Friday, June 11, 2021

9 POEMS IN FILIPINO /. SIYAM NA TULA SA FILIPINO

 




ELEHIYANG NABUKING BINIGKAS NG BATANG 

TUBONG BLUMENTRITT

                                                 Ni E. San Juan, Jr.


Oo, tapos na, di na tayo pupunta sa Tondo ng ating kamusmosan—

Kung saan sabi mo mahal mo ako, di malilimutan—Tapos na iyon!

Di na tayo babalik doon-- Oo, sa Bangkusay o Plaza Moriones—


Hindi ko na matandaan kung sa Tayuman o Bambang tayo unang nagkita

O baka sa tren sa Tutuban o sa loobang sanglaan sa Divisoria….

Oo, di na tayo babalik sa Tondo, doon sa lumundong dulo ng buhay—


…..Hindi ko na nga maalala kung saang liko sa Juan Luna ang daan….


Oo, tapos na, ngayong gabi nagpasiya kang tapos na ang pagsuyo—

Gabing kay lungkot, umaapaw hanggang sa estero ng Binondo

Hindi na tayo babalik doon tulad nang nakalipas— Ay, hindi na!


Hindi ko na magunita kung saang sulok sa Tondo tayo nagtapo 

Tapos na, hindi na tayo babalik sa Gagalangin—mundong kaylupit!

Kung saan ang sumpang binitiwan ay naligaw sa tulay ng Dimasalang


…..Hindi ko na nga matandaan kung saang liko sa Dapitan lumisan….


Oo, di na tayo babalik sa pook ng lambingang ngayo’y Smokey Mountain….

Di ko na nga maalala kung saan kita naiwan, saang lugar babalikan—

Kapus-palad na pag-ibig, ay, nasawi sa mundong nagsalabit sa pangako—


Ay tapos na, di ko na nga matandaan ang daang papunta sa Tondo—

Di ko na magunita ang tipanan sa Quiapo? Sa Mendiola ba o sa Luneta?

Oo, tapos na, di na tayo babalik sa tinding niyapos, ay, kumilig sa pag-sinta—


…Dito na lang kayo muna sa Blumentritt pagkagaling sa Culi-Culi, 

Nakalimutan ko na ang ruta papunta sa sementeryong La Loma—


Oo, hindi na tayo babalik, hindi na, tapos na, magpakailanman—

Pagkasiyahin ang pira-pirasong pulutang napanis sa gabi ng sumpaan….


______________________________________________________________

BETRAYED ELEGY RECITED BY A BLUMENTRITT NATIVE



Yes, it’s over, we’ll not go to the Tondo of our childhood

Where you said you loved me, never to be forgotten—That’s finished!

We’ll never return to that spot—Yes, Bangkusay or Plaza Moriones—


I can’t recall whether it’s Tayuman or Bambang where we first met,

Perhaps in a Tutuban train or an indoor pawnshop in Divisoria…

Yes, we will not go back to Tondo, there where life’s horizon-line sagged—


…I can’t remember now which street-turn in Juan Luna marked our path….


Yes, all over, tonight you decided that our dalliance is ended—

A night so wretched, overflowing up to the stinking canal of Binondo…

We will not go back there as we did before—Aie, no more!


I cannot remember at which corner in Tondo we first met,

It’s finished, we’ll not retreat to Gagalangin—a world utterly ruthless!

Where our promises, disavowed, got lost in the bridge in Dimasalang…


Indeed, I cannot remember which street-corner in Dapitan I fled from….


Yes, we will not withdraw to the place of caressing, now Smokey Mountain….

I can’t recall now where exactly I left you, where I should retrieve you—

Curse-stricken love, Aie, victimized in a world bewildered by promises—


Aie, it’s done, I can’t remember the streets leading to Tondo—

I can’t find in memory our trysting spot in Quiapo? Or Mendiola or Luneta?

Yes, it’s finished, we’ll not go back to the pain we embraced, amorous shudder—


Let’s stay here, linger in Blumentritt after visiting Cull-Culi,

Anyway I have forgotten the route debouching to the La Loma cemetery—


Yes, we will not go back, no more, it’s over, forever and ever—

Let the fragments of this appetizer suffice, spoiled in the night of avowals

and disavowals….


__________________________________________________________

LAKBAY NG BAGUNTAONG NAGLAGALAG



Pumalaot na, walang tiyak na daungan o dalampasigan—

Kung saan ko naisip makarating, wala ako roon, humantong man….


Sandaling sumungaw sa butas ng aking himlayan, bulalakaw!


Nakabalik ka rin mula sa Taormina, sintang balikbayan,

Tumupad sa pangakong magbabalik kung kinakailangan


“Kusang binangga kami ng Intsik, di kami tinulungan—

Umikot muna upan tiyaking lumubog na, tapos tumakbo!”


Batid mong ngayon ay inaanod, napapadpad sa kinabukasan

Kaya hindi ka na tumigil sa Thessaloniki, naibsan ang pighati—

Sabi ng pilosopo, ang gumugulong ay di hihinto hanggang di pinipigil….


Umiiwas ka sa unos o sigwa, di mo akalaing babanggain ka….


“Oo, umikot sila, nilente kami, nang matantong lubog na,

Dagling sumibat, tumakbong palayo! Walang awang mga hayup!”

[Testimonyo ng kapitan ng GEM VIRI, 6/14/2019]


Nakabalik na mula sa Colombo, Sri Lanka, taglay sa pusong nawindang

Ang memorabilya ng Tigreng Tamil, mandirigmang nakaligtas….


Kung hindi ikaw, sino ang sasagip sa nasawing manlalayag?

Umiwas ka sa lagim ng sakuna, sa tukso ng Mutya ng Bali,

Kundi ngayon, kailan pa? Saan isusugod ang katawang naipit?


Binangga kaming pumalaot, lumayag, tinawid ang panahong masungit….


Binangga nga—Gulat, nasindak, daigdig mo’y abot lamang sa hiyaw

Ng saklolo sa dalampasigan ng Davao, Jolo, o Zamboanga—

Buti’t di ka napikot ng aswang sa Siquijor o tokhang sa Mindoro—


Binangga ka ng maamo’t mailap na buwitre ng imperyong sumasakop—


Di na kailangang humibik, ngitngit ng himagsik sa kapalarang nasapit—

Bakit nga ba tumawid ang hayop sa kabilang ibayo?

Tanaw mo na sa pinto ng San Agustin ang kumakaway na bisig—

Sa Balwarte ng San Diego naglalamay armadong kaluluwang lagalag….

_________________________________________________________________

JOURNEY OF THE YOUNG MAN WHO WANDERED


[From the Philippine Customs Declaration Form No.117, Item #7: “Materials advocating or inciting treason, rebellion, insurrection, sedition against the government of the Philippines”]


Shipped out, no definite pier to reach or shoreline—

Where I thought of arriving, I am not there, even if the drift compels the traveler….


For an instant, through a hole in my sleeping quarter, flashed a shooting star!


So you’ve returned from Taormina, beloved expatriate,

Fulfilling the promise that you’ll come back if needed—


“We were rammed by the Chinese, they didn’t help us—

They circled first to make sure we’ve sunk, then scrammed!”


You know now you’re being carried away, floating toward tomorrow

So, therefore, you did not tarry at Thessaloniki, with grief subsiding—

The philosopher taught: what is rolling will not stop until it is impeded…


You were trying to elude squalls or storms, you didn’t suspect they will strike….


“Yes, they turned around, spotlighted us, when sure we were sunk,

Swiftly they fled, sped away! Beasts devoid of pity or mercy!”

[Testimony of the captain of the fishing boat GEM VIRI, 4/14/2019]


You’ve returned from Colombo, Sri Lanka, bearing in your bruised heart

Memorabilia from the Tamil Tigers, guerilla warriors who survived….


If not you, who else will save the disaster-stricken voyagers?

You evaded the misery of accident, seduced by the Muse of Bali,

If not now, when? What will the wrecked body assault?


We were rammed, far out in the ocean, defying the miserable weather….


They hit us—Shocked, panicked, your world touched only by the shout

Of succor at the shores of Davao, Jolo, or Zamboanga—

Lucky you were not tempted by the Siquijor witch or police-killers in Mindoro—


You were rammed by gentle but sneaking vultures of the colonizing empire—


No need to cry out for help, rebellious anger at the fortune encountered—

Why indeed did the animal cross the road to the other side?

You can glimpse from the door of St Agustin’s church those arms waving—

At the San Diego rampart, in nightlong vigil, armed souls wandering….###


____________________________________________________________

“MAGKASIPING BUONG GABI”

[Hiwa mula sa awit ni Rico Puno— Naulinigan ni E. San Juan, Jr.]



Magkatabi lang—di magkayakap— silang nasawi sa engkuwentro

sa Nagsugbu, Batangas,

nireport sa TV, radyo, 28 Nobyembre 2017…


Magkatabi sina Josephine Anne Lapira at Glen Aytona, nakahandusay….

Ewan kung magkasuyo magdamag….


Pahayag ni Kumander Patnubay de Guia: “Oo, amin sila….”

Inangkin ng ina ang walang kislap na mata ni Glen Aytona,

Umahon ang mga bodhisattva mula sa liblib na purok ng Samsara—

Sa paglipat nawindang ang duguang blusa ni Kamila Mangan—


Magkatabi ang mga bangkay, daing natin, patungong Nirvana

mula sa masukal na sitio ng Batulan at Pinamintasan….


Magkayap na kaya sila sa buong magdamag ng paglalamay?


Sambitin mo, Kumander, kung hindi nawaldas ang alay nila….

Naumid ang dila, nabingi, sumikip ang agwat

ng Samsara at Nirvana, ng sandaling ito at magdamag….


Di lang isa ang kandila, batid natin ang mga pangalan: 

Josephine, Kamila, Glen—

“Magkasuyo buong gabi” ang mga magulang, asawa, katipan….

Ito ba ang ating daigdig? Patuloy ba tayong maglalambingan

sa awit ng mga sirena sa TV, radyo, midya?


Wala nang tinig kundi sikdo’t kabog ng dibdib, 

umaangil, sumasabog sa daigdig na gumuho’t nawarak.



__________________________________________________________________


ENTWINED TOGETHER THROUGHOUT THE NIGHT




Beside each other—not embracing—witness now the slain bodies

from the encounter at Nasugbu, Batangas,

reported by TV, radio, almost three years ago…


Lying together are Josephine Anne Lapira and Glen Aytona, flung there….

Don’t know if they will fondle each other all night….


Declared Kumander Patnubay de Guia: “Yes, they’re ours….”

Glen’s sparkless eyes were claimed by his mother, the others….

Bodhisattvas surged forth from Samsara”s clandestine groves—

Transported, the bloody blouse of Kamila Mangan was ripped apart—


Corpses close to each other, we cried, edging toward Nirvana

from the wild ravines of Batulan and Pinamintasan….


Are they now caressing each other throughout the mourning vigil?


Confess it, Kumander, if their offerings were futile, wasted….

Tongue frozen, deafened, the chasm between Samsara and Nirvana,

between this moment and the abundant night, overflowed….


Not just one candle, we knew their names: Josephine, Kamila….

“Clasping each other nightlong,” their parents, spouses, inamoratas….

“Is this our world?” Do we plod on with amorous rituals

spewed out in the songs of sirens in TV, radio, media?


Voices exhausted, only the throb and pounding of the breast

seething in fury, exploding in this world blown apart, smithereens—



_______________________________________________________






Kung Sakaling Hindi na Tayo Magkita Muli 

                      


Tila matandang tugtugin na ito, Kasama, maski na wala akong lamparang

pagsisidlan upang makalusot sa guwardiya, 

di bale,  pakibigay sana ito….


Sabi nila’y kung saan marapa, doon bumangon,   sige    pagbigyan--

ngunit kung ikaw’y pinatid, dinukot, binugbog,

pinaluwa ang bituka, ginahasa, tinadtad ang laman?

Walang kailangan—


Kaluluwa ko’y katawang bahagi’t sangkap ng buong kalikasan, lamang

         ito’y may kasaysaysang hinugot 

mula sa tunggalian ng mga uri at lakas…


Ngunit bukas?         Kasama, walang  maliw ang kalikasan….


Dinggin mo’ng amihang humahaplos sa bawat pisngi ng dahon at bunga 

                                             ng mga  halamang alaga ng gerilya  doon sa libis—


Masdan ang agos ng ulan sa bubong at sa daang bumibigay tuwing takip-silim—


Pakiramdaman ang mga ibo’t hayup sa tabi ng ilog 

nakatingala sa buwan at sa bituing kumikislap

(Oo, di maitatago, 

      umaalingasaw ang bangkay na nakabayubay sa gilid ng hukay…)


Gayunpaman, magkita tayo doon sa tabi ng talong lumalasgas sa pusod ng gubat 

at dumadaloy  sa lilim ng  lumulutang na ulap 

   sa balikat ng bundok….

Walang maliw ang kalikasan, bumibigay….


Sa bawat paalam, may handog na pagbating hitik ng kontradiksiyong 

kalangkap  ng bawat karanasan sa buhay: 

    iyo’y tadhana, kapalaran—


Sige lang, di ko na uulitin, sa iba’t ibang anyo’t mukha, magkikita muli tayo,

sa bawat pagkakataong may bumabaklas 

      at bumabalikwas

Naroon din ang humahalik at yumayapos—

Salamat, Kasama, hanggang sa muli, pakisuyo,  ingat— 

  walang maliw ang kalikasan,

bumibigay….

__________________________________________________________________________________


IN CASE WE DON’T MEET AGAIN


This sounds like an old song, Comrade, though I have no lamp

into which I could retreat to fool the sentinel,

never mind, on my second retort or attempt,

kindly give this…


They say where you fall, there you will rise, all right let’s permit it—

but what if you’ve been tripped, seized, beaten,

entrails gutted, raped,  flesh chopped—how to rise?

No need—

My soul is an embodied piece and substance of entire nature,

only

it has a history drawn from the clash

of classes and forces…

But tomorrow? Comrade, nature has no end…


Hear the northern winds kissing each cheek of foliage

and fruit   of the garden that the guerillas tend there on the valley—


See the streaming rain on the roof and road that vanish  at nightfall—


Feel the birds and beasts on the riverbank

staring at the moon and shining stars


(Yes, reeking are the corpses splayed on the edge of the grave…)


Let’s meet there by the waterfall that murmurs deep 

in the forest and flows in the shadow of clouds passing over

the shoulder and bosom of the mountain…


Nature has no end, bountiful—

In every parting, there is the gift of a welcome filled

with contradictions that come   with every experience of life:

it’s fate, fortune—   


Go ahead, I won’t repeat it, in many shapes and guises,

we’ll meet again   every time someone breaks free and stands firm


The kissers and embracers will also be there—

Thank you, Comrade, until then,  please, take care— 

Nature is infinite, eternal….  

forever giving….


_______________________________________________________________________________________________________________________


—###DADALHIN TAYO NG AMIHAN

       (Halaw mula kay Forugh Farrokhzad)



Sa gabing ito—kay igsi, saglit, wari’y kisap-mata—

Magsisiping ang hangin at mga dahon….


Maikling gabing tigib ng matinding balisa—

Pakinggan mo—kutob ko’y bulong ng mga anino….


Kakatwang ligaya itong dinaramdam ko

Nawili na ako sa indayog ng lumbay at dalamhati—


Sa gabing ito, pikit-matang nadarama kong may mangyayari…


Duguan at ligamgam ang buwang nakalambitin sa bubong—

Babagsak ito sa munting kislot ng hapis—


Palumpong ng mga babaeng namimighati ang ulap

Nag-aantabay sa pagluwal ng ulan….


