Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Monday, March 23, 2009
NICOLE STRIKES BACK FROM INSIDE "THE BELLY OF THE BEAST"
PAHIWATIG MULA SA 'BELLY OF THE BEAST" NI MS. NICOLASA ALIAS "NICOLE": "THIS BODY MY PROPERTY"
[Mensahe para sa mga Kababaihang Nakiramay at Nagmalasakit]
"Yankee go home, but take me with you"
--Sign on a placard during the anti-bases demo in 1991 in Subic Bay, Philippines
Tinuligsa ako't tinusok ng madla
Tinuhog akong parang baboy
Ay, Inay ko, walang-hiya raw ako
Tinumbok at tinadyakan tinigpas hinalay inupakan
Nilait minura dinuraan Wala raw akong puri o hiya
Anong alam nila?
Tuloy-tuluyan tagus-tagusan sa 'king katawan
Sagad-butong gahasa't alipusta
Lahat pinakialaman
Labis pa sa lamuyot lamusak kubabaw ni Daniel Smith
Malayo na ako ngayon sa mura't tungayawan
Malayo na sa Zamboanga at Subic Bay
Inagaw binawi ko na ang kaluluwa ko sa dahas at titig ng madla
Inangkin ko muli ang pag-aari ko ang pagkatao ko
Wala silang pakialam
Sumpa ko sa 'yo-- Pangako ko sa 'ting pagsasamahan--
Akong mananagot sa kasarinlan ng kasarian:
"This body my property... Keep off!
Walang VFA dito, salamat, Diyos ko, malaya na ako
Sa hustisya ng Inang Bayang nakapailalim pa rin ...."
Kailangang bumangon na, Darlin'....
--E. SAN JUAN, Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY
SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...
-
PAGSUBO K SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS by E. SAN JUAN, Jr. Dahil sa ma...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment