AANHIN PA ANG DAMO NG GRASYA KUNG....?
ni E. SAN JUAN, Jr.
Napasaglit kami sa Cova da Iria, Fatima, Portugal,
bahagi ng isang turistang grupo, nang mabalitaan namin
ang kabuktutang nangyari sa Lacub, Abra, Setyembre 4-6, 2014.
Diumano'y nagpakita ang Birhen sa tatlong pulubing pastol
noong 13 Mayo 1917, kalagitnaan ng madugong digmaan
sa Europa noon. Inatasan silang magdasal...
Ngayon ang Fatima ay dambanang alay sa kapayapaan, sa kapatiran
ng sangkatauhan....
Naitanong ko sa puntod ng mga pastol sa basilica:
Kapayapaan at kapatiran sa Lacub, Abra?
Tinortyur at pinatay si Engineer Fidela Salvador, dalubhasang imbestigador ng Cordillera Disaster Response and Development Services. Dinurog ng mga sundalo ang kanyang bungo't katawan.
Tinortyur at nilapastangan si Recca Noelle Monte, pulang mandirigma, ninakaw pati utak ng katawang niluray, butong pinagbali-bali....
Nilapastangan din sina Arnold Jaramillo, Noel Viste, at ilan pang biktima ng 41 Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ng AFP.
Paano kaya maipagdadasal sa Birhen ng Rosaryo ang kasuklam-suklam na kabangisang iniasal ng gobyerno?
Magdasal upang matapos ang kalupitan?
Sa halip magdasal, nag-piket ang pamilya't kamag-anak ng mga nasawi sa harap ng AFP headquarters sa Camp Aguinaldo.
Baka sakaling mapansin sila ng Birhen, anong malay natin kung dumaramay tayo sa mga biktimang tulad nina Jennifer Laude, Rosario Baluyut, Gregan Cardeno, atbp.
Baka maging turistang himpilan ng Pasyon ang Lacub, Abra....
###
Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment