Wednesday, January 01, 2020

OBSERBASYON HINGGIL SA PANITIKANG FILIPINO

           PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON
Modernidad at Globalisasyon: Diyalektika ng Panahon at Lugar

                          Ni E. SAN JUAN, Jr. Polytechnic University of the Philippines






Nasaan tayo ngayon at kailan nangyayari ito? Tila kabalintunaan ang nangyayari ngayon.

Pagnilayin natin ang mga mungkahing sumusunod. Singkahulugan ng modernidad ang katwiran at pagkamakatao, sagisag ng pagsulong ng kabihas- nan. Sa malas, batay sa krisis sa Ukraine, Syria, patuloy na digmaan sa Af- ghanistan, Mindanao, at hidwaan tungkol sa China Sea, umuurong na tayo mula sa modernidad tungo sa barbaridad, mula globalisasyon tungo sa kumprontasy- on ng mga makasariling bansang nagpipilit ng kanilang natatanging etnisidad na namumukod sa iba. Kabaligtaran nga sa perspektiba ng rasyonal at makataong antas ng sagad-modernong milenyo sa mundo.

Ibungad natin ang problemang bumabagabag sa atin: Anong uri ng mod- ernidad ang taglay ng Pilipinas? Kaugnay nito, paano mapapalaya ang potensyal ng ordinaryong araw-araw na buhay ng bawat mamamayan sa epoka ng kapital- ismong pampinansiyal na laganap sa buong planeta?

Isang anekdotang may masusing pahiwatig ang ibabahagi ko muna. Ka- makailan, sa isang workshop ng mga manunulat sa TABOAN 2014 (pagtitipon ng mga manunulat sa Subic Free Port, Zambales) tungkol sa pagsasalin, naitanong ko sa panel: "Pare-pareho ba o magkakapantay-pantay ang lahat ng wika na mag- agamit sa pagsasalin sa kasalukuyan?" Di umano, isang inosenteng tanong. Tu- gon sa akin ng dalawang kasali roon: "Oo, pare-pareho, walang wikang nakahi- higit sa iba." Ibig sabihin, Ingles, Cebuano, Pranses, Intsik, Ruso, Aleman, lahat iyan ay magkakapantay-pantay...
Saan ba tayo nakatira? Anong petsa ba ngayon, saang lugar tayo nakatala- ga? Ano ang tunay at eksaktong posisyon natin?
SAN JUAN 1
Nakakalito nga. Tingnan ninyo: bagamat ang Subic ay isinauli na sa Filip- inas, patuloy pa rin ang paggamit noon ng Kano sa taun-taong Balikatan Exercis- es, pati Clark at iba pang dating base militar sa buong sangkapuluan. Lumubha pa nga dahil sa pag-iral ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinirmahan nina Presidente Aquino at Washington. Dagdag sa Visiting Forces Agreement (VFA) na saligan ng taunang Balikatan Exercises, ang EDCA ay lubos na pagsuko ng soberanya ng bansa sa tropa ng Estados Unidos: halos lahat ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, pati lupa't mga gusali at magagamit na likas-ya- man nito, ay pwedeng sakupin ng hukbong Amerikano nang walang pahintulot ng karaniwang mamamayan. Bumalik na tayo muli sa posisyon ng isang kolonya, o di umano'y neokolonya dahil may pagkukunwaring taglay natin ang kasarinlan. Kabalintunaan ba ito?
Sa ano't anuman, una munang pinagkaabalahan ng mga nagpupulong ang PX goods at aliwang karaoke sa Olongapo, hindi ang VFA at patuloy na interben- siyon ng US sa ating soberanya na sumukdol na sa pagpataw ng EDCA. Kaya patas ba ang neokolonya at estado ng bansang nagdidikta ng kondisyon ng VFA sa gobyerno ni Presidente Aquino?
Himayin natin ang sitwasyon. Sa perspektiba ng lingguwistika, tama, bawat wika ay nagsisilbing sapat sa pangangailangan o adhikain ng grupong gu- magamit nito. O sa layon ng partikular na pagsasalin. Ngunit ang wika, anumang senyas o sagisag na may kargadang kahulugan, ay hindi nakalutang sa himpa- pawid o sa pantasiya; nakaugat ito sa espasyong may tiyak na lugar at panahon. Sa globalisasyon ng mundo sa ilalim ng IMF/WB at mga higanteng korporasyon, walang pasubaling global Ingles ang namamayani. Hindi lengguwaheng Intsik, Ruso, Hapon, Pranses, Aleman, Espanyol, o Filipino, salungat sa sentido komun ng mga manunulat na nabanggit. Bakit nagkaganito?

Punto de Vista sa Pagsasaliksik

Dalawang mungkahi. Una, palagay ko'y hindi natin masasagot iyong tanong kung hindi susundin ang ilang gabay o paalala sa pag-ugit ng imbesti- gasyon.
Una, ilagay sa konkretong konteksto ng kasaysayan ng lipunan ang wika o anumang usaping pangkultura. Pangalawa, hindi uubra ang indibidwalistikong pananaw (methological individualism) kung nais natin ang malawakang kontek- stuwalisasyon at praktikang paghuhusga. Bakit? Sapagkat ang lipunan ay hindi koleksiyon ng hiwa-hiwalay na atomistikong indibidwal. Binubuo ito ng artiku- lasyon ng ugnayang panlipunan na may kasaysayan, may lumipas at kinabukasan sa pangkalahatang kabatiran.
Anumang pangyayari ay lilinaw sa pagtarok sa lohika ng pagsudlong ng panahon at lugar. Tinutukoy rito ang konteksto o kuwadrong kinalalagyan ng tema, paksa, buod ng diskurso. Sa madaling salita, kontekstuwalisasyon sa isang
S AN JUAN 2
tiyak na yugto ng kasaysayan at pagtutok sa proseso ng panlipunang relasyon ang dalawang bagay na dapat idiin sa ating pag-aaral ng modernidad. Kung hindi, arbitraryong hatol ng metapisikang pag-iisip ang maghahari.

Pagtugis sa Kasalukuyan

Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang sitwasyon ng Filipinas, ang katayuan ng lipunan at kultura nito, sa panahon ng globalisasyon. Panahon din ito ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta. Bagamat global ang pananaw, isang sipat na bumabagtas sa bakuran ng mga bansa, lokal pa rin ang pokus ng analitikong pagsusuri ng ispe- sipikong buklod ng mga pangyayari at tauhan. Nakaangkla sa praktikang dalumat ng mga kolektibong lakas kaakibat ng situwasyong nagtatakda at nagbibigay- kahulugan sa bawat teorya at karunungan.

