Sunday, December 01, 2024

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan sa Diyalektika ng Tradisyon at Modernidad journal doi https://doi.org/10.31944 University of Connecticut, USA Abstract Distinguished among the 1896-1898 generation that sparked the revolution against Spain, Mabini was the only one who exposed the racist, hypocritical ideology of U.S. imperialism. As an official of the Malolos Republic and later as a deported “insurecto,” Mabini grasped the politics of the new global order of finance-capitalism foreseen by Lenin. In doing so, Mabini forged the conscience of the race founded on an emergent historical consciousness. He articulated the organic basis of the Filipino nation as a popular-democratic project. Deconstructing the duplicitous ilustrado painted by Nick Joaquin and others, we theorize here a contextualized field of antithetical forces in which Mabini emerges as the bold architect of Filipino sovereignty born from defeat and martyrdom. Analyzing two documents rarely examined, the Panukala and Decalogo, we delineate the process of how Mabini sought to indigenize Enlightenment principles with the communal ethics of the natives struggling to overthrow the legacy of Spanish colonial barbarism while confronting the violence of U.S. “Benevolent Assimilation.” From this dialectic of contradictory forces, Mabini invented the revolutionary subject or agent of a national-popular insurgence that was aborted but remains potent today, even though Mabini’s reputation might have fallen victim to neocolonial and reactionary obscurantism. Keywords rebolusyon, kolonyalismo, kalayaan, kasarinlan, rasismo, piyudal, praxis E. San Juan, Jr. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 53 For wherever we turn we are being pursued by race prejudice, which is deep, cruel, and implacable in the North American Anglo-Saxon…And since war is the last recourse left to us for the salvation of our country and our national honor, let us fight as long as there is strength left in us; let us do our duty since Providence has faith in our ability to fight and to protect our country, —Apolinario Mabini, “The Struggle for Freedom” (233-34) Mabini is a highly educated young man who, unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and Mabini’s views were more comprehensive than any of the Filipinos I have met. His idea was a dream of a Malay confederacy…He is a dreamy man, but a very firm character, and of very high accomplishments… —General Arthur McArthur, Statement to the US Senate Lodge Committee, June 1902 Pambungad Bagamat bantog na si Apolinario Mabini bilang “Utak ng Rebolusyon,” masasabing hindi pa rin siya kilalang lubos. Oo, nakatanghal ang larawan sa mga salapi, selyo, at bantayog, pero nananatili pa rin siyang aninong mahiwaga. Siya ang ‘Dakilang Lumpo” na diumano’y ipinahamak ng sipilis, ayon sa bulungan ng mga mestizong ilustrado sa Malolos noong 1898, kaya inilarawan siya sa nobelang Po-on (2005) ni F. Sionil Jose bilang paralitikong bagamundo (Ocampo, Centennial 229-31). Bagamat binawi ni Jose ang paratang, naganap na ang pagkulapol at paninirang-puri. Intensiyon ng sanaysay na ito ang ilagom sa iskematikong paraaan ang ambag ni Mabini sa pagbuo ng kamalayang historikal mula sa interpretasyon ng akdang Panukala, “Decalogo,” at La Revolucion Filipina/Ang Rebolusyong Filipino (pinaigsing bansag: LRF). Susubuking ihanay ang iba’t ibang ideyang tinalakay ni Mabini upang pukawin, sa panimula, ang sinumang nais imbestigahin kung may saysay o katibayan ang mga hipotesis at argumentong nailatag ng pagbubulay-bulay rito. Pamanhik ng awtor na itrato ito na isang introduksiyon lamang sa mahabang imbentaryo ng saliksik, suri at pagtatasa sa halaga ng mga nagawa ni Mabini. Sa ano’t anuman, sa paglilimi ng isang kilalang pantas, ang kailangan ay SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 54 hindi interpretasyon ng mga nangyari at nasabi kundi tandisang pagbabago ng mundo. Katungkulan at Pananagutan Ang bali-balitang romantikong hampas-lupa si Mabini ay pinalawig ni Nick Joaquin sa kaniyang polemika sa A Question of Heroes. Hangad ni Joaquin na sirain ang reputasyon ni Mabini bilang matalinong arkitekto ng rebolusyonaryong kilusan. Pagkatapos isakdal si Mabini sa pagtaboy kina Paterno, Buencamino, Legarda at iba pang kasapakat, at sa ambisyong kabigin ang poder, giit ni Joaquin na si Mabini ay elitistang intelektwal na laban sa batas at awtoridad ng Kongreso (tungkol sa hidwaan sa Malolos, sangguniin sina Ocampo, Two Lunas 92-96; Constantino, Philippines 214- 22; Fast & Francisco). Wala raw simpatiya si Mabini sa pesante at proletaryo, laging mag-isang nangungulila, wari bagang isang misteryosong “sphinx” na nakaluklok sa isang “camera negra.” Opinyon ni Joaquin tungkol sa pagkatao ni Mabini: “The sharp-eyed, sharp-tongued cripple moves behind veils, behind curtains” (139). Walang dapat ipangamba, nasilip ni Joaquin ang katotohanan: si Mabini ang maysala, siya ang dapat sisihin sa kahinaan ng rebolusyonaryong pamunuan, hindi si Aguinaldo o Antonio Luna. Bira ni Joaquin, si Mabini ang dapat panagutin sa mga kamalian at pagkukulang na sanhi ng pagkabigo’t pagbagsak ng Republika. Palalong haka-haka ito na pinabulaanan na ng maraming progresibong iskolar (Maramag; Majul; Zaide; Agoncillo; Laurel; Campomanes; Sanvictores). Bunyag sa lahat ang malisyosong pasaring ni Joaquin. Litaw ang pagkiling niya sa mga burgesiyang taksil. Litaw na ang paglait niya sa katauhan ni Mabini ay bunsod ng pagkawalang muwang sa kasaysayan at politika ng tunggalian ng mga uring panlipunan at, sa kabilang banda, sa matalisik at maramdaming pag-iisip at kilos ni Mabini. Tiyak na hindi nakilates ni Joaquin ang kabuuan ng Las Cartas Politicas de Apolinario Mabini, o ang mga akdang nakasulat sa Tagalog bukod sa LRF. Hindi na kailangang mag-aksaya ng panahong sagutin ang tuligsa ni Joaquin. Banggitin na lamang ang pinakamasinop na pag-aaral ni Cesar Majul, Mabini and the Philippine Revolution tungkol sa lohika ng saloobing pagnanasa ni Mabini bilang taga-payo ni Aguinaldo at responsableng militante sa rebolusyonaryong pamahalaan, Bukod sa saliksik nina Teodoro Agoncillo, Renato Constantino at Ambeth Ocampo, maimumungkahi rin ang ilang pagsisiyasat sa karanasan ni Mabini sa Guam na hindi pa lubos na nalilitis at natitimbang (halimbawa, O’Connor). SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 55 Sa pakiwari ko, nakintal na ang kabayanihan ni Mabini sa pambansang memorya. Hindi na maitatangging malalim at masaklaw ang papel na ginampanan ni Mabini sa pagpunla ng binhi ng nasyonalismong yayabong at mahihinog sa popular-demokratikong kilusan ng manggagawa’t magbubukid nitong nakaraang siglo. Hindi pa napapawi o humuhupa ang bisa ng mga kaisipang naihapag ni Mabini bunga ng anti-imperyalistang pagsisikhay ng buong sambayanan. Suysuyin natin ang trayektorya ng isip ni Mabini mula sa Panukala at “Decalogo” hanggang sa LRF at argumento niya laban kina Heneral Wheeler at Bell. Ang Konstruksiyon ng Republika Sa pagkakataong ito, nais kong idako ang pansin sa isang dokumentong pambihirang mamasid ng mga historyador, ang Panukala sa Pagkakana nang Republika nang Pilipinas ni Mabini. Iniluhog ito kay Aguinaldo bilang Presidente ng “Gobiyernong Revolucionario o Pamunoang Tagapagbangong Puri” noong ika-5 Hulyo 1898 pagkaraang iproklama ang Deklarasyon ng Independensiya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Nagsilbi itong burador ng Konstitusyong pinag-usapan sa Malolos noong ika-21 Enero 1899, bagama’t hindi lubusang natanggap ang kritika ni Mabini laban sa maka-kasikeng bersiyon ni Felipe Calderon (Agoncillo and Guerrero 234-38; Ocampo, Centennial 223-28.). Sa gitna ng gera, nais ni Calderong gawing makapangyarihan ang mga ilustrado sa Kongreso na makahahadlang kina Aguinaldo at hukbong binubuo ng mga magbubukid, trabahador, at maralitang gitnang uri—ebidensiya na testigo si Mabini sa mainit na tunggalian ng mga uri sa loob ng Republikang sinisikil ng tropang Amerikano. Ang sustantibong laman ng Panukala ni Mabini ay nauukol sa estruktura ng isang pamahalaang batay sa isang kontratang sosyal. Sampung kabanata o “kasaysayan” ang inihanay. Ang unang apat na kabanata ay pagtiyak sa sakop ng bayang Pilipinas, tipo ng republika, at uri ng Congreso (Capisanan) at Senado (Tanungan). Sinundan ito ng mga talakay hinggil sa “Sangguniang cabayanan at Sangguniang bayan,” sa Presidente at pamunuan, sa panihala ng katuwiran, ambagan, lakas ng bayan (Fuerza militar), at pagtuturo sa bayan. Sa malas, inilahad ni Mabini ang mga kinakailangang sangkap upang mabuo ang identidad ng lahing Filipino sa paghahati ng lakas-panlipunan sa kategorya ng mga institusyong dapat organisahin: ang pamamahala, hustisya, ambagan/buwis, hukbong sandatahan, at edukasyon. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 56 Sa ultimong pagtaya, angkin ng sambayanan ang soberanya. Ang identidad ng nasyon o bansa ay batay sa aktibong pakikipagtulungan at praktika, hindi sa kulay ng balat, wika, relihiyon, o etnisidad. Ito’y isang konstruksiyong panlipunan. Pahiwatig ni Mabini na ang kapangyarihang pampulitika ay nagmumula sa taumbayang nakikibahagi sa lupa at kayamanang-likas na kolektibong pag-aari ng sambayanan. Ang komunidad ng mga protagonistang kalahok sa pakikibaka ang nagdudulot ng identidad sa mamamayan, ng katangiang nasyonalistiko, hindi ang kulay ng balat, relihiyon, etnisidad, wika, o anupamang katangiang biyolohikal o likas (hinggil sa modernong usapan sa koneksiyon ng nasyonalismo at katarungan, konsultahin si Rosaldo). Bagamat mahusay ang materyalistikong pananaw, malabo ang sipat ni Mabini sa kabuuan. Hindi inusisang maigi ni Mabini ang magkakaibang katangian ng mga uring panlipunan. Gayunpaman, masusing nilinaw niya ang matinding hidwaan ng mayaman at mahirap, ang di-pantay na distribusyon ng yaman ng lipunan upang matugunan ang pangangailangan ng mayorya, ang kontradiksiyon ng proletaryo’t panginoong maylupa. Walang dapat punahin sa punto-de-bista ni Mabini. Sa pagbabagong-buhay, iginiit ni Mabini na kailangang iwaksi ang dating sistema at pundasyon nito. Kung gayon, ang lahat ay dapat sumapi sa isang kasunduang batay sa pangitain o paniniwalang moral-etikal na lehitimasyon ng bagong ugnayang panlipunan ng “bayang Pilipinas.” Upang maisakatuparan ang hustisya at demokratikong simulain, inihain ni Mabini “Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos’” na siyang pambungad sa iskema ng Republika. Naikatha ito ni Mabini sa bersyong “El Verdadero Decalogo,” katambal ng “Ordenanzas de la revolucion,” nang siya ay nagpapahinga sa Los BaƱos noong Hunyo 1898 (konsultahin ang salin sa Ingles ng Philippine Press Bureau [Mabini’s Decalogue). Inilakip ito sa Panukala nang mahirang si Mabini bilang katuwang sa pagsuhay sa kapangyarihan ni Aguinaldo bilang puno ng rebolusyonaryong gobyerno.. Konsensiya at Responsibilidad sa Pangagailangan ng Kapwa Ang oryentasyon ng politika ni Mabini ay nakapokus sa hinaharap, sa kinabukasan ng bayang napalaya. Paniwala niya na sa okasyon ng pagbabangon at pagbabagong-buhay, kailangan ng bayan ang “pagkaaninaw tungkol sa katayuan at pagkabuhay ng isang bayang nagsasarili.” Layon ng “Decalogo” ang binansagang rebolusyong panloob kaagapay ng rebolusyong panlabas sa LRF (Philippine Revolution 13-15). Kagyat dapat atupagin ang SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 57 pagbabago ng ugali at asal ng bawat kasapi sa itinatayong bansa, na nangangahulugan na ang umiiral na gawi at asal ay hindi angkop sa inilalatag na bagong ordeng nakasalig sa puri, bait at konsiyensiya ng bawat Filipino (tungkol sa moralidad ng nasyonalismo, tingnan si Mabaquiao). Tanggap na ang basehan ng kolektibong konsensiya ay iguwalidad o makatarungang paghahati ng produkto at lakas-paggawa, sa panahon ng digmaan. Sa unang sipat, isinaisantabi ni Mabini ang dekalogo ni Moses at ang doktrinang Katoliko na batay sa rebelasyon ng pananampalataya. Bagamat itinatampok ang “Diyos,” ito ay hango na sa pormalistang ideya ng Kaliwanagan, lalo na sa Deistang isinusog nina Rousseau, Voltaire, Diderot, Goethe, atbp. Ang “Bathala” ng Katipunan ay hindi na ang Diyos ng Simbahan (Almario 56-63; tungkol sa humanistikong perspetiktibo ng Deismo, tingnan si Goldmann). Tandaan na sa unang utos, katalik ng “Diyos” ang “puri”—sa Diyos nakakabit ang katotohanan at lakas, samantalang ang “puri” ay puwersang umaakit sa tao na huwag magbulaan, at “laging matuto sa katuwiran at magtaglay ng kasipagan” (Panukala 13). Sariling trabaho at pasakit ang iginigiit ni Mabini na sagisag ng pagkamatulungin sa kapuwa, ang praxis ng bukluran ng mga biktimang inaapi. Maisususog dito na ang konsepto ng puri o dangal ay hango sa kodigo ng maharlikang angkan ng mga kabalyero noong medya siglo. Ipinakalat ito sa mga romansang naging popular buhat nang dumating sina Legaspi at Urdaneta, at lumaganap sa mga dulang moro-moro hanggang sa Florante at Laura ni Balagtas. Sa piyudalistikong sistema ng kolonyang inugitan ng monarkiya’t simbahang Espanyol, ang pakikisalamuha ay tuwirang personal—ang panginoon ay diretsong nag-uutos sa mga pesanteng upahan—kaya ang puri ng pagkatao ang basehan ng anumang napagkasunduan. Sa pagsulong ng sibilisasyong Europeo sa siglo 1900, obserbasyon ni Maria Ossowska, naghalo ang burgesyang ethos at ethos ng nobilidad at nagbunga ng kategoryang “Gentlemen, “hybrid of feudal lord and bourgeois” (Ossowska 168-69). Naimpluwensiyahan ang mga Propagandista ng gawing ito. Sa kabilang dako, si Mabini ay produkto ng Enlightenment ng masoneria, kaya ang puri o dangal sa kontekso ng “Decalogo” ay nakakiling sa Protestanteng gamit kung saan ang konsensiya ng indibidwal, katalik sa puri, ay organo o instrumento ng Diyos. Ang artikulasyon ng kodigo ng magkaibang kabihasnan na sumasalamin sa realidad ng lipunan nina Rizal, Bonifacio at Mabini, ay SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 58 masisilip sa ganitong estilo ng pagsasanib ng mga kontradiksiyon sa diyalektikang materyalistiko ni Mabini. Gayunpaman, nakabuod sa “Decalogo” ang unibersal na mithiing lagpas sa rasyonal na maxim ni Kant at neoliberalismong moralidad, ang pag-ibig sa kapwa, pagmamahal ng ibang personalidad na may natatanging pangangailangan—sa tagubilin ni Agnes Heller: “The other person and their needs…is for me an unconditional value which lies beyond all doubt” (161). Naimungkahi ni Jovino Miroy ang tesis tungkol sa radikalismo ni Mabini. Hango sa indibidwalismong burgis kaakibat ng simulaing liberalismo sa Espanya circa 1808-90, ang katangiang radikal ay hindi abstrakto. Tumutukoy iyon sa soberanyang hayag sa pagsasapraktika ng mga karapatan ng taumbayan. Ayon kay Mabini, ang katotohanang gumagabay sa kaniyang budhi ay ito: “nasa sambayanan mismo ang lahat ng kapangyarihang nasasaklaw rito” (Rebolusyong Filipino xxiii). Sa ibang salita, likas na angkin ng sambayanan ang soberanya. Ngunit ang aktwalisasyon nito ay hindi matutupad sa bisa ng rasyonalidad o pagsampalataya, kundi makataong aksiyon sa pagsanib ng sarili sa komunidad/sambayanan (Miroy 129). Imperatibo ang pagsangkot ng katutubong sabjek sa aktibidad ng masa sa proseso ng transpormasyong radikal. Mauulinigan ang tinig ni Rousseau at ang kaniyang konsepto ng “General Will” o direktang demokrasya sa argumento ng LRF. Sa proposisyong iyon, sa halip na sa pamamagitan ng inihalal na representatibo, tuwirang mangangasiwa ang taumbayan sa praktikang gawain ng gobyerno (Coutinho). Hindi ito mangyayari sa paraan ng diskursong rasyonal o edukasyong moral lamang kung walang kolektibong praxis, sipag sa trabaho, pagtatanggol sa karapatan, at sa anumang gawaing patibay ng metabolikong interaksiyon ng isip at kalikasan (natural na nilalang bilang species-being). Ang kalayaan at buod ng taong maramdamin ay nakasilid sa trabaho, sa produktibong kilos, na siyang nagdudulot ng obhetibong dimensiyon sa esensiya ng taong-nasa-lipunan (Marx 140-41). Masusubaybayan ang paglalangkap ng rason, puri, sigasig sa gawain, at iba pang susing ideya sa sumusunod na pagtalakay sa “Decalogo” at LRF. Inkarnasyon: Tungo sa Espasyong Sekular Ano ang layon ni Mabini sa pagsulat ng “Decalogo” at pag-singit nito sa bukana ng Panukala? Walang iba kundi ilunsad ang proyekto ng himagsikan: ang paglikha ng rebolusyonaryong sabjek o ahensiya na tutupad SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 59 sa pagtatag ng bagong orden (Majul 126-36). Tangka ng akda na umimbento ng kolektibong sabjek ng transpormasyon ng lumang disenyo ng ugnayang panlipunan, ang pagsira sa kolonyal at piyudal na relasyong sosyal. Hangad ni Mabini na mahikayat ang mga kolonisadong sabjek na umaklas at palitan ang mapanupil na ordeng piyudal ng bagong huwaran ng makatuwira’t nagsasariling komunidad ng mga anak-pawis, ng mga makatarungan at malikhaing kasapi ng bagong Republika. Sa katunayan, umabante na tayo sa kuwadro ng makamundong modernidad sa bukana pa lamang ng Panukala. Nakaharap na tayo sa isang testimonyo sa sekularisasyon ng diwang Filipino, hindi na dumudulog sa mga lumang idolo/fetish o hirarkiya ng mga fraile at awtoridad ng Bibliya. Subersibo ang prinsipyo na ang awtoridad ay bukal sa puri o dangal, sa bait at kalooban, sa konsensiya ng indibidwal kung saan madidinig ang tinig ng Diyos, hindi sa sermon ng frailocracia. Matingkad ang pangaral na maging masipag at pahalagahan ang sariling pagsisikap. Mapipisil ito sa daloy ng ikalawa at ikatlong utos: 2. Sambahin mo ang Diyos sa paraang minamatuwid at minamarapat ng iyong bait at sariling kalooban, na kung tawagi’y konsensiya, sapagkat sa iyong konsensiya na sumisisi sa Gawa mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nangungusap ang iyong Diyos. 3. Sanayin mo at dagdagan ang katutubong alam at talas ng isip…sa pamamagitan ng pag-aaral at pagkasakit mo sa buong makakaya ang gawang kinahihiligan ng iyong loob…nang mapasaiyo ang lahat ng bagay na dapat mong kailanganin at sa paraang ito’y makatulong ka sa ikasusulong ng kalahatan; kung gayo’y magaganap ang ipinatutungkol sa iyo ng Diyos sa buhay na ito, at kung ito’y maganap mo ay magkakapunan ka at kung may puri ka na’y ipatatanghal mo ang kaluwalhatian ng iyong Diyos (Panukala 12-13). Itambad natin ang panawagang nakakapit sa pariralang ito: “sa ikasusulong ng kalahatan.” Itinampok ang kapakanan ng komunidad, ang publiko o sibikong kapakinabangan. Mataginting na aksiyoma ng “Decalogo” iyon. Kapuna-puna ang pokus ni Mabini sa katutubong alam at dunong na kailangan upang umunlad ang buhay sa ibabaw ng lupa, at hindi upang mangarap gantimpalaan ng pagpasok sa Paraiso. Idiniin na naman ang puri, ang kalooban, ang daang makatuwiran. Sa susunod na utos 4 hanggang utos 8, itatanghal ni Mabini ang nakahihigit na halaga ng Inang Bayan, ang pinakaimportanteng mithiing inaasinta ng dekalogo: ang pagpupugay sa SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 60 patria, ang lunggating pagsasarili ng bayan na ipapalit sa Paraisong mitikal ng relihiyon.Ang teritoryong sakop ng nagsasariling komunidad ang paraiso ng naninirahan at umuunlad dito. Sapantaha kong alam ni Mabini ang “El Amor Patrio” ni Rizal sapagkat kasapi siya sa Liga at masugid na taga- suporta sa Solidaridad ng mga Propagandista (Rizal 14-20). Ang lupang tinubuan na nag-aruga sa iyo ang nakahihigit na halagang dapat mahalin at ipagsakripisyo sa ikagagaling ng lahat ng nagpupunyagi dito: 4. Ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na kaikalaw ng Diyos at ng iyong puri at higit sa iyong sarili, sapagkat siyang makaisa-isang Paraisong pinaglalagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito, bugtong na pasunod sa iyong lahi, na kaisa-isang mamamana mo sa iyong mga pinagnuno at siya lamang pag-asa sa iyong inaanak; dahil sa kanya’y humahawak ka ng buhay, pag-ibig at pag-aari, natatamo mo ang kaginhawahan, kapurihan at ang Diyos. 5. Pagsakitan mo ang kaginhawahan ng iyong bayan nang higit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya’y pagharian ng kabaitan, ng katuwiran at ng kasipagan, sapagkat kung maginhawa siya’y pilit ding giginhawa ikaw at ang iyong kasambahay at kamag-anakan. 6. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na makagpagmamalasakit sa kanyang ika-darakila at ikatatanghal, palibhasa’y ang kanyang kasarinlan ang siya mong sariling kaluwagan at kalayaan, ang kanyang pagkadakila ang magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang kanyang pagkatanghal ang siya mong kabantugan at kabuhayang walang hanggan (Panukala 13-14). Mamamalas na nakatutok na ang diwa sa Inang Bayan na kawangis ng isang Ina o diwatang pinipintuho (gunitain na ang LRF ay inihandog ni Mabini sa kaniyang ina). Magkatalik ang sarili at ang bayan. Inihanay ang puri at Diyos sa kapakanan ng lahi, ng henerasyong magmamana ng buhay, pag-ibig at niyaring hiyas. Intensiyon ngayon na rebisahin ang indibidwalistikong tendensiya ng Kaliwanagan na nakulong sa pribadong pag-aari at sa patriarkong pamilya. Hinalili ang oryentasyong sosyalistiko— “kaginhawahan ng bayan higit sa iyong sarili.” Walang identidad ang isang tao na hiwalay sa kinabibilangang lipunan. Sinalungguhitan ni Mabini ang birtud ng kabaitan, katuwiran at kasipagan. Praktika at kilos ng lakas- paggawa ang katuparan ng anomang ideya, Kapag maginhawa ang bayan, gayundin ang kasambahay at kamag-anakan at magkakapantay na kaanib sa komunidad—integrasyon ng samut-saring elemento sa masiglang totalidad ng Republika. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 61 Paglalakbay sa Katubusan Sa wakas, dumating tayo sa pinakaasam: kasarinlan ng Pilipinas. Iginiit sa utos 6 ang libertad ng bayan kaakibat ng “sariling kaluwagan at kalayaan.” Titigan ang sintesis ng sawing bayan at “kabantugan at kabuhayang walang hanggan” ng sabjek na nagpupunyaging tumulong sa pagbabagong-buhay na ipinatalastas sa unang bahagi ng Panukala. Dinulutan ng kaukulang-bigat ang kahulugan ng kasarinlan sa utos 8: ang kasarinlan ay nakasalig sa kapangyarihang magmumula sa “konsensiya ng bawat taong nangungusap.” Naibalik ang papel na ginanap ng “konsensiya” na siyang tinig ng Diyos sa pambungad ng “Decalogo.” Kaya ang kapangyarihang uugit sa Republika ay ipinaliwanag sa artikulasyon ng budhi o saloobin: “ang sinumang ituro at ihalal ng konsensiya ng lahat ng mamamayan ang siya lamang makapagtataglay ng wagas na kapangyarihan” —isang temang umaalingawngaw mula sa konsepto ng “General Will” ni Rousseau (Mabini, Panukala 14; hinggil kay Rousseau, konsultahin sina Plamenatz; Masters; Coutinho). Iniluwal mula sa puri at konsensiyang ipinahayag sa simula, naidako tayo sa paksa ng awtoridad na gumagabay sa Republika. Paliwanag ng “Decalogo” na ito’y nakasalalay sa konsensus o pagkakasundo ng mamamayan sa halalan. Ang pasiya ng mayorya ang masusunod, kontra sa isang Monarkiya na binatikos at itinakwil sa utos 8. Idiniin ni Mabini na ang Monarkiya ay organisasyong piyudal kung saan ang sarili at kamag-anakan ang absolutong naghahari (tulad ng paghahari ng mga dinastikong pamilyang namamahala sa ating gobyerno ngayon). Walang pasubali na ang kaayusan ng Republika ang lunggati ng rebolusyon sapagkat ito ang “nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat ayon sa bait nang bawat isa, ng pagkadakila, alang-alang sa kaluwagan at kalayaan at ng kasaganaan at kadilagang tinataglay na kasipagan” (Mabini, Panukala 14). Pansinin ang muling tuldik sa sipag, pagsisikap, gawain sa paggulong ng karaniwang buhay sa mundo na magaganap lamang sa kooperasyon ng mga kasapi sa komunidad. Sa utos 9 at 10, pinahintulutan ni Mabini ang lumang tradisyong taglay ang impluwensiya sa sentido komun ng marami. Inulit ang “Gintong Aral” na matatagpuan sa mga kodigo ng relihiyon: magandang pakikitungo sa kapuwa, lalo na ang kababayan na dapat ituring na kapatid sapagkat nakasuong sa isang problematikang binubuno: ang kabutihan at kadakilaan ng Inang Bayan. Di dapat kaligtaan na binigyan ng realistikong bahid ang “Gintong Aral” sa huling parirala ng Utos 9: kung ang trato sa iyo ay SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 62 masama, dapat ipagtanggol ang sarili sa ngalan ng likas-na-batas/ley natural na nagpapayo na pangalagaan, ingatan at konserbahin ang sariling buhay, “kaunaunahang utos ng Diyos”—ang conatus sa pilosopiya ni Spinoza (Spinoza 37-40, 242; hinggil sa impluwensiya ng Masoneria, referens dito sina Gealogo at Fajardo). Batid ni Mabini ang kapaligirang kaniyang kinalalagyan. Bagamat umapela siya sa unibersal na batas ng kalikasan (lex natura mula kina Cicero at Santo Tomas Aquino hanggang kina Hobbes at Locke) sa pakikitungo niya sa mga Amerikanong upisyal, hindi nawaglit sa isip ang tiyak na lugar at panahon ng kaniyang pag-iral. Utang ang intuwisyong ito sa kamalayang historikal na humulagpos sa dogmatismong iskolastiko’t transendental ng Simbahan. Laging talos ni Mabini ang limitasyon ng isipan at damdaming nakakulong sa makitid na pamantayang batay sa etnisidad, relihiyon, ugali ng sinaunang kabihasnan kung saan walang pribadong pag-aari ng lupain. Tumiwalag na sa pangitaing transendental at lumipat na si Mabini sa sekular, immanent o makalupang pananaw na minana sa Kaliwanagan sa Europa, sa rebolusyong naganap sa Pransiya at NorteAmerika (sinaliksik din ito sa diskurso ni Berlin (333-35) tungkol sa masalimuot na balitaktakan sa paksa ng nasyonalismo). Dito sa Panukala, dinulutan ng determinasyong historikal ang kategorya ng nasyon o bansa. Pagmuniing mabuti ang talatang sumunod sa utos 10: “Kaya’t habang tumutulay ang mga patuto ng mga bayan na ibinangon at inalagaan ng pagkakani-kanya ng mga lahi at angkan, ay sa kanya lamang dapat kang makisama at tunay na makipag-isa sa hinahangad at pag-aari, upang magkalakas ka sa pakikibaka sa kaaway ninyong dalawa at sa paghanap nang lahat na kinakailangan sa kabuhayan ng tao” (Mabini, Panukala 15; tungkol sa sari-saring aplikasyon ng batas-kalikasan, konsultahin si Neumann 69-95). Solidaridad at pagtutulungan ang desideratum ng pagbabagong radikal. Sa Pagitan ng Dalawang Imperyalismo Umabot na tayo sa asignatura ng pakikibaka upang matamo ang kasarinlan. Kakawing dito ang prinsipyo ng Kalayaan na pumapatnubay sa proyekto ni Mabini: ang paghubog ng kolektibong sabjek. Nailunsad ito sa Panukala at “Decalogo” sa panahon ng pagtatag ng Republika sa Malolos. Nagsilbi si Mabini bilang unang Ministro ng Republika at Ministrong Panlabas (1898-1899). Panahon iyon ng digmaan, ng madugong pakikihamok laban sa Estados Unidos. Nagapi ang puwersa ng Republika at SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 63 sumuko si Aguinaldo na itinuring ng mga palasukong ilustrado na hudyat ng pagtatapos ng anti-imperyalistang pakikibaka. Subalit hindi sumuko si Mabini. Tinuring siyang isa sa “irreconcilables,” tulad nina Pio del Pilar, Artemio Ricarte, Macario Sakay, atbp. Nagpatuloy ang pakikibaka ni Mabini hanggang itapon siya sa bilangguan sa Guam (1901-03) kung saan naisulat niya ang akdang tumatalakay sa henealohiya ng himagsikan: La revolucion filipino/Ang Rebolusyong Filipino (salin sa Ingles ni Guerrero). Sa panahon ng pagkagapi at pananakop ng Estados Unidos, ang tema ng “Decalogo” ng puri at kasarinlan ay inilagay sa internasyonal na kapaligiran. Samantala, nilitis niya ang mga tauhan at pangyayaring nagpasiklab sa puri at konsensiya ng bayan, sampu ng mga kakulangan ng pamunuan ng Republika. Sa pagsusuma niya, naisilang na ang bansang Filipinas sa karanasan ng pakikihamok, at malaki na ang potensiyal na makamit ang tagumpay, dili kaya’t ang paninindigang naipunla noong 1896, kahit na sa ilalim ng rasistang dahas ng mananakop. Naipaliwanag ni Mabini sa LRF ang dalawang saray o dimensiyon ng transpormasyong dapat isakatuparan upang maganap ang tunay na pagbabago: ang rebolusyong internal at rebolusyong eksternal.Tinutukoy rito ang pagpupurga sa kamalayan at pagbabago sa kapaligiran. Sabayan ito: habang sinisikap baguhin ang sistemang panlipunan, nahuhubog rin ang diwa’t damdamin ng mga protagonista ayon sa hinihingi ng nag-iibang sirkumstansiya. Sa pagsanib ng mga kontradiksiyong panloob at panlabas— ang suhetibo at obhetibong puwersang magkatunggali ngunit magkasanib rin—nailarawan ni Mabini ang banghay ng ating kasaysayan. Naikintal din sa bumabasa ang historiko-materyalistikong pananaw na gumagabay sa mapagpagsuring organisasyon at aktibidad ng mga rebolusyonaryo. Nasipat na natin ang kontradiksiyon ng mga uring ibinalangkas ni Mabini sa naratibo ng LRF. Tandaan ang saligan ng pagsasamantala ng kolonyang Espanyol (partikular, ng frailocracia) sa lakas-paggawa ng katutubo na bukal ng kayamanan. Sino ang nakinabang? Unawain na ito, ang walang katwirang distribusyon ng halaga kalakip sa tiwaling ugnayan sa produksiyong sosyal, ang pundamental na batayan ng awtoridad ng Espanya, ng ideolohiya ng mananakop. Dahil dito, minarapat nina Rizal at mga Propagandista, kislap-diwa na natutuhan ni Mabini, na puntiryahin ang ideolohiya ng bulag na pagsunod sa panginoong Espanyol at kakutsabang katutubo. Praktikang mapagpalaya ang kaakibat ng pagbabago ng isipan at damdamin. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 64 Ang tunggalian ng mga uri ay masisinag sa pagtatagisan ng mga protagonista sa dulaan ng himagsikan. Nilagom ni Mabini ang mayamang karanasan ng mga pesante’t trabahador na tumutol sa dayuhang mananakop. Iyon ang kabuluhan ng memorya, ng kasaysayan. Gayunpaman, ang pinakamakatuturamg laban ay sa pagitan ng masang namulat sa himagsikan laban sa Espanya at nakihamok laban sa imperyong Estados Unidos—ang Digmaang Filipino-Amerikano mula 1899 hanggang sa neokolonyang sitwasyong umiiral ngayon. Hindi pa tapos ang laban. Sa paglikha ng kamalayang historikal ng masang nagsakripisyo sa digmaan laban sa mananakop, nabuo ang konsensiya ng lahing kayumanggi sa Asya Naisilang din ang kamalayang pansarili ng sambayanang nakibaka. Tuloy nailuwal ang bansang Filipinas mula sa pagkagapi at pagkaduhagi, mula pagdurusa’t pagtatanggol ng dignidad, kalayaan, kasarinlan. Sa paglingon sa nakaraang kasaysayan sa anggulo ng pagkabigo’t pagyuko sa lakas ng puwersang banyaga, ano ang leksiyong mahuhugot sa kronika ni Mabini? Huwag nating kalimutan ang konteksto ng krisis, sindak, siphayo, at lagim ng napuksang tropa ng Republika at paghihirap ng libu- libong sibilyan kalahok man o di-kasangkot—1.4 milyong Fiipino ang biktima ng imperyalismong U.S. (Francisco 8-19; Constantino, Dissent 92- 112). Nasiyasat na ang lagim ng raistang Digmaang Filipino-Amerika ng maraming historyador, kabilang sina Twain, Kolko (na tinaguriang “orgy of racist slaughter” ang gera [287]), Zinn (290-313) at Tan. Nang ipagdiwang ng rehimeng Ramos ang sentenaryo ng rebolusyon, isinaisantabi ang pakikihamok ng Republika laban sa tropang Amerikano, isang maselang pagsuko sa neokolonyalistang amo. Binigyan ng mabagsik na pintas ni Renato Constantino: “In this savage war, which lasted for nearly a decade, the Americans committed all sorts of atrocities in order to crush the patriotic resistance. The Philippine-American War, which established the origins of the relationship between our two countries and exposes not ony the savagery of the army of occupation but also American motives for colonization, should not be allowed to recede from our national memory”(21). Sa katunayan, tayo ay natulak sa interlude ng truce sa digmaang ito na nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon dahil wala pa tayong awtentikong kasarinlan. Samakatwid, karapat-dapat lamang na idiin ang hindi matatawarang ambag ni Mabini sa pagsusuri sa masalimuot na problematique ng rebolusyong saligan ng ating pagkabansa. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 65 Laro ng Fotuna at Virtu Marami ang humahanga sa sinseridad ni Mabini, ang kagustuhan niyang magkasundo ang mga Filipino at Amerikano. Masinop ang paglapat niya ng konsepto ng ley natural/batas ng kalikasan, kaugnay ng kalayaan na kailangan upang maipairal ang pagkakapantay-pantay ng mga katutubo at dominanteng uri. Sa balik-tanaw ko, ang itinatampok sa LRF ay praktika at pedagohiya ng karanasan, tulad ng pagtampok sa sipag, trabaho at kolektibong pagpupunyagi sa Panukala: “Kung nasa pagtutugma ng katwiran at karanasan ang katotohanan, nasa pagtutugma ng teorya at praktika ang birtud” (Mabini, Rebolusyong Filipino xxv). Samakatwid, hindi na ang rason o katwiran (sa Tomistikong pilosopiya) ang patnubay kundi ang “birtud,” ang galing, kakayahan at kasanayan—sa parametro ng katutubong kultura, kaakibat ng dangal o puri (Enriquez 46)—na gagabay sa pagsasalin ng teorya/dunong sa sistematikong gawain. Masalimuot at dalubhasang teorya ng transpormasyon ang dulog ni Mabini sa ating pambansang kaban ng pedagohiya at agham. Sa aking pakiwari, ang “birtud” ni Mabini ay maihahambing sa konsepto ng virtu (kakayahang moral) na maiging dinukal ni Machiavelli: mabisang kakayahan o lakas sa pagkilos upang maisakatuparan ang nais, laban sa fortuna o tadhanang hindi mapipigil (Seigel 477-86). Bunga ng engkuwento sa nesesidad o fortuna ang virtu, kaya sa panahon ng krisis at digmaan, ang birtud ni Mabini ay pag-aangkop ng agham at aksiyon, intelihensiya at kalooban, rason at pagpapasiya. Sa konteksto ng diskurso ng Renaissance, ang birtud ay praktikang nilinang para sa kapakanan ng komunidad. Nailuklok na ang katwiran o rasyonalidad sa pusod ng kalooban, sa simbuyo ng pagnanais at paghahangad—ang klasikong kontradiksiyon nina Santo Tomas at San Agustin ukol sa razon at voluntad (Baker 194-200). Sa mapayapang milyu, katwiran at rasyonalidad ang mabisa, subalit sa panahon ng krisis at digmaan, ang kalooban/puwersang mapaglunggati ang nagpapainog sa takbo ng lipunan. Laro ng fortuna at virtu sa pagsulong ng kasaysayan ang minamasdan ni Mabini. Kuro-kuro ko na ang estratehiya ng kontra- hegemonya ni Mabini ay umaayon sa demanda ng panahon at lugar: ang situwasyon noong 1901-1903 ay iba na kaysa noong 1899-1900, sa pagputok ng giyera at pagkabuwag ng Republika (tungkol sa hegemonya, tingnan si Gramsci). Saang bahagi ng larangan makakamit ang mabisang resulta ng interbensiyon ng organisadong masang naghihimagsik? SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 66 Paglunsad ng Kamalayang Historikal Tigil muna sandali ang repleksiyon natin. Sapat na marahil ang nailahad na tentatibong proposisyon hinggil sa kontribusyon ni Mabini sa ating tradisyong mapagpalaya. Hinihikayat ko ang mambabasa na tunghayan ang mga sinangguning awtor tungkol kay Mabini upang maunawaang lubos ang lalim at saklaw ng kaniyang radikalismo’t kontemporaryong bisa. Sa ngayon, nais kong lagumin ang pinakamakabuluhang ambag ng LRF sa kolektibong pakikipagsapalaran. Sa diskursong ito, sumilang ang lahing kayumanggi sa larangan ng modernong heopolitika. Deklara niya sa “Panimulang Pahayag” at sa “Kongklusyon” ng diskurso: ….Sa karaniwan at likas na daloy ng mga pangyayari, hindi itinalagang lupigin ng mahina ang malakas. Sumuong tayo sa digmaan sa paniniwalang atas ng tungkulin at dangal natin ang magsakripisyo sa pagtatanggol ng ating kalayaan hangga’t makakaya natin sapagkat kung wala ito, sadyang hindi mangyayaring magkaroon ng panlipunang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng naghaharing uri at ng katutubong mamamayan, at hindi mapapasaatin ang tunay na katarungan… ….Huwag kalilimutan kailanman na nasa unang baitang tayo ng ating pambansang buhay, at pinaaakyat tayo at makaaakyat lamang tayo kung birtud at kabayanihan ang tutungtungan… At isang tanong sa pagtatapos: Masisiyahan kaya ang mga Filipino kung igagawad sa kanila ang mga repormang malaon nang hinihingi sa Gobyernong Espanol? Lubos na pinangangambahan kong hindi sapagkat ang paghahangad sa Kalayaan, na hindi nila batid noon ay marubdob nang pumipintig ngayon sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ang pagtanggi, mga pagbabanta, at mararahas na hakbang ng Gobyerno [ng Amerikano] ay nag-uudyok lamang na pagtibayin at panatilihing buhay ang damdaming ito” (Ang Rebolusyong Filipino xxi, 108). Ipinunla na ni Mabini sa ating kultura ang unang prinsipyo ng modernong sibilisasyon: ang libertad o kalayaan, na ipinagtibay ng rebolusyong Pranses at Norte Amerikano. Kung wala ito, hindi makakamit ang hustisya, iguwalidad o pagkakapantay, at makatuturang demokrasyang nilalahukan ng lahat. Mababanaagan din rito ang adhikain nina Marx at Engels noong 1848: “Isang lipunan kung saan ang malayang pag-unlad ng isa ay kondisyon sa malayang pag-unlad ng lahat” (53) na preludyo sa antas ng kabihasnan kung saan lahat ng pangangailangan ay natugunan, hindi depende sa iyong kakayahan o abilidad. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 67 Kilala ang akda ni Mabini bilang naratibo ng pakikipagsapalaran ng dunong at konsensiya ng isang protagonista sa rebolusyon laban sa dalawang imperyo (Espanya, U.S.). Tanyag din si Mabini sa pagkilatis niya sa mga tauhan at pangyayaring kasangkot. Sa diyalektika ng pagbabago ng labas at loob na naturol sa una, nilikha ni Mabini ang kamalayang historikal, ang politika ng memoryang kolektibo. Iniangkop ang klasikong konsepto ng batas-natural hango sa sibilisasyong Kanluran sa kongkretong sitwasyon ng pakikidigma ng aliping-may-kulay laban sa rasistang Kanluran (lihis ito sa opinyong ortodoks at kombensiyonal ni Reyno). Hindi napansin ng henerasyon nina Bonifacio at Rizal ang ideolohiya ng “White Supremacy.” Dito sumikat ang mapanuring sensibilidad ni Mabini. Ginamit din ng dayuhang mananakop ang alibi ng “mission civilisatrice” at diumano’y biyaya ng Kristiyanidad ng kanlurang Monarkiya. Namumukod si Mabini sa pagsusuri ng rasismo ng Amerika at ang kontradiksiyon ng mga uri bunga ng karanasang limitado ng politika- ekonomya ng lipunan (basahin ang tugon niya kina Heneral Bell at Heneral Wheeler sa Mabini, “In response” 98-101; nasa Mabini, Letters 259-63). Dignidad at karapatan ng mga inaping anakpawis ang itinampok ni Mabini sa teatro ng politika at diplomasiyang internasyonal. Maituturing na ang LRF ay isang dokumento ng bayang Filipinas na umalsa upang maipamalas ang natatanging birtud nito: ang mapagpalayang diwa ng lahi na bukal ng makataong dignidad at makatarungang dangal (San Juan, “Sa pagitan”). Dito masasalat ang pambihirang talino, sensitibong budhi, at mausisang ulirat ni Mabini. Pagdaramay ng Sambayanan Dalisay na damdamin at mayamang dunong ang birtud ni Mabini na masisinag sa retorika at imahinasyon ng Panukala, “Decalogo” at LRF. Malahimalang natarok niya ang ayos ng kasaysayan: pinaghalong aksidente at di-maiiwasang kapalaran. Alin ang tsyansa at alin ang kinusa? Subalit hindi niya akalaing nagkawing din ang di-sinasadya at ang tiyak na mangyayari. Di nagkatugma ang rason at karanasan. Gawing uminom ng gatas ng kalabaw ang bayani, ngunit di batid ang pagkahawa niyon sa salot ng kolera. Hindi niya alintana ang sitwasyong pangkalusugan ng bayan. Sinalanta ang madlang hindi pa nakaahon sa sakuna ng digmaan. Karamay si Mabini sa paghihikahos at pasakit ng nakararami. Hindi siya nag-iisang biktima. Kahabag-habag. Hindi pa nakaabot sa tatlong buwan buhat nang SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 68 makauwi mula sa bilangguan sa Guam, pinuksa ng kolera ang bayani noong Mayo 13, 1903. Tatlumpu at siyam na taong gulang ang nasawing “Utak ng Rebolusyon.” Paglimiin natin ang huling yugto sa paglalakbay ng determinadong paralitiko. Mahigit 8,000 ang dumalo sa paglibing sa Simbahang Binondo. Sinakop ang buong kapaligiran ng mga kasapi sa Iglesiya Filipina Independiente at mga beterano ng rebolusyon (Zaide 287). Bago dinapuan ng sakit, ibinahagi ni Mabini sa bayan ang saloobin sa isang interbyu. Marahil may kutob siya na naghihintay na ang ina niyang nagbigay sa kaniya ng buhay noong Hulyo 23, 1864. Bukas ang kaniyang kamalayan sa harap ng publiko: “After two long years [of deportation], I am returning, so to speak, completely disoriented and what is worse, almost overcome by disease and sufferings. Nevertheless, I hope, after some time of rest and study, still to be of some use, unless I have returned to the islands for the sole purpose of dying” (Letters 305-06). Tila nahinuha niyang dumating na siya sa hanggahan ng pakikipagsapalaran. Kumpisal ni Mabini na walang sagabal ang sakit at dalita, at nais pa rin niyang makatulong pagkaraan nang pahinga at pag-aaral (Letters 297- 98). Hindi pinahintulutan ng tadhana. Produkto pa rin ng lpunan at rehimeng naghahari ang salot at kapahamakan nito. Mahigpit ang puwersa ng lipunan at kalikasan: ang di-sinasadya at di-kinukusa ay nagaganap, di man pansin ng tao. Nasugpo ng fortuna ang virtu. Sa paglingon na lamang sa nangyari maaaring matuklasan na iyon nga ang iginuhit ng tadhana. Sa balik-tanaw, lumilitaw na ang aksidente ay siyang pasiya ng kapalaran, Sa pagsusuma ng kilates dito sa “Decalogo” at LRF, maiintindihan natin na si Mabini ay pambihirang intelektuwal ng kaniyang henerasyon na nakabatid ng rasistang ideolohiya ng imperyalismong Amerikano. Bago makipagdebate sa mga Amerikanong upisyal, nailatag na ni Mabini ang pundasyon ng Republika sa maugnaying diskurso ng Panukala at “Decalogo.” Dagdag dito ang LRF, isang masinop na analisis ng trayektorya ng 1896 rebolusyon hanggang sa pagbagsak ng Republika sa pagdakip kay Aguinaldo. Hinimay niya ang tema ng pag-aalsa mula sa garote ng tatlong paring Burgos, Gomez at Zamora, ang bisa ng dalawang nobela ni Rizal (Noli at Fili), at inaugurasyon ng rebolusyonaryong gobyerno sa Kawit at deklarasyon ng Republika sa Malolos. Pagkatapos masuri ang diyalektika ng paralitikong katawan at masiglang pag-iisip, mahihinuha kung paano sumibol ang matalisik at maramdaming diwang nagsumikap mapagtanto ang SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 69 kinabukasan ng bayang naipit ng dalawang imperyo. Matutuklasan sa LRF na hindi lamang bayani para sa atin, sa lahing Malay, at mga lipi sa buong Asya si Mabini kundi tagapagtaguyod din ng programa ng lahat ng nilikhang nakikibaka para sa kalayaan at kasarinlan laban sa imperyalismo- kapitalismong pampinansiyal sa bukana ng dantaong 1900. Maaring maipagpapatuloy ang pagsusuri sa bahagdan ng mga puwersa at institusyong humubog sa buhay ni Mabini. Mahihimay ang mga kategoryang masisiyasat: halimbawa, alin ang mga pangyayaring determinado at alin ang hindi masasabing itinadhana, at alin ang tsyansa at alin ang itinalaga sa mga pagkakataong idinulog kay Mabini. Tikim lang ito na mga dapat aralin. Mahalaga ang mga pangyayari at sitwasyong kinalagyan niya, na nagdulot ng bisa sa mga tauhang nakasangkot niya sa iba’t ibang okasyon at aktibidad, Si Mabini ay isa lamang karakter sa masalimuot na dula ng buhay ng mga Filipino, lalo na sa sigalot ng rebolusyon at sa mapanganib na pagsulong ng bagong bansang kailan lamang nakalaya mula sa kolonyalismo at malagim na panahon ng pagka-alipin. Sa ibang okasyon maisasakatuparan ito. Limitadong pakay ng sanaysay na ito na ilagom ang kontribusyon ni Mabini sa arkibo ng ating kasaysayan na laging pinipintasan, dinuduhagi, nilalapastangan ng mga postmodernong komentaristang dayuhan (halimbawa, Bankoff at Weekley). Pagbati at Pahimakas sa Modernidad Napakabata at musmos pa ang ating bansa sa larangang heopolitikal. Asignatura rin ito sa patuloy na imbestigasyon sa makabuluhang abuloy ni Mabini sa ating kultura at sensibilidad ng lahing kayumanggi, ang liping Filipino na natatangi sa gitna ng mga lahi sa Asya at sa buong mundo. Tayo ang sangandaan sa Asya at Norte Amerika-Europa, nakapagitan sa Tsina at Oceania, isang arkipelagong naging daungan ng kalakalan ng Asya at kontinenteng Amerika at Europa. Napakamakahulugang lugar ang mga islang binansagang “Perlas del Mar Oriente.” Maiuungkat: Ano talaga ang ambag ni Mabini sa paghubog ng kamalayang historikal na naunsyami sa panahon ng pananakop (1899-1946) at lalong sumidhi sa tinaguriang yugto ng sibilisasyon na diumano’y binansagang “postcolonial” na nanaig sa bagong milenyo? Unang ambag: ang paglikha ang kamalayang pangkasaysayan, ang sensibilidad o saloobing historikal. Ang buod ng LRF, ang obra maestra ni Mabini, ay nakasentro sa balangkas o paradigma ng lohika ng mga naganap, mga pangyayaring umuugnay sa maraming bayan at komunidad. Iginiit niya SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 70 sa Kongklusyon ng LRF ang mapanuri at tapat na pagkilates sa kasaysayan: “Sinikap kong maging patas sa pagsulat ng mga alaalang ito na ang tanging layunin ay hagilapin sa nakaraan ang mga aral na lalong kapaki-pakinabang para sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sa gayunding paraan, sinikap kong mga pangyayari at hindi mga partikular na tao ang pagtuunan ng pansin” (2015, 96). Tumpak ang pasiya ni Mabini: mga pangyayari ang makahulugang hiwa sa agham ng historyograpiya, hindi indibidwal o puta-putaking ideya. Naipahiwatig din na hindi siya, ang awtor, ang dapat pag-ukulan ng pansin. Naisali lamang siya sa naratibo dahil kasangkot siya sa salaysay ng mga naganap “bilang payak na saksi at bilang aktor sa ibang pagkakataon sa dakilang dula ng Rebolusyon.” Ang historyador ay pumipili at nag-aayos ng mga datos na maiaangkop sa piniling banghay o kuwadro ng naratibo (Jameson 475-612). Siya ang nagpapasiya at humahatol upang yumari ng isang “balance-sheet” ng mga kahinaan, kamalian, at galing na ipinakita ng bayan. Hindi dapat ikubli iyon upang di magamit ng iba upang siraan tayo. Sa halip dapat ibunyag iyon sa ngalan ng mapanuring lunggati ng agham-pangkasaysayan. Iyon ang layon ng kritika niya kay Aguinaldo. Sa ano’t anuman, magnilay tayo. Payo ni Mabini: “Nauunawaan ko na hindi laging natutupad ang anumang hinahangad” (Rebolusyong Filipino 100). Sirkumstansiyang gawad ng nakalipas, ang bakod ng pagkakataon, ang nagdidikta sa lagay ng mga grupo o uring panlipunan. Isadibdib natin ang leksiyong ito ng “dakilang lumpo.” Hindi si Mabini kundi ang lohika ng kasaysayan ang maghuhusga, sang-ayon sa turo ng “sawimpalad na si Andres Bonifacio na wala tayong ibang dapat katakutan kundi ang Kasaysayan; at ang totoo, hindi nagbabawang tagapagmatuwid ang Kasaysayan at kakila-kilabot ang hatol niya laban sa mga lumalapastangan sa kaniya” (Rebolusyong Filipino 100). Maantig at magbagsik na aral ito. Samakatwid, ang kasaysayan ay hindi pagtipon at pagsalansang ng datos o impormasyon lamang. Layon nito ay makabuo ng isang padron ng mga pangyayari na magpapakita ng kahulugan o saysay ng daloy nito. Ang naratibong nalikha ay pagsasaayos ng mga karanasan, ang empirikal na materyal ng salaysay, ayon sa tendensiya ng mga komunidad na nagpursiging umiral sa makataong paraan at mapaunlad ang praktika ng kolektibong kapakanan sa metabolikong ugnayan sa kalikasan. Ang kamalayang historikal ay bunga ng analisis sa estruktura ng relasyong panlipunan na batay sa ekonomiya o pamumuhay, at sintesis nito sa mga adhikain o layunin ng komunidad. Bunga iyon ng diyalektikang metodo ng SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 71 paghimay sa mga kontradiksyon sa bawat tiyak na yugto ng kasaysayan at kalkulasyon kung anong pagbabago ang mangyayari, anong posibilidad ang magiging realidad. Sinuri ni Mabini ang hipotesis na inilahad sa umpisa at sinubok kung tama o mali ang deduksiyon o hinuhang nahugot. Napakaselang hamon ito na tuwirang binalikat ni Mabini at sinikap liwanagin alang-alang sa ikabubuti ng sambayanan. Hangganang Abot-Tanaw Pangalawang ambag: ginamit ni Mabini ang natutuhan niya sa mga Dominikano: eskolastikong pilosopiya. Nilapatan niya ito ng makabagong interpretasyon at motibasyon. Ang batas ng kalikasan ay nakasangkalan sa banal na batas, ang grasya ng Diyos. Nabago ito sa siyentipikong perspektibo nina Descartes, Spinoza, Hobbes, Leibniz at Kant. Kalikasang sekular ang pumalit sa metapisika ni Santo Tomas. Rason o katuwiran ang buod ng batas ng kalikasan (Majul 79-85). Nakaigpaw si Mabini sa limitasyon ng eskolastikong doktrina at rasyonalistang metapisika ng Kaliwanagan sa paglapat ng lente ng materyalismong historikal sa ating kasaysayan sa tulong ng mga Propagandista, nina Rizal, at Katipunan nina Bonifacio at Jacinto. Mithiin nito ay kasarinlan ng bayang Filipinas at kalayaan para sa sangkatauhan. Naagnas ang impluwensiya ng mga relihiyosong guro sa bisa ng Liga Filipina kung saan naging sekretaryo siya ng Konseho Supremo noong 1893. Iyon ay bukod sa pagsapi niya sa Lohiyang Balagtas ng masoneria. Matatag ang paniwala niya sa legalidad ng ordeng namamayani. Kaibigan niya sina Numeriano Adriano at mga miyembro sa kapisanan ng mga abogado. Kaya sa halip na pumanig sa Katipunan nang maipatapon si Rizal sa Dapitan, sumapi siya sa Cuerpo de Compromisarios. Sa pagbaril kay Rizal, bumagsak ang tiwala ni Mabini sa frailocracia at lumipat iyon sa armadong paraan upang ipagtanggol ang likas na karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. Umusad ang dalumat at diwa ni Mabini mula sa antas ng mapayapang repormista tungo sa antas ng armado’t makatwirang pakikipagtagisan. Ang pagbuo ng makabagong konsepto ng karapatang likas o karapatang natural ay nakasalig sa birtud, dangal, katungkulan o responsibilidad. Patnubay rito ang etika ng pagtutulungan at pagtangkilik sa kasiyahan at kabutihan ng kapwa. Ang prinsipyong moral ay hango sa klasikong kabihasnan ng mga Griyego at Romano, isinalin ng eskolastikong pilosopo, at ginawang sekular ng Kaliwanagan—nina Hobbes, Spinoza, SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 72 Voltaire, Rousseau, Locke—at inilapat sa sitwasyong katutubo nina Jaena, Del Pilar, Rizal at Emilio Jacinto (Almario; San Juan, “Apolinario Mabini”). Umiwas sa panganib ng kontradiksiyon ng burgesyang pananaw ang pangitain ni Mabini sa pagsingkaw ng katutubong espiritu ng damayan o solidaridad ng komunidad sa indibidwalistikong punto-de-bista ng komersiyante at protestanteng komprador-burokrata (tingnan si Marcuse 51- 94). Sintesis ng luma at bago, ng kooperatibang etika at mapagsariling sikhay, ang mapagpalayang sabjek na inaruga’t sinanay ni Mabini sa ugnayan ng guniguni at rebolusyonaryong praxis. Pangatlong ambag: ang pagdisenyo ng materyalistikong pananaw sa etika at politika batay sa organisasyon ng komunidad at sa adhikaing popular-nasyonal. Nakapokus ito sa kilos at ugali ng taong taglay ang busilak na dangal o puri, sa karakter ng mga pamunuan, at sa pakikipagkapwang humanistiko. Sinikap ni Mabini na itanghal ang puwersa ng kalikasan, ang likas na katangian ng katawan at kakayahang umakto. Sinikap niyang salungguhitan ang papel na ginaganap ng praktika/praxis sa pagyari ng mga pangangailangan ng komunidad, sa pag-unlad ng kabuhayan at kultura ng bawat nilalang. Ang mga hakbang na ito’y kaalinsabay ng daloy ng siyensiya, teknolohiya, at komunikasyon ng mga bansa sa buong daigdig, Maipapalagay na sa wakas ng imbestigasyong ito, tunay na nakahulagpos na tayo sa maraming balakid. Naikintal na sa malay ang saysay o kabuluhan ng salaysay ni Mabini. Naipaalala na ni Mabini na pumapasok pa lamang ang bayang Filipinas sa epoka ng modernidad, sa pagsilang ng Republika at pagtatanggol ng dignidad at dangal ng Filipino laban sa imperyalistang U.S. (Mabini, “Filipino Appeal”; Mabini, Al pueblo). Sa malas, akma at handa na ang sambayanan. Nakapuwesto na ang Filipino bilang bahagi ng lahing Malayo at mga liping-may-kulay sa masalimuot na larangan ng heopolitikang pakikisalamuha sa kasalukuyang yugto ng matinik na globalisasyon at mapanganib na paligsahan ng mga bansang U.S., Europa, Rusya at Tsina. Palarin sana tayo ng mabiyayang Maykapal. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 73 Sanggunian Agoncillo, Teodoro. “Apolinario Mabini: The Courage of Conscience,” Arkipelago1 (December 1974): 8-11. ——and Milagros Guerrero. History of the Filipino People. R.P. Garcia Publishing Co, 1970. Almario, Virgilio. Panitikan ng Rebolusyon (1896). Aklat ng Bayan, 2013. Baker, Herschel. The Image of Man. Harper and Row, 1947. Berlin, Isaiah. Against the Current. New York: Viking Press, 1980. Campomanes, Oscar. “La Revolucion Filipina in the Age of Empire,” The Japanese Journal of American Studies 18 (2007): 67-89. Constantino, Renato. Dissent and Counter-Consciousness. Malaya Books Inc., 1970. —— . The Philippines: A Past Revisited. Tala Publishing Services,1975. ——. “Truth is the First Casualty,” Filipinas (June 1996): 21. Coutinho, Carlos Nelson. “General Will and Democracy in Rousseau, Hegel and Gramsci,” Rethinking Marxism 12,2 (Summer 2000): 1- 17. Enriquez, Virgilio, From Colonial to Liberation Psychology. University of the Philippines Press, 1992. Fajardo, Reynaldo, “A Masonic Regime in the Philippines.” Nasa Toward Philippines the First Asian Republic, ed. Elmer Ordonez. Philippine Centennial Commission, 1998. Fast, Jonathan and Luzviminda Francisco. “Philippine Historiography and the De-mystification of Imperialism: A Review Essay.” Journal of Contemporary Asia 4.3 (1974):344-58. Francisco, Luzviminda. “The Philippine-American War.” Nasa sa The Philippines Reader, ed. Daniel Schirmer and Stephen Shalom. South End Press, 1987. Gealogo, Francis. “Apolinario Mabini’s The True Decalogue.” 2010 www.philippinemasonry.org/information/apolinario-mabini Gramsci, Antonio. Selections from the Prison Notebooks of Antonio Gramsci. International Publishers, 1971. Heller, Agnes. Radical Philosophy. Oxford, UK: Basil Blackwell, 1987. Jameson, Fredric. “The Valences of History.” Valences of the Dialectic. New York: Verso, 2009. Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Ayala Museum, 1977. Kolko, Gabriel. Main Currents in Modern American History. New York: Pantheon, 1984. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 74 Laurel, Lilia H. “The Legacy of Apolinario Mabini.” Midweek (August 16, 1989):11-15. Mabaquiao, Napoleon M. “Mabini’s True Decalogue and the Morality of Nationalism.” Asia-Pacific Social Science Review 17.3 (2018): 15- 29. Mabini, Apolinario. “A Filipino Appeal to the People of the United States.” The North American Review 170 (January 1900): 1-30. —— . “Mabini’s Decalogue for Filipinos.” Philippine Press Bureau, 1922. —- . The Letters of Apolinario Mabini. National Historical Commission, 1965. —- . The Philippine Revolution, translated by Leon Maria Guerrero. National Historical Commission, 1969. ——. “In response to General Bell.” Nasa Philippine Literature, ed. Bienvenido Lumbera and Shayne Lumbera. National Book Store, 1982. —— . Al pueblo y congreso norteamericanos. www.linkgua.com, 2007. —— . Ang Revolusyong Filipino, salin ni Michael Coroza. Aklat ng Bayan, 2015. —— . Panukala sa Pagkakana nang Republika nang Pilipinas, Legare Street Press/Creative Media Partners, [1898] 2024. Nasa Internet din 2005: http://www.guternberg.org/files/14982/14982-h/14982- h.htm. ——.”The Struggle for Freedom.” Nasa Teodoro Agoncillo, Filipino Nationalism 1872-1970. Quezon City: R.P. Garcia, 1974. Majul, Cesar. Mabini and the Philippine Revolution. University of the Philippines Press, 1960. Maramag, Fernando. “Dissenting on the Hall of Fame.” Philippine Magazine 27.1 (1930): 18-65. Marcuse, Herbert. Studies In Critical Philosophy. Beacon Press, 1972: Marx, Karl. The Economic and Philosophic Manuscripts of 1844, ed. Dirk Struik. International Publishers, 1964. —— and Frederick Engels. Selected Works. New York: International Publishers, 1968 Masters, Roger D. “The Structure of Rousseau’s Political Thought.” Nasa sa Hobbes and Rousseau, ed. Richard Peters. Anchor Books, 1972. McArthur, Arthur General. Statement to the United States Congress, Committee on the Philippines in Relation to Affairs in the Philippine Islands (January 31-June 28, 1902). Volume 2. Washington DC: Govt Printing Office, 1902. SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 75 Miroy, Jovino. “Radical Thinking in Apolinario Mabini’s La Revolucion Filipina.” Budhi xxi,2 (2017): 120-36. Neumann, Franz. The Democratic and the Authoritarian State. New York: The Free Press, 1957. Ocampo, Ambeth. The Centennial Countdown. Anvil Publishing Co, 1998. —— . Two Lunas, Two Mabinis. Anvil Publishing Co, 2015. Ossowska, Maria. Social Determinants of Moral Ideas. Philadelphia: University of Pennsylvania Press, 1970. Plamenatz, John, “On le Forcera d’Etre Libre.” Nasa Hobbes and Rousseau, ed. Richard Peters, Anchor Books, 1972. Reyno, Adriano, The Political, Social and Moral Philosophy of Apolinario Mabini. Catholic Trade School, 1964. Rizal, Jose. “El Amor Patrio”. Nasa Rizal. Comision Nacional del Centenario de Jose Rizal, 1961. Rosaldo, Renato. ”Social Justice and the crisis of national communities.” In Colonial Discourse/Postcolonial Theory, ed. Francis Barket et al. New York: St Martins Press, 1994. San Juan, E. “Apolinario Mabini: Paghamon sa Tadhana.” Nasa Kontra- Modernidad. University of the Philippines Press, 2019. ——. “Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Pollitika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apoiinario Mabini.” Kritike 18, 1 (March 2024). https://www.kritike.org/journal/isse_34/sanjuan_march 2124.pdf. Sanvictores, Benito V. “Mabini: the voice of the Philippines.” UP Update Online (October 10, 2014.), Webpage. Seigel, Jerrold. “Virtu in and since the Renaissance.” Dictionary of the History of Ideas. Vol. 4. Charles Scribner’s Sons, 1973. Spinoza, Benedict de. Ethics, ed. G.H.R. Parkinson. Oxford University Press, 2000 Tan, Samuel K. The Filipino-American War, 1899-1913. Quezon City: University of the Philippines Press, 2002. Zaide, Gregorio. Great Filipinos in History. Manila: Verde Book Store, 1970. Zinn, Howard, A People’s History of the United States. New York: Harper and Row, 1980. Zwick, Jim. Confronting Imperialism. Conshohocken, PA: Infinity, 2007

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...