. Ma. Teresa Martinez-Sicat and Naida Rivera, 335-352. Quezon City: Dept of English, University of the Philippines, 204.
Tolentino, Rolando & Josefina Santos, eds. Media at Lipunan. Quezon City: University of the Philippines Press. 2014. Nakalimbag.
Velez, Tyrone. "Jobs Fair enforcing brain drain, says labor group." Bulatlat (June 10, 2014).
<bulatlat.bcom/main/2014/06/10/jobs-fair-group> Web.
Veneracion, Jaime. Agos ng Dugong Kayumanggi. Quezon City: Education Forum, 1987. Nakalimbag.
Wood, Ellen Meiksins. Democracy Against Capitalism.. New York:
Cambridge University Press 1995. Nakalimbag. ###
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Friday, April 03, 2015
Thursday, March 19, 2015
Remarks on the booklaunching of Charlie Veric's HISTORIES
SULEIMAN AT THE GATES OF VIENNA: Reflections on
CHARLIE VERIC'S HISTORIES
by E. SAN JUAN, Jr.
A provocative original voice enters the archive of
Philippine writing in English with Charlie Veric's Histories. Time
unfolds in places that catalyze imagination. From New Haven to Gaza,
Diliman, Alexandria, New York, Vienna, Escolta, and everywhere, this Filipino
artificer of words interrogates life-histories in specific locales that bear
common indices: solitudes, dreams, desires. He deploys in urbane global English
what used to be called "international style" coeval with the
cosmopolitanized market of the imperial bourgeoisie (as Marx and Engels noted).
Veric succeeds wonderfully in giving us a savor of this style without budging
from our seats, in real time.
As expected in our intellectual/academic milieu, the poet
resists our daily disappearance into "the mill of Robinson's Place."
He protests against the varied locales of commodified life that ironically
swallows difference. Representing the multitude of alienated
"others," the poet cries out for recognition of individualities, for
singularity, for freedom: "I write, therefore I am free from rote
life." It is the classic predicament of Villa, Kafka, Dostoevsky, Joyce,
etc. The poet's anguish springs from the modernist impulse of defying Cartesian
clocktime with "nonsynchronicities," sometimes with the postmodern
pastiche or baroque now a universal poetic idiom. He strives to fuse the now
and the eternal into one epiphanic moment of recognition; the traditional
metaphor used is Dante's vision of Beatrice. Who is Beatrice in the last poem
of the book, Vita Nova?
The last poem is an intriguing sign of a promise that I am
sure Veric (always true to his name) will make good in his next work. Walter
Benjamin once said that the self is the most powerful opium we suck everytime
we are lonely. And so we are provoked to query: Is solitude a sign of freedom?
In my reading, it is a symptom or allegory of that market-centered history the
poet rejects in so many nuanced images and tones. We share his anguish in
making multiple "histories" to resist a homogenizing, monolithic
narrative of our human condition.
For the common reader to freely appreciate this book, she
needs to discover meanings in Veric's expressive gestures and communicate them.
Such communication is premised on a solidarity of linked backgrounds, shared
understandings. Solitude is thus released from its monadic framework, the
ego-centered discourse of modernity. The poet's motive is, I surmise, to create
this planetary platform for conviviality. Based on my acquaintance with his
work, Veric seeks to be a planetary poet. We might then place this book in the
milieu of world literature, first conceived by the romantic Goethe, where
national context is pre-requisite for there to be free, equal articulation
among languages and cultures.
And so our task as readers is geopolitical triangulation:
Where can we locate Veric's eloquent "histories" in our quotidian
lives, "histories" traversing
regional boundaries but speaking a cosmopolitan idiom now standard for
postmodern verses in the Global North? How can the silenced histories of the
poet and his readers/translators be excavated in so many points of transit in
his passage from Aklan in neocolonial clocktime to the present global era of
9/11 terrorism, U.S. imperial wars in Afghanistan and Syria, drone warfare,
Mamasapano carnage, and the interminable OFW diaspora? This book-launching is
thus an occasion for exchange, translation, and playing convivial language-games
(as Wittgenstein envisaged it) for our newly-emerging lives.--###
Wednesday, February 18, 2015
PAGHAHANAP KAY CIRIO PANGANIBAN/IN QUEST OF CIRIO PANGANIBAN, FILIPINO POET
PAGHAHANAP KAY CIRIO PANGANIBAN
ni E. San Juan, Jr.