Bagamat tila patag ang lahat sa biglang sulyap, mapag-aalaman na umiiral ang hirarkiya at pagtatagisan ng lakas ang kalakaran. Panahon din ito ng paglan- tad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patu- loy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interben- syong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito. Nakapanig pa rin ang Filipinas sa Global South, nakapailal- im pa rin sa mga industriyalisado't mayamang bansa.

Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na ta- lakayin natin sa pagpapalitang-kuro hinggil sa usapin ng suliranin ng mod- ernidad.
Nasaan tayo sa hirarkiyang internasyonal? Bagamat kunwaring may kasarin- lang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyerno sa poder militar ng US, at sa mapagpasiyang kapangyarihan nito sa WB /IMF, WTO, G-7, UN, at konsortiya ng mga bangko't nagpapautang na mga ahensiya. Hindi lumang kolonya kundi makabagong anyong angkop sa bagong salinlahi at bagong sensi- bilidad nito.

Sa pandaigdigang situwasyong ito, nakalukob tayo sa panahon ng malub- hang krisis ng kapitalismong pampinansiyal. Ebidensiya ang pagbagsak ng Wall Street, pangalawa sa nakaraang siglo, noong 2008. Mas maselan ito kaysa noong 1929. Napipinto pa raw ang isang mas mapanira't katastropikong pagbulusok sa hinaharap, kalamidad na makapagbabago sa kultura't ideolohiyang pumapat- nubay sa kasalukuyang modernidad. Dito nakalakip kaipala ang post-modernidad ng lahat ng bansa, ang kultura't kaayusang pampulitika't pang-ekonomya nito.
Akumulasyong Walang Iginagalang
SAN JUAN 3
Nakalilito ang mga karatula't palabas sa ating kapaligiran. Maingay ang konsumerismong namamalas na pangunahing aktibidad sa lipunan---laluna sa mga siyudad sa atin na siksikan na ang malls, trapik, gusaling "call centers--kaya tila nakalimutan na ang basehan nito. Paglago ng tubo ang siyang lohika pa rin ng lipunan.

Ngunit huwag tayong palinlang sa namamasid sa nakasisilaw na tabing ng mga palabas. Bagamat iba't ibang porma't paraan ang akumulasyon ng kapital, ng tubo, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon, sa tulong ng kompyuter at Internet, nakasentro pa rin ang sistemang global sa pagkamal ng kapitalista sa surplus-value na nagmumula sa di-binayarang trabaho ng karamihan. Iyon ang bukal ng tubo/profit.

Kasama na rito ang "service workers," OFW--mahigit 12 milyong Pilipinong empleyado sa Saudi, Hong Kong, at saanmang lupalop, pati sa mga barkong nagdadala ng langis at mga produktong ipinagbibili (kabilang na ang armas, bomba, tear gas, atbp). Sa ngayon, anim na libong katawan ang umaalis sa bawat araw, Kung magpapatuloy ang walang kaunlaran ng bansa sa hinaharap, tiyak na mayorya ang tatakas o maghahanap ng bagong tahanan.

Nakalutang ang ekonomya, salamat sa kita o sahod ng 12 milyong OFW, mga kababayang nag-abrod. Sa patuloy na lumalaking remitans nakasandig ang ekonomya ng bansa--dagdag ang "call centers" at iba pang "business outsourc- ing." Walang matibay o malusog na produksiyon ng makina, ng malaking kagami- tan sa industriya, sa atin kundi mga mall, ispekulasyon sa real estate, at "service industry" ng turismo, atbp.

Sa ibang salita, ang tubo o kapital ng uring kumukontrol sa malalaking gamit/paraan ng produksiyon, ay hinuhugot pa rin sa lakas-paggawa ng mayorya, ang mga anakpawis, magbubukid, at mga propesyonal na bumubuo sa panggit- nang saray, ang petiburgesya. Dito nakasalalay ang modernidad ng ordeng inter- nasyonal.

Vortex ng Modernidad

Sa sangandaang ito, maiging idiin ang ilang nakalimutang aksyoma sa agham-panlipunan. Ang pinakaimportanteng katangian ng kapitalismo, ayon kay Marx, na siyang birtud na nagtutulak sa tinaguriang "modernization" at "devel- opment," at humuhubog ng kultura, lifestyle, at araw-araw na pamumuhay ay walang iba kundi ito: walang tigil na transpormasyon ng modo ng produksiyon, walang patid na pagbabago ng kagamitan at proseso ng produksiyon ng lahat ng bagay, at reproduksiyon ng relasyong panlipunan/ugnayan ng mga tao. Nakasalalay dito ang pagsulong ng lipunan, ang paghahati ng panahon.

Sa dagling paglalagom: "Everything solid melts into air...." proklamasyon ng Communist Manifesto. Pangkalahatang pagbabago, pag-iiba.
SAN JUAN 4
Nais kong salungguhitan ang katotohanang naipaliwanag na nina Marx, Engels, at sinaunang pantas tulad nina David Ricardo, Saint-Simon, at iba pa. Materyalistikong diyalektika ang nagsisiwalat sa rebolusyong nagpapasulong sa kasaysayan ng mundo. Ang rebolusyong ito ng "mode of production" (na umuugit sa kompitensiya ng iba't ibang paksyon o grupo ng burgesya) ang sali- gan ng modernidad sa estilo ng buhay, ng kultura, ng sensibilidad at mentalidad ng bawat lipunan. Mabuting tandaan: ito ang motor o makina ng pagbabago sa diwa, ugali, gawi, at damdamin ng ordinaryong nilalang.

Siguradong dama at danas na ng lahat ang mga nangyayari sa kapaligiran, bagamat hindi nila tarok ang mekanismo't dahilan nito. Sintomas ng pagbabago ay masisilip at makakapa sa larangan ng ideolohiya--relihiyon, pulitika, sining, mass midya, atbp.--kung saan nakikita, nararamdaman, natutuklasan ang pag- tatagisan ng ibat ibang pwersa sa lipunan sa bawat yugto ng kasaysayan. Ang modernidad ng globalisasyon ay nagkakatawan sa tekstura't istraktura ng ideolo- hiya.

Metamorposis ng Kapaligiran

Bumalik tayo sa tema ng lugar at panahon. Pwedeng ituring na alam natin kung nasaan tayo. Kung di ninyo alam, konsultahin ang GPS, o inyong cellphone. Kung sa bagay, nagtatalo pa rin ang mga akademiko hinggil sa diyalektika ng "place" (lugar) at "space" (espasyo) sa isyu ng globalisasyon. Dahil nga sa kompyuterisasyon, nakompress ang espasyo--ayon kay David Harvey sa kanyang librong The Condition of Postmodernity--kaya panahon, bilis ng pagkitid ng es- pasyo, dagliang transaksyon--ang makatuturang problemang kinakaharap natin ngayon, ang "politics of time." Dapat tayong maghatol sa halaga at katuturan ng bawat baytang sa pag-inog ng panahon, ang katuturan at kalagahan ng bawat ba- hagi nito.

Ginawang larangan ng pagsukat at pagtimbang ang bawat bahagi ng kasaysayan, ang pagkilala sa bahagdan ng kasaysayan. Paano babansagan ang bawat hati ng panahon upang makatiyak sa ating pinanggalingan at patutun- guhan? Nasaan tayo sa temporalisasyon ng kasaysayan? Bakit importante na nasa unahan tayo at hindi sa huli? Paano ang pagkilala sa huli at una, at pagkakahalintulad o pagkakaiba ng mga ito? Ano ang bentaha nito, ano ang imp- likasyon nito sa ordinaryong karanasan ng mamamayan?

Siyasatin natin ang mapa ng panahunan. Tanggap ng lahat na pagkatapos ng krisis noong 1970, minarkahan ng pagkatalo ng U.S. sa IndoTsina, nagbago ang mundo sa pag-urong ng Unyon Sobyet sa antas ng "booty capitalism." Sumunod ang Tsina at Biyetnam, ngayo'y mahigpit na kasangkot sa pandaigdigang ikot ng akumulasyon ng tubo. Pumasok tayo sa panibagong yugto pagkaraan ng 9/11; at paglunsad ng digmaan laban sa tinaguriang "teroristang" extremists--giyera sa Afghanistan, Syria, Palestina-Israel, Ukraine, at kampanya ng NATO laban sa Iran
SAN JUAN 5
ukol sa langis, petroleo, na bukal ng pangunahing enerhiya pa ring gamit sa mga importanteng pabrika ng higanteng korporasyon sa buong mundo.

Sa ngayon, nasa bingit tayo ng giyera laban sa Rusya at Tsina--sintomas lahat ito na patuloy na kompetisyon ng mga paksyon ng kapitalismong global hinggil sa pamilihan ng komoditi, kung saan ipagbibili ang yaring produkto, at kung saan kukuha ng hilaw na materyales sa produksiyon. Sa kontekstong ito, mabilis ang pagbabago ng kagamitan sa produksiyon at pagsasakatuparan sa paghango ng tubo/profit. Ang malaking tubo ngayon ay galing sa upa, sa utang (credit/debt), sa palitan ng salapi at iba pang instrumentong pampinansiyal, na susi ng imperyalismong salot ngayon. Mabilis din ang buhos at agos ng penome- nang kaakibat nito sa anyo ng kultura ng araw-araw na kabuhayan.

Digmaan sa Arena ng Kultura

Samantala, maalingasngas ang usapin ng NSA (National Security Adminis- tration ng U.S.), espiya o surveillance, tortyur, at kagyat na asasinasyon o pag- paslang ng sibilyan sa pamamagitan ng drone, atbp. Talagang tumitingkad ang krisis ng kalikasan, sampu ng paglusaw ng Artika at Antartika. Penomenal ang Yolanda, baha, lindol, bagyo sa Mindanao, at iba pang sintomas ng epekto ng kabihasnang pinaiinog ng exchange-value, salapi, tubo.

Tanda ba ito ng bagong epoka, o pag-uulit lamang ng nauna at walang pro- gresyong pag-inog na kasaysayan?

Walang tigil na pag-uulit ng araw-araw na buhay o pagbabago--alin ang at- ing oryentasyon? Saan tumutungo ang takbo ng panahon, ang gulong ng kasaysayan? Para sa konserbatibong modernista (tulad ni Martin Heidegger), repetisyon ng tradisyon at mito ng lahi ang dulo ng pagpapasiyang umiral sa harap ng takdang kamatayan. Ito ang solusyon sa eksistensiyalistang kilabot. Ang mito ng Volk ay siyang kalutasan sa angst ng tiyak na pagsapit ng itinakdang kamatayan. Nalutas ang indibidwal na kapalaran sa mistipikasyon ng dugo't lupa ng Volk. Ito ang doktrina ng Nazi sa Alemanya noong nakaraang siglo. At ipinag- papatuloy kakatwa ng mga liderato ng Zionista sa Israel laban sa mga Palestino at iba pang rasa sa Gitnang Silangan.

Maraming kategorya rin ng transpormasyong titigil at tuwirang puputol sa repetisyon ng araw-araw na buhay. Para sa radikal na modernista (tulad ni Walter Benjamin), ang kasukdulan ng panahon ay pagputol sa repetisyon--sa opresyon at kahirapan--sa katuparan ng Ngayon, pagpapalaya sa pwersang sinupil o sin- ugpo sa araw-araw upang maligtas ang lahat. Transpormasyong radikal ang kailangan.

Maraming paraan ng liberasyon ng araw-araw na buhay, na makikita sa avant-garde na kilusan ng suryalismo, futurismo, konstruktibismo, situwasyon- ismo, sining konseptuwal, atbp. Kaalinsabay nito ang mga rebolusyonaryong
S AN JUAN 6
proyektong pampulitika ng mga anarkista, sindikalista, at sosyalistang nilagom nina Marx, Lenin, Gramsci, Luxemburg, Mao, Ho Chi Minh, Fidel Castro, Che Gue- varra, Amilcar Cabral at iba pa. Kasalukuyang sinusubok din ang iba't ibang uri ng liberasyong pambansa, o pambansang demokrasya, sa Venezuela, Pilipinas, Hilagang Korea, Mexico (konsultahin ang masinop na pagsasalaysay ng pi- losopiya ng Pangatlong Mundo sa libro ni Enrique Dussel, Ethics of Liberation(Durham & London, 2013).

Karnabal ng Pakikipagsapalaran

Dalawin muli natin ang matinik na temang inilunsad sa umpisa. Anong yug- to ng kasaysayan tayo ngayon? Saang dako ng proseso ng modernidad (hindi modernisasyon) nakahinto ang bansang Pilipinas?

Ang temporalisasyon ng kasaysayan ay pag-uulit ng nakaraang karanasan. Ngunit sino ang sumusukat o tumitimbang sa agos ng panahon at paano ito natatarok na makaluma o makabago? Makatatakas ba tayo sa rutang siklikal na krisis ng kapitalismo o imperyalismo? Makaiiwas ba tayo sa kalamidad sa pagbuo ng ibang hugis o uri ng makabago, ng modernidad, ng kontemporaneo nang hindi pinapalitan ang lohika ng kapitalismo?

Bihag pa rin tayo ng indibidwalistikong pananaw, ng "methodological indi- vidualism" ng burgesyang sosyolohiya at sikolohiya. Suhetibismo't relatibismong kalkulasyon ang resulta. Nakakulong pa rin tayo sa atomistikong pagtingin, ti- walag sa konkretong konteksto ng kasaysayan. Nakatago pa rin ang tunay na kawalan ng katarungan sa alyenasyong namamayani sanhi sa reipikasyon ng ug- nayang panlipunan. Ang ugnayan ng bawat tao ay nilalason o nilalambungan ng petisismo ng komoditi, ang pagsamba sa salapi, tubo, mga produktong mas ma- halaga pa kaysa buhay ng mga taong yumari o lumikha nito.

Ang mga problemang ito ang dapat masinsinang bulatlatin. Dapat mata- mang tugaygayan ang temporalisasyon ng historya at uri ng modernidad sa araw- araw na kabuhayan upang maipaliwanag ang kinabukasan ng bansa sa gitna ng krisis ng kapitalismong global. At upang mapalaya ang nasugpo't nasisikil na en- erhiya ng taumbayan, ang kinabukasan ng diwa't budhi ng bawat nilalang. Susi ito sa problema ng pagkadehado o atrasado ng kabuhayan ng ating bayan.

Maidagdag pa na ang krisis na ito ay di pansamantala lamang kundi per- manente, batay sa mabangis na rasyonalidad ng sistemang kapitalista: ang walang hintong pagbabago ng paraan o mekanismo ng produksiyon, ang walang tigil na pagsulong ng imbensiyon ng mga gamit sa produksiyon, ng teknolohiya, at mga produktong ipinagbibili sa pamilihang pandaigdig. Naidiin ko na: ito ang saligan ng modernidad, ng mabilis na pag-iiba at transpormasyon ng mga bagay- bagay sa kapaligiran, hanggang sa epokang digital at mabilisang komunikasyon. Kalakip nito ang susi ng modernidad at globalisasyong sumisira sa kalikasan at pinagmumulan ng giyera at pagdurusa ng nakararami.
SAN JUAN 7
Alyenasyon at Reipikasyon

Sa lipunang pinatatakbo ng tubo, salapi at komoditi ang namamagitan sa bawat tao. Alyenasyon ang bunga nito. Reipikasyon o pagtiwalag sa maram- daming buhay ang resulta nito. Kontrolado ng komoditi ang lahat, ginawang bagay na walang buhay ang tao, sinipsip ng mga bampira ang dugo ng bawat ni- lalang.

Sapagkat sa ordinaryong karanasan, ang tunay na pagtatagisan ng mga uri at sektor sa lipunan ay nakatago o natatabingan ng petisismo sa komoditi--ang buong mundo ng salapi, negosyo, pagpapalitan ng binili-ipinagbili--sampu ng mistipikasyon ng reyalidad dulot ng relihiyong institusyonal, pyudal na gawi't paniniwala (halimbawa, ang doxa na demokrasya raw ang sistemang pampulitika natin)--katungkulan ng mapagpalayang kritiko/intelektwal pampubliko ang wasakin ang tabing na nagtatago sa katotohanan: ang paghahati ng lipunan sa ilang mayamang nagsasamantala at karamihang aping binubusabos. Ibunyag ang pagtatagisan sa likod ng tinaguriang normalidad ng pagsasamahan o natural na pakikipamuhay araw-araw.

Nasaan tayo ngayon? Ano ang dapat gawin? Sa harap ng mistipikasyon ng komersiyanteng kultura at araw-araw na komodipikasyon ng karanasan, dapat sikapin ng makabayang intelektwal ang pagbubunyag sa katotohanan ng neokolonya, ang patuloy na pagsunod ng oligarkong namumuno sa utos ng USA (sa tulong ng mga kakutsabang elite na kinabibilangan ng oligarkong komprador, burokrata at panginoong maylupang taglay ang pyudal na ugali) at pagpapailalal- im ng kapakanan ng taumbayan sa interes ng tubo ng korporasyong global. Pag- wasak ng mga ilusyon at kababalaghang pumapalamuti sa mandaraya't mapan- linlang na burgesyang orden ang dapat adhikain ng mapagpalayang sensibilidad at mapanuring kamalayan. Lumaban tayo sa ngalan ng prinsipyo ng katarungan, katunayan, at egalitaryong kalayaan.

Sa Wika Nakataya ang Katubusan

Maibalik ko ang usapan sa wika o lengguwaheng sinasalita at isinusulat.
Ang wika ng kumbersasyon, midya, paaralan, kultura, atbp., ay madugong larangan din ng pagtatagisan ng mga uri, ng burgesyang gamit ang Ingles--o baryasyon nito na mga "englishes'-- bilang sandatang ideolohikal sa pagsuhay sa buong sistema ng palsipikadong soberanya at walang hustisyang demokrasya. Sa gusto o ayaw mo, wika ay sandata o kagamitan sa ideolohiyang pagtatagisan ng mga uri. Samakatwid, pinipili ka ng wika upang magpasiya laban sa interes ng iyong kolektibo o upang magsumikap itaguyod ang kapakanan nito.
Paglimiin natin ang nangyayari sa milieu na lunang sosyo-politikal na ating ginagalawan. Araw-araw, sa TV, Internet, pelikula, radyo, at iba pang midya, ang
S AN JUAN 8
wikang ginagamit--na nakakabit sa mga imahen, dramatikong eksena, perfor- mance art, awit, at komplikadong salik ng pelikula-- ang wika ay siyang sangkap na makapangyarihang umuugit ng mensahe na siyang nagtutulak sa ating kumi- los, magsalita't gumanap ng isang tiyak na papel sa lipunan, partikular na ang maging konsumer at masunuring mamamayan. Sa ibang salita, maging isang subalternong alagad ng imperyalismo.

Mapang-akit at mapang-gayuma ang nangingibabaw na kakintalan, ang kagyat na impresyon ng kapaligirin, na nakasaplot sa katotohanan. Nakabubulag ito at nakaliligaw. Upang makaligtas sa alyenasyon at reipikasyong nabanggit ko na, kailangang hubarin ang balat-kayo, ang saplot ng pagkukunwari't panlilinlang ng burgesyang ideolohiya. Kailangang tistisin at buhaghagin ang mga mapang- gayumang idolo ng pamilihan, ng tangahalan, ng midya at iba pang institusyong aparato ng explotasyon at pagsasamantala.

May aral na mahuhugot dito. Kung pesimistiko ang utak, sikaping maging optimistiko ang pagnanais, payo ni Antonio Gramsci. May dahilan kung bakit masigla ang pagnanais bagamat maulap ang kabatiran. Hindi malagim ang lahat ng sulok ng larangan ng kultura. Ang halimbawa ng mga kritikong sumusulat sa PINOY WEEKLY o BULATLAT, mga progresibong midya, at mga kapanalig sa iba pang midya at diskurso ay isang katibayan na ang malikhai't mahusay na artiku- lasyon ng konsepto ng katwiran at katarungan sa wikang umaabot sa nakararam- ing mambabasa--ang wikang sinasalita ng taumbayan--ay siyang mabisang kagamitan sa pagpukaw ng mapanuring kamalayan, ng mapagmalasakit na damdamin.

Kahinugan ng Panahon

Balik-tanawin ang paksang bumabagabag sa mga pampublikong intelihen- siya ngayon.
Sa panahon ng total surveillance, ang konsumerismong modernidad ng neokolonyang Pilipinas ay nagkukubli ng lumalalang problema ng malalim at mabagsik na paghahati ng ilang pangka ng mga mayaman at mayoryang mahi- rap. Huwag nang ibilang pa ang ekolohiyang kalamidad at pagsira sa kalikasan. Ang remitans ng mahigit 12 milyong OFW, na siyang dahilan ng pagpapatuloy ng kapangyarihan ng oligarkong rehimen, sampu ng mga instrumentong ideolohikal (iskwela, militar, korte, burokrasya, simbahan, midya), ay lantad sa panganib ng krisis cyclical ng kapitalismong pampinansiyal.

Pag-isipan ang isang sintomas nito. Maraming Pinoy na humanga sa pe- likulang "Ilo-ilo" na ginawa ng isang taga-Singapore at tinustusan ng gobyernong Singapore, ay walang memorya sa pagbitay kay Flor Contemplacion at kasawian ng maraming kababayan sa Singapore. Sa harap ng napipintong "global melt- down" ng imperyalistang orden, sa matinding kumprontasyon ng mga nagtu- tunggaling mga pwersa (USA, Tsina, Rusya, Europa), pati na ang digmaan laban
S AN JUAN 9
sa terorismong tutol sa paghahari ng USA, Europa, at transnational power-elite, ano ang maaring posisyong dapat piliin ng Filipinong nag-iisip at hangad lumaya? Ano ang situwasyon natin at sirkunstansiyang magtutulak sa ating de- sisyon?
Ibaling natin ang kamalayan sa ngayon. Ang kumbersasyon natin sa pagkakataong ito ay isang paraan upang makatulong sa edukasyon ng nakarara- mi at mobilisasyon sa mga kolektibong proyektong makapagsusulong at maka- pagpapabuti sa sawing kalagayan ng nakararami. Hanggang may nakikinig at handang kumilos salungat sa indibidwalismong naghahari, may pag-asa pa ang ating bayan.

Ang kontradiksiyon ng modernidad ay nagbubunga ng kanyang kalutasan. Sa anahon ng globalisasyon, sa mas mabilis at mabilisang pagbabagu-bago ng lahat ng bagay, sa disyerto ng mall at mga "Global City" na itinatayo sa guho ng mga tahanan ng maralitang taga-lunsod at sa bukid na inagaw sa mga magsasa- ka, kailangan ang mapangahas at subersibong panulat upang tuklasin ang kato- tohanan at itanghal ito sa panunuri't pagkilatis, pagtimbang at pagpapahalaga, ng taumbayan. Mabigat ngunit mapanglikhang pananagutan at katungkulan ito para sa mga nagnanais ng kasarinlan at kalayaan.

Mapanghamong tawag ito na hinihingi ng sitwasyon, isang pagkakataon kung saan ang diskurso ng manunulat, kritiko't guro ay makapagsisilbi sa pagpa- palaya't pag-unlad sa tunay na ugat at bukal ng kanilang imahinasyon, ang sim- pleng araw-araw na buhay ng masang yumayari ng kayamanan ng lipunan, ang proletaryo't magsasaka ng bayang naghihimagsik. -


II.PROYEKTO SA PAGBUO NG KOLEKTIBONG MEMORYA NG NAGKAKAISANG- HANAY
O, BAKIT WALANG PAHINGA ANG PAKIKIBAKA KAHIT NAGAYUMA SA INTERLUDE NG AWIT?
Ilang Pagninilay sa “Bakas” ni E. San Juan, Jr.

Sa puwang ng ilang pahina, hiniling ng patnugot na ipahayag ko ang ars poet- ikang nakatalik sa tulang “Bakas.” Balighong hinuha, ngunit sa tangkang paunlakan,
S AN JUAN 10
sinubok ng makata ang interpretasyong sumusunod na bukas sa anumang pasubali, pagwawasto, at pagpapabulaan.

Pambungad na gabay muna: Huwag kalimutan na nakapaloob sa kolonyalis- mong orden ang lahat ng intelektwal sa ating bayan, mula 1899 hanggang 1946, at sa neokolonyalistang istrukturang saligan ng Estadong nakapailalim sa imperyalismong U.S. Dahil sa kapangyarihan ng pribadong pag-aari (kapitalista, piyudal) at di- makatarungang dibisyon ng trabaho, patuloy ang digmaan ng mga uri’t iba’t ibang sek- tor ng lipunan. Mistipikasyon at obskurantismo ang namayani sa klima ng panahon ng pagkagulang ng makata (1938-1948), at utilitaryanismong neoliberal mula 1949 hang- gang sa ngayon. Samantala, maigting din ang paglago ng mga puwersang sumasalun- gat sa hegemonya ng kapitalismong global.

Walang tabula rasa sa naratibo ng talambuhay. Masasaksihan doon ang suli- ranin ng “Unhappy Consciousness” (Hegel) na diyalektika ng ugnayan ng alipin at panginoon sa islang sinakop. Kolonyalisadong mentalidad ang minana ng makata hanggang magkaroon ng kabatiran sa panahon ng anti-imperyalismong pag-aalsa la- ban sa U.S. interbensiyon sa Vietnam at pagsuporta sa diktaduryang Marcos (1972-1986). Ang katotohanan ng kolonisasyon/neokolonisasyon ng isang subalterno at kung paano maitatakwil ito’t makahuhulagpos sa nakasusukang bangungot ng pang- aapi’t dominasyon—ito ang tema ng “Bakas.” Sa trabaho ng negasyon, sa pamamagi- tan ng gawaing subersyon ng umiiral, bumubukal ang kinabukasan na siyang katubu- san ng nakalipas. Ililigtas din nito ang Rason/Ideyang ipinagtanggol ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang mapalaya ang sambayanang lumilikha ng pagkataong Fil- ipino at kalinangang batayan ng sosyalismong hinaharap.

SAN JUAN 11
Mapa ng Salaysay

Di na dapat sabihin na matatarok lamang ang buod ng karanasan kung pagdu- rugtungin sa banghay ng naratibo ang proseso ng pagsulong at kinahinatnan. Mauu- nawaan sa gayon ang Konsepto (Begriff) ng kolektibong kamalayang nagbabanyuhay. Kaya susubaybayan natin ang detalye ng panahon at lugar na sumasagisag dito. Bawat nilalang ay nakaangkla sa isang espasyong partikular, lunan o pook kung saan nakaluk- lok ang Ideyang Unibersal (“Geist,” bansag ni Hegel; ang kooperatibang humanidad, sa isip ni Marx-Engels). Ngunit walang kabuluhan ito kung hindi nailalakip sa daloy ng kasaysayan.

Naimungkahi ni Henri Lefebvre na ang produksiyon ng espasyo ay isang usaping kaugnay ng buhay o kamatayan para sa bawat lahi. Naisusog niya na walang makaiilag sa “trial by space—an ordeal which is the modern world’s answer to the judgment of God or the classical conception of fate” (The Production of Space, 1991, p. 416). Ad- hikain ng tula ang himaymayin ang ideolohiyang minana sa kolonisadong kultura ng Commonwealth at neokolonyang Republika sa paraan ng paghahalo’t pag-uugnay ng iba’t ibang kontradiksiyon ng karanasan, paghahalintulad ng pira-pirasong yagit ng guni- ta, alanganin, pagsisisi, panimdim, pangarap, pagkabigo, mapangahas na pagsabak sa daluyong ng pakikipagsapalaran. Makikilatis ang tunguhin ng bawat tagpo sa tula: ang balak na lumikha ng identidad mula sa metapisikal na indibidwalistikong ego tungo sa isang konsepto ng budhi ng pagkatao. Sa kabilang dako, layon din na makalinang ng isang diwa o matris ng kolektibong ahensiya ng uring gumagawa o yumayari—sa ibang salita, ang ahensiyang istorikal ng mga manggagawa’t pesante, ang bayang pumipiglas
S AN JUAN 12
sa kadena ng imperyalismo’t burokratang kapitalismong namamayani hanggang ngay- on. Ito ang protagonistang uugit sa transpormasyong radikal ng bansa.

Sinikap dito na isatinig ang kolektibong memorya sa pagbabay sa mga kon- tradiksiyong masisinag sa karanasan ng makata. Kailangang ilugar ang nangungusap na aktor sa isang takdang yugto ng kasaysayan. Kung walang katawan, walang mararamdamang pangyayari, walang bisa’t katuturan ang pontensiyal ng kaluluwa— ang birtud ng inkarnasyon. Sino ang bumulong ng balitang isisilang na ang Mesiyas? Kinakasangkapan ng sining ang ilusyon ng anyo o hitsurang nadarama upang maibun- yag ang katotohanan, ang sintesis ng sangkap at kaakibat na totalidad. Sa gayon, hindi matatakasan ang araw-araw na pakikihamok, tuwa’t daing ng mga katawang magkaba- likat. Bawat pulso ng wika’y siya ring pulso ng body politic, ang komunidad na kinabibi- langan ng makata. Artikulasyon ng katutubong wika (hindi Ingles) ang mabisa’t mabun- gang medyasyon ng bahagi at kabuuan.
Mobilisasyon ng Pagnanasa
Nasaan tayo ngayon? Patungo saan? Balitang nakatambad sa Internet: Martial law sa Mindanao, patayan sa Marawi City ngayon, mistulang katuparan ng binhing naipunla noong dekada 1972-1986 kung saan namulat ang makata sa realidad. Paano maipangangatwiran ang sining/panitikan sa gitna ng gulo’t ligalig, malagim at nakasisin- dak na paghahari ng terorismong gawad ng imperyalistang globalisasyon? Paano maikikintal sa konsiyensiya ng lahi ang balangkas ng buhay na nakagapos sa anomie at alyenasyong naibunsod ng komodipikasyon ng bawat bagay—panggagahis o pag-
SAN JUAN 13
bebenta sa karanasan, pag-ibig, seks, panaginip? Lahat ay nalusaw sa fantasmagorya ng salapi at bilihing lumamon sa dugo’t espiritu ng bawat tao. Saan ang lunas sa malubhang salot na nagbuhat pa sa pagsakop ng Estados Unidos nang mabuwag ang proyekto ng himagsikan ng 1896 at nalubog tayo sa barbarismong laganap ngayon? Nabalaho ang kasaysayan natin sa gayuma ng komoditi/bilihin, sa diskursong burgis ng pamilihan/salapi at indibidwalistikong pagpapayaman.

Ituring na alegorya ang imahen, tayutay o talinghagang ikinabit dito sa ilang pook ng MetroManila kung saan nagkaroon ng kamalayang sosyal ang makata. Isinilang bago pumutok ang WW2, nasagap pa ang huling bugso ng nasyonalismo ng Philippine Commonwealth (Avenida Rizal). Nagbinata noong panahon ng Cold War, panahon ng Korean War at pagsugpo sa Huk rebelyon—rehimen nina Quirino, Magsaysay at Carlos Garcia (Montalban, Rizal). Tinalunton ang landas tungo sa pagpasok sa Jose Abad Santos High School noong nakatira sa Balintawak; at sa paglipat sa Craig, Sampaloc, nasabit sa mga anarkistang pulutong sa Unibersidad ng Pilipinas.

Di sinasadya itong makitid na ruta ng uring petiburgis. Paniwala ito ng aktor/ suheto ng pansaliring pagnanais. Natambad sa positibismong pilosopiya nina Dr. Ricar- do Pascual at mga kapanalig—sina Cesar Majul at Armando Bonifacio—at nakisangkot ang awtor sa kampanya nina Recto-Tanada noong dekada 1954-58. Nakilahok din sa praxis ng diskursong sekular laban sa panghihimasok ng ilang reaksyonaryong kleriko sa akademya. Nakakawing sa mga pook na naitala ang ilang pangyayaring nagsilbing konteksto sa paghubog ng diwang mapagpalaya’t makabayan, diwang tumututol sa umiiral na ordeng puspos ng pagsasamantala’t korapsiyon, ng walang tigil na tung-
SAN JUAN 14
galian ng uri, kaalinsabay sa pagsigla ng pambansang pagsisikap makalaya’t makamit ang tunay na kasarinlan at pambansang demokrasya.
Salungat sa pormalistikong estetikong iginigiit ng akademikong institusyon ang buhay ng makatang tinalunton dito. Litaw na nagbago ang kamalayan sa pamamagitan ng ugnayan ng praktika at teorya, hindi lang pragmatikong pakikilahok at pakikiramay. Maraming balakid, natural, ang ruta ng gitnang klase sa lipunan. Tubo sa petiburgesyang uri—guro sa haiskul at pamantasan ang mga magulang, na naging ka- mag-aral nina Loreto Paras-Sulit at henerasyon nina Jose Garcia Villa at Salvador P. Lppez—naging huwaran ang mga intelektuwal sa milyu ng Komonwelt. Unang pumukaw sa imahinasyon sng mga pelikulang Hollywood, mga huntahahan ng tiyo’t tiya sa Blumentritt, ang mga kuwento ng kaiskuwela sa Jose Abad Santos High School sa Meisic, Reina Regente, na ngayo’y higanteng mall sa Binondo. Nagpasigla rin si Manuel Viray, tanyag na kritiko, at naglaon sina Franz Arcellana, Rony Diaz, Ernie Man- alo, Pete Daroy, Gerardo Acay, Carlos Platon, Ruben Garcia, atbp. Huwag nang bang- gitin ang palasintahing pagpaparaos ng panahon na pwedeng suriin sa isang nobelang education sentimental—tila kalabisan na ito, mangyari pa.
Naligaw na Mapa ng Paglalagalag
Bagamat kabilang sa mga petiburgesyang etsa-puwera, hindi biglang naging maka-kaliwa ang awtor—matinding impluwensiya sa simula ang Existentialismong naisadula nina Sartre, Camus, Marcel, Nietzsche, Kierkegaard. Ginagad sina Villa, T.S. Eliot, Wynhdam Lewis (tingnan ang “Man is a Political Animal” at iba pang detalye sa Kritika Kultura #26 ) at mga awtor na tinangkilik ng mga kaibigang kalaro sa bilyaran at
SAN JUAN 15
kainuman sa Soler, Sta. Cruz, Quiapo at Balara. Tanda ko na laging bitbit ko noong kat- ulong ako sa Collegian ang libro ni Sartre, What is Literature? Hihintayin pa ang dekada 1965-1975 bago mapag-aralan sina Mao, Lenin, Lukacs, Marx, Engels, Gramsci, atbp. Nauna si Mao noong huling dako ng dekada 1960, at sumunod si Georg Lukacs sa an- tolohiya kong Marxism and Human Liberation (1972). Mapapansin ang indibiduwalis- tikong himig ng tula, na hango kina T.S. Eliot, Ezra Pound, at W.B. Yeats, mga ma- nunulat na naging ulirang padron noong aktibo sa UP Writers Club at sa krusadang anti- obskurantismong pinamunuan nina Pascual, Alfredo Lagmay, Augstin Rodolfo, Leopol- do Yabes, Elmer Ordonez, at iba pang guro sa pamantasan. Nakaimpluwensiya ang mga sallita’t kilos ng mga iskolar-ng-bayan, at naging tulay ang tradisyong humanis- tikong iyon sa pakikipagtulungan ko kina Amado V. Hernandez at Alejandro Abadilla noong mga dekada 1960-1967. Hindi dapat kaligtaan ang pakikisama ng awtor kina Ben Medina Jr., Rogelio Mangahas, Ave Perez Jacob, Efren Abueg, at ibang kapanalig sa kilusang makabayan.

Bakit panitik o sining ang napiling instrumento upang maisatinig ang mailap na katuturan/kahulugan ng buhay? Anong saysay ng tula sa harap ng mabilis na trans- pormasyon ng lipunan—ang pag-unlad nito o pagbulusok sa lusak ng barbarismo ni Duterte at oligarkong kasabwat? Noon, masasambit bigla ang pormularyo ng Talks at the Yenan Forum ni Mao. Sapantaha kong nakausad na tayo mula sa dogmatikong gawi. Sukat nang sipiin ang bigkas ni Amado Hernandez sa panayam niya tungkol sa sitwasyon ng mga manunulat noong 1968: “Ang kanilang mga katha ay hindi na bun- gangtulog kundi mga katotohanang nadarama, kaugnay at kasangkot sa mga pakikiba- ka ng lipunan at taongbayan at ng pagbabalikwas ng uring dukha laban sa inhustisya
SAN JUAN 16
sosyal ng mga manghuhuthot at mapanlagom” (Panata sa Kalayaan ni Ka Amado, ed. Andres Cristobal Cruz, 1970).

Salungguhitan ang Sangandaan

Nasa kalagitnaan na tayo ng pagtawid sa ibayong pampang, bagamat naudlot ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDFP). . Inaasahan kong naisaulo na natin ang prinsipyo ng materyalismong istorikal: ang konkretong analisis ng masalimuot na paglalangkap ng sari-saring dimensiyon ng anumang krisis sa kasaysayan. Umpisahan natin ang mapanuring pagtalakay ng kasaysayan sa metodong Marksista: malawak ang imbak na posibilidad ng sam- bayanan, ngunit ito’y binhi pa lamang ng kinabukasang nahihimbing sa pusod ng kasalukuyan (ayon kay Ernst Bloch). Gayunpaman, hindi natin mahuhulaaan ang tiyak na oras o sandali ng kagyat na pagsalimbay at pagdagit ng anghel ng Katubusan.

Ito ang dahilan sa pagdiin ng makata sa kontradiksiyon ng di-maiiwasang pan- gangailan at libertad, ang larangan ng contingency at ng nesesidad. Naitanghal na ito ng mga suryalistikong artista at nina Pablo Neruda, Bertolt Brecht, Lu Hsun, Aime Ce- saire, atbp. At naipaliwanag din ito sa pilosopiya nii C.S. Peirce (ang polarisasyon ng tadhana at aksidente; tychism, synechism). Sa paglagom, ang kalayaan ay nagmumula sa pagkabatid sa batas ng kalikasan (tendensiya, hindi istriktong batas, batay sa galaw o kilos ng produktibong lakas ng komunidad).

