Monday, November 23, 2026

LAKBAY SA SIQUIJOR, ISLA NG MGA SALAMANGKERO

 PAHATID  MULA SA ISLA NG ASWANG AT MANGKUKULAM


💃💃💃💃



Matagal nang alok sa amin na bumisita sa Siquijor—bakit?

Naibalita ng reporter na si Aie Balagtas See kamakailan ang naroon—

Namangha’t nagulat sa nasaksihan nitong Banal na Linggo, 2025…


Ayoko nang maglakbay sa Subic o Olongapo, sa Abu Ghraib o Guantanamo—

Halina’t sumabak sa pista ng hiwaga’t kababalaghan!


Ay naku, huwag nang pagpugayan si Quiboloy at mga salamangkerong kurakot!


Nakita ni Ai See ang ritwal sa paglikha ng gamot sa pag-ibig—

Isang arbularyo sa tuob ang humalik at bumulong sa usok ng kamanyang….


Ayoko na ng Louis Vutton Prada Gucci  Bulgari  Rolex  Armani!


Tumagos ang mahika, nilagnat si Aie See, naduwal—saklolo!

Nadala sa Ospital at modernong mediko, naiwasang maging fetish o sakripisyo.


Ayoko na ang gayuma mga idolong Frank Sinatra Lady Gaga Google Trump Taylor Swift!


Kumpisal ni Aie See na saludo siya sa humanidad ng taga-Siqujor

Kundi nakulam na siya’t pinagsamantalahan ng mga kurakot sa “bayang sawi”…


Ayoko na ng Macdonald, Starbuck, naloko na tayo ng Hollywood at Disneyland…


Itinala ni Aie Balagtas See ang naranasan sa bayang sinakop ng Imperyo

Kung saan ang arkipelago ng aswang ay pugad ng mga manghuhuthot—

Dinastiya ng mga oligarkong alipin ng ibong mandaragit, Patriyarko 

Ng naghaharing manggagaway, sumpang biyaya ng Washington at Pentagon.


Mula sa Balangiga hanggang Siquijor, umaalingawngaw pa ang tahol: 

“Civilize ‘em with a Krag!”

—-ni E. San Juan, Jr








LAKBAY SA SIQUIJOR, ISLA NG MGA SALAMANGKERO

  PAHATID   MULA SA ISLA NG ASWANG AT MANGKUKULAM 💃💃💃💃 Matagal nang alok sa amin na bumisita sa Siquijor—bakit? Naibalita ng reporter...