Bakit mag-aabala pa tayo sa kung sino
ang may-katha ng ating araling tula kung naibalita na, kahapon o malaon na, na
patay na ang awtor? Paano, saan matatagpuan siya, ang mga buto o labi man lamang?
Binabasa natin ang "Three O Clock
in the Morning." Ano ang saysay nito, ano ang kinalaman sa atin? Bakit
makahulugan ito? Anong kabutihan, kung mayroon man, ang dulot nito?
Ipagpalagay nating di pa tuluyang
utas, kundi naghihingalo pa, ang tinaguriang "awtor," ibig sabihin,
ang responsableng taong lumikha ng kulupong na mga salitang ito. Mag-asta
tayong usyoso, curiosity-seekers, wika nga. Baka maging Lazaro pa ang ating
awtor. Paulit-ulit sa mga teksbuk ang
kauting datos tungkol kay Cirio Panganiban, awtor ng "Three O'Clock in the
Morning." Matatagpuan ang tula sa antolohiya, Ang Ating Panitikan (1984),
nina Isagani Cruz at Soledad Reyes, at sa inedit ni Efren Abueg na ikatlong
edisyon ng Parnasong Tagalog ni A G Abadilla.
Inulit sa Internet ang naitala na nina J Villa Panganiban at
Consuelo-Torres Panganiban sa kanilang Panitikan ng Pilipinas
(1954). Sinilang noong Agosto 21,1895
sa Bocaue, Bulacan, ang awtor ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
(circa 1950s). Bukod sa pagkamanananggol, siya ay makata kwentista, mandudula,
mambabalarila, at guro ng wika. Laging binabanggit ang kuwento niyang
"Bunga ng Kasalanan" na nalathala sa Taliba na pinagkamit niya
ng titulong kwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway.
Napuna ng kritikong Teodoro Agoncillo na sa katibayan ng kuwento ni Panganiban,
ang mga manunulat sa atin ay marunong nang "magtagni-tagni ng mga
tagpo" sa isang banghay (1949, 17).
Kilala rin si Cirio Panganiban sa
dulang "Veronidia" (1927) na "lumikha ng pagbabago sa kasaysayan
ng mga dulang Tagalog" (Panganiban & Panganiban 1954, 203). Laging tampok siya bilang makata ng mga
tulang "Sa Likod ng Altar,"
"Karnabal ng mga Puso," "Manika," "Sa Habang
Buhay," atbp. Kabilang si Panganiban sa grupo ng mga manunulat ng
"Ilaw at Panitik," at nasabi ko nga, sa isang antolohiya ng mga salin
sa Ingles, na si Panbaninban ay "link between the bardic style of Huseng
Batute and the retrospective self-dramatization of A.G. Abadilla" (San Juan
1974). Kung paano ito nag-ugnay kina Batute at Abadilla, ay isang problemang
baka maitalakay sa daloy ng diskursong ito.
Lapit sa Likhang-Sining
Sa paniniliksik ko, isang sanaysay
lamang ang nauukol sa panitik ni Panganiban, ang kay Ben Medina na lumabas sa Philippine
Studies (1971), at tungkol naman sa "Three O'Clock in the
Morning," ang kay Virgilio Almario (2006). Ang komentaryo ni Medina ay
pagpapatunay sa naisaad ng tala sa Wikipedia: "Naging alagad siya ni
Balagtas sa pagsulat ng tula. Tradisyunal ang istilo niya sa pagbuo ng tula
subalit ng malaunan ay nagbago na rin ng istilo, tulad ng masisinag sa
"Manika" at sa "Three O'Clock" (2014). Tungkol sa
"Manika," hatol ni Medina: "Napalayo siya sa pinagkaugaliang
sukat, subalit pinatibayan niya ang likas na aliw-iw, indayog, ng mga salitang
Tagalog..."
(1971,
302). Nakatutok pa rin si Medina sa pagkilates sa sining ayon sa pagsunod nito
sa tradisyonal na pamantayan.
