Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Sunday, December 12, 2010
MITSA
MITSA NG PARIKALANG UMUKLOS SA BITUKA
ni E. San Juan. Jr.
Nakaupo ka sa silong ng kawayan, kumakalabit sa gitara,
awit mo’y nanaginip kang ikaw ay isang paruparo
sumasalimbay sa hangin hanggang—saglit lang—namangha
di mawari kung ikaw ay paruparong nanaginip ng dalagang umaawit….
Walang galaw, ang puso ko’y nakadapo sa buhok mo’t di mapigtal….
Bakit kailangan ko pang managinip na ako’y paruparo o paraluman?
Bakit maghahangad pa ng ibang kapalit sa katiwasayang dinaranas?
Palagay ko’y walang nakamasid sa iyong anyong hinagkan ng karimlan
maliban sa buwang tumatanglaw mula sa sanga ng kawayan….
Sa gabing tag-lagas, akoy naglamay upang masulyapan ka muli….
Nanunubok sa ilalim na bitwing nakasalabid sa dahon ng kawayan.
Sa hungkag na burol, lumagpak ang kung anong bungang sukdulang hinog.
Gising ba o nagtutulug-tulogan? Hiblang lumipad? o lagas na talulot?
Nakakubli, sandaling tumigil, nakatitig sa anino ng mundong naglalaho….
Paruparo ka ba o guni-guni? Pumupungas-pungas, nangangalumata—
Inaku! mistulang bingi, pipi, bulag itong kaluluwang namalikmata
Nakaupo sa lilim ng balag, kinakapa ang gitarang nalikha sa kawalan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment