Thursday, October 01, 2015


BANGKULONG TRAPIK SA "DAANG MATUWID"
ni E. San Juan, Jr.



Kailan lamang sapilitan tayong na-detour
Ng walang-hiyang Yolandang ibinunyag ang bulok
Na pamamalakad ng gobyernong buktot
Nalubog sa putik ng kasinungali't korapsyon

Pabalik mula sa Tacloban ng mga Romualdez
Naligaw tayo ng patayan sa Mamasapano, sinilip
Kung saan idinuro ni Marwan si P'Noy nasipit
Utos ng Kanong sa pandarambong di mailigpit

Di naharang nina Jennifer Laude't Veloso, biktima
Ng patuloy na neokolonya't alipin ng dayuhang kapital
Liku-likong landas ang tinahak ng berdugong Palparan
Tinutugis ng multo nina Burgos Empeno't Cadapan

Hirap ituwid ang liku-likong daan nina Marcos & Macapagal
Vigilante ni Cory mula Mendiola't masaker sa Ampatuan
Daang madugo'y lumawig mula Davao Bukidnon hanggang
Surigao del Sur ng Magahat-Bagani ng AFP, ng Alamar

Di maituwid ang tusong landas nina Monsod at Coloma
Sisihin man ang NPA o Abu Sayyaf at libu-libong Lumad
Dagdag na ang 280 biktima ng rehimeng P'noy, huwag kalimutan
Ang pinaslang sa Hacienda Luisita--Ay naku, matinik na landas

Ang tatahakin ng U.S. imperyalismong  sa krisis nahulog
Habang tumatawid sa lupain ng Moro't Lumad, sinakop
Ng korporasyong kasabwat ng mga oligarko't trapong
Yumaman sa pagnanakaw--paano na ang hustisyang pangako?

Kung walang katuwiran sa "daang" binaluktot, imbi't taksil
Ang hagkis na dahas ng gobyernong suwail
Sa masang tuwirang bumabanat, naghihimagsik
Upang tuwiring makamit kalayaa't kararinlang minimithi.  -##




APOLINARIO MABINI: SA PAGITAN NG DALAWANG IMPERYO

kritike 18, 1 (2024)--UST E-JOURNAL Sa Pagitan ng Dalawang Imperyo: Pilosopiya at Politika sa Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mab...