Friday, January 20, 2023

LABAN SA CARTESIAN PANANAW

 DISKARTENG SAYO NAWA [Cogito, ergo sum….]


Ni E. San Juan, Jr.





Nagkamalay ako, samakatwid ako ay


Naghinala ako, samakatwid ako ay


Naghanggad  ako, samakatwid ako ay


Nagulat  ako, samakatwid ako ay


Natuliro ako, samakatwid ako ay


Nagmura ako, samakatwid ako ay


Nanaginip ako, samakatwid ako ay


Nalibugan ako, samakatwid ako ay


Nadaya ako, samakatwid ako ay


Nainggit  ako, samakatwid ako ay


Nagsinungaling ako, samakatwid ako ay


Nakipagdyugdyugan ako, samakatwid  ako 


Kinilabutan ako, samakatwid ako 


Nalamangan ako, samakatwid a


Tumutol ako't nakibaka, samakatwid ak


Nakulam ako, samakatwid 


Naghihingalo, samakatwi 


Humingi ng saklolo, samaka 


Kapos hininga, sa ka  

No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...