Saglit—pakiwari kong nawala sa likod ng bintana

Ang gabi, natigatig, tumigil ang mundong umiinog—


Sa likod ng tabing, isang dayuhang yapos ng agam-agam—

Ikaw na nilambungan ng luntiang galamay—

Idampi ang palad, nag-aapoy sa gunita, sa aking palad—

Ipaubaya ang labi mong nagliliyab sa aking mga labi—


Dadalhin tayo ng amihang umahon sa sapot ng dilim—

Aagawin tayo mula sa kuko ng habagat—

hayan, naku,

Dadalhain tayo, iaangat, ililipad 


lulan ng masuyong himapapawid!PAKSIW NA BARAKUDA

Proseso sa Pagbabalangkas ng isang Likhang-Sining—ni E. San Juan,Jr.






SIKMATIN

SAKMALIN


          SAGPANGIN SINAGPANG


KAGATIN

KABKABIN


          UKABIN INUKAB



NGATNGATIN NGINATNGAT



NGUYAIN

                              NGALUTIN


NGATAIN NGINATA


LUNUKIN

                          LULUNIN NILULON


ILUWA

          ISUKA ISINUKA



<buto tinik salitang natira>





PARABULA NG BUTO NG MUSTASA—  ni E. San Juan, Jr.




Nagalit si Malunkya Putta sa di-pagtugon ni Buda 

sa sandamak na mga tanong 

tungkol sa usaping metapisikal—

Halimbawa: Wala bang katapusan ang mundo? 

Pagkalagot ng hininga, may libog pa ba ang kaluluwa? 


Sinagot siya ni Siddhartha na tinaguriang Buda: 


“Walang saysay ang mga usisa mo. 

Hindi ba ibinuhos ko na ang panahon at lakas sa pagpapalliwanag 

kung bakit tayo nagdurusa?


Itinuro ko paano natin mababawasan ang kahirapan. 


Di ba itinuro ko kung paano malulunasan ang ugaling 

nagbubunga ng sakit at pighati?

Bakit ka nahuhumaling sa mga kaabalahang walang saysay—

kababalaghang walang anghang?


Sige, Malunkya Putta, hale ka na’t dalhan mo ako 

ng isang dakot ng buto ng mustasa….

Manlimos ka sa mga tahanang walang namatayan.


Hayo ka na’t baka abutin ka nang gabing magayuma ang dilim 

at tuloy maligaw ka sa daan.”



—E. SAN JUAN, Jr.


PAGBUBULAY-BULAY NG ISANG PETIBURGIS NA INTELEKTWAL




Nang ika-10 gulang, nagnais akong matuto’t maging marunong

Nang ika-15 gulang, nabatid kong tama ang gurong Mang Andoy

Nang ika-21 gulang, natiyak ko na ang daan

Nang ika-30 gulang, nasulyapan ko na ang guhit-tagpuang abot-tanaw

Nang ika-36 gulang, nabilibid ako sa kasong pakikiapid (natiklo, ay malas!)

Nang ika-40 gulang, nagpasiya akong pwede nang makipag-sapalarang mag-isa

Nang ika-50 gulang, bayad na ako sa mga utang at butaw


Handa na akong umakyat sa bundok—

Napaglirip sa panahon ng paglalakbay hanggang dito, palipat-lipat ang diwa

Sa pagitan ng ibong makulay ang bagwis 

nakatuon sa panaginip at pantasiya

At isdang nagtatampisaw sa putik, matimtimang dumaranas 

ng udyok at simbuyo ng damdamin….


Hinahangad ko mula ngayon, sa kabila ng gulo’t panganib ng kapaligiran,

Sundin ang dragon ng isip, matimyas na pagnanais makahulagpos


Upang sa gayon makaigpaw sa bangin at makatawid

sa talampas at matarik na dalisdis ng bundok


Yapos ang ibong pumailanlang at isdang sumisid 

sa pusod ng kaluluwa. 


Makaabot pa kaya ako sa kasukdulang biyaya ni Maria Makiling 

nabighani sa salimbayan

ng mga kalapating dumaragit?




—E. SAN JUAN, Jr.










APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...