Others have given their lives, without doubt or heed...Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, 'Tis ever the same, to serve our home and country's need. -- JOSE RIZAL, "My Last Farewell" // Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib... -- FRANCISCO BALAGTAS, "Florante at Laura" //
Friday, April 06, 2007
TAGUMPAY NG BAYAN SA PANAHON NG LAGIM
TAG-SIBOL SA DEN HAAG, NEDERLAND, 25 Marso 2007
(Para kay Carol Pagaduan-Araullo)
Mula sa bubong ng simbahang Christus Triumfator sumungaw ang araw
at sa Pax Christi sumikat
ang balintataw ng hatol:
"Guilty!" ang rehimeng U.S.-Arroyo--deklara ng Permanent People's Tribunal--
Mainit na ang hipo ng amihan sa iyong pisngi, Alegria....
Nagtatangka nang bumuka ang buko ng mga bulaklak
sa pintuan ng Hotel Van Der Valk de Bijhorst
Subalit sina Ka Beltran, ang maraming kasama sa Tagaytay at Muntinlupa ay
nakabilanggo pa rin
Patuloy pa rin ang pamamaslang at pambubusabos
Patuloy pa rin, sa kabila ng pagtutol, ang paglaganap ng dilim
Dito sa maaliwalas na lansangan ng Den Haag, walang dagundong
ng motorsiklo, walang mga taong naka-bonet
Walang baril na nakaumang sa pagitan ng mga hita ng dafodil
Ngunit bakit hindi panatag ang loob mo, Alegria?
Tumatagos sa buhok mo ang silahis, tumatalab sa pilat ng sugat sa ulo mong inupakan
at binasbasan ng teroristang Estado
Habang pinapakiramdaman ang gumigising at gumagapang na risoma ng tulip
sa matris ng lupa
Unti-unting bumabangon mula sa panaginip
unti-unting bumubuka
At sa banaag ng pagdamay
masilayan ang iyong ngiti--
Binabaklas ang tanikala ng bukang-liwayway ng iyong mga labi--
Panahon na ng Christus Triumfator: bayang lumalaban!
--ni E. SAN JUAN, Jr.
[Amsterdam, Nederland, 26 Marso 2007]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO
kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...
-
KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpu...
-
AMADO V. HERNANDEZ : AN INTRODUCTION By E. SAN JUAN, Jr. By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable ...
-
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima...
No comments:
Post a Comment