Dalawang beses nang nadalaw ni Almario
itong tulang ito, una sa kanyang 1972 libro, Ang Makata sa Panahon ng Makina,
at sa pangalawa, sa formalista't Marxistang punto-de-bista sa kanyang 2006 libro, Pag-unawa sa Ating Pagtula.
Makitid ang
pagtutumbas ni Almario ng "makauring pananaw" at realistang
pamantayan ng Marxismo. Kaya itinuon niya ang "tipo ng buhay na
isinasadula sa tula," alalaong baga, "ang dekadenteng buhay na dulot
ng modernisasyon" (2006, 283).
Mistipikasyon lamang ito, ayon sa Marxistang kritiko ni Almario,
samakatwid: "..ang tula ay isang romantisasyon ng aliw sa ganitong pugad
ng mariwasa at hindi nakatutulong sa paglalantad ng bulok na relasyong
panlipunan sa loob ng salon" (2006, 284). Batid nating mayaman ang pamilya
ng makata, kaya "mambabaw kundi ma'y romantisadong paggamit" ng paksa
ang nangyari.
Konklusyon
ni Allmario: delikado itong ipabasa sa progresibo (o inaaping) sektor ng
lipunan.
Bagamat maraming partikular na detalye
ang nabalik-tanaw ni Almario sa kanyang pormalistang paghimay, lubhang dahop
kundi man karikatura ang demonstrasyon niya ng Marxistang pagbasa. Moralista
ang tula, ayon kay Almario, ngunit taglay ang angking gayuma o "iwing
kamandag." Hindi naipagkabit-kabit
ang masalimuot na aspektong bumubuo sa tula. Bagamat nailugar ni Almario ang
panahon ng tula sa kolonyang milyu ng Amerikanisadong lipunan bago sumapit ang
WWII, istatiko't walang makatuturang relasyon ang panahong iyon sa nakalipas at
sa darating na epoka ng kasaysayan ng bansa. Mas malawak ang tanawing
panlipunang nailarawan ni Almario sa pagsakonteksto niya ng tula sa 1984 libro
niyang Balagtasismo versus Modernismo, ngunit walang bisa iyon sa
pagpapakahulugan sa mapagpasiyang paghahati ng panahon sa dulang itinanghal ng
tula.
Iba naman ang hagod ni Rolando
Tolentino sa degenerasyong naturol na ni Almario. Hindi sermon ang tula kundi pagpapatibay sa indibidwalistikong
liberalismong ikinalat ng Amerika sa ilalim ng ideolohiyang demokrasyang
liberal. Ipinakita ng tula ang tagumpay ng liberalismo, pakiwari ni Tolentino.
Dagdag niya: "Ang pagtula ni Panganiban sa ganitong paksa ay pagbibigay ng
lehitimasyon sa degenerasyon bilang kabahagi ng liberal na gawi--na sa hulling
usapan, ang indibidwal ang may ahensya ng paglahok, pagpigil at pagwaksi sa
kalakarang panlipunan, kahit pa nga nagpapahiwatig ito ng degenerasyon"
(2007, 179). Sa palagay ko, tila
kalabisan ang pagbibigay ng ahensiya sa nag-iisang indibidwal, sadyang salungat
sa tipikal na representasyon ng dula at tauhan sa tula.
Musika ng mga Aliping Nagbalikwas
Sa halip na ulilang indibidwal, ang
diwa ng solidaridad at dinamikong alingawngaw nito ang kinakatawan ng tula. Ang
laman at anyo ng "jazz," genre ng tugtuging "Three O'Clock in
the Morning," ay hango sa "call-and-response" ritmo ng mga
Aprikanong nagtatrabaho sa mga plantasyon ng bulak sa Katimugang Estado ng
Amerikano noong panahong ante-bellum, bago sumiklab ang Giyera Sibil.
Kahalintulad ito ng sitwasyon ng kolonya't malakolonyang bansa na sinakop at
nilupig ng puting Establisimyentong umangkin sa jazz at kinomodify ito bilang
kagamitan sa pagkamal ng kita at tubo sa Amerikanisadong cabaret noong dekada
1920-1942 sa buong kapuluan.
Mula sa kasaysayan ng mga itim na
alipin sumibol ang jazz, katibayan ng kolektibong pananagisag ng pagkakaisa ng
mga alipin/esklabo sa kanilang kasawian at pakikibaka. Bagamat may namamayaning
temang sinusunod ng lahat ng gumaganap sa orkestra sa paglalaro sa jazz, may
kalayaan ang bawat isa na humabi ng kanyang baryasyon o bigyan-kahulugan ang
dominanteng tema sa isang partikular na tono't bilis na ekspresyon ng
pansariling nais sa loob ng napagkasunduang porma ng musika. Ibig sabihin, ang
ahensiya ng indibidwal (musikero, alipin) ay nakakapa sa kolektibong pagsisikap
isakatuparan ang layuning bumubuklod sa lahat, ang bukal ng kahalagahan ng
partikular na identidad ng kasapi sa orkestra.
Kawangki ang istruktura ng jazz ang
pagsulong ng tatlong eksena sa tula. Ang praktika ng pagsasalit-salit ng
indibidwal at lipunan ay naipahiwatig sa transisyon mula sa
"lilipad-lipad" na mananayaw hanggang sa pigura ng babaeng humibik,
"hinahanap-hanap ang puring nawaglit." Ang mismong
senyas/representamen ng jazz ang siyang nagdadala sa pagsulong ng tula mula sa
masiglang aliw sa unang saknong, kasunod ng dalumat sa pansamantala't
mapaglinlang na uri ng ganda't saya, hanggang sa huling saknong na saksi sa
pagtuklas ng kabiguan kaalinsabay ng paglukob ng dilim sa dati'y maaliwalas na
kapaligiran.
Sa
guwang ng kontradiksiyong ito sumingit ang rason/batayan ng pagkakawing ng
ikoniko't indeksikal na senyas ng tula at tagpo't aksiyon, ang dahilan na ang
hugis ng nadaramang kapaligiran ay di dapat ituring na katotohanan kundi
pambungad na hagdan o panimulang palantandaan ng katunayang matutuklasan sa
dulo ng takbo ng karanasan. Ito ang lohikang interpretant, ang masaklaw ng
kahulugan ng tula. May himatong ng pagsasanib ng realidad at pantasya, ng
dalamhati sa katalagahan at ligaya sa fantasya, sa metapora ng pusong naglalaro
sa isang sandali, kapagdaka'y nagsisinungaling. Sa natatanging lugar ng cabaret
at panahon ng alanganin o biting yugto ng kinaumagahan nasapul ang ethos o
chronotope ng kabuhayan sa kolonisadong Pilipinas.. Sa ganitong paraan
matagumpay na napagsanib ng makata ang anyo (porma) at laman (tema) ng tula.
Semiotika ni Peirce
Sandaling ibaling ko ang diskurso se
semiotika ni Charles Sanders Peirce.
Naipaliwanag
ko na sa isang sanaysay na lumabas sa Daluyan 2014 (pamagat:
"Kahulugan, Katotohanan, Katwiran: Pagpapakilala sa Semiotika." Naipaliwanag ko na rin ang ilang batayang
prinsipyo ng teorya ng senyas ni Peirce. Pwedeng idiin muli ang triyadikong
paradigma nito: obheto--senyas o representamen--interpretant. Sa lingguwistika
ni Saussure, ito ang signifier-signified na binaryong relasyon, tiwalag sa
"obheto" o yaong okasyon o dahilan ng signipikasyon. Ang interpretant
ang siyang nag-uugnay sa obheto (referent, sa ibang diskurso) at sign/senyas.
Iniuugnay ng interpretant ang marka o
representamen sa bagay na tinutukoy, ang obheto. Sa gayon nagkakaroon ng
kahulugan ang senyas para sa isang nagpapakahulugan (hindi laging tao
ito). Pansinin na hindi dekonstruksyonista
si Peirce sapagkat ang obheto ng semiotika ang nagtitiyak o nagtatakda sa
senyas/salita/marka, kaya hindi arbitraryo ang lahat ng pagpapakahulugan o
signipikasyon. Gayunpaman, hindi lubos
na natitiyak o naitatakda ng senyas ang interpretant (Peirce 1991, 253-259).
