BINALUKTOT NA TRAPIK SA "DAANG MATUWID" DI MALULUSUTAN NG BUKTOT NA REHIMEN
Kailan lamang sapilitan tayong na-detour
Ng walang-hiyang Yolandang ibinunyag ang bulok
Na pamamalakad ng gobyernong buktot
Nalubog sa putik ng kasinungali't korapsyon
Pabalik mula sa Tacloban ng mga Romualdez
Naligaw tayo ng patayan sa Mamasapano, sinilip
Kung saan idinuro ni Marwan si P'Noy nasipit
Utos ng Kanong sa pandarambong di mailigpit
Di naharang nina Jennifer Laude't Veloso, biktima
Ng patuloy na alipin ng dayuhang kapital
Liku-likong landas ang tinahak ng berdugong Palparan
Tinutugis ng multo nina Burgos Empeno't Cadapan
Hirap ituwid ang liku-likong daan nina Marcos & Macapagal
Vigilante ni Cory Mendiola't masaker sa Ampatuan
Daang madugo'y lumawig mula Bukidnon hanggang
Surigao del Sur ng Magahat-Bagani ng AFP, ng Alamar
Di maituwid ang tusong landas nina Monsod at Coloma
Sisihin man ang NPA o Abu Sayyaf at libu-libong Lumad
Dagdag na ang 280 biktima ng rehimeng P'noy, huwag kalimutan
Ang pinaslang sa Hacienda Luisita--Ay naku, matinik na landas
Ang tatahakin ng U.S. imperyalismong sa krisis nahulog
Habang tumatawid sa lupain ng Moro't Lumad, sinakop
Ng korporasyong kasabwat ng mga oligarko't trapong
Yumaman sa pagnanakaw--
saan ang hustisyang pangako?
Kung walang katuwiran sa "daang" binaluktot, imbi't taksil
Ang hagkis na dahas ng gobyernong suwail
Sa masang tuwirang bumabanat, naghihimagsik
Upang tuwiring makamit kararinlang minimithi. -##
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO
kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
AMADO V. HERNANDEZ : AN INTRODUCTION By E. SAN JUAN, Jr. By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable ...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment