Sunday, December 06, 2020

PANIMDIM. SA. PANAGIMPAN: Unang Pahimakas

 PANIMDIM  SA PANAGIMPAN: Unang Pahimakas




Bumanaag ang umaga, narinig mo

     [Gumising ako’t namulat katabi mo]


Awit ng pahimakas, bumabati

[Kasiping ka, tulad nang dati]


Pagka’t hinihintay pa natin ang kaganapan…..

[Kapiling ka sa magdamag]


Pagsilang ng araw, pupunitin ang dilim

[Nadama’t nasalat kita pagkagising]


Panaginip ay magbubukang-liwayway

[Lumundag ang puso’t natagpuan ka]


Sa hudyat ng awit, pumintig— pumiglas!

[Kapiling ka muli, aking pakiramdam]


Itatambuli ang tagumpany ng pag.ibig—


Ipinaghiwalay tayo, sinibak ang tipan

[Bagamat malamig ang gabi, nagliliyab ang tiwala]


Nagliwanag ang dilim, pagbangon

[Hinipo mo ako, niyakap, inalo]


Palalayain ang kaluluwa sa matris ng silangan

[Sumigla ang diwa ko sa iyong kalinga]


Sinilab ng ilanlibong sulo ang pusong naglalamay

[Kahit walang saksi sa nagaganap]


Ngunit sa ilaw ng ating paningin, sa sinag

ng ating maalab na paghandog ng buhay


Tanaw ang tagumpay ng iyong pagmamahal,

Halimuyak ng mutyang pinakasasabikan….. 

—E. San Juan, Jr.









No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...