Kaakibat ng interpretant ang obheto na siyang nagbibigay ng kahulugan sa
senyas/sign, kaya maraming posibilidad ito--at hindi talagang maiiwasan ang
kalabuan, kamalian, ambigwidad, at walang patid na sikap sa trabaho ng unawaan
at pagpapaliwanagan.
Humigit-kumulang, maitutukoy ang
tatlong uri ng interpretant: ang kagyat o immediate interpretant, na hindi pa
lubos na nakamamalay at nakakikilala kung ano ang ibig isiwalat na senyas. Ito
ang reaksyon sa unang basa ng tula: kakaunti lamang ang nasakyan. Pangalawa, ang dinamikong interpretant.
Tinutukoy nito ang lahat ng pormalistiko't moralistikong pagbasa. Ito ang
epektong aktuwal ng mapagkawing na punksiyon ng senyas sa ulirat. Nasa ilalim
ng kategoryang ito ang nabanggit na kritisismo. Pangatlo, ang pinal o pinakahuling interpretant. Ayon kay Floyd
Merrell, "the final interpretant is that which is accessible only in the
theoretical long run and hence outside the reach of the finite interpreter or
interpreters" (2000, 128).
Pinalalim ni Peirce ang pagtalakay sa
pag-imbento ng "intentional interpretant" na isang senyas na ginawa
ng nangungusap upang magkaroon ng komunikasyon. Maari ring magbuo ang
nangungusap o sumusulat ng"effectual interpretant" kung saan nagkabisa
o tumalab ang senyas ng inilahad ng nangungusap (Liszka 1996, 90). Sa palagay ko, ang dalawang ito ay kalakip
sa dinamikong interpretant. Kung lalagumin, ang iba't ibang antas ng dinamikong
interpretant ay maaaring mapatingkad at mapayaman sa masinsinang pagpapaloob ng
porma at nilalaman ng tula sa kuwadro ng mahabang kasaysayan ng bansa na
nagkakabit sa rebolusyon laban sa Espanya at sa Amerika hanggang sa pagsakop ng
Hapon.
Sa aking pagbasa, itinuring kong sa
likod ng partikular na detalyeng mailalahad sa isang sosyolohistikang ulat,
naroon ang intensiyong gamitin ang penomena upang ipaabot ang isang mapanuri't
mapaglagom na pangitain: ang karanasan ng kolektibo, ng buong lipunan,
Pagpapalawig ito sa literal o denotatibang katuturan. Pagbibigkis iyon sa
punto-de-bista hindi ng isang grupo o pangkat kundi ng buong sambayanan.
Sisipiin ko ang nailahad ko na sa nabanggit na artikulo:
Sa pakiwari ko, ito ang
alegoryang nakalakip sa kategoryang Pangalawahin, binubuo ng indeks ng
limitasyon sa kagustuhan o pagnanais ng tao. Malinaw na ang temang nakasentro
ay
pagkabigo, kabalintunaan,
sakit, at sakuna dulot ng mapanggayumang hibo ng magara’t nakasisilaw na
pamilihan/komersyo ng lungsod dala ng Kanluraning kapital. Naranasan ito sa
pangyayaring naganap. Ang bayang Pilipino ang natukso ng Amerika, ngunit sa
pagitan ng gabi
ng kahirapan at umaga ng
katubusan, hindi pa rin makaigpaw sa romansang walang kasasapitan. Ang
kaligtasan ay nasa pagmumuni sa takbo ng ating kasaysayan noong bago
"liberasyon" sa pananakop ng Hapon (San Juan 2014, 12)..
Pakay at Motibasyon ng Pagtatanong
Bakit ko naungkat ang rason ng ating
pag-aaral at imbestigasyon tungkol sa kahulugan? Ano ang silbi nito sa ating
buhay?
Ipagunita natin sa kalipunan ng mga
nag-sisisyasat--tayo ito, ang komunidad ng mga mananaliksik at nagsusuri--ang
dahilan ng pag-uusisa sa senyas, wika, sining. Ang kahulugan ay isang proseso
ng komunikasyon sa iba't ibang mga ahensiya. Ang produkto nito ay impormasyon,
at ang bisa o resulta ng komunikasyon ay pag-uunawan, yaong ibinabahaging
pagkakaiintindi na pag-aari ng lahat, kaalamang gamit ng lahat.
Samakatwid, ang layon o pakay ng
pag-aaral (inquiry, sa kataga ni Peirce) ay pagkakasundo sa isang totoong
paniniwala o kaalaman (Liszka 1996, 81). Sa pangkalahatan, pagkakaisa sa opinyong
naitatag na. Ang bunga naman ng tunay
na paniniwala, na mataimtim na pinaninindigan, ay pagkontrol sa sarili,
disiplina sa sarili; at para sa madla, kilos o ugali o gawi ng nagpapakita ng
konkretong pagkamakatwiran (concrete reasonableness). Sa dagling pagsusuma, ang
layon ng interpretasyon ay isang makatwirang pagkilos o aksyong taglay ang
pagkamakatwiran.
Sa ganitong perspektib, sikapin nating
patalasin at palawakin ang sakop ng interpretant. Bakit? Upang magamit ang
pagbasa sa tula sa pagkakamit ng mas mapagpasiyang kabatiran tungkol sa
kontribusyon ng tula sa ating dunong, talino, damdamin, kakayahan,
sensibilidad. Hindi ito pagkakataong ilahad ang teorya ng interpretasyong
iminungkahi ni Fredric Jameson sa kanyang "On Interpretation: Narrative as
a Socialiy Symbolic Act," kasama sa The Political Unconscious
(1981). Sa halip, tunghayan ang kanyang proposition sa kanyang "Third
World Literature in the Era of Multinational Capitalism."
Naimungkahi ni Jameson pagkatapos
sipatin ang halimbawa ni Lu Hsun, ang rebolusyonaryong manunulat ng Tsina, na
ang manunulat sa Pangatlong Mundo ay kaiba sa katukayo niya sa
industriyallisadong metropolitanong sentro. Kaiba dahil ang relasyon ng pribado
at publikong larangan, ang koneksiyon ng pulitika at pansariling kapakanan, ang
papel na ginagampanan ng intelektwal sa pulitikong digmaan ng kolonyalismo at
sinakop. Ilapat ang obserbasyong ito sa panitik ng mga kapanahon ni
Panganiban: "Third-world texts,
even those which are seemingly private and invested with a properly libidinal
dynamic--necessarily project a political dimension in the form of national allegory: the story of the private individual destiny is always an allegory
of the embattled situation of the public third-world culture and society (2000,
320)."
Maidadag na sa klima ng kulturang
kinasangkutan ng mga pagpupunyagi ng kapisanang Ilaw at Panitik, kabilang na si
Panganiban, ang usapin ng kalayaan at kasarinlan ng bansa laban sa Estados
Unidos ay maigting na adhikain. Laganap ito buhat nang sumuko si Aguinaldo sa
Estados Unidos at nagapi ang mga gerilya ni Macario Sakay. Sa isang pulong ng
grupo noong Agosto 1915 nasambit ni Panganiban ang pahayag ng dakilang simulain
ng manunulat sa panahon ng pananakop na manalig sa sariling pag-iisip, itaguyod
ang liwanag ng patnubay na paninindigan "Na ang Laya't Katubusa'y panitik
ang nagguguhit, / Ang tao at ang baya'y tinutubos ng panitik" (sinipi ni
Almario 2014, 257).
Samakatwid, ang dula ng "Three
O'Clock in the Morning" ay isang alegorya ng bansa. Iyon ay dramatikong
pagsisiwalat ng sitwasyon ng bansa sa pagitan ng ilusyon ng hegemonya ng
Amerika at malupit na okupasyon ng pasistang lakas-pandigma ng imperyong Hapon.
Batay sa bagong kaalamang ito, ano ang nararapat ipagpasiya sa pag-ugit sa
pagpapalaya't pagsulong ng buong bansa?
Kung sisipatin sa ganitong kuwadro ng
pagpapahalaga, lilitaw na ang tula ay isang masaklaw ng talinghaga, isang
alegorya ng sambayanan, hindi lamang ng ilang indibidwal o pangkat (San Juan
2015). At ang interpretant nito, kung makalilipat mula sa dinamiko hanggang
final o effectual na antas, ay mahihikayat magpasiya na, una, ibahin ang
sitwasyon ng panitikan at mambabasa; pangalawa, gamitin ang impormasyong
nahugot sa tula at ilapat sa hinihingi ng bagong kapaligiran; at pangatlo, sa
pagbabago ng ating kamalayang panlipunan at pangkasaysayan, kailangang baguhin
ang ayos ng lipunang giinagalawan natin.
Dapat salungguhitan ang tesis nina
Peirce at iba pang pantas (Bakhtin, Althusser) sa Marxistang tradisyon na ang
wika, sa panitikan o pasalitang diskurso, ay isang praktikang panlipunan na
mahigpit kalakip ng kasaysayan at pulitika. Ang panitikan ay isang tahasang
interbensiyon sa tunggalian ng iba't ibang uri, sektor, lakas, isang sandatang
pampulitika na bumubuo ng suheto/identidad sa pamamagitan ng interpelasyon o
pagtawag sa tao upang maging suheto o aktor sa isang dulang
pangkasaysayan(Lecercle 2005, 198).
Nasa sa inyo, mga mambabasa, ang
tungkuling pigilin ang takbo ng panahon, o lumikha ng bagong daigdig na
makatutubos sa panahong lumipas. Isang asignatura itong tumitimbang sa
katuturan ng panitikan o sining bilang mga pangangailangan sa larangan ng
kritika ng ideolohiyang mapaniil at utopyang bumabanaag sa harapan, isang
mabisang patnubay tungo sa pagpupunyaging makamit ang isang makatao't
makatarungang lipunan (San Juan 2015).
SANGGUNIAN
Abueg,
Efren. 1973. Parnasong Tagalog ni A.
G. Abadilla, Ikatlong Edisyon. Maynila: MCS Enterprises Inc.
Agoncillo, Teodoro, 1972.
Ang Maiklng Kuwentong Tagalog (1886-1948). Maynila: Inang Wika
Publishing Co.
Almario, Virgilio. 1984.
Balagtasismo Versus Modernismo.
Quezon City: Ateneo University Press.
----. 2006. Pag-unawa sa
Ating Pagtula. Maynila: Anvil.
---. 2014. Ang Tungkulin ng
Kritisismo sa Filipinas. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press.
Jameson, Fredric 1981. The Political Unconscious. Ithaca: Cornell University Press.
-----. 2000. The Jameson
Reader. Malden, MA: Blackwell.
Lecercle, Jean-Jacques. 2005.
A Marxist Philosophy of Language. Chicago IL: Haymarket Books.
Liszka, James Jakob. 1990. A
General Introduction to the Semeiotic of Charles Sanders Peirce. Bloomington, IND: Indiana University Press.
Medina, Ben S. 1971.
"Panganiban: Tradisyon at Modernismo." Philippine Studies 192 (1921):
287-306.
Panganiban,
J. Villa & Consuelo Torres Panganiban.
1954. Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: Bede's Publishing House.
Peirce,
Charles Sanders. 1991. Peirce on Signs. Ed. James Hoopes.
Chapel HIll: University of North Carolina Press.
San Juan,
E., ed. 1974. Introduction to
Modern Pilipino Literature. Boston:
Twayne.
-----. 2015.
Lupang Hinirang, Lupang Tinubuan: Mga Sanaysay sa Politikang Pangkultura at Teorya ng Panunuri. Manila: De La Salle University Press.
Tolentino,
Rolando B. 2007. Sipat Kultura. Quezon City: Ateneo U Press.
Wikipedia. 2014
"Cirio Panganiban."
<http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title+Cirio_Panganiban&oldid=1436428>
___________________
<philcsc@gmail.com>
Subscribe to:
Posts (Atom)
National Sovereignty, Anti-Imperialism, and the Iranian Resistance: A Third World Marxist Defence of Iran's Right to Resist Imperialis...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
-
AMADO V. HERNANDEZ : AN INTRODUCTION By E. SAN JUAN, Jr. By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable ...
-
OLIGARKIYA NG KUMPRADOR-PATRIYARKONG PIYUDALISMO AT SIMBOLIKONG TRANSPORMASYON NG DIWA SA ILALIM NG IMPERYALISMONG AMERIKANO ...

