Wednesday, July 08, 2009

TOWARD FILIPINO SELF-DETERMINATION --State University of New York Press


RELEASED THIS AUGUST 2009 BY STATE UNIVERSITY OF NEW YORK PRESS--

E. SAN JUAN's TOWARD FILIPINO SELF-DETERMINATION

Friday, July 03, 2009

Alay kay Susan Fernandez--ni E. San Juan, Jr.



IPINAABOT KO SA IYO BAGAMAT TUMIKOM NA ANG LABI
[In Memoriam: Susan Fernandez]


Kabubukas lamang ng pinto’t unti-unting sumisilip ang silahis
sa disyerto ng diktadurya….

Umawit ka sa paglunsad ng
Subversions of Desire Tagsibol 1988 “Salamat, Susan”
mula sa bunganga ng karimlan

Disyembre 2008: Walang imik sa sulok ng ingay nakatutulig na dakdakan sa Ateneo U--
“Kamusta ka?” “Magaling na ako…”

Hinasang tinig mula sa batis ng lalamunan
bumabasag sa katahimikan ng mga alipin
Awit na tumatagos sa pader ng bilangguan bartolina ng pulis at militar

Naulinigan mula sa rehas ng durungawang nakapinid

Taingang sinarado ng musika nina Elvis Michael Jackson Mariah Carey U-2 tatak-USA

Bagamat nakalulusot sa mga siwang
Sumusungaw sa lamat at gatla
Nakapupukaw ang bigkas salita pangungusap sa binusalang ulirat

Bumibiyak ang bulong mo sa ngipin ng Estadong marahas
“Sige, magkita tayo sa papasok na taon….”
Indayog ng ngiti mo sa hagdan, paalam na namutawi sa bibig
habang dinig ang hibik hikbi
tili taghoy sigaw

Ngayon bumabalong sumasapaw Alingawngaw ng awit mo’y pulburang sumasabog

humihiging tinig

Labing di maitikom hanggang wala sina
Sherlyn Karen Luisa Jonas
mga biktima ng diktaduryang bumubulahaw sa Malakanyang

Umaawit sa puso ng kasamang kapiling mo—hindi luha kundi

hiyaw ng paghihimagsik

--E. SAN JUAN, Jr.

APOLINARIO MABINI--PAGPUPUGAY

SAN JUAN: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong UNITAS 52 APOLINARIO MABINI: Ang Mapagpalayang Praxis ng Rebolusyonaryong Sambayanan ...