Sa masinop na imbestigasyon, masisilip din ito sa Tao Te Ching, o sa akda nina Clausewitz at Sun Tzu hinggil sa arte ng digmaan. Kaugnay nito, pag-isipan din natin ang turo na ang sining ay hindi tuwirang salamin ng realidad kundi simbolikong praktika.
SAN JUAN 17
Sa pamamagitan ng retorika, talinghaga, sagisag, binibigyan ng solusyong ideolohikal o pang-imahinasyon ang kongkretong kontradiksiyong pulitikal-sosyal sa lipunan. Tungku- lun ng manapanuring aktibista ang pagsiyasat at pagsaliksik sa subtexto na mga kon- tradiksiyong pinoproblema sa karaniwang buhay ng madla sa lipunan.

Pahimakas sa Patnubay ng mga Bathala

Sa larangan ng malikhaing panulat, desideratum sa makata ang paghabi ng makabagong artikulasyon sa loob ng parametro ng sistemang lingguwistika, at sa musikero ang pagyari ng baryasyon sa tema sa loob ng kumbensyonal na kuwadrong sonata o fugue, halimbawa. Lumisan na ang Musang maipagbubunyi. Naiwan na lamang ang gumuhong labi ng malungkuting alingawngaw ni Maria Makiling sa Pinag- buhayan ng bundok Banahaw. Marahil, bukas, makikipag-ulayaw tayo sa mga Pulang Mandirigmang nagdiriwang sa liberated zone ng Sierra Madre.

Balik-aralin ang proposisyon ni Sartre: Kanino mananagot ang manunulat? O sa pagtatasa ni Brecht: dapat bang mang-aliw o magturo ang manunulat? Maari bang pag- isahin ang naihiwalay sa aksyomang klasikong dulce et decorum, ang responsibilidad na magpataas ng kamalayan habang nagliliwaliw at nagsasaya? Maibabalik ba ang gin- tong panahon nina Balagtas at Lope K. Santos?

Sa panahon ng kapitalismong neoliberal, at madugong militarisasyon ng bansa (sa ironikal na taguring Oplan Pangkapayapaan), paano maisasakatuparan ang pagba- balikwas sa lumang rehimen at pagtatag ng makatarungang orden? Paano mapupukaw ang manhid na sensibilidad ng gitnang-uri na nabulok na sa walang-habas na ko- modipikasyon? Hindi na matutularan ang huwarang kontra-modernismo ng makatang Charles Baudelaire, halimbawa, na nagsiwalat ng kabulukan ng burgesyang lipunan noong ika-1800 siglo (ayon kay Walter Benjamin,The Writer of Modern Life, 2006).

Ano ang dapat gawin? Malayo na tayo sa milyung inilarawan ni Ka Amado noong 1968. Sa ngayon, ang katungkulan ng mandirigmang makata (mithiin ng awtor ng “Bakas”) ay makisangkot sa pagbuo ng hegemonya ng proletaryo’t magbubukid bilang organikong intelektuwal ng nagkakaisang-hanay (tagubilin ni Gramsci) sa panahon ng imperyalismong sumasagka sa pagtatamasa ng kasarinlan at kaunlaran ng bansa. Huwag kalimutan ang Balanggiga? Oo, subalit huwag ding kalimutan ang Maliwalu, Es- calante, Mendiola, Marawi! Itampok ang bumabangong kapangyarihan ng sambayanan! Sa halip na mag-fokus sa egotistikang talambuhay, ibaling ang isip sa mabalasik na bugso’t pilantik ng kolektibong gunita na mauulinigan sa musika ng “Bakas.” Sukat na itong magsilbing pahimakas sa kabanatang ito ng paglalakbay ng manlilikha sa mapan- ganib na pakikisalamuha (hindi pakikipagkapwa) sa digmaang-bayang rumaragasa’t patuloy na gumigimbal at bumabalantok sa buhay ng bawat nilalang sa milenyong ito. —##

__________________________________________=======================================
TUNGKOL SA AWTOR


           Kilalang kritiko at manlilikha sa larangang internasyonal, si E. SAN JUAN, Jr. ay emeritus professor of English, Comparative Literature, and Ethnic Studies, University of Connecticut & Washington State University. Siya’y awtor ng maraming libro, kabilang na ang Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo University Press), Kontra-Modernidad (University of the Philippines Press), Tinik sa Kaluluwa; Rizal In Our Time (Anvil Publishing), Bakas Alingawngaw (Ateneo University Press), Salud Algabre (University of San Agustin Publishing House), at Ulikba at mga bagong tula; at Learning from the Filipino Diaspora (U.S.T. Publishing House).

Inilathala ng Lambert Academic Publishing Co., Saarbrucken, Germany, ang kaniyang Critical Interventions: From Joyce and Ibsen to Peirce and Kingston, kasunod ng In the Wake of Terror (Lexington), US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave), at Carlos Bulosan: Revolutionary Filipino Writer in the U.S. (Peter Lang). 

Ilulunsad ng U.S.T. Press sa taong ito ang bagong libro niya: Faustino Aguilar: Kapangyarihan, Kamalayan, Kasaysayan, Isang Metakomentary sa mga Nobela ni F. Aguilar--pinakaunang libro ng makabagong panunuri sa mga akda ng isang rebolusyonaryong  tagapagtatag ng panitikang Filipino.

          Naglingkod siya bilang Fulbright professor of American Studies sa Katholieke Universiteit Leuven, Belgium; Fellow, Center for the Humanities, Wesleyan University; visiting professor of literature sa National Tsing Hua University, Hsinchu, Taiwan. Kamakailan, siya ay naging Residential Fellow ng Rockefeller Foundation Study & Conference Center sa Bellagio, Italya, at Fellow sa W.E.B. Institute, Harvard University.  Siya ay kasalukuyang director ng Philippines Cultural Studies Center sa Washington, DC, USA, at katulong na patnugot ng maraming dyornal tulad ng  Cultural Logic, Kultura Kritika, Unitas, at iba pa.  Kasapi siya sa  American Civil Liberties Union, Democratic Socialists of America, at Modern Language Association of America. Kamakailan, naging chair professor of Cultural Studies, Polytechnic University of the Philippines, at visiting professor of English, University of the Philippines.






No comments:

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...